[AVA WRENLEY’S P.O.V.] Ten Years Ago… “D-Dad? Are you leaving me?” Umiiyak ako ng sobra ngayon. ‘Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin sa ganitong sitwasyon. Nakikita ko si Dad ngayon na kinukuha na ang lahat ng mga gamit niya sa kwarto nila ni Mom. “I’m sorry, Ava. But I have to do this. Hindi na kami magkakaayos pa ng Mommy mo. Wala nang pag-asa para sa aming dalawa,” sagot niya sa akin. Nang makuha na niya ang lahat ng mga gamit niya ay lumabas na siya sa kwarto. Tumakbo ako at niyakap siya, nagbabakasakali na sana ay mapigilan ko pa siya sa balak niya na pag-alis sa bahay namin. “Dad! Don’t leave me, please… Hindi ko po kaya kapag ‘di kita kasama… Ayoko po na maghiwalay kayo,” umiiyak pa na sagot ko sa kaniya. Inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya at bahagyang umupo par

