- Lily - Maaga akong nagising dahil kailangan kong maging maganda today. Pagbaba ko ng hagdan ay binati ako ng mga kasambahay, nginitian ko lang sila. Dumiretso ako ng dining room, sabay na napalingon sa aking gawi si Mom at Dad. Halata sa mukha ng mga ito ang pagtataka kung bakit ako ngayon maagang nagising samantalang ang gising ng isang magandang tulad ko ay tanghali na matagal pa bumangon sa bed. “Goodmorning Mommy" lapit ko kay Mom at hinalikan ito sa pisngi. “Morning Darling." sagot ni Mom. “Goodmorning Daddy" hinalikan ko rin sa pisngi si Dad. “What a beautiful morning to my princess daughter." sagot ni Dad. Tumabi ako kay Dad, mabilis naman akong pinagsilbihan ng kasambahay at nagsimula na kaming kumain ng aming breakfast. “May bagong trabaho ka na naman ba at maaga ka nagis

