Chapter : One

1148 Words
Third Person's POV Maagang gumising si Nathalia dahil Lunes ngayon. Kailangan niyang pumasok nang maaga para makatulong sa paghahanda sa paaralan. Magsisimula na naman kasi ang pasukan at ngayon 'yon. Isa siya sa mga iskolar ng kanilang paaralan kaya ganun na lamang kung magsikap siya. Ayaw niya kasing ipakita sa kanila na hindi siya karapat-dapat na bigyan ng scholarship. Yun na lamang ang bagay na pinanghahawakan niya at kapag nawala pa iyon ay baka tuloy na na siyang mapariwara. +×+ Nang makarating siya sa school ay binati nya agad ang mga nakakasalubong niya ng isang masiglang ngiti. "Good morning po mang Jun!" Bati niya sa kanilang guard at ngumiti naman ito sa kaniya. "Magandang umaga din sayo Nathalia, maaga ka na naman ngayong pasukan ah. Mamaya pang alas nuwebe ang pasok nyo, alas siyete pa lang hija." Komento ng guard bago humigop ulit sa kaniyang baso na may lamang kape. "Tutulungan ko po kasi si Manang Fely sa loob, humingi po kasi sya sakin ng tulong tungkol sa bilang nga mga upuan sa bawat klase." Tugon naman ni Nathalia sa matandang lalaki at tumango lang ito sa kaniya. "O sya, pumasok ka na at baka hinihintay ka na ni Felicia sa loob." Sabi nito tsaka ngumiti ulit at tuluyan na ngang pumasok ang dalaga. Habang papasok ay may nakita siyang lalaki na nakahiga sa isa sa mga bench. Kumunot ang noo niya dahil akala nya ay siya palang ang nakakapasok. Tumuloy naman na siya sa loob at agad na hinanap ni Manang Fely at tinulungan ito. +×+ "We hope that you all enjoy your school year here in Ibarra Academy. Thank you for entrusting your education to us, we hope you feel welcomed in our school. Have a good day students." Pagtatapos ng Punong Guro sa kaniyang napakahabang opening remarks. Nang matapos ang pagpupulong ay pinapunta na ang mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan. Si Nathalia ay, tulad ng dati, sa pinaka unang section siya pumasok. Madami siyang nakitang mga pamilyar na mukha at marami ding hindi. Umupo na siya sa isa sa mga bakanteng upuan katabi ng isang lalaking nakaub-ob ang mukha sa kaniyang desk. Ilang minuto pa ay dumating na ang kanilang adviser at magsimula na ang pagpapakilala. Napansin niyang malapit na siyang magpakilala ngunit nahagip nanaman ng mata nya ang katabi niya. Mas mauuna kasi ito sa kaniya ngunit natutulog pa rin ito. Marahan nya itong kinalabit at binulungan. "Kuya, malapit ka nang magpakilala. Gumising ka na diyan." Napa-angat naman ang ulo ng katabi nya at tumingin sa kaniya. Nang mapagtanto nito kung ano ang nangyayari ay agad nitong inayos ang magulong buhok at umupo ng maayos. Sa wakas ay ang lalaki na ang magpapakilala, tumayo naman ito at pumunta sa harapan. "I'm Hades Shin Abalos, 18 years old. Hope we can get along." Saad nito bago ngumiti ng marahan kaya napatili naman ang iba. Bumalik na siya sa kaniyang pwesto at tumayo naman si Nathalia. "Ayan na si Vice Pres!" "Naks ganda natin ngayon Vice ah!" "Ang cute talaga ni Vice Pres!" "Uh hi! I'm Cursten Nathalia Sandoval, I'm 20 years old. I'm also the Student Council's Vice President this year, and sana madami akong maging friends sa inyo." Nahihiya niyang saad. "Vice pwede daw ba more than friends?" Tanong ng isa niyang kaklase na lalaki at ngumiti naman ang dalaga rito. "Hmm. Pagiisipan ko." Makulit niyang tugon kaya naman tumawa ang buong klase. Bumalik na siya sa upuan nya at nakita nyang nakatingin sa kaniya ang kaniyang katabi. "Ikaw pala ang Vice President?" Tanong ng lalaki at tumango naman siya. "Bagong transfer ka ba dito?" Tanong naman niya. "Ah, oo e." Sambit ng lalaki at ngumiti sa kaniya. "Gusto mo bang i-tour kita mamaya?" Alok ng dalaga. "Sige ba." Sagot nito na ikinatuwa naman ni Nathalia "Sige mamaya itu-tour kita." Tugon nya at ngumiti rito bago ipinokus ang kaniyang tingin sa harapan. +×+ Naglilibot na sila ngayon habang may dala dalang pagkain sa kanilang mga kamay. "Dito naman yung mga kwarto para sa bawat club, yung unang pinto ay sa music club, tas next yung dance, literature, arts, and so on." Paliwanag ni Nathalia habang si Hades naman ay tumatango lang habang kumakain. "Stop muna tayo sa Garden, maaga pa naman eh." Aya ni Nathalia kaya pumunta na sila patungong garden at doon kumain. "Saang school ka pala galing?" Biglang tanong nya sa lalaki. "Triumvirate Academy, sa Greece." Tugon nito bago kumain ulit. "Wow, maganda siguro dun! Nakapunta ka na sa Santorini?" Tanong namaman nya at tumango lang ito. "Grabe! Ang yaman nyo siguro!" Sigaw ng babae na ikinatuwa naman ng binata. "Ang cute mo dyan, dyan ka lang ah." Natatawang komento nito kaya naman napatigil ang dalaga at agad na namula. "H-halika na nga! Baka malate pa tayo!" Ani nito bago tumayo at naglakad na palayo. +×+ Habang naglalakad si Nathalia ay hindi nito maiwasan na maisip ang sinabi ni Hades kanina. Napahawak siya sa kaniyang dibdib at feeling nya ay namumula din siya. Nakaramdam na siya ng ganito dati ngunit hindi niya alam kung totoo ba ito o hindi. Naramdaman niyang nag vibrate ang cellphone nya kaya mabilis siyang pumasok sa palikuran ng mga babae. Pumasok siya sa isang cubicle at tsaka binuksan ang kaniyang cellphone. Ms. Betty Tala, mapapaaga ang pagpunta mo dito ngayong araw. Pasensya na talaga pero kailangan mo pumunta dito ng alas singko. Sana ay wala ka nang gagawin ng mga oras na yon. Agad naman siyang nag reply rito. Ayos lang Ms. Betty, makakarating ako dyan bago mag alas singko. Huwag po kayong mag-alala. Nako salamat talaga! Sige girl, hintayin kita! Sige po. +×+ "Class dismissed." Wika ng kanilang guro at tumunog na ang bell. "Wag nyong kalimutan ang mga kailangan nyong dalhin bukas, makakauwi na kayo." Pagpapatuloy nito bago iniligpit ang kaniyang mga gamit. "Bukas ulit Shin!" Sambit ni Nathalia at ngumiti habang kumakaway sa kaniya. "Sige Vice! Tsaka, kung pwede sana, pwede bang ihatid kita sa inyo?" Tanong nito kaya naman napakunot ang noo ni Nathalia. "K-kung gusto mo lang naman." Dugtong ni Hades kaya naman tumawa ng mahina si Nathalia. "Ayos lang naman sakin Shin." Saad nito kaya napatingin ang binata sa kaniya. "Halika na." Sabi ni Hades at hinila palabas ang babae. Nang makalabas sila, napansin ni Nathalia na alas kwatro na. "Saan ba ang bahay mo?" Tanong ng binata habang naglalakad sila papunta sa kotse nito. "Ituturo ko na lang sayo yung daan." Sabi ni Nathalia kaya tumango na lang si Shin. Halos dalwampung minuto na ang nakalipas ng makarating sila sa apartment na tinutuluyan ni Nathalia. "Salamat nga pala sa paghatid." Saad ni Nathalia nang makalabas na siya ng sasakyan. "You're welcome." Tugon ni Shin. "Pasok na ako ah? May mga gagawin pa kasi ako eh." Pagpapaalam nito. "Sige, una na rin ako." Sabi nito at kumaway sa kanya. "Ingat." "Salamat."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD