CHAPTER 11

3910 Words
Subdivision Scandal V Written By: TheSecretGreenWriter ✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️ •GANNY'S THROWBACK• ❤️ Anim na araw ang lumipas... Huling nakita ko ang Colos sa libing ng tatay ni Zach. Subalit sa paraang di nila ako nakikita. Wala akong maipakitang mukha sa mga taong yon pagkatapos ng nagawa ko kay Green. Hindi siya namatay sa nangyari, pero nasa ilalim siya ng comatose dahil sa natamong head injury mula sa paghampas ko sa kanya at sa diretsahang pagkahulog niya sa hagdan. Pero ang tanging alam lang nila ay aksidenteng nahulog si Green sa hagdan, walang may alam bukod sa aming dalawa ni Leeford. Pareho kameng hindi pa nagsasalita tungkol sa nangyari. Nasa kwarto lang ako ngayong araw ng linggo, nagmumukmuk at di mapakali kakaisip. Paano kung ikwento ni Leeford sa lahat ang nagawa ko? Paano na ako? Kinakabahan ako na baka habulin ako ng batas sa nagawa ko. Napatingin ako sa gawe ng pinto ng kwarto ng makadinig ako ng tunog mula sa door knob. Hindi nga ako nagkakamali. Iniluha ng pintuan si Kuya Zhabby. Nakasuot ito ng short at at sandong kulay abo. Ngayon lang ulit kame nagkita, kahit nasa iisa kameng bahay. Hindi ako makatingin sa kanya.May nalalman na kaya si Kuya? "Hindi mo man lang ba dadalawin si Green sa Hospital?" bungad na tanong niya. Tinignan ko siya ng bahagya. May bahid ng pagkabigo sa kanyang mga titig. Kinakabahan ako tuwing nariringig ang pangalan ni Green. "Halos lahat ng Colos nan'don araw araw pagkatapos ng klase nila" sabi pa niya na naglakad papalapit sa higaan ko. "May kaylangan ba akong malaman" Parang gusto kong mabingi nalang habang lumalabas ang mala imbestigasyong mga salita sa bibig ni Kuya. Tinignan ko siya. Naghihintay siya ng sagot. "Pinaiimbestigahan na ng magulang ni Green ang nangyari sa kanya, nagdududa sila sa isang tama sa mukha ni Green" patuloy na nagsasalita siya habang nakatingin sakin, hinuhuli niya ako. Once magbigay ako ng maling reaksyon, alam kong lagot ako. "Ba..bat mo sinasabi sakin yan kuya?" kinakabahan ako sa mga titig niya, di ko maiwasan na mautal dahil 'don. "Tatlo kayong naiwan sa Building" Itinaas niya ang paa at ipinatong ito sa kaliwang hita niya. "Ikaw, Si Green at si Leeford" "Wala akong alam sa sinasabi mo" sabi ko naman na agad tumayo sa kama. "Bat masyado kang kinakabahan?" "Kinakabahan ako kase.. " napahinto ako dahil wala akong maisip na idahilan. "Dahil baka pagbintangan niyo ako, kase nga diba galit kame sa isat isa.." yung paghinga ko, bumibilis. "Ikaw lang ang galit kay Green, wala siyang galit sayo" Nainis ako sa sinabing 'yon ni Zhabby. May gusto ba siyang ipakahulugan, kaya ginagawa niya ang mga tanong nato?! Hinarap ko siya. "Wala akong alam! Di mo ba maintindihan 'yon!" sigaw ko sa kanya. "At kung nagdududa ka kung bakit di ako pumupunta para dalawin siya! Wala kana dun!" inis kong hinawakan ang pinto ng banyo Tumayo siya. "Pag nalaman ko lang na may kinalman ka, ako mismo ang gagawa maparusahan kalang!" inis itong umalis sa kwarto, pabalibag niya pang sinara ang pinto ng kwarto. Tangina! Inis kong sinuntok ang pader sa gilid ng banyo. Paano ko matatakasan ang kasalanan na 'to. Masama mang ipagdasal. Sana mamatay nalang si Green. "Buysit siya!" Ginagawa niyang impyerno ang buhay ko! Kasunod nun ay natulog lang ako buong araw sa kwarto. Wala akong sinasagot sa mga text at tawag ng kapwa ko Colos. Ayoko ng may makakausap ngayon. Gusto ko mapagisa! ••• LUNES | 0900 H Umiiwas ako sa mga taong panay bulungan, mga taong pinagnanasahan akong malapitan sila at pansinin. Mga babaeng nagkakandarapa sa aking pansin. Mga lalaking gusto sumali sa grupo na para sakin ay wala ng silbi. Napadaan ako sa Guidance Office, dahil isa ang area na 'yon. Sa shortcut papunta sa Canteen. Bigla akong napahinto ng makitang lumabas sa pinto ng Guidance si Leeford at Maurene. Anong ginawa nila dun? Muling nag-init ang dugo ko ng makita sila. Mga Peste! Pero nakakapagtaka ang kalungkutan ni Maurene habang nakatitig sa boyfriend niya na nakayuko lang din at parang nababalot din ng lungkot ang mukha. Sumunod na lumabas si Kuya Zhabby at Red. Shet anong nangyayari?! Sumunod na lumabas ang Isang Bumbayin na babae na maganda at parang nasa 40's na ang edad. Nagulat ako ng Bigla niyang sampalin si Leeford. Dun mismo sa may sugat na di pa naghihilom. Kita ko rin ang pagpigil ni Red at Kuya Zhaby sa nanggagalaiting babae. Sa sobrang kaba at di ko nagugustuhan ang nakikita ko, nagtuloy ako sa paglalakad. Pero nag iba ako ng ruta para maka iwas sa Guidance Office. °°° "Nabalitaan mo na yung nangyari dun sa old building?" °°° "Ah yung nangyari kay Giru ng Tertiary Campus?" °°° "Ou bhe, alam mo ba nasa hospital daw at walang malay" °°° "Sino kaya may gawa noh , kawawa naman" °°° Naku ang balita, Taga dito daw sa Campus natin ang may gawa.." °°° "Sabi aksidente lang daw.." °°° "May nakita daw na tubo dun sa pinangyarihan, hinampas daw eh" °°° "Hala seryoso bayan?!" °°° "At ang may gawa daw yung mga Junior nila sa grupong Killer Colos" Yung kaba sa dibdib ko ay mas lalong nananig habang pinaoakinggan ang nagkekwentuhan dito sa Mushroom Gazebo. °°° "Sino daw Bhe?" °°° "Di ko alam,balita ko dumating daw yung Nanay ni Giru. Nasa may Guidance daw kinakausap yung may gumawa" Hindi kaya. Di ako mapakali sa kinatatayuan ko. Hindi kaya sinumbong na ako bi Leeford ? Tangina! Pero bat siya sinampal nung babae, na sa tingin ko ay nanay ni Green. Dahil sa hindi niya ako inawat sa nangyari? Sa ginawa ko? Kaya nagalit siya kay Leeford. Peste! Mabilis akong tumungo sa Canteen at bumili lang ako ng sapat na makakain ko. Palabas na ako ng Canteen ng makasalubong ko ang Colos. Hindi lang nila kasama si Silver at White. Napahinto sila, ganun din ako. Pero agad akong naglakad ulit. Bigla akong hinawakan ni Miggy sa braso. "Kakain kame sumama ka" madiin na sabi niya. "May gagawin ako, nagmamadali ako" sagot ko naman. "Samahan mo lang kame, kahit wag mo kame kausapin" sumingit naman si Teroy na wala ang pagiging komedyante sa mukha. Kung mag iistay ako kasama sila, alam kong... Madame silang itatanong sakin, mas ok na ang umiwas sa mga salita nila. "May tinatago ka ba sa amin" Bigla nanaman ako kinabahan sa mga ganong paratang. Dahan dahan kong tinignan si Brenth na ngayon sa akin ay seryosong nakatingin. "Wala" nakayukong sabi ko na nagtitimpi ng galit, f**k. Nakorner nila ako sa sitwasyong ayaw ko. "Then be with us, you are colos afterall" sabi pa niya na lumapit sa akin. "Hindi buo ang kulay ng samahan pag wala ka" sabi niya. "Huwag mo gawin samin to, dahil miss na miss ka na namin kahit.. ilang araw kanang di namamansin kang kupal