MULA sa Maynila abala ang pamilya Cervantes sa paghahanda sa gagawin nilang outreach program sa probirinsya ng Cagayan. Napagpasyahan ng mag-asawang Dylan at Lara na sumakay na nang private plane para mapadali ang kanilang biyahe. "Nasaan na naman kaya ang anak mo, ngayon na kailangan natin siya hindi naman makontak!" naiiling-iling na sabi ni Dylan sa asawa. Kanina pa nila tinatawagan si Kent ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag nila. "Sabi ng mga kaibigan niya, may kilalolokohang babae na naman eh, tsk.tsk. kanino ba nagmana yang anak mo na iyan,eh hindi naman ako ganoon kahit noon pa man." kinurot naman ni Lara sa tagiliran ang asawa. "Talaga babe? Kasi sa pagkakatanda ko baliw na baliw karin noon kay Ashley!" natatawang saad ni Lara sa asawa, hinapit ni Dylan ang asawa palapit

