- Lily - Ilang na araw na kaming magkasama ni Draco sa loob ng kaniyang castle matapos ng pag-uwi nito mula sa kanilang misyon. Mas lalo ko tuloy itong minahal ng sobra dahil sa pag-aasikaso niya sa akin sa araw-araw na palagi kaming magkasama. Daig pa namin ang tunay na mag-asawa. Walang oras din kung banggitin niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Nalaman ko rin kung bakit niya naisipan na manirahan sa lumang castle na noon pala ay abandonado. Binili nito iyon sa isang tao na naninirahan na sa ibang bansa at wala ng balak pang ayusin. Ipina-renovate nito iyon at tatlong taon palang pala sa kaniya ang castle. Ang mga kasama niyang kasambahay ay mula pa sa mga kaibigan nito galing, ang bodyguards naman ay mula sa daw sa kanilang Big Boss. Napatingin ako kay Draco na ngayon ay paran

