bc

[THE CERVANTES TWINS] Unforgettable Night with KENT CERVANTES

book_age18+
1.5K
FOLLOW
17.7K
READ
billionaire
one-night stand
HE
opposites attract
badboy
powerful
single mother
bxg
campus
like
intro-logo
Blurb

Isang mapagmahal na ate, isang responsableng kapatid. Ganyan kung ilarawan si Khiara Querubin, lahat ay kanyang gagawin madugtungan lamang ang buhay ng pinakamamahal niyang kapatid. Ulila ng lubos kaya inako nang lahat ni Khiara ang responsibilidad para buhayin at pag-aralin ang bunsong kapatid.

Naglalako siya ng mga gulay, naglalako ng mga kakanin at sumasali sa mga beauty pageant para lamang makaraos sa buhay, nasa fourth year College na siya sa kursong Bachelor of Science in Criminology. Malapit na siyang makapagtapos ng biglang dumating ang matinding dagok sa buhay nilang magkapatid. Nagkasakit si Lawrence at kailangan ito ng agarang operasyon, wala siyang makapitan, wala siyang mahingan ng tulong. Buhay ng kapatid niya ang kanilang hinahabol kaya naman pikit mata niyang tinanggap ang alok sa kanyang sumali sa isang bidding. Umabot sa dalawampung milyong piso ang bid sa kanya, kapalit nito ang isang gabi nitong serbisyo. Dahil sa perang iyon nailigtas niya ang buhay ni Lawrence at nakapagtapos siya ng pag-aaral. Ano ang gagawin niya kung magbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila ng lalakeng nakabili sa kanya? Handa ba siya sa responsibilidad na maging isang Ina ng hindi lang ng isa kundi ng tatlong bata? Ano ang gagawin niya kapag dumating yung araw na muling magtagpo ang landas nila ng lalakeng nakabili sa kanya? Ano ang gagawin niya kapag nalaman niyang isa palang Bilyonaryo ang ama ng kanyang mga anak, at pilit niyang ilalayo sa kanya ang mga triplets?

