Ayen's POV: Walang sikreto ang hindi na bubunyag. Ganoon na lang kabilis ang t***k ng puso ko ng bumukas ang pinto ng kwarto ko at ng tuluyan ng pumasok si Mommy dito. "Kaya ba ayaw mo ako papasukin dito dahil muka na namang basurahan itong kwarto mo." nakahinga naman ako ng maluwag ng hindi ko makita si Rye dito. Saan kaya nag susuot ang lalaking iyon? Baka bigla na lang 'yun makita ni Mommy. Lagot na talaga ako nito. "Manang!" Nag mamadali namang lumapit si manang kay Mommy. "Itapon mo na nga ang mga basura ni Jade. Pati 'yang mga poster ng mga Kpop at 1D." Naka nguso naman akong napatingin ng tanggalin ni Manang 'yung mga poster. Wengya! Bibili na naman ako ng nago nito. Hindi naman ako makakapag reklamo kay Mommy. Dumiretso si Mommy sa CR kaya naman nag mamadali akong humarang d

