SIERRA'S POV: Nagising ako kinabukasan na may tumatama na sa aking mukha na sinag ng araw na nagmumula sa bintana na sad'yang nakabukas lamang. Hindi ko kasi binubuksan ang aircon dito sa kwarto ko. Napatingin ako sa aking tabi at napangiti ng makita ko ang isang napakagandang bouquet of white roses. Napaupo ako sa kama at kinuha ito. Inamoy ko ito at napakabango nito. Si Ninong kaya ang nagbigay? Wala naman ibang maglalagay nito dito sa kwarto ko? Kinikilig naman ako sa isipin na nag-effort pa talaga ito na bigyan ako ng ganito kagandang bouquet of flowers. Sino ang hindi mai-inlove sa kan'ya ng sobra. Kahit anong gawin ko na pigil sa nararamdaman ko para sa kan'ya ay tila hindi ko talaga kaya. Pero paano ko ba ipapahayag ang nararamdaman ko ang tingin n'ya lamang sa akin ay isang i