chap-preview
Free preview
1- The Encounter
There are some scenes that are not suitable for very young reader's, the story may contains of s*x, drugs and violence. ‼️ WARNING ‼️ "This story is purely a fictional, and if there's any resemblance to real life, it is not intentional and just a coincidence." INTRO: "Khiara umayos ka nga! Ang ganda-ganda mo kaya, ayusin mo yang sarili mo dahil ikaw na ang susunod! Galingan mo hah, para naman makakumisyon ako ng malaki- laki ngayong gabi, biruin mo mababayaran mo na ang utang mo sa akin at maipapagamot mo pa ang kapatid mo!" pukaw sa kanya ng kanyang manager na si Mommy V. Nanginginig, natatakot at gusto nang umatras ni Khiara, ngunit kung gagawin niya iyon, paano ang kapatid niya? Pikit mata siyang naglakad papunta sa stage, lutang ang angking kagandahan nito dahil sa kanyang suot na red velvet lace dress na hanggang hita lamang ang haba. Kitang kita ang mapuputi at makikinis nitong binti, habang lutang naman kung gaano kaganda ang matatayog nitong mga dibdib. Nakasuot din siya red lace masquerade mask para hindi siya makilala ng mga ito. Hiyang-hiya siyang napaupo sa harapan ng mga mayayamang kalalakihan na kasali sa bidding. Halos lahat ng mga kalalakihan doon ay puro mga matatanda na. Ayon sa kanyang manager mga multi- millionaire business men at mga pulitiko ang kasali sa bidding na iyon. At nagsimula na nga ang tawaran. "Five hundred thousand, mine!" sigaw ng isang matandang lalake na malaki ang tiyan at may hawak-hawak pa itong tabako. "One million, mine!" sabi pa ng isang lalake na nasa late fifty's na ang edad . "Two million pesos, mine!" muling sigaw nung naunang lalake kanina. "Three million pesos,mine!" "Five million pesos, mine!" Naging sunud-sunod na ang mga tumataya sa kanya. "Is there any bid for five million pesos?" tanong ng emcee sa lahat. "Ten million pesos,mine!" muling sigaw nung matandang may hawak na tabako. "Is there any bid, ten million pesos is the final?" muling namayani ang katahimikan. "Diyos ko gabayan niyo po ako, sana naman hindi ako mapunta sa matandang ito. Lord please!" patuloy sa pagdarasal si Khiara, hanggang sa isang lalake ang muling sumigaw. "Twelve million pesos, for my boss!" sigaw ng isang baritonong boses, na hindi niya mawari kung saan ito nakapwesto. "Fifteen million pesos, mine!" muling sigaw ng matandang lalake, hindi talaga ito nagpapatalo at gustong gusto niyang makuha si Khiara. "Fifteen million pesos, is this for final bid?" "Twenty million pesos for my boss!" muling namayani ang katahimikan. "Is this for final, wala na po bang tataya?" muling nakiramdam si Khiara, napapikit pa ito dahil sa tindi ng kanyang kaba sa dibdib. "Ok, twenty million pesos for the final bidding!" masayang sambit ng emcee, samantalang naiiling-iling naman ang matandang lalake na may hawak na tabako. Hindi naman magkamayaw sa kasisigaw ang kanyang manager na noon ay nasa isang tabi lamang. Nagmulat si Khiara ng kanyang mga mata, isang lalakeng sa tantya niya ay kaedaran lamang niya, gwapo din naman ito naka jeans lang ito at white t-shirt. Masaya itong nakangiti sa kanya, kung ganoon isang kaedaran lang niya ang nakabili sa kanya? Pero bakit siya sumali sa ganitong bidding, gayong imposimble naman na walang girlfriend ito? Marami ang katanungan sa isipan ni Khiara. Muli siyang napapikit at bumulong. "Thank you Lord at hindi ako napunta sa matandang iyon!" Kahit paano gumaan ang pakiramdam niya. Tanging dasal niya ay hindi masamang tao ang nakabili sa kanya. Maipapagamot na niya ang kapatid na noon ay nasa isang pampublikong pagamutan. Ngayong may pera na siya, maililipat na niya sa pribadong hospital si Lawrence. "Hintayin mo ako ading ko! Darating si ate, maipapagamot na kita!" naluluhang sambit nito, nilapitan naman siya ng kanyang manager. "Wow Khiara, twenty million pesos. Ang laking datung nun Khiara, uyy balato ko ah!" tuwang-tuwa na sabi nito kay Khiara. KHIARA POV : UMAGA ng lunes nasa daan na kami ng aking mga kasamahan, kami ang naatasan na mamalagi sa isang checkpoint site. Palapit narin ang eleksyon at kailangan naming mag double check sa lahat ng mga sasakyang palabas at papasok ng lungsod ng Tuguegarao. "Sir checkpoint