GELLA AYYYY! PEM-PEM NG INA MO!" Gella, babaeng surot ka. Sa dinami-dami ng maaari mong ilabas na side ng personalidad mo, bakit ang karinderya-style, baklang kalye pa ang ipinakita mo sa ina ng amo mo. "Pem-- ano?" Tanong ni Nay Emy sa akin. Nanigas ako sa aking pagkakaupo. Napatingin ako sa gilid ng hindi gumagalaw ang aking katawan. Naramdaman kong hinihintay pa rin ni Nay Emy ang sagot ko. Isip, Gella! Isip! Dahan-dahan akong tumayo at humarap sa kanya. "Pem--mana po ng ina ko kasi ang habilin na lagi mong mahalin ang kapwa... K-kaya opo. Mamahalin ko po si Garett habambuhay, Ma'am, este Nay Emy..." "Pem...mana..." Bulong ni Nay Emy na parang hindi pa rin kumbinsido pero tumango na rin. Lusot ang babaita. Magpugay! "Teka, si Garett lang?" Namula ang pisngi ko. Sinubukan kong

