CHAPTER SIXTY-FIVE HINDI makapaniwala si Beatrice sa nakita nong siya ay makapasok sa kanyang kwarto. Sobrang linis na kase nito. Sa sobrang linis ng silid ay ni-isa sa kanyang mga gamit ay hindi niya na mahagilap. "Mom?" Tawag niya rito. Nong hindi nito marinignang kanyang tawag ay pinuntahan niya na ito sa kwarto nito na nasa unahang gawi bago ang kanyang kwarto. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago binuksan ang pinto nito. "Mom?" Nakaupo ito sa higaan at may mga binabasang papel. Mabilis din nitong naitago ang mga papel na iyon sa clearbook nito at tinanggal ang suot-suot nitong salamin. "Bakit, anak?" Tingin nito sa kanyang gawi. Hindi niya alam kung tama ba ang kanyang iniisip. Base sa galaw nito kanina ay natataranta ito habang tinatago ang mga papel na hawak-hawak nong bi