lang po, kaunting inspection lang po sir, ma'am!" nasa ganoong ayos ako araw-araw, isa akong alagad ng batas kaya naman gagawin ko ng mabuti ng aking tungkulin. Lalo na ngayon at may umiiral na gun banned sa aming lalawigan kaya dobleng pagbabantay at pag-iingat ang aming ginagawa. Hanggang sa may isang sasakyan ang biglang umibis, isang Black Ferrari California. Pinara ko iyon para sana sa kaunting inspection pero imbes na tumigil ito ay bigla nalang humarurot ang sasakyan na iyon. Dahil sa lakas ng ulan kagabi at may mga namuong tubig ulan sa kalsada, sa pagharurot ng sasakyang iyon tumalsik sa akin ang lahat ng tubig ulan. Basang basa na ako, kaya sa sobrang gigil ko at inis ko kaagad na sumakay ako sa aking motorsiklo para sundan ang kotseng iyon. Siguradong mayaman ang nagmamay-ari ng sasakyan na iyon, pero kahit sino pa siya wala akong pakialam. Mayaman man o mahirap hindi ko siya uurungan, wala siyang lusot sa batas. Lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo ng aking motorsiklo, sunod-sunod na busina ang aking pinapakawalan. Hanggang sa napansin niyang may nakabuntot sa kanya, bigla niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan at nakipagkarerahan pa ito sa akin. Talagang sinubukan ang pasensya ko ng kung sino mang Ponchio Pilato na ito, tingnan natin kung hanggang saan ang kaya niya, halos paliparin ko na ang aking motorsiklo at mabilis na humarang sa kanyang daraanan. Bumaba ako ng aking motorsiklo at prenteng naglakad palapit sa kanya, nakahanda ako sa ano mang pwedeng mangyari. Napapaisip pa ako kung bakit hindi man lang ito tumigil sa checkpoint site, siguro masamang tao ito? Siguro may tinatakasan din ito sa batas? O di kaya naman may illegal itong gawain kaya natakot kanina sa checkpoint. Kinapa ko ang aking services fire arms sa aking beywang, nakahanda akong lumaban oras na manlaban ang taong sakay ng kotseng ito. Prente akong nakatayo sa harapan ng sasakyan at naghihintay na may bumaba mula rito. Hindi man lang lumabas ang taong nasa loob, kaya nagpasya na akong lumapit dito at kinalampag ko ang bintana nito. Ilang sandali pa akong naghintay habang hindi ko tinatanggal ang aking kamay sa pagkakahawak sa aking service firearms. Nang walang anu-ano'y biglang nagbukas ang pintuan ng kotse, napatulala pa ako ng bahagya ng makita ko ang taong iyon. A man in black? Gosh! Isang lalakeng matangkad, matipuno, maputi, may makapal na kilay at may nakakaakit na mga labi. Shocks! Pulang pula ang mga labi nito na tila kay sarap halikan! Bumalik lang ako sa huwisyo ng magsalita ito. "Can you get out of my way? Damn it! I'm almost late! Can't you see I'm in hurry?" galit na wika nito sa akin. Aba! English speaking ang loko, kung sabagay mukha naman siyang mayaman, pero hindi ito uubra sa akin, basang basa ako sa ginawa niya tapos siya pa itong may ganang magalit? "Sir una po sa lahat may violation po kayo, aware naman po kayo doon diba? And one more thing Sir, look what you did basang basa po ako sa ginawa ninyo, hindi man lang ba kayo marunong mag sorry?" sambit ko dito, ngumisi naman ito sa akin at kitang kita ko kung paano lumabas ang mga cute na cute nitong mga dimples. "s**t Khiara huwag kang paapekto sa kagwapuhan niya!" "Sir lisensya niyo po! Hindi po sana tayo aabot sa ganito kung tumigil po kayo kanina sa checkpoint!" seryosong sabi ko dito, napalingon naman siya sa kasama niyang isang pang lalake. Gwapo rin ito at kagaya nito nakasuot din ito ng black business suit. Umulan lang ng malakas kagabi, tapos ngayon naman umuulan ng kagwapuhan! "Marcus my license please!" utos pa niya dito, umikot naman ako para inspeksyunin ang likuran ng sasakyan kasabay ng pagkuha ko sa lisensya nito. Kent Dylan Cervantes iyon ang buong pangalan ng lalakeng ito. Teka! Nang maalala kong mga Cervantes din ang nagbigay sa akin dati ng scholarships. "Kaunting inspection lang po sir!" napakamot pa ito sa ulo at kita ko ang di kanais nais na titig nito sa akin, lumapit ito sa akin at tiningnan ang aking nameplate. "You're bothering us too much Police Officer Querubin! Can we go now? My licence please!" umiling naman ako dito, hindi ko pwedeng palampasin ang ginawa nito sa akin. Hindi