Ayen's POV: Bumaba ako mula sa motor ni Rye at kinuha ang bag nito. Ipinarada niya ang motor sa gilid ng bahay nila, pag katapos ay kinuha na nito ang mga gamit namin mula sa akin at hinawakan nito ang kamay ko. Nag tatawanan lang kaming pumasok sa bahay nila. Hanggang ngayon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong tumawa sa tuwing na iisip ko na, sa unang pag kakataon ay naka tanggap ako ng detention slip. Si Rye din ay nakakuha ng detention slip, gayun din si Lee at Erin. Dahil sa ginawa naming pambubulabog sa school ang dahilan nun, buti na lang talaga at hindi nila pinatawag sila mommy, kung himdi ay yari na naman ako. "But seriously, thank you talaga." nakangiting sabi ko kay Rye. Ginulo nito ang buhok ko at ngumiti ng ubod ng tamis. "Para sa'yo gagawin ko lahat." Natutuwa talaga ak

