CHAPTER 09

2789 Words
Subdivision Scandal V Written By: TheSecretGreenWriter ✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️ •GANNY'S THROWBACK• ❤️ "Jhonny..." sa pandinig ko ay umalingawngaw paulit ulit ang pagtawag ni Maurene sa pangalan ko. Napahinto ako sa paglalakad, pigil kuyom ang palad ko sa galit na nararamdaman. Pakiramdam ko napakaliit ko sa kinatatayuan ko. Buong buhay ko hindi ko alintana na pagdadaanan ko ang ganito. Ang magmahal, ang masaktan. Matatanggap ko kung alam kong dalawa kameng nagkokompetensya sa puso niya, pero ang malamang sila na habang ako nagpapakatanga sa panliligaw sobrang nakakagago. Tumigil na yung luha ko, pero yung galit ko ay nanunuot parin sa kalamnan ko. Gusto ko na sana umalis pero, dahil sa pagpansin niya sa akin ay nagkaroon ako ng dahilan para harapin sila. "Pre.." nagalala akong pinigilan ni Zach, tinignan ko siya na' nakiusap ang mga mata kong hayaan na muna ako. Nakuha niya naman ang ibig sabihin ng mga titig kong 'yon. Dahan dahan ay inalis niya ang kamay na nakapigil sa akin. Para akong kung sinong kagalang galang na binigyan ng daan ng mga nakikiusyosong mga tao. Hindi ko nanaman mapigilan ang malungkot habang papalapit ako sa kanila. Kita ko ang kaba sa mukha ni Maurene habang nakatabi siya kay Leeford na ngayon blanko lang ang mukhang tinitignan ang paglapit ko. Alam mo yung parang wala lang sa kanya, yung parang wala siyang alam. Alam kong alam niya na nililigawan ko si Maurene, kaya hindi ko alam kung bakit nangyayari ang bagay na 'to. Ngayon napagtatanto ko na kung bakit lageng wala siya sa paligid tuwing kasama ko si maurene. Pero anong dahilan bat kaylangan wala siya, anong dahilan bat kaylangan niyang hayaang ligawan ko ang babaeng to. Para mapahiya ako? Para maipakita niya sa lahat na ang babaeng gusto kong makuha, na kinalolokohan ko ay pagmamayari na niya? Habang iniisip ang mga bagay na 'yon ay lalong tumataas ang galit ko sa kanya. Itinuturing ko pa naman siyang matalik na kaibigan, pero isa pala siyang traydor. Tuwing wala si Maurene sa paligid ay para kameng magkakapatid sa sobrang close. Si Brenth at siya ang halos kadikit ko sa grupo. Ngayon naliliwanagan na ako kung bakit lage siyang wala sa mga pagkakataong kasama namin si Maurene. Pero bakit? Kung boyfriend siya bat hinahayaan niyang ganun ang sitwasyon. Nakatayo na ako sa harapan nilang dalawa. Pinagmasdan ko ang skateboard kung saan nakasulat ang mga katagang hinding hindi nagsisink in sa utak ko ngayon. "Akala ko may lakad kayo ng pamilya mo" hindi ako nakatingin kay Maurene, pinagmamasdan ko lang ang blankong mukha nitong kasama niya. "Bat di ka makasagot.. baka naman gusto mo magsalita" itinuon ko ang paningin sa kanya. Nakatingin lang din siya, hindi nagsasalita. Pero kita ko ang pagiging mapanglaw ng kanyang mga mata. "Ang alam ko nililigawan kita, pero bat.. may monthsarry na?" pinilit kong ngumiti, pagkukunwari para di nila ako kaawaan. "Anong pinagsasabi mo..?" biglang nagsalita na si Leeford. "Nililigawan mo ang girlfriend ko?" ngumiwi siya sa akin ng nakakaloko. "Mahal, Nililigawan ka daw nito?" tanong niya kay Maurene. Umiling si Maurene.. What! Tinignan ko siya ng masama. Hindi ko alam kung puro kalokohan ang pinagsasabi nila, hindi niya alam na nililigawan ko si Maurene at si Maurene naman hindi ko daw siya nililigawan?! "Anong hindi" "Alam mong may boyfriend ako, bat ako magpapaligaw sayo" sagot niya na tila dinurog ang puso ko. Hindi ko nakikilala ang Maurene na nagsasalita ngayon, bakit ganito siya. Andaming nakaka alam na nililigawan ko siya, ngayon itatanggi niya. "Bat kaylangan mong magsinungaling? Ano.. ano yung mga pagkakataong kasama ka namin.. ng tropa" para akong batang humihingi ng paliwanag. "Sabi ko sa kanya, kaibigan na niya ang mga kaibigan ko" dahan dahang inakbayan ni Leeford si Maurene "Kaya hinahayaan kong sumama siya sa inyo" "Gago ka ba, alam kong alam mong nililigawan ko si Maurene.. simula ng ipakilala ko siya sa inyo!" sigaw ko. "Kilala ko na siya, bago mo pa siya ipakilala" nagulat ako sa sinabi niya. Tinignan ko si Maurene. "Grade Six palang nililigawan na ako ni Leeford.." nakayukong pagsasalita ni Maurene. Nanginginig na yung mga tuhod ko habang nariringig ang mga sinsabi nila. "Alam kong alam mong nililigawan ko siya, sa dameng nakaka alam sa  DMA.." hindi parin ako naniniwala  sa kung anong gusto nilang ipaalam