8- Memories Of The Past ( Pagdadalang Tao)

1775 Words
NAGING matulin ang paglipas ng mga araw. Kahit tapos na ang graduation nina Khiara patuloy parin ang kanyang paghahanap buhay. May pwesto siya ng ihawan sa harapan ng kanilang apartment building. Halos araw-araw dito tumatambay ang kanyang mga kaibigan lalo na pagsapit ng hapon. "Girl anong balak mo? Magrereview kama rin ba?' tanong sa kanya ni Trixie. "Oo naman, dapat sama-sama parin tayo ah! At saka kapag nakapasa tayo ng licensure examination, sabay-sabay tayong papasok ng Academy." masayang turan sa kanila ni Stella. "Oo nga, si Halter ang bahala sa atin diba Halter?" may kapatid kasi itong pulis kaya nangako ito na tutulong din sa kanila. "Girl pansin ko, mas hiyang sayo na tumira dito! Tumataba ka ngayon Khiara, parang lalong bumilog ang katawan mo ngayon." puna sa kanya ni Trixie. "Siguro kasi wala na akong iniisip na iba, kuntento na kami dito ni Ading kaysa sa dati naming tirahan, malayo sa gulo at malayo sa mga taong mapanghusga!" "Kung sabagay, mas mabuti na dito. Wala ang mga kamag-anak mong asungot, alam mo ba yung pinsan mong bagong panganak ayun bugbog sarado kahapon. Paano naman kasi pinahiya niya yung asawa niya sa gitna ng inuman. Hay naku! Dapat lang sa kanya yun." kwento naman ni Stella. "Hayaan niyo na sila, hindi naman kamag-anak ang turing nila sa amin eh! Atleast ngayon, hindi na kami makakarinig ng kahit na anong masakit na salita mula sa kanila." nasa ganoong pag-uusap sila ng biglang tumigil sa pagsasalita si Trixie. "Speaking off!" sabay nguso nito sa babaeng palapit sa kanila. Sabay-sabay silang napalingon. "Pinsan, baka pwedeng makahingi ng panggatas ni baby. Walang trabaho ngayon ang asawa ko eh, sige na pinsan para sa pamangkin mo lang." nagkatinginan naman silang magkakaibigan. Napalunok naman si Khiara sa sinabi ng pinsan niyang si Gretta. "Teka insan, kumain naba kayo? Pasok muna kayo sa loob para makakain kayo, akin na muna si baby." sabay karga nito sa pamangkin. Naiiling naman ang kanyang mga kaibigan na nasundan sila ng tingin. Pagkatapos niyang pakainin si Gretta binigyan niya ito ng two thousand pesos para pambili ng gatas at diaper ng pamangkin. "Tsk.tsk. Kaya ka inaabuso eh, ang bait mo! Tapos kapag ikaw ang nangailangan ng tulong, naku ni singkong duling wala silang maibigay sayo!" panenermon sa kanya ni Stella. "Hayaan niyo na naawa ako sa bata eh!" inirapan naman siya ni Trixie. "Asus! Bahala ka diyan, sige na magpapaalam na kami. Hinahanap na ako sa amin eh!" Nagpatuloy sa paglalako si Khiara ng mga ihaw-ihaw tuwing hapon. Tulad ng nakagawian tumatambay parin ang kanyang mga kaibigan para tumulong sa kanya. Isang umaga pagkagising ni Lawrence, kaagad na napansin nito ang ate niyang maganang kumakain. Napangiwi naman ito ng makitang imbes na kanin ang almusal, manggang hilaw na isinasawsaw sa suka at bagoong ang almusal nito. "Eww.. Ate ano ba yang kinakain mo, ang aga-aga pa ah!? Mangga talaga? Sasakit ang tiyan mo niyan, makaluto na nga hindi yung kung anu-ano ang kinakain mo diyan." ngumiti lamang ito sa kapatid. Naglabas naman ng itlog at hotdog si Lawrence para lutuin, pagkatapos nagsangag din ito ng lumang kanin nila mula kagabi. "Lawrence ano ba yan?" naduduwal nitong sabi, sabay takip nito sa kanyang ilong. "Ang baho ah, ano ba yang niluluto mo?" "Ang OA mo naman ate, sinangag lang ito ah! Yang kinakain mo ang mabaho!" sambit naman ng kapatid. Hindi na talaga makayanan ni Khiara ang amoy ng bawang, bumabaliktad na ang sikmura nito. Nagtatatakbo ito papasok ng banyo. Nag-aalala naman si Lawrence na nasundan ang kanyang ate. "Ate ayos ka lang? Sabi ko naman kasi sayo, sasakit