Subdivision Scandal V
Written By: TheSecretGreenWriter
✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️
•GANNY'S THROWBACK•
❤️
Natatandaan ko pa yung paguusap namin last School Camping.
•••
"Ang ganda dito" patuloy sa paglalakbay ang mga mata kong namamangha sa ganda ng isla kung saan kame naroroon.
Tahimik lang siya, kakatapos palang nung Barkada Challenge kanina sa dagat.
Katabi ko siya at si Brenth, si Silver naman at Gheo ay parehong nakahiga sa buhangin sa ilalim ng puno ng niyog.
The rest, naglalakad lakad. Hapon na kaya napakasayang maglakad sa pinong buhangin nitong isla sa masbate.
Nakakalungkot nga lang hindi ko kasama ang prinsesa ko. Nakahiwalay kase ang camping ng babae at lalake.
All boy's lang tong gala namin sa isla. Yung mga babae sa isla rin, malayo sa amin.
"Brenth malapit na dito yung probinsya niyo?" tanong ko kay Brenth na nakahiga narin sa buhangin.
"Ata" sagot niya. "Di ko sure, di pa ako nakakapunta 'ron" sumulyap siya sa akin. "Bat gusto mo pumunta?"
Umiling ako, "Ayaw mo ba makita yung bunso mong kapatid?" tanong ko habang nakatingin sa araw na dahandahan ng lumulubog.
"Gusto siyempre," dahandahan siyang naupo at sinabayan ako sa pag upo. "Mas excited ka ata sakin makita yung kapatid ko" hindi ko alam tila may mapanuksong titig siyang iniwan sa akin.
"Ah yung maingay mong kapatid.." mahina kong sambit. Hindi ko alam bat parang nag iisip pa ako ng sasabihin tungkol sa probinsyano niyang kapatid.
Para mabaling ang usapan, kay Leeford na ako tumingin na abalang nagsusulat ng kung ano ano sa buhangin.
"Anu yan?" tanong ko sa kanya. Habang siya ay nag iisip, mga numbers at symbols ang sinusulat niya.
"Yung assignment namin sa Algebra" sagot niya naman.
"Pre naman nasa isla tayo, pweeede bang dagat muna ang atupagin natin.." kinuha ko yung piraso ng kahoy na ginagamit niya sa pagsusulat at tinapon 'yon.
"Tss.."
"Kita mo ba yung mga 'yon.." turo ko sa nagtatakbuhan na si Teroy, Miggy, Zach at Theo. "Dapat ganun ang ginagawa natin ngayon eh, hindi yung panay solve ka diyan.."
"Para wala ng iisipin pa pagbalik ng klase" matipid naman niyang sagot.
"Haist, hilig mo nagolano para sa mangyayari sa hinaharap noh!"
"Mas mainam ng may plano kesa wala"
"Ganito nalang para may saysay ang pagpaplano mo" dumako ako sa harap kung saan siya naka upo. "Pagplanuhan mo nalang ang gagawin ko halimbawa mag away kame ng future GF ko" puno ng ngiti ang mukha ko.
Kita ko naman ang medyo pananamlay ng mukha niya, na agad naman nabawe ng makahulugan niyang pagngisi.
"Magkaka GF ka ba?" tanong nito sa akin, pinandilatan ko siya. "Biro lang" pagbawe niya.
"Wala kang alam sa kaibigan mo noh!" tinapunan ko ng konting buhangin ang binti niya. "Wala man lang kase kasuportasuporta sa nililigawan ko" sabi ko pa.
"Tss.." singhal nya naman. "Sige na, ano bang klase ng panunuyo ang gusto mo" tanong niya.
"Bakit pagpaplanuhan mo na ba?" gulat na tanong ko.
"Ou"
"Haist. Dame mo oras noh"
"Mas gusto ko lang maraming iniisip" sabi nito na binura ang nakasulat sa buhangin gamit ang mga palad niya. "Ayokong mabagot ang oras ko"
"Dame sinasabi.." inis ko siyang tinignan. Pero dahil isa siya sa magaling sa mga bagay na pagplano gusto ko makakuha agad ng ideya sakaling mangyari yun sa future.
"Halimbawa nga nagaway kame ng prinsesa ko, ano ang pwede kong gawing panunuyo .." tinignan ko siya sa mga mata niya na parang andaming iniisip. "Pero gusto ko yung kasali kayo" sabi ko naman.
"Siguro gawa ka ng mga pinto na may ibat ibang kulay" gumuhit siya ng parisukat sa buhangin, "Ibig sabihin ng pinto, pinapasok mo siya sa buhay mo ulit.."
"Ulit?"
"Diba nga nag away kayo, mababaw man ang pinagawayan niyo.. Pinalabas mo parin siya sa pinto ng buhay mo"
Ahhhh nagets ko na.
"Eh asan kayo dun"
"Sampung pinto lahat" gumuhit siya ng sampung parisukat na tila dominong nakapila. "Bawat pinto may kulay"
"Ibig sabihin.."
"Bawat isa sa amin may pinto depende sa kulay namin sa grupo"
"Anong gagawin niyo dun.."
"Bibigyan siya ng bulaklak.. na kakulay ng pinto.."
"Wowwww.."
"Hanggang sa makarating siya sa huling pinto... ang pintuan kung saan ka nakapwesto" tumango tango ako sa sinasabi niya. Napakagasto naman ata neto, kung ganito ko susuyuin si Maurene. "At dun kayo magkakaroon ng oras na dalawa, upang muling ibalik ang kulay ng inyong pagmamahalan"
"Salamat pre," tinapik ko siya. "Sana magamit ko ang planong yan balang araw.." sabi ko pa. "Eh anong itatawag mo sa planong yan?"
Medyo nagisip siya sa tanong ko.
"Wala akong maisip" sabi niya.
"Yun tama ka!" nagulat naman siya sa pagsigaw ko. "Wala akong maisip Plan!"
•••
"May pagplano ka pang nalalaman tungkol sa pag suyo ko sakaling mag away kame ni Maurene" naupo ako sa tabi niya, nandito kame ngayon sa Colos HQ para pag usapan ang nangyari kanina.
Yung mukha niya may tapal na benda dahil sa ginawa ko sa kanya kanina, na di ko naman pinagsisihan.
"Gago ka talaga noh!" lalapit si Rusty para suntukin ako ng pigilan siya ni Leeford.
"Hayaan mo lang siya" sabi nito.
Mangha rin ako sa tatag ng loob nitong taong to, hindi na ako magtataka dahil pinagplanuhan nga nila akong gamitin.
"Pinto.." nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Papagawa ako ng pinto, tapos ihahanpas ko sayo" sabi ko pa.
"Bat ka nagagalit.." nakangisi namang sagot niya. "Hindi naman naging kayo, kaya wag kang masayang sa planong panunuyo mo" inilapit niya rin ang mukha niya. "Dahil walang kayo"
Pagdiin niya sa mukha ko ng mga katagang 'yon. Muli nanaman kumulo ang dugo ko, kaya muli ko nanaman siyang sinapak.
"Ganny!" nagulat nalang ako ng biglang may humatak sakin sa kinauupuan ko. Patapon ako nitong tinapon sa sulok ng kwarto.
Si Zhabby.
Kasama niya si Red at ang nangagalaiting si Green, yung titig niya sa akin napakasama. Parang gusto niya akong sugurin.
"Anong nangyayari nawala lang kame, may ganito ng nangyayari sa inyo!" sigaw ni Kuya.
"Nang dahil sa babae nagkakaganyan kayo" sabad naman ni Green, na napatingin kay Leeford "Anong nangyari " tanong nito.
Tahimik ang iba kong kasama, walang gustong magsalita. Pero iba si Rusty.
"Yung magaling na Leader namin" inis tong nakatingin sa akin. "Ginawa yan kay White.."
"Tss.." inis na tinignan ni Leeford si Rusty.
"Bakit?" tanong nito sa kaibigan. "Pagtatakpan mo yang kriminal na yan?" tumawa ng bahagya si Rusty. "Lucas nanan, sinapak kana't lahat ng kamaong may tinidor ganyan ka parin kabait" tumawa ito.
Lumapit si Green kay Leeford at tinanggal nito ang nakatakip sa mukha, tumambad yung sugat sa pisnge niya.
Tumingin ito sa akin.
"At ikaw ang gumawa nito?!" tanong ni Green. "Anong rason!" sigaw niya na lumapit sa akin.
