WALA sa sariling sumakay ng tricycle si Khiara, nagpahatid siya sa bar kung saan siya mamamasukan bilang waitress.
"Khiara, nandito kana? Ano napag-isipan mo naba ng mabuti yung alok ko? Isipin mo lang na gagawin mo ito para sa kapatid mo. Isang gabi lang Khiara, sagot lahat ng problema mo!" tulala parin siya, at wala sa sariling tumango ito. Nagpapalakpak dahil sa tuwa ang kanyang Manager.
"Yes! Yahooow! Hindi ka magsisisi Khiara!" napapikit siya ng mata.
"Diyos ko, tama ba itong gagawin ko? Kayo na po sana ang bahala sa akin Lord!" taimtim niyang panalangin
"Halika na, maghanda na tayo! O kayo diyan, ayusin ninyo ang mga trabaho ninyo. Yung stage gandahan niyo at dapat presentable para naman makaakit tayo mamaya ng maraming costumers diba?" kekembot kembot pa itong naglakad. Nagtungo na sila ni Khiara sa loob ng kwarto kung saan siya aayusan.
"Itong red dress na ito ang susuotin mo, wow diba ang ganda nakakaakit?" hiyang hiya naman si Khiara dahil sa igsi ng dress na ito.
"Kailangan ba talagang ganito ang suot Mommy V? Hindi ba pwedeng simpleng dress na lang?"
"No! Hindi pwede, kailangan mo ito para maraming maakit sayo, ang ganda-ganda mo kaya sigurado pag-aagawan ka mamaya ng mga kasali sa bidding. Alam mo bang mga mayayamang tao ang kasali mamaya? Mga multi millionaire business man, mga pulitiko Khiara at sigurado tiba-tiba tayo ngayon!" masayang sambit nito sabay kamot sa kanyang mga palad.
"Hala siya, humanda kana!" iniwan muna siya nito sa loob habang inaayusan siya ng isang bakla na kasama din nila sa bar na iyon.
SAMANTALA
"Dude, nag-iinom kana naman? Hanggang ngayon paba affected ka parin sa breakup ninyo ng ex mo?" pukaw ni Marcus sa kaibigan niyang si Kent.
"Pwede bang hayaan niyo na lang ako? Ang sakit-sakit dude! I've been honest to her, naging loyal ako sa kanya tapos ipagpapalit lang niya ako sa iba? She's a weak! She's a f*****g weak! Nalingat lang ako saglit makipaglandian na siya sa iba!"
"You know what dude, sama ka sa amin. Gusto mong maglasing diba, then let's go!" yaya sa kanya ni Marcus, kasama ang ilan nilang mga kaibigan nagpunta sila sa isang bar. Maraming mga tao, may mga nagsasayawan na dahil sa kalasingan. Nang mapansin ni Marcus na tila may event sa loob ng bar.
Out of curiosity, he asked one of the staff.
"Excuse me! What was that all about?"
"Ahm Sir, may bidding po mamaya!" sambit naman nito.
"Ahh, bidding? I'm just curious, sorry ha pero ngayon ko lang kasi narinig yan."
"May mga babae pong kasali sa bidding Sir, pataasan po ng pusta, kung sino po ang may pinakamalaking pusta siya po mananalo."
"Ah, now I got it! Interesting ah, thank you!" napangiti naman si Marcus.
"Interesting isn't dude?" tanong nito kay Kent na noon ay panay tungga sa hawak nitong alak.
"Yeah! As if naman hindi mo alam!"
"No! Promise wala akong alam sa mga ganito."
"You're fooling us dude! Hoy hindi mo kami maloloko, sa babaerong katulad mo walang alam sa bidding na ito? Whoahhow!" naiiling-iling na lang si Marcus sa sinabi ni Luke.
"Sali kaya tayo? Heheh.. Para kay Kent, para naman sumaya saya siya kahit papaano!" muling sambit ni Marcus, nagkatinginan naman ang iba nilang mga kaibigan, at sabay-sabay silang nagsalita.
"Agree!" pumayag nga silang lahat na sumali, samantalang si Kent ay naiiling-iling na lang sa mga ito.
Hanggang sa napukaw ng atensyon nila ang tunog ng cellphone ni Kent na noon ay nasa ibabaw ng mesa.
"Dude, Tito Dylan is calling!" hindi man lang nito pinansin, nakailang ring na ito nang mapagpasyahan ni Marcus na sagutin na ito.
"Hello Tito, Marcus is on the line."
"Where is Kent? Bakit Ikaw ang sumagot ng tawag ko? At saka teka, nasa bar naman ba kayo?" tanong ni Dylan mula sa kabilang linya, napakamot naman sa ulo si Marcus.
"Ahm yes Tito, sinamahan lang po namin si Kent."
"Naglalasing na naman ba siya? My goodness, hindi naba matututo yang kaibigan niyo? Umuwi kayo ng maaga dahil gusto ko siyang kausapin!"
"Ahm Tito, nasa Tuguegarao po kami ngayon!"
"What? Nasa Cagayan kayo ng hindi man lang kayo nagpapaalam? Did your father know about this?" muling tanong ni Dylan . "No Tito, sige po bukas na bukas din uuwi na kami ng Manila, huwag po kayong mag-alala kay insan ako na pong bahala sa kanya." ibinaba na nga niya ang tawag.
Hanggang sa unti-unti nang dumarami ang mga tao, sa tingin nila ay mga high profile o kilala sa lipunan ang mga kasali sa bidding.
"Tingnan niyo nga naman pati ang matandang iyon kasali pa sa bidding, diba congressman yan?" muling pukaw ni Luke sa kanila.
"Whoaw! This is interesting!" excited na sabi ni Marcus, si Kent naman ay patuloy sa paghingi at paglagok ng alak.
"Lasing kana dude, mamaya na iyan. Manood na muna tayo!" isa- isa silang umayos ng upo habang nasa stage ang kanilang atensyon.
"Khiara umayos ka nga! Ang ganda-ganda mo, kaya ayusin mo yang sarili mo dahil ikaw na ang susunod. Galingan mo mamaya hah, para naman makakumisyon ako ng malaki- laki ngayong gabi. Biruin mo mababayaran mo na ang utang mo sa akin, maipapagamot po pa ang kapatid mo!" pukaw sa kanya ng manager niyang si Mommy V.
Nanginginig, natatakot at gusto nang umatras ni Khiara pero kung gagawin niya iyon paano ang kapatid niya? Pikit mata siyang naglakad papunta sa stage, lutang ang angking kagandahan nito dahil sa suot nitong red velvet lace dress na hanggang hita lamang ang haba. Kitang kita ang mapuputi at makikinis nitong binti habang lutang naman kung gaano kaganda ang matatayog nitong mga dibdib. Nakasuot din siya ng red masquerade mask para itago ang kanyang identity.
Hiyang-hiya siyang napaupo sa harapan ng mga mayayamang kalalakihan na kasali sa bidding.
Ayon sa kanyang Manager mga multi millionaire, mga business man at mga pulitiko ang kasali sa bidding show.
Hindi magkamayaw ang hiyawan ng makita nila itong paakyat na sa stage.
At nagsimula na nga ang tawaran.
"Five hundred thousand, mine!" sigaw ng isang lalakeng may katandaan na at malaki ang tiyan na may hawak-hawak na tabako.
"One million pesos mine!" sigaw naman ng lalakeng nasa fifty's na ang edad.
"Two million pesos mine!" muling sigaw nung matandang lalake na malaki ang tiyan.
"Three million pesos mine!"
"Five million pesos mine!" naging sunod-sunod na ang mga tumataya sa kanya.
"Is there any bid for five million?" muling tanong ng emcee.
"Ten million pesos mine!" sigaw muli ng matandang may hawak na tabako.
"Is there any bid for Ten million pesos? Is this for final?" muling tanong ng emcee.
"Diyos ko gabayan niyo po ako, sana naman hindi ako mapunta sa matandang lalake na ito. Please Lord!"
Patuloy ang pagdarasal ni Khiara hanggang sa may sumigaw ulit.
"Twelve million pesos for my boss!" sigaw ng isang baritonong boses, na hindi mawari ni Khiara kung saan ito nakapwesto.
"Fifteen million pesos mine!" muling sigaw ng matandang lalake, ayaw talagang magpatalo nito at gustong-gusto na makuha si Khiara.