ang tiyan mo sa kinakain mo eh!" habang patuloy parin sa pagsusuka si Khiara. "Diyos ko, bakit ganito? May sakit kaya ako?" Hanggang sa napagpasyahan niyang tawagan si Trixie, magpapasama ito sa doktor. Kailangan niyang makapagpa- check-up, dapat malusog siya hanggang sa matapos ang board exam nila. Kapag nagkataon at nakapasa sila, sama-sama silang papasok ng Academy. "Ano bang nakain mo na ikinasira ng tiyan mo girl?" "Mangga saka bagoong lang naman ang kinain ko!" "Mangga at bagoong sa umaga? Hindi ka naman naglilihi ano, kasi wala ka namang boyfriend?" nanlaki ang kanyang mga mata, napatutop siya ng bibig nang maalala niyang dalawang buwan narin siyang hindi dinadatnan ng kanyang monthly period. "Khiara? Bakit ganyan ang reaksiyon mo? Mayroon kabang hindi sinasabi sa amin? Khiara hoy, ano ba naririnig mo ba ako girl?" sunod sunod na tanong ni Trixie. Hindi halos makaimik si Khiara, hindi kaya buntis siya? Kung ganoon nagbunga ang isang gabing pinagsaluhan nila ng lalakeng nakabili sa kanya? Lalong nagbigay ng kalituhan kay Trixie nang makita niya itong lumuluha. Hinawakan niya sa mukha ang kaibigan. "Khiara may inililihim kaba sa amin? Magsabi ka ng totoo girl, kakampi mo kami hindi ka namin pababayaan!" "Sorry Trix, tama ka! May nagawa akong pagkakamali, dahil sa kagustuhan kong maisalba ang buhay ni Ading____." Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng muling magsalita si Trexie. "Khiara, ibig bang sabihin nito ginawa mo ang kinakatakutan kong mangyari?" tumango naman ito sa kaibigan. "Diyos ko Khiara, bakit nagawa mo ito? Matalino ka Khiara, bakit hindi ka nag-isip ng mabuti?" panay ang hikbi nito habang pinapagilatan siya ng kaibigan. "Masisisi niyo ba ako kung bakit nagawa kong ibenta ang katawan ko? Para kay ading Trix, kaya nagawa ko ito. Ayaw ko siyang mawala!" lingid sa kanilang kaalaman nakikinig pala si Lawrence sa labas ng kwarto ni Khiara. "Anong gagawin ko Trix?" "Huwag kang mag-alala, nandito kami! Nandito kaming mga kaibigan mo." niyakap siya nito kasabay ng pagyugyog ng kanyang mga balikat. "Ate kaya kaba nakabili ng ganitong kagandang bahay? Kaya kaba tumigil sa pagtatrabaho sa bar?" mula sa pintuan narinig nilang nagsalita si Lawrence. "Sorry Ading! Hindi ko ito ginusto, ginawa ko lang ito dahil ayaw kitang mawala. Mahal na mahal kita Lawrence, patawarin mo si ate." "Ok lang ate, utang ko sayo ang buhay ko. Kaya ako naman ngayon ang maninindigan at tatayo para sayo. Bubuhayin natin ang ipinagbubuntis mo ate, palalakinihin natin siya!" "Tama si Lawrence, ituloy mo yan Khiara dahil nandito lang kami para sayo." It's another day, it's another day of sadness. It's been two months since her brother fell ill but now another test came into their lives. Hindi malaman ni Khiara kung maituturing bang kalungkutan para sa kanya ang pagdadalang tao niya. Pero hindi niya pinagsisisihan ang isang gabing iyon dahil nadugtungan niya ang buhay ng kapatid niya. "Cheer up girl, you should be happy! Alam mo kung bakit, kasi isang blessing ang dumating sayo. Huwag kang malungkot, kaya mo yan." sabay pisil ni Trixie sa kamay niya. Kaagad namang napasugod sina Stella at Halter nang malaman nila ang totoo. "Khiara handa kaba sa sasabihin ng iba? Sigurado ako magtataka ang mga tao dito kung bakit ka nabuntis. Khiara ako, nandito ako handa kitang panagutan. Tanggapin mo lang ako Khiara, handa akong akuin ang ipinagbubuntis mo!" umiling naman si Khiara, ayaw niyang maging pabigat dito. Isang pagkakamali na ang nagawa niya, kaya hindi na niya uulitin pa ang isa pang pagkakamali. "Huwag mo akong isipin Halter, handa ako sa lahat. Ginusto ko ito, kaya paninindigan ko