ko ibibigay ang kanyang lisensya. "Sir reckless driving po ang violation niyo, kasama po dito ang over speeding, not using turn signal, not yielding right of way, at higit sa lahat running stop signs. Malinaw naman po ang nakalagay sa signage diba, STOP Comelec Checkpoint pero ano pong ginawa ninyo?" kinuha ko ang lisensya nito at inilagay sa aking bulsa. "Kung gusto niyo pong makuha ang lisensya niyo kunin niyo po ito sa City Hall." lalo pa itong lumapit ito sa akin, napapalunok pa ako ng sarili kong laway. "Sobrang abala na itong ginagawa mo sa akin Officer Querubin, Marcus bayaran mo na nga ito at nang makaalis na tayo!" nakakunot ang noo nitong sabi. "Mawalang galang na po sir, hindi niyo po ako madadala sa pera niyo, isa akong matinong alagad ng batas at ginagawa ko lang ng mabuti ang tungkulin ko! Kaya kung gusto niyo pong makuha ang lisensya niyo, kunin niyo po ito sa City Hall!" aba ang yabang, akala niya siguro madadaan niya ako sa lagay? Huh! Nagkakamali siya! "Hindi mo ba ako kilala officer, hmm?" lalo itong dumikit sa akin. "s**t, ang bango niya!" "Wala akong pakialam kung sino ka, kahit ikaw pa ang anak ng Presidente hindi ka lusot sa batas, hindi ka lulusot sa akin!" nakakailang ang paraan ng pagtitig nito sa akin, umiwas ako ng bahagya at talagang dumikit pa ito sa akin. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko parang may mga kabayong nag-uunahan sa dibdib ko. Nakipagsukatan ako ng tingin dito, hindi niya dapat mahalata na kinakabahan ako. Matalim ang mga mata nito sa akin, at matapang ko din itong tinitigan. Mabuti na lang at nagsalita ang kanyang kasama. "Kent dude, let's go! Tito is expecting us, we're almost late. Ako na ang bahalang kumuha ng lisensya mo, come on!" "Remember this face Officer, I swear you will regret for what you did!" nakangising sabi nito, gosh! Lumabas na naman ang dimple niya! "Talagang tatandaan kita Mr. Kent Cervantes, nakatatak kana dito oh!" sabay turo sa ulo ko, ang yabang akala mo kung sino? Porke't mayaman madadaan niya sa pera ang lahat? Naglakad na ako para tanggalin ang nakaharang kong motorsiklo sa daan, hindi ko pa tuluyang naaalis ito nang bigla niyang paliparin ang kanyang sasakyan. Natumba ang aking motor at pati ako ay tumilapon sa isang gilid. "Bwisit ka! Bumalik ka dito! Walang hiya ka, walang modo, bastos!" nagsisisigaw ako dahil sa sobrang galit ko, sakto namang pagdating ng isa ko pang kasamahan sa serbisyo na si PO1 Halter Dominguez. Tinulungan niya akong makatayo at inalalayan akong maupo sa isang gilid. Ang sakit ng balakang ko, napiliyan yata ako sa ginawa ng walang modong lalake na iyon. "Ayos ka lang ba Khiara? Alam mo hindi ka nag-iisip, sugod ka ng sugod! Isipin mo ang pamilya mo uy, paano kung mapahamak ka? Alalahanin mo, may tatlong bulilit na umaasa sayo!" galit na wika ni Halter sa akin, ganito palagi ang mga linyahan nito sa akin sa tuwing nasa trabaho kami. Hindi siya napapagod sa pagpapaalala sa akin na may mga anak akong naghihintay sa akin. Ang aking mga triplets, sina Fox, Fin at ang nag-iisang babae sa kanila na si Akira. Kaya ako nagsusumikap sa buhay para sa aking mga anak, kahit mag-isa lang ako kinaya ko ang lahat matugunan lamang ang kanilang mga pangangailangan. May nag-iisa akong kapatid si Lawrence, siya ang katuwang ko sa pag-aalaga sa aking mga triplets. Lahat ng masasamang salita, lahat ng mga panglalait ay pikit mata kong tinanggap dahil alam ko puso ko na wala akong masamang ginawa kundi ninais ko lang na maisalba mula sa bingit ng kamatayan ang aking bunsong kapatid. Sariwang sariwa pa sa alaala ko ang lahat, isang gabing pagkakamali na hinding hindi ko pinagsisisihan dahil bukod sa nailigtas ko ang buhay ng aking kapatid, dumating naman ang tatlo kong kayamanan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Hiding The Mafia Boss Daughter [TAGLISH]

read
150.8K
bc

Agent Series 18: Black Lipstick ( R-18 SPG)

read
97.4K
bc

THE EVIL STRANGER: MAFIA LORD SERIES 12 (R-18 SPG)

read
104.5K
bc

Dangerous Spy

read
322.2K
bc

Angel's Evil Husband

read
268.9K
bc

MY MASTER: MAFIA LORD SERIES 11

read
57.8K
bc

Denver Mondragon

read
68.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook