Papunta na ako ngayon sa kumpaniya para sunduin si Ava. Simula nang mapanood ko kung ano ang nagawa sa kaniya ng hayop na ama ko, pakiramdam ko ay may responsibilidad na ako sa kaniya. Responsibilidad na hindi tungkol sa paghihiganti ko para sa kaniya. “Boss, ano ang ginagawa mo rito? Wala kang notice sa akin na pupunta ka ngayong araw dito,” sambit naman ni Ryan sa akin nang makita niya ako sa labas. Sakto rin na pauwi na siya dahil tapos na ang trabaho niya. Pa-out na rin ang iba pang mga empleyado. Hindi ko pinapansin ang mga bumabati sa akin dahil wala naman akong pakialam sa kanila. Nakatayo lang ako ngayon sa labas ng sasakyan ko dito sa harap ng kumpaniya. “May pupuntahan kami ni Ava,” simpleng sagot ko lamang sa kaniya. Napatingin naman agad sa akin si Ryan dahil sa narinig n

