TWO MONTHS LATER SIERRA'S POV Naghahanda na ako sa aking pagpasok sa university. And yes,isang maganda at kilalang university lang naman ako ginustong pag-aralin ni Ninong. Ang sabi ko nga kan'ya ay kahit sa hindi ganito kaganda. Lalo pa at graduating naman ako. Pero wala akong nagawa sa kan'yang desisyon. Kung sabagay pamilya n'ya lang naman ang may-ari ng Prestige University na isa sa kilalang university sa bansa. Halos lahat ng nag-aral dito ay may mga kilalang na ngayon sa kan'ya kan'ya nilang propesyon. Pero para sa akin ay kahit naman anong ganda ng school kung saan nagtapos ay balewala pa din kung hindi ka din mag-aaral ng mabuti. At dahil nga ayaw ko na din na makipagtalo pa kay Ninong ay pumayag na din ako sa kan'yang gusto na dito ako mag-aral. Nang matapos kong ayusin ang

