Bumaba ako sa ibaba pagkatapos kong makapagbihis. Nagsuot lamang ako ng simpleng maong short's at isang white sando. Ngayon pa lamang ay nakikita ko na ang kagandahan ng walang mga balahibo sa binti. Mas presentable nga itong tingnan. Bakit nga ba hindi ko pinatanggal ang mga iyon noon? Nagpunta ako sa sala at nakita ko doon ang mga magagandang pocketbooks na siguro ay collection ni Ninang Glaiza. Parang na-engganyo naman akong magbasa at una kong nahila ay ang nobela na KAULAYAW na sinulat ni Miss NHELDS 🥰. Sinimulan kong magbasa, hanggang sa hindi ko na s'ya tinigilan. Pero nasa eksena na ako kung saan malalaman na ni Amirah ang lahat ng bigla na lamang ay may marinig akong pares ng mga paa na palapit sa akin. "Hey, nasaan ang Sir Darioz n'yo?" Tanong sa akin ng isang babaeng masasab