ka!" si Teroy naman na parang naiinis sa akin. "Hindi karin sumama sa libing ni tatay, mumultuhin ka 'nun" Napatingin ako sa kanya, na sa ayos ng mukha ay nagbibiro lang naman. Nagkaroon ng konting pagtawa saming lahat. Si Gheo naman ay lumalapit sa akin. Alam kong galit siya sakin nung nakaraan dahil sa mas iniisip ko ang pagkawala ng liderato ko sa grupo. "Yung sinabi ko nong nakaraan" bahagyang ngumiti ang labi niya. "Wag mo nalang pansinin, hindi ko gustong sabihin yun. Ikaw naman kase, tinuring mo kameng traydor" sabi nito. Nalungkot ako ng maalaka kong, sinabihan ko nga sila ng traydor. "Binoto namin na maalis kana sa pagiging leader, dahil alam naming yun ang mas makakabuti sayo" saad naman ni Ogie na nakadikit kay Brenth. "Gusto naming makita yung ikaw bilang hindi isang leader, kundi bilang isang Ganny" singit pa ni Theo. "Mas nanaig kase yung ugali mo bilang isang leader, hindi mo mapagsabay yung tunay na ikaw ... hiwalay sa isang leader na Ganny" sabi pa ni Teroy. "Ayaw narin namin nakikitang nasasaktan ka tuwing hindi mo nagagampanan ang dapat.. kaya sorry if nasaktan ka sa desisyon namin" "Mahal ka namin bilang kaibigan, kaya sa ngayon mas okay na ayusin mo muna ang sarili mo kasama kame. Huwag mo muna isipin ang posisyon, dahil nirerespeto ka namin bilang ikaw" dagdag pa ni Ogie. "Handa ka namin tulungan sa problema mo, kung ano man yan nandito lang kame" saad naman ni Brenth. "Maraming babae diyan, hahanapan ka pa namin" Nagtawanan kame. Gusto ko silang yakapin ng isang buo, kung tulad lang ako ni Lastikman na kayang ieexpand ang katawan. Sa nariringig ko ngayon sa kanila, mas nahihirapan ako tanggapin ang sikreto ko. Na msy nagawa kong masama kay Green. Paano nalang pag nalaman nilang may kinalaman ako? Paano na? Anong sasabihin nila sa akin? ••• Pagkatapos sa Canteen ay sama sama rin kameng umalis. Kumain lang sila, wala na kameng iba pang pinagusapan. Naging matipid lang din ako sa pagsagot pag may tanong sila. Walang nagbukas ng topic tungkol sa nangyari kay Green. Kaya mas lalo akong kinakabahan dahil sa pananahimik nila sa usaping 'yon. Alam ko may pagtataka sila bakit nanahimik lang ako ng ilang araw. Mahirap mang sabihin pero nung araw ng mangyari kay Green 'yon ay... Agad akong tumakas at iniwan sila ni Leeford. Sa sobrang takot ko di ko kayang ihandle ang sitwasyon. 'Ahhhhh' Nasa magubat na parte kame ng eskwelahan ng makaramdam ako ng malakas na pagtama ng kamao sa aking mukha. Halos tumalsik ako sa malayong parte ng daan dahil sa malakas na pwersang nakalagay sa sapak na 'yon. Agad kong inayos ang sarili ko ang iminulat ang aking mga mata. Kita ko ang galit na galit na si Rusty. Muli siyang tumakbo papunta sakin at sunod sunod na pinatamaan ako ng suntok. "Hoy silver!" ringig kong sigaw ni Teroy. Mabilis na kumilos ang iba kong kasama at binalak na pigilan si Silver, pero sa sobrang lakas neto ay natutulak niya sila Gheo, Theo at Ogie. Parang wala na siya sa sarili, nanalaytay ang lakas sa katawan niya. Puno ng galit ang mga mata at handang pumatay. "Gago ka!" muli nanaman niya akong sinapak. Tumalsik nanaman ako, at ang nangyari ngayon ay mas masakit. Tumama ako sa puno ng mangga. Napabagsak nalang ako sa pwestong 'yon. Dahan dahan dumadausdos ang katawan kong bugbog sarado kay Silver. Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko naman ang pagbagsak ni Silver, sa muling pagmulat ng mata ko ay nakita ko si Leeford. Siya ang sumapak kay Silver. Yung paligid sobrang tahimik, ang mga mata ng mga kasama namin ay nagtataka sa nangyayari. Wala silang ideya sa mga bagay ito, sa mga galit na umuusbong. "Sinabi ko wag kang susugod .. tara na" may makapangyarihang tono mula kay Leeford. Napasulyap siya sa akin. "Pasensiya na sa ginawa ng kaibigan ko" hinila niya patayo si Silver. Pero biglang inalis ni Rusty ang pagkakahawak ni Leeford. "Bakit! Magpapakabayani ka nanaman?!" sigaw nito kay Leeford na ngayon ay nagtitimpi nanaman ng inis sa kaharap na si Rusty. "Bat hindi mo sabihin sa kanila ang kalagayan mo ngayon Lucas!" "Anong nangyayari, wala kameng maintindihan sa ginagawa niyo.. Puro nalang ba tayo ganito! Puro sapakan!" galit na sabi ni Teroy, na ang talas ng tingin sa aming tatlo. "Anong nangyayari! Kala ko ba grupo tayo!" Humalakhak si Rusty. "Grupo nga ba? Hahaha mga impokrito!" sigaw nito. "Andame mong sinasabi, ano bang meron kay White?" seryosong tanong ni Miggy kay Rusty. "Andami na ng nangyayari sa Colos, isang Senior natin nasa Hospital tapos tayo ngayon eto nagpapatayan!" sigw ulit ni Teroy. "Gusto niyo ba malaman?" tila baliw na tanong ni Silver sa lahat. "Naexpelled lang naman si Lucas dito sa Eskwelahan na to!" Bigla akong nagulat sa sinabi niya. Paanong....? Si silver nakatingin sa akin. Susugod sana siya ng pigilan siya ni Leeford. "May kinalaman ba to kay Green?" naging interisado si Brenth dahil sa sinabi ni Rusty. Dahan dahan siyang lumapit na tila gusto alamin ang detalye. "Nandito ang Nanay niya, at balibalita kanina na isa sa atin ang may kinalaman sa namgyari" Muli kong naalala ang babaeng sumampal kay Leeford kanina. Ibig sabihin. "Pinagbintangan si Lucas na siya ang gumawa kay Green kung bat to ngayon nasa Hospital" yung tingin ni Rusty galit na galit sa akin. "Na alam kong hindi kayang gawin ng taong yan!" "Tumigil ka na Rusty" biglang singit ni Leeford. "Ako ang gumawa kay Green ng bagay na 'yon" Kinakabahan ako habang sinasabi niya 'yon. Walang bahid na takot niyang sinasabi yun. "Anong gumawa? Diba aksidente.." nagtatakang sabi ni Theo. "Pinagtatakpan mo nanaman siya Lucas! Utang na loob tigilan mo na ang pagihing bayani!" sabad sa kanya ni Rusty. "Sinong siya?" tanong naman ni Teroy. "Sinong pinagtatakpan?" "Siya!" ANG LAKAS NG KABOG NG DIBDIB KO. LAHAT SILA NAKATINGIN SA AKIN. "May gusto sakin si Green" Sa sinabing yun ni Leeford ay nabaling sa kanya ang atensyon ng lahat. Kita ko ang gulat ng lahat sa mga mukha nila. "Hindi ko siya pinagbigyan sa gusto niya" pagkekwento nito. "Pinilit niya ako, hangang sa makarating kame sa ganong sitwasyon" Bat niya to sinasabi? Alam kong gumagawa lang siya ng kwento. Alam kong pinagtatakpan niya lang ako. Pero bakit! "Di ko sinasadyang mahampas siya ng tubo" SUNOD SUNOD ANG PAGLUNOK KO, DAHIL SA SINASABI NIYA. Napatingin siya sa akin. "Bilang parusa sa galit ng pamilya niya, pinatanggal nila ako dito sa Mendez.." "Lucas!" gigil na gigil na sabi ni Silver. "Gusto ko narin pormal na magpaalam sa inyo, kame ni Rusty ay lilipat na ng eskwelhan... at" ngumiti muna siya. "Salamat sa lahat, kumakalas narin kame sa samahan.." Hindi ako makapagsalita, ayokong magsalita. Ayoko.. Ayoko!!!! Bakit niya sinalo ang bagay na wala naman siyang kasalanan? Bakit niya ako pinagtakpan. Hindi ko alam ang gagawin. Ganun na ba siya katanga?! "Tara na.." kita ko ang paghakbang niya paalis. "Hindi pa tayo tapos!" banta sakin ni Rusty na agad sumunod kay Leeford. Pero tumingin muna siya sa iba naming kasama. "Goodluck sa madumi niyong sistema!" Sabay senyas ng pakyu gamit ang kanyang kanang kamay. "Gago!" galit na susugod si Teroy ng pigilan siya ni Brenth. Parang di ako makahinga, dahil sa mga nariringig ko. Naibagsak ko nalang ang sarili ko sa daan. "Tangina!" bulalas ni Teroy. "Ano yung mga 'yon?! Ano ang mga pinagsasabi ni Leeford!" Habang naghuhumiyaw sa galit si Teroy ay kita ko ang pagbagsak rin ng iba sa pwesto nila. Si Miggy naman ay nanatiling nakatayo. "Hindi ko parin maintindihan kung ano ang nagaganap" sabi pa ulit niya, na nakakrindi ng pakinggan. Gusto ko magsalita, pero natatakot ako sa magiging resulta pag umamin ako. Masisira ako sa paningin nila. Hindi ko rin kayang isuko ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nagawa ni Leeford na angkinin ang pagkakasala ko at gumawa ng kwento tungkol sa kanila ni Green. Muli kong pinagmasdan ang mga kasama ko, kita ko ang kalungkutan sa mga mata nila. ••• Naging usap usapan ang pagkawala ni Leeford sa Mendez, kakambal 'non ang balitang Watak narin ang grupo namin. Gusto ko man kumbisihin ang sarili kong buo pa ang grupo, pero mukhang tama ang lahat. Wala na ang Colos. Nagkaroon kame ng kanya kanyang pagkaabala. Halos hindi na kame nagkikita kita. Nawala na kame ng gana na manatili sa pangkat, na saluhin ang bawat isa tuwing my problema. Nawalan narin kame ng suporta sa kay Red at Zhab, nagkaroon sila ng galit kay Leeford dahil sa alam nilang ginawa nitong kasalanan niya. Wala narin sa bansa si Green, inilipat siya ng magulang niya sa hospital sa ibang bansa. Kame nalang ni Miggy ang halos magkasama sa Canteen. Si Ogie naman nakikita ko lang tuwing may event sa eskwela. Si Teroy at Zach naman ang lage mag kasama. Si Brenth nakakasama ko minsan sa Library, lage siya naroroon dahil tinuturuan niya ang kapatid niyang Allien sa lesson nito sa pamamagitan ng pagtawag o at pakikipagtext sa cellphone. Mas marami daw kaseng naitutulong ang libro dito sa lalawigan kesa sa probinsya na puro luma na ang pinagkukunan ng itinuturo, minsan wala pa sa aklat nila ang sapat na kahulugan o paliwanag ng ibang salita. Kaya di ko rin naman makausap ng maayos si Brenth, dahil para siyang callcenter na nakatutok sa cellphone niya. Yung kambal naman ay abala rin, may balak din magibang bansa ang isa sa kanila. Magaaral daw ng pag gawa ng pelikula sa ibang bansa. Andaming nagbago sa akin sa eskwelahan na 'to simula ng pangyayaring 'yon. Madalas narin ako mambabae dito, puro fling. Walang seryosohan. Mas lalo akong nabigo ng malaman kong.. Sumama si Maurene kay Leeford sa pagtransfer nito sa ibang eskwlehan. Sobrang sakit... Mahal ko parin si Maurene. ••• Nakatanggap ako ng isang message sa hindi nakaregistred na numero. Laking gulat ko ng mabasa kung kanino galing 'yon. 0908@#£&641 Jhonny. Please tulungan mo ako, ndi ko na gusto ang ginagawa sakin ni Leeford. Please ikaw parin ang mahal ko. Magkita tayo sa lumang pabrika, malapit sa FTI mall. 6 pm. BIGLANG tumibok ng malakas ang puso ko dahil sa nabasa ko. Anong ibig sabihin ni Maurene, na ginagawa sa kanya ni Leeford! Tangina Leeford pag may mangyaring masama kay Muarene! Hindi kita mapapatawad! Agad kong inayos ang sarili ko at nagmadaling lumabas sa classroom. Tapos narin ang klase namin at pwede ng umuwi. 05:30 pm.. Alas singko y medya na ako halos nakarating sa Abandonadong Industrial Fctory sa may FTI - Food Terminal Inc. Bakit dito gusto makipagkita ni Maurene?  Madumi at nakakatakot sa lugar na to, lalo't malapit na mag gabi. Walamg kuryente at ang sukal ng lugar, puno ng mga lumang gamit na halos bakal. Maalikabok rin, at bawat tapak mo ringig na ringig dahil sa alingawngaw na nabubuo sa lugar. Naghintay pa ako ng konting minuto. Dumilim na ang kapaligiran, Nababagot na ako sa paghihintay. Malayo sa tao ang lugar, bago ka makapunta dito ay dadaan ka sa matalahib na lote. BIGLANG NARING ANG CELLPHONE KO. Tumatawag si Maurene, agad kong sinagot yon. °°Mau? Walang sumasagot, pero nariringig ko ang tunog ng bakal na tila hinihila sa sahig. Narrirngig ko yun, mula sa cellphone, pero may bahagi ng tenga ko na nagsasabing napakalapit ng tunog. Lalo na sa tenga na hindi nakatutuk sa cellphone. Kabado kong binaba ang cellhone ko, nakaramdam na ako ng kakaiba. May mali sa lugar na to.May mali sa pagkikitang to. "Tulad ng sabi ko, may araw karin sakin.." kumabog ng malakas ang dibdib ko. Nang maringig ang boses ni Rusty. Agad akong napalingon sa likuran at nakita ko ang malademonyo niyang ngisi. May hawak siyang bakal. Sa dulo nito kita ko ang nagbabagang parte na nakakorteng ekis. Mula sa pwesto niya ibig sabihin kanina pa siya narito. Dahil nasa likuran ko siya. "Nakikita mo to?" pinakita niya sa akin yung hawak niyang bakal na may nagbabaga dulo na korte ekis. "Rust.. pwede naman ata natin pagusapan" kinakabahang sabi ko. "Bwahhh!" paggulat niya sakin kasabay ng pagtapat nya sa mukha ko ng nagbabagang dulo ng bakal. Ramdam na ramdam ko ang init na bumabalot at pag dinikit niya sakin 'yon sira ang mukha ko. Dahan dahan akong humakbang palayo sa kanya, patalikod. Hinayaan niya lang ako. "Sumusobra kana sa ginagawa mo kay Lucas, yung iba mapagbibigyan pa kita.. Pero ang huling ginawa mo" humakbang siya papalapit. "Hinayaan mo siyang saluhin ang kasalan mo" "Aamin ako.. aamin ako lilinisin ko pangalan niya.. Pleasee" gusto kong lumaban pero, natatakot ako sa gusto niyang gawin. "Umamin ka rin! Ibig sabihin ikaw nga ang gumawa ng paghampas kay Green!" inilapit niya sa akin ang bakal. Mainit parin 'yon. Parang ibinabad niya sa apoy ng napakatagal. "Hindi ko sinasadya.. " napapikot ako, tagaktak narin ang pawis ko. "Lahat nalang di mo sinasadya.." "Ahhhhh!" bigla niya akong sinipa. Nauntog ako sa konkretong poste na nasa loob ng lumang gusali. Fuck. Hindi ko na alam, kung makakatakas pa ako sa sitwasyong to. Sa sitwasyong ako rin naman ang gumawa. Tangina talaga! "Yung ginawa mong pagdungis sa mukha ni Lucas, sinadya mo yun diba" dahan dahan nanaman siyang lumalapit sa akin. Gusto ko na tumakbo! Naduduwag ako sa presensiya ni Rusty, kinakabahan ako. "Ngayon ako naman sasadyang dudungis sa mukha mo.." Hinampas niya sa maalikabok na semento yung nagbabagang metal. Nagliyab 'yon. Parang maliit na fireworks na nabuo sa loob na madilim na lugar. "Wag ka magalala hindi naman to masakit. Mamarkahan lang natin yang mukha mo ng ekis.." Gusto kong kumilos pero, nangangtog ang buong kalamnan ko. "Rust.. Ahhhh" nagulat nalang ako ng ilagay ni Rusty ang paa niya sa leeg ko. Kadahilanan para di ako makawala at di rin ako makahinga.. "Behave kalang...mabilis lang to.." Napaluha na ako ng makitang nilalapit na niya ang bakal na 'yon. Naiisip ko na ibabaon niya ang bagay na 'yon sa mukha ko. Eto na ba ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko? Biglang naglaho ang ang pagdiin ng paa ni Rusty sa leeg ko. Naringig ko nalang ang pagtunog ng bagay na nahulog sa sahig. Mula sa harapan ko ay nakikita ko ang dalawang aninong naglalaban. Sa sobrang takot at pagkakaroon ng pagkakataon tumakbo ay agad akong tumayo at naghanap ng matataguan. Nakita ko nalang ang sarili ko nakatago sa sulok na maalikabok, panay hilamos ko sa mukhang puno na ng pawis. Sunod sunod na sagutan ang umeecho sa paligid. Tinatakpan ko ang tenga ko sa sobrabg takot, ayoko na.. Di ko na alam ang nangyayari! Maya maya ay kahit nakatakip ang mga kamay ko sa aking tenga ay nakaringig ako ng isang napakalakas na sigaw. SIGAW NA TILA KINAKATAY. "Anu yon?" natanong ko sa aking sarili. Kasunod nun ang pagbagsak ng isang bagay sa sahig. "Lucasssssssssss!" muling sigaw na umalingawngaw sa loob nitong lumang pabrika. Boses ni Silver 'yon. Ba. Baat.. niya sinigaw ang pangalan ni Leeford? "Papatayin kita!" muling sigaw niya. HINDI KO NA KAYA ANG NARIRINGIG KO. Agad akong naghanap ng lagusan palabas. Mula sa pwesto ko ay ginapang ko ay masukal na damuhan na alam ko ay may shortcut papunta sa sa FTI Jogging Path. Natuntong ko ang bakod na humihiwalay sa abandonadong lote na to patawid sa Jogging Path. Agad akong umakyat. 'Ahhhhhh!' Medyo masakit ang pagkakatalon ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makatuntong na ako dito sa kalsada. Pero bigla akong nagulat ng makita ko si Murene, napakusot ako ng mata dahil di ko alam kung totoo ang aking nakikita. Nakatayo siya sa ilalim ng isang lamp post. Napangiti ako ng bahagya. Si Maurene nga. Mahal ko parin siya. Tumayo ako upang lapitan siya.. Pero napahinto ako ng makita ang paparating. Si Leeford sakay sa kanyang Skateboard. Kita ko ang saya sa mga mata ni Maurene habang papalapit sa kanya ang nobyo. Pabagsak na naupo si Leeford sa kinatatayuan ni Maurene. Malayo man ako sa pwesto nila pero kita ko na umiiyak si Leeford. Nasaktan ako sa sunod n nakita ko. Naupo rin si Maurene, hinawakan nito ang pisnge ni Leeford at siniil ng halik. Gusto ko ng mamatay habang nakikita silang ganon. Yung puso ko dinudurog.. Muli akong sumulayap, yakap yakap na ni Maurene si Leeford. Isang nakapaghigpit at makapangyarihang yakap . Na nagpapamukha sa isang tulad ko na ang pinili niya talaga ay si Leeford kesa sa akin. Yung alala 'yon ay sumagi sa isipan ko sa loob ng ilang segundo lang... Alalang nagpapatunay kung gaano ako katalunan sa lahat ng bagay kay Leeford. Dahan dahang pumatak na ang ulan sa pwesto naming apat. Nang maramdaman ko ang yakap niya kanina, akala ko ako na ang pinili niya. "Siya ang mahal ko Kuya, at ang tanging boyfriend ko" Yung luha ko nagsimula nanamang umagos kasabay ng ambon. Ang sakit makitang nauulit nanaman ang alala ng nakaraan. Ansakit, sobrang sakit makita na ang saya ni Krib habang nakayakap kay White.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD