Nang makapasok ako sa aking kwarto ay hindi ko isinara ng maigi ang pinto. Baka kasi mamaya ay biglang tumawag si Ninong at hindi din s'ya marinig nila Ate Gemma,wala pa naman si Manang ngayon. Kinuha ko ang aking madalas na libangan sa probinsya,lalo na kapag wala akong pasok sa university. Ang paggawa ng crochet na hindi ko alam kung bakit ba nahilig ako sa ganito. Nakakalibang kasi s'yang gawin na akala mo ay naglalaro ka lang. Pero hindi ko pa magawang maibenta ang mga gawa ko sa ngayon. Dahil hindi pa naman ako ganoon kagaling gumawa. Ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong malait. Hanggang sa hindi ko namalayan na masyado na pala akong nawili at nakaramdam din ng antok. Nahiga ako sa kama at inilapag sa bedside table ko ang aking ginawa. Parang makakabuo ata ako nito ng magandang crop

