“W-Where are we going?” tanong sa akin ni Ava nang makalabas na kami sa bar. Tinawagan ko ang mga tauhan ko na sila na ang bahala sa mga lalaki na naghahanap sa amin. Kaya naman nakalabas na kami ni Ava. Malamang ay binalian na ng buto ang mga lalaki na ‘yon. “Sakay,” utos ko. Sumakay na ako sa motor. Nawawala na ang helmet ni Rence. Hindi ko na alam kung saan nakalagay. O baka may nagnakaw na. “B-But… I’m wearing a dress,” nahihiya pa na sambit sa akin ni Ava. “So? Come on. I’m already tired.” Sumakay na lang siya. Medyo dumidikit ang dibdib niya sa akin ngayon. Pababa din kasi ang motor na ‘to. “Wala ba tayong helmet for safety purposes?” tanong pa niya sa akin muli. “Kung ayaw mong malaglag, kumapit ka na lang sa akin.” Hindi ko na hinintay na sumagot pa siya dahil agad ko nan