ito. Salamat na lang sayo, pero sa ngayon suporta niyo lang sapat na sa akin." Sa pagdaan ng mga araw, hindi na talaga maitatago ang paglobo ng kanyang tiyan. Nasa ikaapat na buwan na ito at nagpatuloy parin siya sa kanyang pagrereview. Kahit naman buntis siya hindi naging hadlang ito para hindi tuparin ang kanyang mga pangarap. Nalalapit narin ang board exam at kailangan niyang maipasa iyon. LUMIPAS pa ang mga buwan, matiyaga silang naghihintay para sa resulta ng licensure examination nila. Isa-isa nilang tiningnan ang kanilang mga pangalan, kabado pa sa una si Khiara pero laking tuwa niya ng makita ang pangalan niya sa listahan ng mga board passers. Tuwang tuwa ang magkakaibigan na naipasa nila ang board exam. Pero nalulungkot sila dahil hindi nila makakasama si Khiara sa pagpasok sa Academy. "Ano ba kayo, ok lang yun atleast nakapasa ako diba? Promise, kapag nanganak na ako papasok din ako ng Academy, magiging isang pulis din ako makikita niyo." "Iyan ang gusto namin sayo Khiara, that's the spirit girl! Aja!" "Aja!" sabay nagtawanan ang magkakaibigan. Isang umaga habang nag-aabang ng tricycle na masasakyan si Khiara, para magpunta ng OB niya, dumating ang kanyang tiyahin kasama ang pinsan nitong si Gretta. "At totoo pala tsismis na buntis ka? Huh! Hindi na ako magtataka kung sino ang Tatay niyan, walang hiya kang babae ka isa kang malaking kahihiyan sa pamilya! Malandi! Akala mo kung sinong hindi makabasag pinggan, disgrasyada!" isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha. "Iyan kasi akala mo kung sinong Santa, pwe! May itinatago din palang kalandian! Sa dami ng naging costumer mo bar, sigurado hindi mo alam kung sino ang nakabuntis sayo!" kaagad naman siyang sinaklolohan ni Lawrence. "Wala kayong karapatan na pagsabihan si ate ng malandi tiyang, wala kayong alam sa nangyayari sa amin, dahil simula't sapul wala naman kayong pakialam sa amin. Ngayon susugod-sugod kayo dito na akala niyo naman may malaki kayong ambag sa buhay namin, umalis na kayo tiyang hindi namin kailangan ng panglalait ninyo!" "Aba! Matapang kana ngayon Lawrence, hoy para sabihin ko sa inyo tiyahin niyo parin ako kaya maghinay-hinay ka sa pananalita mo!" "Ang bastos niyo namang magkapatid, porke't nagkaroon lang kayo ng ganitong bahay akala mo na kung sino kayong mayaman. Hoy Lawrence, wala ang mga ito kung hindi binenta ng ate mo yang katawan niya! Ginamit niya ang ganda niya para makaakit ng mga mayayamang kalalakihan." akmang susugurin siya ni Lawrence nang pigilan siya ni Khiara. "Tama na ading, tama sila tiyang isa akong malaking kahihiyan. Isa akong disgrasyada pero hindi ko ikinakahiya iyon. Dahil alam ko sa sarili ko na wala akong ginawang masama. Kaya please lang tiyang nananahimik na kaming magkapatid dito, umalis na po kayo!" "Aalis kami! Pero ito ang tatandaan ninyo, wala kayong aasahan na tulong mula sa amin. Wala akong pamangkin na disgrasyada, at lalong wala akong pamangkin na pokpok!" pinanlakihan pa niya ito ng mata, panay ang pag-alon ng kanyang dibdib, sunod-sunod ang kanyang paghinga. "Ate relax ka lang, ang baby mo ang isipin mo! Huwag mong isipin ang sinasabi sayo ng ibang tao, tandaan mo ate wala kang ginagawang masama." Mabuti na lang at nandiyan ang mga kaibigan niya at ang kanyang pinakamamahal na kapatid. Sila ang tanging masasandalan niya ngayong down na down ang buhay niya. Kakayanin niya ang lahat, tatanggapin niya ang lahat ng masasakit na salita, at mga panglalait ng iba. Dahil alam niya sa sarili niya kung ano ang totoo, at hindi siya pwedeng sumuko, hindi sila ang magiging hadlang para ipagpatuloy niya ang kanyang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD