Chapter : Two

1134 Words
Nathalia's POV Nang makapasok ako sa apartment ko ay agad akong sumalampak sa sofa. First day pa lang nakakapagod na... Napabalikwas ako sa kinauupuan ko nang maalala ko na kailangan ko palang pumunta sa 'Lost Paradise'. Dapat talaga ay wala akong gagawin ngayon kaso humingi ng back up si Ms. Betty kaya, no choice. Pumasok na ako sa kwarto ko at naghanap ng damit na pwedeng suotin. Pagtapos non ay nag make up at wig na din ako para sa disguise. Hayst, puyatan nanaman ngayon. Sana swertehin ako at makita ko si Sol ngayon. +×+ Third Person's POV "Tala! Buti na lang nakarating ka! Akala ko kasi di ka na makakatuloy dahil biglaan." Ani ni Betty sa dalagang kakapasok lang. "Sorry Ms. Betty may binili pa kasi akong mga gagamitin sa school na kailangan ipasa bukas kaya nalate ako." Paumanhin niya. "Ay nako ayos lang! Di pa naman nagsisimula yung show! At ang balita ko, pupunta na naman daw yung mga masusungit na gangster mamaya." Tsismis ni Betty rito kaya naman napatawa ang dalaga ng mahina. Nakahinga naman ng maluwag si Nathalia sa kaniyang narinig mula kay Ms. Betty. "Di naman sila masungit Ms. Betty." Pagtatanggol nya rito kaya naman bumuntong hininga ito. Sasagot na sana si Betty nang may tumawag sa pangalan niya at sinabing dumating na sila. "Nako, andyan na sila. Maghintay ka na doon at baka mapagalitan pa ako." Sambit ni Ms. Betty bago hinatak patayo si Tala. "Sige po Ms. Betty ilalagay ko lang to dun sa gilid tas pasok na ko." "Sige sige." +×+ Nathalia's POV Nilapag ko na sa gilid yung mga gamit ko bago pumasok sa isang kwarto. Para lang siyang normal na kwarto pero medyo mas malaki siya. Umupo na ako sa kama habang hinihintay si Ms. Betty. Mga ilang minuto pa bago bumukas ang pinto at niluwal nito ang isang makisig na lalaki. Kilalang kilala ko kung sino siya kaya naman tumayo agad ako para salubungin siya. "Sol!" Bati ko habang papalapit sa kaniya. "Thalia." Bati niya pabalik bago isinara ang pinto. I welcomed him with a hug and he did the same. "Long time no see Thalia." Pag komento nito bago kami umupo sa kama. Humiga naman siya at ipinatong ang kaniyang ulo sa hita ko. "Tss, we just saw each other last week Sol." Saad ko habang hinahaplos ang kaniyang buhok. Yep, nagiging englishera ako kapag kausap siya. Minsan nga tinuturuan ko pa siyang magtagalog kahit marunong naman siya. Sakit sa nose mars. "But still, it's such a long time. And didn't you missed me?" Tanong nya at tumingin sa akin. "Of course I didn't." Natatawang sagot ko kaya naman nag pout siya. "Hey!" Usal niya kaya naman mas natawa pa ko. "Sorry na... syempre naman namiss kita. Pero you shouldn't do this again. Lalo na ngayon at may pasok na ko." Sabi ko sa kaniya. "Alright, this is the last time I would do this. I'll just go here every weekends again." Nanghihinayang niyanv saad at tsaka umupo sa kama at humarap sa akin. "How are you anyways? Is it your first day of school today?" Pagtatanong nya ulit bago tumayo at lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang mga dala nya. "Yeah, it's just a little tiring but it's fun. I made some new friends too." Sagot ko sa kaniya bago humiga sa kama. Nakakapagod talaga ngayong araw, as in. "Really? Are they boys or girls?" Tanong niya ulit kaya naman napatingin ako sa kaniya at sinabing lalaki ang bagong kaibigan ko. Nakita ko naman siyang naglalabas ng pagkain mula dun sa dala nyang paper bag. Lumapit naman ako sa kaniya at umupo sa isang silya na nakaharap sa kaniya. May isa kasing round table dito sa kwarto, yung pang apat na tao tas may apat ding upuan na nakapalibot dito. Minsan kasi dito nag o-overnight yung mga girl staffs ng bar. "Sorry, it's just this much. I forgot to order earlier so I had to order last minute." Sambit niya bago naglagay ng pagkain sa harap ko at saka umupo. "It's alright Sol." Pag re-reassure ko sa kaniya. Ewan ko nga kung pano naging anak ng mafioso tong makulit na nilalang na to eh. Nung una ko siyang nakita akala ko napagtripan lang sya ng mga tropa nya. *flashback* "Tala, may taong naghahanap sayo dun sa may VIP area." Sabi sakin ni Ms. Betty kaya naman napakunot yung noo ko. Baka naman si ate Ayen. "Po? Babae ba?" Tanong ko habang umiinom ng tubig. "Lalaki sya. Baka naman pinsan mo. Mukha pang bata eh mga 17 ata yun. Imposible namang customer nila Nyebe yun eh di naman kami tumatanggap ng bata." Komento nya kaya naman mas lalong kumunot ang noo ko. Wala naman akong kakilalang kamag anak, maliban kila mama at papa na patay na. "Sige po puntahan ko na lang." - Pumunta ako sa VIP area at medyo madami nang tao dito. Hinanap ko yung lalaki dun sa may bar area kasi nandun daw siya sabi ni Ms. Betty. Sabi din ni Ms. Betty ay naka white oversized polo daw siya tas black pants. Nung makita ko yun ay agad akong lumapit sa kanya at kinalabit siya. Nung humarap siya sakin ay tsaka ko lang napatunayan na mukha nga syang bata. Mas mukha pa nga siyang bata kaysa sakin. "Uhm Mr. Garcia right?" Tanong ko sa kanya kaya naman ngumiti sya at tumango. "I thought you'll never come." Mahinang nyang saad at pinaupo ako sa katabing stool nya. "Uh Mr. Garcia, I'm sorry to say this to you but we don't accept underaged customers." Sagot ko kaagad sa kanya pag kaupo ko. Mahina naman siyang humalakhak na ikinakunot ng noo ko. "I know I'm baby faced but I'm in the right age miss." Sambit nya at tsaka inilabas ang wallet nya. May kinuha siya dito saglit at inabot sakin. Last Name Garcia Given Names Aelious Blaze Middle Name Rolona Date of Birth September 2 1997 Blood Type A Marital Status Single It's his Identification Card. "See? I'm not underaged." Komento nya bago uminom ng alak. Binalik ko na iyon sa kaniya at hinarap siya ulit. "Have you reser-" "We'll talk about that later, Ms. Tala. For now, let's just enjoy sitting here. And I supposed you're tired too since you just ended your show." Paglilitanya nya kaya naman napa pout ako at sinubsob na lang ang ulo ko sa counter habang nakatingin sa kaniya. "I know I'm handsome but quit staring. I might kiss you right at this moment." Komento nya bago nagtama ang mga mata namin. "I'm not!" Pagtatanggi ko bago unayos ng upo at inilibot ang paningin ko sa VIP area. Mukhang magkakaroon pa ako ng sobrang kulit at sobrang cocky na customer ngayong gabi ah. Pero... ays lang cute naman sya. hihi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD