"What do you think you're doing in my chair?" nagtataka na tanong ko sa kaniya. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito sa loob ngayon. Tapos mukhang wala lang sa kaniya ang nagawa ko noong nakaraan na araw. Tinaasan naman niya ako ng isang kilay. "E ano naman ang gusto mo na gawin ko? Hindi ba at ikaw ang nagsabi sa akin na pumasok na ako sa trabaho rito sa KUMPANIYA MO?" sagot naman niya sa akin. Halata ko naman na sinadya niya talaga na diinan ang pagkakasabi niya sa akin ng mga salitang 'kumpaniya mo'. "Yes, I told you about that. Pero bakit ka narito mismo sa opisina ko?" Nagkunwari naman siya na tumingin sa inuupuan niya ngayon na para bang nagulat pa siya. "Oh! Akala ko pa naman ay magsasama tayo sa iisang opisina lang. I thought that was your plan for me? Ang makasama ako t

