“AAHHH! FÚĆK THIS!” Ilang beses kong pinagsusuntok ang punching bag na nasa harapan ko. Sobra ang galit ko ngayon. Hindi ko alam kung galit ba para sa sarili ko o dahil sa galit ko sa babae na ‘yon. “Tang ina! Am I fúćkíng crazy?!” galit na sigaw ko pa. Kinakausap ko ang sarili ko habang sinusuntok pa rin ang punching bag na malaki. Basang-basa na ako ng pawis ngayon. Siguro ay tatlong oras ko nang sinusuntok ang punching bag na ‘to. Napaupo ako sa sahig sa sobrang pagod. Hingal na hingal ako. “Here, Boss.” Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Ryan na nag-abot sa akin ng isang bote ng tubig. Kinuha ko naman ‘yon at agad na ininom. “Is something bothering you? I just saw you earlier na parang galit na galit sa punching bag.” “It’s none of your business.” “Okay. Do you want to

