CHAPTER THREE
"OFCOURSE. Uupo ba ako dito nang wala lang?" Sarkastikong sabi niya rito.
Napangiti ito sa kanyang sinabi. The way he smiled at her is so sweet. But damn! Iba ang kanyang naging timpla nang makita ang ngiting iyon. Hindi niya ba alam. Pero nakakainis.
Nagsimula na ang laro. Para bang bata kung gumalaw si Beatrice. Ang totoo ay gusto niya lang mang-asar. Base kase sa kwento ni Dianne sa kanya, naging mayabang daw ito dahil sa laging pagkapanalo.
Malas lang nito ngayon at siya ang nakaharap nito. For his information, hasang-hasa siya sa pagdating sa Casino.
Pabagsak na inilapag ng binata ang card na itinaya nito. Naningkit nalang siya dahil sa inakto nito. Kahit na sinabihan na siya ng kanyang kaibigan kung gaano kalakas ang hangin nito ay hindi parin niya maiwasan ang hindi mainis sa inakto nito. Sayang ang kagwapuhan ng lalakeng ito. Sunod niyang binagsak ang kaniyang huling baraha.
Napa-ngisi si Beatrice nang wala sa oras. Malinaw na malinaw ang resulta. Siya ang nanalo. Hindi ito umimik at nanatili lang sa kinauupuan nito. Nong matanggap niya na ang perang kanyang pinalalunan ay hindi niya pa ito tinantanan.
Tumayo siya at nilapitan ito. Yumuko siya para magpantay ang kanilang tingin.
"Mr. Arrogant, hindi lahat ng oras ay swerte ang isang tulad mo. Kaya 'wag masyadong mayabang," untag niya dito. Tinapik niya ang balikat nito sabay sabing, "lesson learned, honey." Pagkatapos niyon ay naglakad na siya palayo rito.
Kung kanina ay malakas pa ang hangin ng binata, ngayon ay halos hindi na maipinta ang mukha nito. Kalmado lang sa kinauupuan ngunit anong oras ay halatang sasabog na ito sa inis.
Wala siyang sinayang na oras at mabilis na pumasok sa sasakyan ng kaibigan. Hindi na nito nagawang manood doon dahil baka may makakita pa sa kanya.
"Anong nangyari? Magaling ba maglaro? Natalo ka?" Sunud-sunod nitong tanong.
"Check your bank account," utos niya rito habang kinakabit ang seat belt sa kanyang katawan.
Napakunot ang noo nito. Kahit na naguguluhan ay sinunod parin nito ang kanyang sinabi. Nanlaki ang mata nito at napa-letter 'o' ang bunganga sa nakita.
"Are you serious?! Totoo ba 'to? OMG!"
Para ba itong tupa na nabaliw sa loob ng sasakyan. Naiirita siya na natutuwa dahil nawala ang problema ng kanyang kaibigan.
Her friend was surprised that she won against the best player of that Casino. She didn't expect it. That's why she had a deal with her na kapag natalo siya ay siya ang sasagot sa gastusin ng kasal. Pero kapag siya naman ang manalo ay magiging driver na niya ito kahit saan man magpunta.
"Kainis!" Pagwawala nito sa kaniyang driver seat.
"Why? Nakita ko iyong saya mo kanina, ah. And I already told you na kaya kong talunin ang mayabang na 'yon. Pasalamat ka at umuwi ako ng Pinas?" Aniya.
"Akala ko naman kase—" napahinto ito.
"What?"
Kita niya ang paglunok nito ng laway habang nakadiretso ang tingin sa kalsada. "Na matatalo ka," bumuga ito ng hangin. "Sana, 'di nalang ako nakipag pustahan, sayang ang gasolina," panghihinayang nito.
Hindi niya alam kung matatawa ba siya rito o ano. Kung kanina ay tuwang-tuwa ito. Ngayon naman ay halos hindi na maintindihan ang pinta ng mukha nito.
"Whatever! Bilisan mo ang pag-da-drive. She's waiting." Hindi niya na mapigilang hindi matawa sa kaibigan na ngayon ay nakabusangot na.
INIHINTO ni Dianne ang sasakyan dahilan para magising siya. Pagmulat niya ay tiningnan niya kaagad ang paligid. Nasa tabi sila ng daanan at ang mga bahay ay malalaki.