"Ok, wala na po bang tataya? Fifteen million pesos for the final bid?" muling nakiramdam si Khiara, napapapikit na siya dahil sa tindi ng kaba sa kanyang dibdib.
"Twenty million pesos for my boss!" muling sigaw ng baritonong boses na iyon. Muling namayani ang katahimikan.
"Is there any bid for twenty million pesos?" muling tanong ng emcee.
"Ok, Twenty million pesos is the final bidding!" masayang sambit ng emcee, naiiling iling naman ang matandang lalake, habang hindi naman magkamayaw sa kasisigaw ang kanyang manager na noon ay nasa isang gilid lamang.
Nagmulat si Khiara ng kanyang mga mata, isang lalakeng nakangiti na sa tantya niya ay kaedaran lamang niya ang nakabili sa kanya. Gwapo naman ito at nakasuot lamang ito ng jeans at white t-shirt.
Kung ganoon isang kaedaran lang niya ang nakabili sa kanya? Pero bakit siya sumali sa ganitong bidding, gayong impossible naman na wala itong girlfriend? Maraming naglalarong katanungan sa isipan ni Khiara.
Muli siyang pumikit at bumulong,
"Thank you Lord at hindi niyo hinayaan na mapunta ako sa matandang iyon!"
Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam niya. Tanging dasal na lang niya na hindi masamang tao ang nakabili sa kanya.
"Hintayin mo ako ading ko, darating si ate. Maipapagamot na kita!" naluluhang sambit niya.
Nilapitan naman siya ng kanyang manager na noon ay masayang masaya.
"Wow Khiara ah, Twenty million pesos! Ang laking datung nun Khiara, uyy balato ko ah!" tuwang-tuwa na sabi nito.
Hindi parin siya makapaniwala sa lahat, na ngayong gabi ipagkakaloob niya ang pinaka-iingat ingatan niyang puri.
MULA sa lobby ng hotel, pinilit niyang kalmahin ang kanyang sarili. Kahit nanginginig na ang buo niyang katawan, pinilit parin niyang maglakad patungo sa kwarto kung saan gagampanan niya ang kanyang tungkulin. May sumalubong sa kanyang isang lalake at ibinigay sa kanya ang susi ng kwarto. Kinuha niya iyon at hinanap ang room number na sinabi nito sa kanya. Pagkarating niya sa harapan ng kwarto, samut saring kaba at takot ang kanyang naramdaman.
Huminga siya ng malalim bago binuksan iyon, tumambad sa kanya ang madilim na kwartong iyon. Tanging ang munting liwanag na nagmumula sa bintana ang tangi nilang ilaw. Naaninag niya ang isang malaking bulto sa nakaupo sa gilid ng kama.
"Hey, you're here baby girl." malambing na wika nung lalake, base sa naaaninag niya, may malaking pangangatawan ang lalakeng ito, matangkad at may malamyos na tinig.
"Teka, hindi ito ang lalakeng nakita ko kanina, hindi ito ang nakabili sa akin!"
sigaw ng isip niya, dahil kilala niya ang boses nung lalake kanina sa bidding.
"Will you just stand there? Come closer baby girl, give me you best, make me happy come on!" para na siyang napako sa kinatatayuan niya, ang tinig na iyon, na tila kay sarap sa tainga. Pilit niyang inaanigag ang mukha nito pero hindi niya makita.
"Come closer, and take off your clothes! You're paid and do your job, come on baby girl give me your best!" unti-unting humakbang si Khiara palapit sa kama. Tumayo ang lalake na noon ay tila wala nang saplot sa katawan.
"I won't bite you nor eat you, I just want to taste you and eat your damn p***y!"
Shocks! May pagkabastos pala ang lalakeng nakabili sa kanya.
"Makukuha mo ang full payment, pagkatapos mo akong paligayahin. Ito naman ang gusto niyong mga babae diba, pera? This is all yours, just make me happy tonight. Hindi ka pwedeng tumanggi sa kahit na anong gusto kong gawin sayo, bayad ka kaya gampanan mo ang tungkulin mo!" bakit tila galit ito ngayon? Kanina ang sarap sa tainga ng boses niya pero ngayon tila isang Leon na handang lumapa anumang oras.