"ATE magsabi ka nga ng totoo, may tinatakasan kaba? Anong problema ate?" naguguluhan si Lawrence dahil sa pabigla biglang desisyon ni Khiara. Kanina pa ito nagtatanong sa kapatid pero wala siyang makuhang matinong sagot dito. "Basta ading, malalaman mo din. Hindi pa ito ang tamang panahon. For the meantime dito muna tayo ng mga bata!" sa isang subdivision sila tumuloy, matagal na niyang nabili ang bahay na ito ngunit malayo ito sa school ng mga bata kaya mas pinili nilang manirahan sa apartment building na iyon. "Ate naman eh! Paano ito malayo na sa school?" napapakamot sa ulo si Lawrence. "Gagawa ako ng paraan, kukuha na lang ako ng service mo! Basta huwag ka nang makulit Ading, sasabihin ko rin sayo ang totoo, huwag kang mag-alala! Basta huwag na huwag mong hahayaan na lumabas ang mga

