Chapter : Three

1131 Words
Third Person's POV "Tala, gising na dyan." Pagtawag ni Ms. Betty sa labas ng kwarto. Agad namang napabalikwas si Tala sa kaniyang higaan. Mababaw lang kasi siya kung matulog kaya sobrang dali niyang gisingin. "Tala, bangon na hija." Muling tawag nito kaya naman umupo na si Tala. "Gising na po ako Ms. Betty." Mahinang turan ng dalaga. "O sige, bumaba ka na lang dito sumabay ka na sa almusal." Ani nito bago tuluyang umalis. Bumaling naman ang tingin nya sa gilid ng kama nya at nakita roon ang isang sobre, bulaklak at ang orasan. '4:30' Napa buntong hininga siya nang malamang hindi pa sya late ng gising at may oras pa siya para magpalit sa bahay. Kinuha naman nya ang bulaklak at nakitang may card na kasama ito. "Guess I'm back on being your secret admirer again then." - Sol Mahinang tumawa naman si Tala sa nabasa niya. Ganito na kasi ang nakagawian nilang dalawa tuwing may pasok si Nathalia. Kapag weekdays ay nagpapadala ng kung ano ano kay Tala at inilalagay sa kaniyang locker. Kapag weekends naman ay present silang dalawa sa bar. Minsan kapag Holiday ay nasa bar din sila at doon nagpapalipas ng oras. Gustuhin man kasi nilang lumabas ng dalawa lang sila ay hindi pwede. May kontratang pinirmahan si Nathalia sa bar na 'no strings attached' at hindi sila pwedeng mag date or ano man. Sunod namang kinuha ni Tala ang sobre at may nakita na naman siyang sulat dito. "Allowance nyo nga pala ng baby natin." - Sol "Sira ulo talaga 'to ginawa pa kong batang ina." Mabilis na gumayak si Nathalia at tsaka lumabas ng kwarto. Mabuti na lang at may CR din sa loob ng kwarto kaya naligo na siya doon. Pagkababa nya ay nakita nya ang mga katrabaho nya na kumakain na ng almusal. "Uy Tala! Dito ka din pala natulog? May shift ka ba kagabi, diba pasukan na?" Bati ni Ulan sa kaniya. "Wag ka ngang magsalita ng may laman ang bibig mo." Suway ni Niyebe sa kanya. Umupo na si Tala sa tabi ni Ulan at kumuha na din ng pagkain. Pang mayaman ang almusal nila ngayon dahil madaming customer ang bar kagabi. "Wow, American breakfast tayo ngayon ah! Pwede ba kong magbaon nito sa school?" Tanong ni Luna na kakadating lang din. "Ulul andami dami mong pera kukunin mo pa to. Bili ka na lang ng iyo sis." Pagtataray ni Pula sa kaniya. "Aww, nagtatampo ka ba babe?" Nagpapacute na tanong ni Luna kay Pula. "Tigilan mo nga Luna, lumamon ka na lang diyan mamaya ma late pa tayo pagalitan na naman ako ni Eros." Umirap pa ito kaya natawa naman si Luna. "Yiee, aminin may gusto ka sa kaniya no?" Pakikisali ni Tala sa usapan bago sumubo ng pagkain. "Oo nga, bakit di pa kasi kayo magdate? I mean pwede ka naman na dahil matagal ka na dito at regular ka na." Ani ni Niyebe. "Hay nako tigil tigilan nyo ko pwede? Ayokong magkar-" "Magkaron ng boyfriend dahil pare-parehas lang naman lahat ng lalaki. Mga manloloko at katawan lang ang habol." Pagpapatuloy ni Ulan. "Kabisado na namin yan Pula, wala na bang iba?" Pangungulit ni Tala kaya naman inirapan siya nito. "Che!" +×+ Nathalia's POV "Bye guys! Una na kami ni Tala ah?" Sigaw ni Ulan sa kanila. Mas maaga kasi ang pasok namin ni Ulan kaysa kila Niyebe dahil first year pa lang kami. Si Luna naman ay 2nd year at si Niyebe pati si Pula ay 3rd year. Isa lang ang pinapasukan naming school dahil mas makakamura kung sama sama kami. +×+ Tapos na kaming magpalit ng damit ni Ulan sa apartment namin, (magkatabi kasi kami ng apartment.) at naglalakad na kami papuntang convenience store ngayon. "Bilisan mo naman Ulan, baka malate tayo." Inis kong usal sa kaniya dahil sobrang bagal maglakad. "Ang OA teh! Mag a alas sais pa lang po! Alas nwebe pa pasok natin! Dapat nga natutulog pa ko ngayon eh." Tas ayon nagbangayan lang kami hanggang makarating kami sa convenience store. "Uy may soya na ulit sila!" Sigaw ni Ulan at pumunta dun sa magkakatabing ref. "Psh, napaka ingay talaga." Pumili na ako ng inumin at pagkain dahil medyo mahal ang pagkain sa school. Pero kapag lunch naman ay dun na ako bumibili para mainit. Nang makalabas kami ay pasikat na ang araw kaya itong si Ulan ay nagpicture picture na naman. Sa totoo lang ay mahilig din akong mag picture pero hindi kasing hilig nitong kasama ko. +×+ "Sasabay ka ba sakin mamaya sa lunch?" Tanong ni Ulan nang makapasok kami ng school. Medyo madami nang tao sa loob dahil lagpas alas sais na. "Siyempre naman Ulan tinatanong pa ba yan, basta libre mo ah." Sabay kindat sa kaniya. "Psh, buraot talaga." "Ate Raiyne." Tawag ng isang estudyante, baka Senior High 'to. "Pinapatawag po kayo ni kuya Giovann." Sabi nito bago umalis. Tinignan ko naman si Ulan kaya napairap lang siya. "Ikaw ah, may hindi ka ba sinasabi sakin Raiyne Avery?" Makahulugang tanong ko sa kaniya. "Ang issue mo Curtsen Nathalia. Maka alis na nga mamaya mag alburoto na naman ang bulkang Giovann." Singhal nito bago naglakad papalayo. Ang dali talaga nyang maasar. +×+ "Good morning Nathalia." Bati ni Hades sa akin habang kumakaway. "Good morning din sayo Hades." "Oh, ano yan?" Tanong nya nang makita kung ano ang dala ko. Oo nga pala, dumaan kasi ako sa locker area kanina at kinuha ang kung ano mang meron dun na bigay ni Sol. Ngayong araw ay binigyan nya ako ng isang box Ferrero at siyempre may sulat na naman. 'My weakness was chocolate but now it's you.' - asahi Minsan talaga sobrang cringey neto ni Sol. If nagtataka naman kayo bakit asahi ang ginamit nyang pen name, ang meaning kasi ng asahi sa Japanese ay sunlight o kaya morning. Galing kasi sa sun ang pangalan ni Sol. "Naks, vice pres nagsimula na naman yang secret admirer mo ha." Pangungutya ni Clara. "Oo nga! Ano nga ulit pangalan nun?" Sigaw naman ng katabi niyang si Vincent. "Asahi yun! Grabe college na tayo hindi pa din natin nakikita si asahi." Sabi naman ni Yohan na nakisali na din sa kanila. "Sino si Asahi?" Tanong ni Hades sa kanila. "Ah si Asahi yung secret admirer ni Vice, simula second sem ng grade eleven ay nagbibigay na siya ng mga ganyan. Pero hanggang ngayon di pa din namin siya nakikita." Sagot ni Ashley. "Bakit di nyo i try hulihin?" Tanong ulit ni Hades. "Tinry na namin yan pre, kaso hindi naman siya yung naglalagay dun. Paiba ibang estudyante ang naglalagay dun araw araw. Hindi rin naman nila sinasabi kung sino naguutos sa kanila." Sagot naman ni Kenneth sa kaniya. Wait, bakit ba ang daming tanong nito ni Shin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD