DARIOZ DAKILA POV: Nagising ako na med'yo masama ang aking pakiramdam at parang naiiyak na naman ako nito,dahil kailangan na naman na uminom ng gamot na ayaw na ayaw ko ng lasa. Ewan ko ba, simula pagkabata ay takot ako sa gamot. Oo matapang ako at kaya kong salagin ang bala kung sakali man na kailangan. Pero sa gamot ay talagang dito ako titiklop na alam na alam ni Manang. Wala pa naman ito ngayon,dahil may family gathering sila ng mga anak nito na lahat ay mga tapos na at may maayos na din na trabaho. Tumayo ako ng dahan-dahan at diretso na sa banyo para makapaghilamos bago bumaba. Kailangan ko din talagang uminom ng gamot. Iyon nga lang ay kailangan itong durugin na madalas kapag ganitong masama ang aking pakiramdam ay si Manang ang nag-aasikaso para sa gamot ko. Pero ngayon na wala i

