CHAPTER SIXTY-SIX Sinara niya ang pinto ng kanyang Ina saka ay iniwan ito. Pabalik-balik siya sa paglakad sa harap ng pinto ng binata. Nagdadalawang isip kung pipihitin ba ang doorknob nito. Pero hindi niya alam kung bakit tinatamaan siya ng hiya. Hindi niya nga alam kung ba't pa nagagawa ng kanyang katawan na mahiya dito samantalang kung anu-ano na ang kanilang nagawa. Pero kung hindi siya papasok. Anong mangyayari sa kanya? Saan siya matutulog? Sa sofa? No! No, freakin' hell! Nasa loob lang naman ng kwarto nito ang mga gamit niya. Isa pa, bago siya matulog ay naliligo muna siya at may kung anong ginagawa sa kanyang mukha para mapanatiling makinis at glowy ang kanyang balat. Jeez. Sana pala ay hindi na lang nalaman nila Mom ang tungkol sa relasyom nila ni Noah. Nang sa gayon ay ma

