***Marcus POV*** "CLAUDIA." Tawag ko sa asawa pagpasok ko ng kwarto. "Yes honey." Malambing na sagot nya laglabas ng walk in closet. Bagong shower sya at nakasuot ng manipis na nighties na halos aninag ang maseselang parte ng katawan. "Tell me, sinulsulan mo ba si Daisy kaya bigla ay gusto nyang mag-Tagaytay?" "Of course not." Inaasahan ko ng itatanggi nya yun. "Don't fool me. I know Daisy. Hindi yun nag re-request na gumala sa malayong lugar. Kung gusto nyang gumala ay sa mall, park, o amusement park lang sya mag re-request. Hindi sya mag re-request na mag Tagaytay kung walang nagsabi sa kanya." Umikot ang mata nya. "Fine. Ako nga ang nagsabi sa anak natin. Binanggit ko lang naman yun pero hindi ko sya sinulsulan. Tapos, nagka interes sya. Namimiss nya raw mag horse back riding.

