Kabanata 3

1109 Words
Sa paglipas ng mga taon ay mas lalo kaming naging malapit ni Lucas. Tinuturing na namin ang bawat isa bilang matalik na kaibigan. Sa tuwing pumapasok kami sa school ay hindi kami mapaghiwalay maliban na lang siguro kung pupunta ng banyo. Ngunit madalas sa lahat ng oras ay magkasama talaga kaming dalawa. Sobrang friendly ni Lucas at hindi nakakagulat na may mga ibang kaibigan pa siya lalo na sa mga kalalakihan. Sanay na sanay siyang makipag-usap at siguro ay nakikita rin ng ibang tao ang magaan na loob ni Lucas kung kaya’t marami rin ang natutuwa sa kanya. Ako naman ang kabaliktaran ni Lucas. Sobrang mahiyain ko at hindi ko halos nagawang magkaroon ng ibang kaibigan maliban sa kanya. Mabuti na nga lang at mas pinipili talaga ako ni Lucas na samahan kahit ba palagian siyang inaaya ng iba pa niyang kaibigan. Hindi siya nagsasawang samahan ako dahil alam niyang siya lang ang kaibigan na mayroon ako. Kakilala ko naman ang mga kaibigan niyang lalaki pero ewan ko ba, sa tuwing inaaya siya ng mga iyon, at kahit pinipilit na nila si Lucas na isama na lang ako para naman maka-bonding din nila ay mas pinipili talaga ni Lucas na humindi para mas masamahan niya ako. Noong minsang tinanong ko siya tungkol doon ay mabilis niya lang akong sinagot na may crush daw sa akin ang isa sa mga lalaki roon. Kaagad din akong nailang sa sinabi niya kaya’t nagiging pabor na rin sa akin ang hindi niya pagpayag sa mga kaibigan niyang iyon. Ganoon ang nangyari sa amin sa loob ng anim na taon na pag-aaral sa elementary. Nakangiti ako habang nakitingin kay Lucas na sinasabitan ng medalya. Siya ang salutatorian ng batch namin sa elementary. Sobrang blessed at perfect na talaga ni Lucas. Halos wala na akong makitang flaw sa kanya sa mga oras na iyon. Umangat ang tingin ko kay Nanay nang maramdaman ko ang kapit niya sa akin. Kasalukuyan kaming naghihintay na matapos ang picture taking nila Lucas sa stage. Parang matutunaw ang puso ko nang makita ang naiiyak na mukha ni Nanay ngunit bakas pa rin doon ang saya sa kanyang mukha. “And for our class valedictorian, Sibley Lazaro.” Umakyat kami ng stage ni Nanay. Para akong lumulutang habang nakatayo roon. Malalaki ang ngiti ko habang nakatingin sa ka-batch ko na nakapagtapos din sa elementarya ngayong araw. Sunod-sunod ang pagsabit sa akin ng mga medalya mula sa mga subjects na ako ang may pinakamataas na grado. Bukod pa roon ay ang mga contests na dinaluhan ko sa huling taon ko kung saan ako ang nanalo dito man sa loob ng school o sa mga interschool competitions. Lumapit ako sa stand kung saan may nakahandang mic para sa akin. Tumungtong ako sa maliit na hagdan upang maabot iyon at makita ng mga kapwa ko mag-aaral. Huminga ako nang malalim at tinignan si Nanay na tila proud na nakatingin sa akin. “Looking back, I never thought that I would be able to study and learn like what I had gone through for the past six years of my life. I was able to grow and dream further for all the things I want to do and the future I want to have. All of this won’t be possible without the people who believed in me and the people who were always with me every step of the way,” panimula ko. I paused shortly and looked on the faces of my batchmates. “Allow me to thank everyone starting from God, the almighty, who guided not only me but each and every one of us to reach this point of our lives. Our parents, who always supported us with our needs either financially or mentally. To our friends who made our journey a colorful and unboring one.” Tumingin ako kay Lucas at ngumiti pagkasabi niyon. I saw him looking proudly at me. “To our teachers who patiently thought us not only the things we needed to learn through books but also the virtues and morals that we will be using for the next chapters of our lives. To our dearest principal and to all our honorable guest, thank you so much.” I took a deep breath once again. “And lastly, to my batchmates, this is not the end, this is the start of the next chapter where we will be facing more challenges. Our learning will never stop from here and I wish every one of us will reach our own success in the future. Good morning and congratulations to all of us!” Narinig ko ang malakas na palakpakan pagkatapos kong magsalita. Bumaba ako sa stage at muling bumalik sa kinauupuan ko. Malalaki ang ngiti sa akin ni Lucas. I felt him reached for my hand. He was looking at me in awe and pleased. “I’m so proud of you, Sibley.” Napatitig ako sa kanya. I felt something in me sparked. Hindi ko maintindihan sa mga oras na iyon kung bakit ako nagkakaganoon ngunit gusto ko ang pakiramdam na iyon. “Sobrang proud din ako sa’yo, Lucas. Sabi ko naman sa’yo kakayanin mo magka-honors eh,” biro ko sa kanya. He chuckled a bit. “If it weren’t for you then I won’t be able to make it. So thank you, for pushing me to be the best and for seeing the potential in me,” marahang sagot nito. “May tiwala kasi ako sa’yo, Lucas. Saka alam kong may ibubuga ka pa. Malay mo, sa graduation natin ng high school, ikaw na ang valedictorian.” Muli itong napatawa nang mahina. “Feeling ko nga rin. Baka noong tinuturuan mo ako ay sinasabotahe mo ako kaya imbis na ako ang valedictorian ngayon, naging salutatorian mo lang ako,” he said jokingly. Tinawanan ko na lamang siya pagkatapos niyon dahil muling nagsalita ang speaker sa harap. Ngunit isa lang ang natatanging laman ng isip ko sa mga oras na iyon, hawak niya pa rin ang kamay ko at tila ayaw niya akong bitawan. Right there and then, alam kong may nagbago sa pagtingin ko kay Lucas. I may not realize it yet at that time but looking back, masasabi kong doon nagsimula ang lahat. Sa paghawak niya sa kamay ko at ang kakaibang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hindi ko pa iyon maipaliwanag noon ngunit sa ngayon ay maaaring alam ko na ang tawag. Sa pagtingin niya sa akin na halos ikatunaw ng puso ko. Akala ko noon ay normal lang pero alam ko ngayon na may iba na palang kahulugan. It started off with the small things, and things got out of hand now.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD