- Lily - Nagising ako na masakit ang buong katawan lalo na sa aking gitnang bahagi ng aking katawan. Napatingin ako sa vintage wall clock, its 1:20 in the morning. Madilim ang buong silid at tanging ilaw lang sa labas ng bintana ang siyang nagbibiay liwanag sa buong silid. Napansin kong wala si Draco sa aking tabi, saan ba ito nagpunta? Hindi ba ito natulog matapos ng aminng mainit na tagpo? Bumangon para umihi, kinuha ko ang roba at iyon ang sinuot ko. Habang naglalakad ay tinatali ko sa aking katawan ang roba. Matapos ko magbanyo ay lumabas ako. Kailangan kong hanapin si Draco. Paglabas ko ng kwarto ay madilim ang corridor, iilang ilaw lang ang nakabukas. Tahimik at kung matatakutin ka ay tiyak hindi ka makakalabas ng kwarto lalo na sa maraming vintage paintings at statues na