Pinigilan siya ni Red.
"Pag usapan natin to ng maayos" sabi ni Red. "Kumalma ka Giro" sabi nito kay Green.
"Walang ng dapat pang pagusapan.." sabi ni Green. "Tinatanggal ka na namin bilang Leader ng Killer Colos.." lumapit ito sa akin. "Mr. Jhonny Han Mendez"
Parang biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko sa kaba, hindi pwede. Hindi pwedeng maalis ako sa pagiging leader.
"Malinaw na nilabag mo ang Colos Leadership Law" dagdag pa nito. "Ng dahil sa babae magpapatayan kayo.."
"Siya lang.." sabat ni Rusty. "Siya lang ang nangunguna, siya yung parang asong tahol ng tahol dahil inagawan ng buto.. Hahaha" sabi pa nito.
"Hindi.. hindi mo pwedeng gawin sakin to Green.." tinaliman ko ang tingin kay Green. Pero nginisian niya lang ako.
"Hindi ikaw ang masusunod.." sabi pa niya.
"Ang sabi sa Batas ng Colos, kaylangan pagbotohan ang pagpapatalsik sa nakatayong Leader"
"Edi gawin natin" lakas loob niyang sabi sa akin. "Higit sa kalahating boto sa bilang ng naririto ay pag sumangayon na mapataksik ka ay wala ka ng magagawa"
Napasulyap ako ng bahagya sa mga kasamahan ko sa loob nitong silid.
Kung iboboto man ako para mapatalsik ng tatlong 'to isama pa ang dalawang magkaibigan na dahilan ng galit ko.
Lima lang sila.
Umaasa ako sa suporta ng mga kaibigan ko, alam ko di tulad ng iba. Nauunawaan nila ang katayuan ko sa sitwasyong ito, alam kong nauunawaan nila ako kung saan nagmumula ang poot na meron ako ngayon.
Wala si Zach, sa ngayon aasahan ko ang boto nila: Brenth, Ogie, Gheo, Theo, Miggy at Teroy.
Lima laban sa Anim, kaya kong maipanalo ang laban na to.
Muli kong pinagmasdan isa isa ang mga taong nakaupo sa kanya kanyng silya. Pero hindi sila nakatingin sa akin, nakayuko sila at tila nagiisip ng isang malaking desisyon.
"Sisimulan na namin" kita ko ang pagsulat ni Green ng Simbolo ng Ekis ✖️ at Tsek ✓ sa pisara.
Nagulat nalang ako ng bigla niyang tantusan ng tatlong guhit ang Ekis.
✖️ - |||
✓ -
"Bilang senior niyi, in behalf sa dalawang to" pagtukoy niya kay Kuya at Red. "Iminumungkahi namin ang pagpapaalis kay Rainbow bilang leader ng Colos" Initsa itsa pa niya ang chalk na tila tuwang tuwa sa ginagawa. "Ekis para sa mga gustong patalsikin si Rainbow at Tsek para sa mga gustong manatili na siya parin ang mamumuno sa Colos"
Hindi ko alam kung natutuwa siya sa nangyayari ngayon. Alam kong hindi niya gusto ako bilang leader ng grupo, alam kong mas inaasahan niya si Leeford kesa sa akin.
Sa pangyayari ngayon, nakakuha siya ng sapat na dahilan para mapaalis ako sa pwesto. Aaminin ko nagkamali ako, pero hindi ba nila maintindihan na ginawa ko yun para sa sariling nararamsaman at hindi para sirain ang grupo?
"Silver.." tawag niya kay Rusty na agad naman tumayo at kinuha ang chalk kay Green. Ano pang aasahan ko sa taong to, isa siya sa gustong mawala ako bilang leader.
✖️ - ||||
✓ -
Tulad ng inaasahan bumoto siya para mapaalis ako. Tinignan ko siya ng masama, nginisian niya lang ako.
"Lee" sunod na pinatayo ni Green si Leeford. Nakatanggal na ang mga takip sa sugat nya kanina, kaya kitang kita ang hiwa na natamo niya sa pisnge.
Hindi ako maawa sayo, dapat lang sa kanya ang ginawa ko. Yung ginawa nila sakin ni Maurene, higit pa sa hiwain ng tinidor sa pisnge.
Yung ginawa nila sakin, para nila akong inilibing ng buhay at tinabunan ng putik.
Yung tingin ni Green kay Leeford habang bumoboto sa pisara ay iba, naglalaman ito ng tanong at tila di gusto ang sinasagot ng taong nasa harap niya.
Tanging tunog ng tisa na inilapag sa mesa ang naringig ko bago ko makita ang boto niya.
✖️ - ||||
✓ - |
Hindi ko inaasahan ang ginawang niyang pagboto na manatili ako bilang Leader.
Nang pabalik na siya sa kinauupuan ay sumulyap pa siya sa akin.
Hindi ko gusto ang ginagawa niya, bat niya binoto akong manatili? Dahil naawa siya sa akin? O dahil akala niya walang boboto sakin na manatili at gusto niya akong mapahiya!
Dahil siya nananan ang magiging angat, dahil siguro iniisip niya na pag siya lang ang tanging boboto sakin ay hahanga sa kanya ang mga 'to.
Na sa likod ng ginawa ko sa kanya ay may puso parin siya para sa akin.
Damn!
Hindi ko kailangan ng boto niya dahil alam ko malaki ang tiwala sakin ng mga natitirang kaibigan ko.
Alam kong pinagkakatiwalaan parin nila ako bilang leader.
•••
✖️- |||||||||
✓ - |
Parang gumuho ang mundo ko, ng makita isa isa ang pagboto ng mga tinuturing kong kaibigan na mapa alis ako bilang leader ng grupo.
"Pre.." si Teroy na lumapit pa sakin pagkatapos iboto ang pagpapaalis sa akin. "Ginawa ko yung mas makabubuti sayo" sabi niya na nilagay pa ang mga kamay sa balikat ko.
Agad ko namang inalis 'yon. Hindi ko narin siya pinanasin.
Mas makakabubuti? King ina alam niya ba ang nararamdaman ko ngayon, hiyang hiya ako sa sarili ko ngayon!
Pinamumukha niyo sakin na hindi talaga ako deserving maging Leader!
"At this point tanggal na si Rainbow bilang Leaser ng Colos" nakangiting sabi ni Green na sa akin pa talaga nakatingin. Yung galit ko iniipon ko sa mga kamao ko, gusto ko siyang patulan. Gusto ko siyang sapakin!
Gusto ko siyang patayin!
"Pero gusto ko parin malaman ang boto ni Black"
Napasandal ako ng maringig yun mula kay Green, ibig sabihin hindi pa bumuboto si Brenth.
Nawala na sa isip ko na may isa pa akong kaibigan na alam ko nagtitiwala sa akin. Sa sunod sunod na pagkabigo ko sa iba ay alam kong iba si Brenth.
Alam ko nauunawaan niya ang damdamin ko.
Dahan dahan siya tumayo, nakayukong tinungo ang harapan. Gusto ko man kausapin ang mga mata niya, pero nagtatago yun sa miitim na buhok niya na nakabagsak sa kanyang pagkakayuko.
Hawak na niya ang chalk, at unti unti ay tinapat niya ito sa pisara.
Ganun nalang ang pagbagsak ng ulo ko patingin sa sahig.
Ganun na ba talaga ako kawalang silbi sa kanila? Yung ginawa ko sapat na ba para hindi ako matawag na leader?
"So mukhang si Leeford lang ang nagtitiwala sa'yo. Mr. Mendez" malabo ang pagrehistro ng mga salita ni Green saking tainga.
Halo halong emosyon ang nagpapasikip sa damdamin ko. Gusto ko silang tignan at tanungin kung bakit.
Pero para saan pa? Para muling hayaan na mapahiya ang sarili ko? Babang baba na ang tingin ko sa aking sarili, yung mga tantos na 'yon.
Hindi lang guhit para sa akin, guhit yun na naglalapat ng marka sa puso ko. Isang markang kayang maghiwalay ng pagkakaibigan.
Nakita ko nalang ang sarili kong nakaupo na sa sahig. Nakaanday sa pader malapit sa pintuan.
•••
"Parte ng rules ang ginawa nating botohan, sana walang samaan ng loob" di ko man sila kita, pero alam kong sakin nakatingin ang mga mata. "Sana maunawaan mo ito, Rainbow" dahandahan ko ng sinilip ang mga traydor, lahat sila nakatingin sa akin.