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa kaibigang seryosong nakatingin sa mapa ng phone nito.
"Are we here?" Sira niya sa katahimikan.
"I don't know. Biglang nag off ang phone ko," sambit nito na hindi inalis ang titig sa screen ng phone.
Kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito. "What? Seriously, Dianne?"
Inayos niya ang kanyang upo at tiningnan ang wristwatch niya.
Jeez.
It's 9 o' clock in the evening!
"Fudge. Akala ko ba alam mo pasikot-sikot ng Manila?" She shrugged. "Siguradong malalagot ako kay Mom."
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at lumabas. Tiningnan niya ang paligid. Sa pamamagitan ng street lights naaninag niya ang mga bahay. Hindi niya maitatangging napahanga siya sa ganda ng mga ito. Para bang gawa ito ng mga professional. Ipupusta niya ang kotse ni Dianne, exclusive village ang lugar na ito.
Narinig niya ang pagbukas ng sasakyan dahilan para siya mapalingon dito. "Nandito lang 'yon."
Nginisihan niya ito.
"Whatever. I don't have any choice but to call my precious mother now," sarcastic niyang pagkasabi habang tinitipa ang kanyang telepono.
Pagkatapos niyang pindutin ang number ng kanyang ina ay nagsimula na rin itong mag ring.
"Saan ka na ba nagsusuot bata ka?"
Hindi na siya nagulat sa bungad nito.
"Mom, relax, okay? Nandito na kami sa address na binigay mo. Care to go out?"
Mamaya-maya pa lamang ay nagbukas ang gate ng isang bahay. Iniluwa non ang kanyang ina at isang maid.
"Hello po, Tita!" Bati ni Dianne na agad lumapit sa kanyang ina at bumeso.
"No time, no see, iha. Kumusta na?"
"Okay lang po, Tita. Ayon po, ikakasal na po ako next month," anito. May kinuha itong maliit na envelope sa bag na sa tingin niya ay invitation card at inabot sa kanyang ina. "Iga-grab ko na po ang chance na ito, to invite you po Tita on my wedding."
Hindi pa natapos ang sinasabi ni Dianne pero tinanggap na agad ito ng kanyang ina.
"I'm so glad to be a Ninang of your chikiting, iha."
"Talaga po?"
"Ofcourse! Natutuwa ako at ikakasal ka na, iha. Buti ka pa. Look at my daughter," binalin nito ang tingin sa kanya, "Kahit boyfriend, wala!"
Jeez.
Sinasabi niya na nga ba. Mapupunta at mapupunta sa kanya ang usapan.
She rolled her eyes.
"Tapos na ba kayo? F.Y.I I'm tired," singit niya sa mga ito.
"Iha if you need some advice about pag-aasawa. You can call me anytime, okay?"
"Mom?" Iritado niyang tawag dito.
"Saan ang bagahe mo?"
Mabuti na lamang at huminto na ang pag-uusap ng dalawa.
"Nasa compartment ng kotse ni Dianne," walang gana niyang sagot dito.
Kaagad naman inutusan ng kanyang ina ang maid para kunin ang kanyang bagahe.
Ibinagsak ang kanyang sarili sa maputi at malambot na sofa. Hinihimas-himas niya pa ang kanyang sentido para mabawasan ang kirot ng kanyang ulo.
Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong bahay. Malaki ang bahay. Kung sa labas ay modern ang disenyo nito. Sa loob ay kabaliktaran naman. Mala-kahoy ang interior design nito. Maliban lang sa mga kagamitan.
Umupo ang kanyang ina sa kanyang tabi at nilapag ang baso na naglalaman ng tea sa mala-marble na mesa.
"Saan ba kayo napadpad at ngayon lang kayo nakauwi?"
"Mom. Jet lag ako. Do you think magla-lakwatsa pa kami ni Dianne?" Kinuha niya ang baso na naglalaman ng tea at sumimsim ng kaonti. "Nakatulog ako sa byahe. Hindi ko alam dyan kay Dianne kung bakit ganitong oras kami nakauwi. Siguro... Naligaw kami," pagsisinungaling niya.
Hindi na nagtakang magtanong si Mom. Pero kung tumitig ito sa kanya ay kulang na lang ay buklatin ang katawang lupa mo.
"Kaninong bahay 'to?" Pag-iba niya ng topic.
***