KHIARA'S POV : "Oh my God kuya! Nakita na pala namin dati ang mga anak mo!" malinaw pa sa aking tainga ang aking narinig, napatakip ng bibig si Chloe habang titig na titig naman si Kent dito. "Anak?" wala sa sariling tanong ko kay Chloe. "Ang triplet's po ate, diba anak na ang turing ni kuya sa kanila?" sabay ngiti nito ng tipid sa akin, parang may something sa sinabi niya na hindi ko maipaliwanag. Lumapit naman sa akin si Kent upang paupuin sa sofa habang abala ang lahat sa munting salu-salo na ihihanda nila para sa akin. "Did you know that Daddy planned all this Mama?" yumakap sa akin si Fin, at kita ko ang saya sa mukha ng aking anak. Samantalang sina Fox at Akira ay masaya namang nakiki- pagkwentuhan kay Chloe. Ramdam ko ang mainit na pagtanggap ni Chloe sa mga anak ko, she's so

