- Draco - “Fvck!" Mariin akong napapikit ng naramdaman ko ang hapdi sa braso ko sa pagtama ng bala mula sa kalaban. Kabi-kabila ang mga bombang sumasabog at mga lumilipad na mga bala na hindi agad makikita mula sa kalaban dahil nakatago ang mga ito sa liblib na lugar kasabay pa ng mahamog na kapaligiran. Binalot ko ng husto ang aking katawan ng mga basang damo at halos maligo na sa putikan kasabay pa ng pagbuhos ng ulan. Mabigat na sa katawan ang suot naming uniporme at mabigat na M2 .50 caliber machine gun. Nagkahiwa-hiwalay kami ng aking mga kasamahan ng may sumabog sa aming harapan. Kasalukuyan kaming nasa misyon dito sa lugar ng Jowhaar sa bansa ng Somalia. Isa itong remote island na pinamumugaran ng mga delikadong tao o terorista na kumakalaban sa gobyerno. Isa ako sa miyemb