Mga traydor.
Lalo na si Green, alam ko ang pagkasabik niya na palitan ako sa grupo.
"At nasa rules din na kailangan mag elect ng bagong leader ang Colos.."
Sa sinabing yun ni Green ay parang sumasama lalo ang pakiramdam ko, harap harapan ba nilang ipamumukha sakin ang bagay na 'to.
"At sinesuggest ko bilang bagong Leader ay si Leeford"
Gusto kong tumayo at pigilan si Green sa sinasabi niya.
Hindi na tama to, nasasaktan na ako. Lagi nalang si Leeford, lahat nalang kinukuha niya.
Pagpaplano, atensyon ng ibang studyante, ang babaeng mahal ko at ngayon ang pagiging Leader ko sa Colos.
Tumayo ako at inis ba tinignan si Green.
"Nananadya ka ba talaga?" tanong ko sa kanya.
"Hey, nakamove on kana?" nakangising sabi nito. Hindi na ako nakapagpigil at sinugod ko siya, pero agad akong pinigilan ni Red.
Hawak niya ako sa magkabilang braso ko, sobrang higpit. Di ako makagalaw.
Napaluha nalang ako, hindi ko alam kung dapat pa ba ako mahiya dahil naibagsak ko amg sarili kay Red habang humihikbi ng bahagya.
"Magpahinga ka muna, its okay" sabi nito sa akin. Pinaharap niya ako sa kanya. "Gusto mo bang lumabas muna?" tanong niya. "Sasamahan kita"
Pinahid ko nalang ang konting luha sa mukha ko, at umiling sa tanong niya. "Kaya ko na" sabi ko.
Dahan dahan kong iniwan ang silid na 'yon. Wala na akong ibang magagawa kundi irespeto ang gusto nila.
Nagtagumpay ang mga may galit sakin na alisan ako ng karapatan mamuno sa Colos.
Tumungo ako sa di kalayuan parte ng building, tumambay ako sa pasimano na tanaw ang mga puno sa Botanical Garden.
Ngayon ko lang ulit to nagawa sa sarili ko, ang mapagisa at titigan ang kapaligiran. Huminga sa paligid na may sariwang hangin habang nakalatag ang baba sa ibabaw ng pasimano.
Andami ko palang iniisip nitong nakaraan, halos kapos ako lage sa tulog kakaisip kay Maurene, pero ano tong ginawa niya sakin.
Pinaglaruan nila ako.
Yung galit ko muling nabuhay ng ganon kadali.
•••
Ilang minuto lang ang inilage ko sa pwestong 'yon. Agad akong naglakad pabalik sa silid kung nasaan ang mga Traydor.
Malayo palang ako pero ringig ko na ang nakakainis na boses ni Green.
"So may bago ng Leader ang Colos.." napahinto ako sa sinabi niya. Dahan dahan akong sumilip sa munting awang sa bintana. "The one who deserve to be.." Gusto kong durugin si Green. "Alam kong mabibigyan mo ng mabuting sistema ang Colos"
Kita ko ang pagakbay niya kay Leeford na katabi niya sa harapan.
"Congratulation White, the Killer Colos Leader.."
Naibagsak ko ng tuluyan ang mga kamay ko. Pero naninindigan ang galit na nararamdaman ko ngayon. Mas lalong umuusbong.
Bahagya akong nakaringig ng palakpakan sa loob, simbolo na masayang tinanggap ng iba ang pagpalit niya sakin bilang leader .
"Pwede ng mauna ang lahat"
Ngayon masaya kana na nagdudusa ako, na nakukuha mo ang lahat Leeford.
"Maiwan ka muna White, gusto pa kita makausap" sabi ni Green. Agad naman akong nagtago sa kabilang classroom ng makita ko ang paglabas ni Red at Kuya.
Sa kabila ang daan kaya di rin nila ako napansin.
Maya maya ay ringig ko naman ang paglabas isa isa ng mga traydor. Sinadya kong lumabas para makita nila ako.
Hindi naman ako nabigo at nakita ko ang pagharap nila sakin, kahit na sa ibang direksyon ang papunta pababa ng building.
"Ganny" sambit ni Teroy na nagaalala ang tingin. Dahan dahan siyang lumapit at nagsunuran naman ang iba pa. "Tara na" inabot niya ang mga kamay niya sakin.
"Traydor" madiin na sambit ko kasabay ng pagbitaw ko ng matalas na titig sa kanya. "Mga traydor" sa pagkakataong 'yon sa lahat na ako nakatingin.
"Pre di ka namin tinatraydor" sabi naman nito.
"Dun na kayo sa bagong Leader niyo, tutal pinagkaisahan niyo naman ako" inis kong hinampas ang kamay na inaalok ni Teroy.
"Gan.." si Brenth naman na papalapit sa akin.
"Hindi." pagpigil ko sa kanya. "Diyan kalang"
Sumunod siya sa sinabi ko, huminto siya sa pwestong inabot ng kanyang hakbang.
"Huwag niyo akong lapitan, simula ngayon.. Hindi ko na kayo kilala" tanging galit ang namumutawi saking isipan.
Hindi ko parin matanggap na mas pinili nila akong mapatalsik, kesa manatili na maging Leader ng Colos.
"Tama na ang drama" tumatawa pang sabi ni Silver. "Hindi kana boss, para ibaby namin. " Yung mga ngisi niya talagang naghahamon. "Tandaan mo si Lucas na ang Leader namin at hindi na ikaw"
Yung kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung saan nangagaling ang kaba.
"Huwag ka magalit sa kanila, you are the one who made this mess" tumawa siya. "Hindi mo deserve maging Leader, pang member kalang Mr. Jhonny Han Mendez"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa mga sinasabi ni Rusty.
"Kung tutuusin si Lucas naman halos ang nagpaplano sa grupo na 'to.. Ikaw anong ginagawa mo?" tanong niya sakin. "Magutos, kunin ang planong ginawa ni Lucas at iutos sa amin? Hahahah come on, hindi ka kawalan sa grupo"
"Rust.." pagpigil ni Theo sa kanya.
"Hindi namin kaylangan ng special power mo sa school na 'to. Dahil siya kayang kaya niya gawan ng plano yan" pagtukoy niya kay Leeford. "Umuwi ka nalang sa bahay niyo, at dun umiyak"
Gusto ko siyang sugurin pero, nanginginig ang mga paa ko.
"Tandaan mo, hindi ko pa naigaganti si Lucas sa'yo" tila nagbabanta niyang sabi. "May araw karin sakin.."
Parang demonyo ang tingin niya sa akin. Kasabay non ang pagtalikod at pagalis niya.
Ganun ba talaga ang tingin nila sa akin? Na wala akong kakayanan maging leader? Na dapat maging isang member lang ako?
Agad akong nilapitan ng mga kasaman ko, pero agad ko silang pinalayo.
"Huwag kayong lalapit!" sigaw ko. "Umalis na kayo! Iwan niyo na ako dito!"
Kita ko ang mga pagaalala sa mukha nila. Ayokong ganun ang tingin nila sa akin. Bumababa lalo ang tingin ko sa sarili ko.
"Tara na" biglang nagsalita si Gheo. "Kung ayaw niya sumama sa atin, wag natin pilitin" sabi pa nito. "Mukhang mas importatnte ang posisyon niyang nawala kesa sa mga kaibigan niya"
Tumalikod nalang ako sa inis, lalo na sa sinasabi ni Gheo. Pagkakaibigan? Pagkatapos niyo akong traydorin? Pweee!
Naringig ko nalang ang mga yabag ng hakbang nila, at sa muling pagtalikod ko ay iba na ang nasalubong ng mga tingin ko.
Si Leeford.
Tulad ng dati, blanko ang titig niya sa akin. Magaling siya magtago, hindi niya ipakita alam kong pinatatawanan niya ako. The way na ipangalandakan niya kanina sakin na ginamit nila ako ng syota niya.
Hindi pa ako tapos makipagtitigan sa kanya ng masama ng tumalikod na siya at nagsimulang humakbang.
Kung para sa kanya wala lang ang pangyayaring 'to. Ibahin niya ako, dahil ako ay nagkikimkim ng galit.
At di ko hahayaang natatapakan ang yabang ko sa mga tulad nilang tao.
Mabilis ko siyang sinundan. Napansin ko naman ang pagbagal ng hakbang niya habang nakapamulsa na.
Kapwa kame napahinto ng makarating sa bungad ng hakbang pababa.
"Ano ang pakiramdam maging Leader?" sarkastikong tanong na na lumapit sa kanya. "Masaya ka na?" tanong ko pa. "Lahat na kinuha mo. Ang atensyon ng lahat sa eskwelahan na 'to, ang babaeng mahal ko, mga kaibigan ko tapos ngayon ang liderato ko... ang galing mo talaga magplano propesor!"
"Ayoko ng gulo" sagot nito. Na biglang umiwas ng tingin na hahakbang na sana pababa.
"Gusto ko ng gulo!" sigaw ko sa kanya.
|O_____0|'
Nagulat ako ng bigla niyang dakutin ng kamay niya ang mukha ko at iumpog 'yon sa hawakan ng hagdan.
"Fight me with your hands, not with your mouth.." kinabahan ako ng makita ang nanlilisik niyang mga mata. Habang ginagawa sakin ang bagay na 'yon.
"Bitawan mo ako!" agad ko naman siyang tinulak. Agad akong nakawala. Masakit! Masakit ang ginawa niya ngayon!
Gago siya!
Muli ko siyang sinugod, tumayo naman siya agad at sinalubong ang suntok ko.
Nakailag siya sa pamamagitan ng pagkuha sa kamay ko. Habang hawak niya ang kamay ko ay mabilis niya akong sinapak. Natumba ako, sobra akong nahilo dahil sa tumama rin ako sa dulong hawakan ng hagdan.
Nahigaan ko pa tong makalawang na tubo na nakakalat.
Mas kinai inis ko pa ng makitang nakatayo si Green sa di kalayuan at pinagtatawanan ang pagkakabagsak ko.
Putang ina, ayaw ko sa lahat pinagtatawanan ako.
"Tumayo kana" biglang sabi ni Leeford. Tang ina ka! "Ayoko na nang away.. pagusapan natin to" inalok niya ako ng kamay niya. "Magkape tayo" sabi pa niya.
Napangiti ako, hindi dahil sa sinasabi niya. Dahil sa katangahan niya.
'Magkape tayo?'
Sige sa lamay mo!
Agad kong kinuha ang isang tubo na nakakalat sa sahig.
Isang kinakalawang na tubo. Nagulat siya, kaya napalayo ito. Agad akong mabilis na tumayo.
Hawak ko sa kanang kamay ang tubo .
Mula sa pwersa pakaliwa ay inihampas ko ang tubo pakanan!
Na tiyak tatama sa mukha niya. Nagpaubaya na ako sa galit na meron sa puso ko, hinayaang ko na ang demonyo sa loob ko na angkinin ang pagkatao ko.
Naramdaman ko nalang ang pagtama ng ng tubo sa isang mukha.
Pe..Perooo..
Nakita kong bumagsak sa sahig si Leeford na walang natamong hampas.
Bigka kong nakita si Green... siya..
Siya.. ang sumalo ng hampas ng tubo. Kita ko ang diretsong pagkahulog niya sa hagdan ng sinaggga ang hampas na para dapat kay Leeford.
Mabilis na gumulong gulong ang duguang si Green pabagsak sa hagdanan mula dito sa Ikatlong palapag.
Naibagsak ko ang tubong hawak na may marka pa ng dugo mula sa ulong nahampas ko.
Nagdulot ng kaba ang nagawa ko, para akong nahimasmasan sa nagawa ko.
"A..anong ginawa mo" nauutal at may kabang tanong ni Leeford. Napatingin ako sa kanya.
"Hin..hindi ko sinasadya" sagot ko naman.
Pero hindi na niya ako pinakinggan agad siyang bumaba sa hagdan.
Ano tong nagawa ko?
Gusto kong masuka, dahil nandidiri ako sa sarili ko. Sa sarili kong mga kamay.
Dahan dahan akong bumaba sa hagdan puno ng kaba ang aking mga paa.
Nadatnan ko nalang si Leeford na may tinatawagan sa telepono habang nasa baba niya si Green na duguan at nagaagaw buhay.
COMMENT✍️ at VOTE⭐
"Ang update ko nakasalalay sa inyong komento"
•TheSecretGreenWriter•