Nang makarating sa university ay nag-park na si Ninong. "Sasamahan kita sa loob."Wika nito na ikinalingon ko sa kan'ya. "Bakit sasamahan n'yo pa ako sa loob? Kaya ko naman ang sarili ko." "Baka kasi hindi mo pa masyadong kabisado ang mga building sa loob at maligaw ka pa. At ito nga pala ang schedule mo." Sagot nito sa tanong ko at kinuha ko naman ang kan'yang iniabot na papel. Mabuti pa ito alam agad ang schedule ko. "Ninong,bakit nasa in'yo na po agad ito?" "Hiningi ko na at isa pa ay alam mo na din naman na kami ang may-ari nitong university na ito. Hindi ko na itinago sa'yo,dahil malalaman at malalaman mo din namab. Good luck din pala sa scholarship mo Sierra." "Ninong,sa scholarship ko naman ay wala kang ginawang mekus-mekus para makuha ko di ba?" Naninigurado na tanong ko p

