CHAPTER ONE

1041 Words
CHAPTER ONE LUMALALIM na ang gabi at tila bang siya na lang ang nag-iisa sa loob ng opisina. Hindi siya puwedeng umuwi hangga't hindi pa natatapos ang lahat ng kanyang trabaho. Not until . . . Beatrice was disturbed by the filling of the papers when her cellphone sounded. Tumatawag lang naman ang kanyang ina. Ano pa ba ang kanyang magagawa? Halos buong linggo niya itong hindi kinakausap. Hindi naman puwedeng habang buhay ay iiwasan niya na lang ito. Marahas siyang bumuga ng hangin pagkatapos ay sinagot ang tawag nito. "Why?" Panimula niya. "Oh, come on Beatrice, can you greet your mother first?" Inis na tugon ng kaniyang ina na nasa kabilang linya. She rolled her eyes. Para bang hindi siya nito kilala, e, ganito siya umasta sa kahit na sino. Agad siyang nagpatalo para hindi na humaba pa ang kanilang usapan. "Fine . . . Hello," aniya, tila ba'y diniinan niya pa ang huli niyang sinabi. "Isang linggo na akong tumatawag sa'yo at laging sinasabi ng secretary mo na nasa loob ka lang ng conference room. Business? Meeting? Urgent meeting? Imposible namang bawat tawag ko, e, lagi kang nasa gitna ng meeting, kahit alas-dyes na ng gabi? Sabihin mo nga sa akin, iniiwasan mo ba ako, anak?" "N-No, Mom," pagsisinungaling niya. "Why would I do that? Busy lang ako this past few weeks, okay?" "Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa'yo, Beatrice," bumuga ito ng hangin. "Nasabi na ba ng secretary mo na umuwi ako ng Pilipinas para mag bakasyon? Ang tagal na rin mula nong umuwi ako." Bakasyon? E, halos buong taon nga itong nasa Pilipinas kumpara sa Canada. "Yes, Mom, she already did. Then why are you calling me?" Tanong niya rito habang pinapilantik ang kamay nito sa hangin. "Puwede bang—" Jeez. Sa boses pa lang ng kanyang ina, alam na alam ni Beatrice ang sasabihin nito—na isasama lang naman siya sa bakasyon at ipapakilala sa kung sinu-sinong lalake dyan sa tabi-tabi. Inikot niya ang kanyang mata sa hangin. Wala siyang panahong mag relax dahil sa tambak-tambak niyang trabaho. Siya lang naman ang nagmamay-ari ng hotel. At ang hotel na pagma-may-ari niya ay kilala lang naman sa Canada. It means, blockbuster ito! Kailangan niyang ihanda lahat dahil sa renovation na nakaplano ngayong taon. "Mom you know what? I'm busy. So I can't—" "Iyon na nga, e, you're always busy. D-Dahil dyan sa hotel mo. Ni hindi mo na iniisip ang pagpapahinga. And lastly, ang pag-aasawa," putol nito. Lumaki ang kaniyang mata nang marinig na naman ang 'pag aasawa'. Here we go again. Bakit ba hindi matanggap ni Mom na hindi niya kailangan ng asawa? Kaya niyang tumayo sa sariling paa without a man on her side! Ano pa ba ang dapat niyang i-expect? When she get mad at her lagi na lang nitong sinisingit ang pag-aasawa. Hinaplos ni Beatrice ang kaniyang sentido. Pilit na pinapakalma ang sarili. Nagdadalawang isip kung ano ang dapat niyang isasagot sa magaling niyang ina. "Okay, fine," she rolled her eyes. "I will be on vacation but I will follow, I'm just finishing some important files and then I'll hand it over to my secretary." Sa totoo ay napilitan lang siya. Kase kung hihindi siya? Baka mag ungkatan pa ng mga alaala mula nong siya ay inire nito sa sinapupunan. At saka naririndi na siya. Kung papipiliin siya, mas pipiliin niya na lang na hayaan itong ipa-date siya sa kung kani-kaninong lalake keysa sa walang tigil nitong pangungulit. Atleast wala siyang maririnig na salita kapag hindi nagwork iyong tinatawag nitong, 'Looking for son-in-law Project'. "All right! That's enough for me to keep you on vacation, anak!" Pakanta ito kung mag salita. Pagkatapos ay agad na pinutol ang tawag nang hindi manlang nagba-byebye sa kanya. Her Mom is so crazy. Napailing na lang siya. On the other side, alam niyang kahit papaano ay napasaya niya ang kanyang Ina. Kahit siya naman ang medyo nadehado sa kaniyang schedules. Hindi niya rin naman kasi maiwasan ang hindi ma-guilty. Iniiwasan niya lang naman ang kanyang ina for her f*cking sake! Inilapag ni Beatrice ang kanyang phone sa desk at hinilamos ang mukha gamit ang kanyang mga palad. She's tired at gusto niya ng magpahinga. Pero hindi marunong makisama ang kanyang utak. Kung ang katawan niya ay hinahanap na ang malambot niyang higaan. Ang kanyang utak naman ay hinahanap ang mga papel na hindi pa natatapos. Workaholic at its finest. At ang pag-aasawa? Natatawa nalang siya sa salitang iyon. Mandatory ba talaga iyon? Ipinapangako niya sa kanyang sarili na hindi siya mahuhulog sa kahit na sinong lalaki. Magkakapareho lang silang lahat ng kanyang Dad na iniwan lang sila ng kaniyang ina at pinagpalit sa ibang babae. Kaya masisisi ba siya kung lumaki siyang ganoon ang naging pananaw sa mga kalalakihan? Naramdaman niya kung gaano nasaktan ang kanyang ina nung mga oras na iyon at ganoon din siya. Nung araw ng kaarawan pa sila mismo iniwan nang kanyang ama. Kaya sino ba ang hindi makakalimot? She saw how desperate her Mom is. Lumuhod pa ito sa harapan ni Dad. Habang siya ay nasasaksihan lahat ng iyon sa hagdan. Nagmamakaawa ang kaniyang ina. She did her best para lang hindi masira ang kanilang pamilya. Ngunit kasing tigas ng bato ang puso nito. She's just eight years old at that time. Yes, eight f*cking years old. Umalis ito at hindi pinakinggan si Mom. Doon niya naramdaman ang impyerno. It hurts like f*cking hell. Ipinark niya ang kanyang Mercedes-Benz sa garage at inihilera sa iba pa niyang sasakyan like Lamborghini, Ferrari, Porsche, Tesla, and etc. Yes, she's a multi-billionaire. Pero sabi nga ng kanyang Mom, aanhin naman daw ang pera kung walang love life. Sabihin niyo nga, nakakain ba iyang love life? Is that really mandatory? Jeez! Pagka baba niya ay nakaabang na ang maid. Binati muna siya nito pagkatapos ay kinuha ang Prada niyang bag. Nagpatihulog siya sa kanyang malaking higaan kasabay ng kanyang pag buntong-hininga. Finally, na-finalize niya nang lahat. Three o' clock na rin siya ng madaling araw nakauwi. Ni hindi niya na nagawang magbihis. Naubusan siya ng lakas. Nakatingin siya ngayon sa kumikislap niyang chandelier sa kisame ng kanyang kwarto. Hanggang sa dahan-dahan ay bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD