CHAPTER TWO
ISANG linggo na ang nakalipas. Nasa kwarto ngayon si Beatrice at tinitingnan ang laman ng kanyang bagahe kung tama ba ang inilagay ng kanyang maid. Tiningnan niya rin kung wala na ba siyang naiwan. Nang makita niyang kompleto naman ang lahat ay muli, isinara niya na ang zipper at ni-lock ito. Nagtungo siya sa malaking salamin at tiningnan ang kanyang suot. Mamaya na rin ang kanyang flight papuntang Manila. Mabuti na lamang at natapos niya na rin iyong iilang importante niyang trabaho kanina.
"Jia," tawag niya sa kanyang secretary na agad kumaripas ng takbo papunta sa kanyang gawi.
"Miss Montejo?"
"Ikaw muna ang bahala dito, ah. Call me if there's problem or if you would like to ask something," habilin niya rito.
"Paano naman po kung may importanteng meetings?"
"As I've said, call me," Walang emosyon niyang sambit dito pagkatapos ay kinuha ang nakalapag niyang bag sa higaan at lumabas.
Kung sa ibang tao ay baka nasabihan na siyang rude o walang manners. Si Jia? hindi. Matagal na itong nagtatrabaho sa kanya bilang sekretarya. Sa dinami-dami niyang naging sekretarya. Bukod tanging si Jia lang ang tumagal dito. Kahit ganito ang kanyang ugali. Nasisikmuraan parin naman iyon ni Jia.
"My baggage," tipid niyang utos sa maid na nadaanan niya.
"Yes po, Miss Beatrice."
Bumaba siya sa mala-ginto niyang hagdan. Ang ingay ng kanyang heels sa bawat hakbang niya sa hagdanan ay umaalingawngaw sa kanyang mansion.
Bago siya tuluyang lumabas sa malaking pintuan ay nilingon niya ang loob nito ng buong bahay. Hindi pa man siya nakarating ng Manila ay nakaramdam na kaagad siya ng pagkalungkot. Ma-mi-miss niya ang bawat parte ng kanyang mansion. Ang weird man pakinggan pero sa lugar lang na ito siya nagiging komportable. Kumbaga, ito ang kanyang safe zone. Kahit hindi siya lumabas sa mansion na ito habang buhay ay paniguradong okay lang sa kanya.
Bumuga siya ng hangin pagkatapos ay naglakad na palabas kung saan ay nakahanda na rin ang sasakyan niyang Tesla. Nakatayo sa gilid ang kanyang driver na naghihintay sa kanya. Huli niya na rin na napatanto na nailagay na sa compartment ang kanyang bagahe.
"Good morning, Miss Beatrice." Bati nito sa kanya pagkatapos ay agad na binuksan ang pinto ng sasakyan. Halos lahat ng kanyang mga empleyado ay Pilipino.
Tipid niya itong nginitian pagkatapos ay pumasok na sa sasakyan. Nang makapasok siya ay mabilis naman itong isinara ng driver at agad na nagtungo sa driver's seat para paandarin ang sasakyan. Sa limang taon nilang pagtatrabaho ay nasanay na ang mga ito sa kanyang ugali. Nagpapasalamat na lang siya at iyong mga nauna niyang empleyado ay iyon parin ngayon. Nilalakihan niya na lang ang mga sahod nito.
PAGLAPAG pa lang ng eroplano ay may kakaiba nang naramdaman si Beatrice. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa pagkakaba o paninibago. Mahigit sampung taon na rin kase ang nakalipas mula nang sila ay mag-migrate ng kanyang ina. Mula niyon ay hindi niya na tinangkang umapak pa sa Pilipinas. Nandidito kase sa lugar na ito ang mga masasamang alaala na nagpabago sa kanyang buhay. Nang nasa taas palang ang eroplano at nililibot ang buong ka-Maynilaan ay halos hindi siya makapaniwala sa mga nakita. Madami nang matataas na gusali dito kumpara dati. Paniguradong marami pa siyang makikita mamaya.
Pagkatapos niyang kunin ang kanyang bagahe sa baggage area ay agad siyang nagtungo sa labas ng airport. Pagkalabas na pagkalabas ay nakita niya agad ang kaibigan niyang si Dianne na nakasandig sa pula nitong kotse.
"B*tch!" Tawag nito at sumugod pa sa kanya para siya ay yakapin.
"Tanda mo na, ah," aniya. Pagtapos nilang pakawalan ang isa't isa sa pagkakayakap.
"Okay lang. Atleast may fiance," asar nito.
Kasabay ng kanyang pag ngisi ang pag-ikot ng kanyang mata sa hangin.
"Hindi ka pa rin nagbabago," natatawa nitong sambit sa kanya. "Hay nako, akin na nga 'yang bagahe mo nang makaalis na."
Kinuha nito sa kanya ang kanyang bagahe at nagtungo sa likod ng sasakyan nito para ipasok ito sa compartment.
"WHAT THE F*CK ARE YOU DOING?!" Nagulantang ito nong makitang naghubad siya ng kanyang pang-itaas.
"What? Mag focus ka na lang sa pagmamaneho. Baka madisgrasya tayo," saway niya rito.
"Paano ako magfo-focus dito? Paano kung may makakita sa'yo?"
Hindi niya ito pinansin.
Naghubad lang naman siya ng damit at sinuot ang dress na nabili nito. Tinted naman ang sasakyan kaya't hindi paniguradong walang makakakita sa kaniya. Kaya hindi niya maintindihan ang pinuputok ng buchi ng babaeng ito.
Napailing nalang ito.
Wala naman itong magagawa, e.
Nang makarating sa Hotel ay nagbihis na agad si Dianne. Doon na rin siya nag make up. Pagkatapos nilang ayusin ang sarili sa hotel ay dumeretso na sila sa sinasabi ng kaibigan na pinakasikat na Casino.
Halos mapahanga siya sa sobrang laki ng casino. Halos lahat yata ng laro ay nandidito na. Nang makapasok sila ay agad niyang namukhaan ang mga tao sa loob. Hindi ito basta tao lang. Puro lang namang mga bigating katulad ng celebrity at mga succesful na businessman at businesswoman ang nandodoon.
Kung siya ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nakita, si Dianne naman ay tila ba may sariling mundo.
"Gotcha!" Sambit nito nang ituro ang lalake sa isang table. "Trice, nakikita mo ba iyang hot na guy? Iyan ang sinasabi ko sa 'yo."
Ngayon niya lang napatanto kung bakit sila nandidito ngayon sa Casino.
"That guy?"
Tumango ito sa kanya.
Humarap sa kanya si Dianne at hinawakan nang mahigpit ang kanyang dalawang kamay. "Alam kong magaling ka sa poker, Beatrice. Kailangan mo akong tulungan. Kailangan mong bawiin iyong pera na nakuha sa akin ng lalakeng 'yan. Kundi mapapatay ako ng fiance ko," halos maiyak-iyak nitong sambit sa kanya.
Bumitaw siya sa pagkakahawak nito. "Sino ba kasi ang nagsabi sa'yong gamitin mo sa pangsusugal 'yang perang pampakasal niyo ng fiance mo? Tapos ako pa iyong ina-agrabyado mo ngayon na imbes nagpapahinga na sa bahay while drinking wine," hasik niya rito.
"Ngayon lang naman, e,"
"Whatever," iniwan niya ito at nagtungo sa kinauupuan ng lalakeng itinuro ni Dianne.
Agad na may sumilay na ngisi sa kaniyang labi. Sino pa ba ang makakatalo sa kaniya? Isa lang naman siyang professional gamer ng Casino sa States. Bawat padyak niya ng kanyang heels ay ang paglakas ng kanyang bilib sa sarili. Walang pangamba niyang pinuntahan ang table nito.
Napatingin sa kaniya ang lalakeng tinutukoy ni Dianne. He is wearing a formal attire na kulay maroon ang necktie. His tan makes him more attractive. Hindi niya maitatangging may maipagmamalaki ang lalakeng ito. Umupo siya sa harap ng kinauupuan nito.
"Gusto mong maglaro?" Ang baritonong boses nito ay agad na nagpapa-kiliti sa kaniyang katawang lupa pero napalitan din ito ng pagkainis. Anong akala niya, uupo lang siya dito para makipaglaro sa kaniya nang walang baong alas?