sakin. "Imposibleng hindi mo alam" "Alam ko, pero wala naman ako karapatan magalit" sagot niya. "Kase nanliligaw pa ako that time, ibig sabihin.. pareho natin sinusuyo ang sagot niya" Umalis siya sa pagkakaakbay kay Maurene at humakbang ng bahagya papalapit sa akin. "Nung sinagot niya ako, nababalitaan ko nililigawan mo parin siya" "Bat wala kang ginawa! Bat parang ... wala kang pake!" "Kase boyfriend na niya ako.. kaya hindi ako naniniwalang nililigawan mo siya.." "Alam mong lage siyang kasama ng tropa, alam mo 'yun!" "Alam ko" bumuntong hinga siya. "Kaibigan niya rin kayo.. bat pipigilan ko kung gusto niya kayo kasama" Kaibigan niya rin kayo.. Nakakainsulti sakin ang mga katagang 'yon. Hindi ko parin makuha ang punto niya. Parang mas nalilito ako. "Nililigawan ko siya tanga ka ba! Girlfriend mo hahayaan mong paligawan sakin!" parang nag iinit ang pakiramdam ko. Wala pa man akong ginagawa yung pawis ko tumatagaktak na. "Mas tanga ka, hindi mo muna inaalam kung may boyfriend ang sinasabi mong nililigawan mo" sagot niya, tinignan ko si Maurene at hinihintay kong magsalita siya. "Wala kang tinatanong sakin, ang sabi mo lang kung pwede akong sumama sa inyo" sagot naman nito. Tangina nakakbobo sila! "Hindi ako yung tipo ng taong kayang ipagdanot ang presensiya ng kahit sino man..Kaya hinahayaan kong sumama siya sa inyo" pagsasalita pa ni Leeford. Nalamutak ko ang mukha ko, dahil di ko siya maintindihan. "Girlfriend mo pero hinahayaan mong sumama sakin!" "Girlfriend ko siya, Kaibigan ka niya.. Boyfriend niya ako.  anong masama dun" yung mga tingin niya sakin parang nangiinsulto. "May tiwala ako kay Maurene, sabihin na nating nililigawan mo siya.. ang tanong sasagutin ka ba" tumingin siya kay Maurene. "Hindi..kaibigan lang ang turing ko kay Jhonny" sagot naman nito. "Sorry.." sabi niya pa. "Sumasama lang ako sa inyo dahil gusto ko makilala ang mga kaibigan ni Lee, para once ipakilala niya ako sa inyo.. hundi na ako mahihirapan pa makibagay" "Paano ako.. hinahayaan mo akong manligaw sayo?" inis na tanong ko. "Hindi ko naman kase kinoconsider na panliligaw 'yon.. ang akala ko gusto mo lang talaga makipagclose sa akin.. tulad ng meron kayo ng Boyfriend ko" Angulo hindi ko mintindihan. "Bat di ko kayo nagkikitang magkasama!" tanong ko sa kanilang dalawa. "Lage ko silang nakikita magkasama" napalingon ako kay Zach na nakayuko. "Malayo man sakin si Maurene, alam kong hindi niya ako ipagpapalit.. dahil alam kong mahal niya ako" seryosong sabi pa ni Leeford. Yung puso ko, sinsaksak pa ulit kahit durog na durog. "Patawad.. " si Maurene na umiiyak na. "Ginamit ko lang talaga ang panliligaw mo.. para hindi malaman ng mga pinsan ko na kame na ni Leeford" "Tss.." "Hindi kase magkasundo ang Kuya ko at siya, pinagbabawalan akong lumapit sa kanya.. pero mahal ko talaga siya.." "Ako na humihingi ng tawad.. kung ginamit ka niya..." SA SOBRANG GALIT Ay di ko napigilan sugurin si Leeford! Pero agad may humawak sa mga kamay ko. Si Rusty. Ilang segundo lang ay tinulak niya ako, na ikinabagsak ko sa court. "Huwag mong susubukan dumampi ang mga madudumi mong kamay sa kanya, kaylangan mo muna akong harapin" banta nito sakin. "Hoy Rusty!" sigaw ni Teroy kay Rusty. "Wala naman kasalanan sayo yung tao ah" pagkatapos sumulyap siya kay Leeford at Maurene. "Alam niyo ang gagago niyo.. mahusay ka talaga mag plano Proffesor! " galit na sabi niya. "Hoy hapon itigil mo yang bunganga mo, gusto mo isunod kita! Yang kaibigan niyo.. hanapan niyo ng babae kawawa naman Hahaha" Yung ibang tao sa paligid ay nakitawa narin. "Tss.. Rust tama na tara na" Kita kong tumalikod si Leeford kasama si Maurene. Ako naman ay tulala lang dito sa sahig ng court habang nakapalibot sakin ang mga kaibigan ko. "Gago talaga yung mga 'yon" sabi ni Teroy na naupo sa sahig. "Okay kalang..?" tanong niya sakin. Umiling ako bilang sagot. Hindi ko sila mapapatawad sa pangagamit sakin. Naging materyales lang ako para sa bawal nilang pagibig! Tumayo ako ng mabilis kahit may mga luha sa mata ko. Tumingin ako kay Zach "Tara, dalawin natin tatay mo" sabi ko sa kanya. Napangiti naman eto. "Pre ikaw yung anak?" Bigla akong napapunas sa walang tigil kong pag iiyak ng maringig ko ang tanong ni Teroy na tumabi sakin. Nasa lamay kame ngayon kung saan nakaburol ang tatay ni Zach. Simula pagdating dito ay kanina pa ako iyak ng iyak. Sa totoo hindi dahil sa burol kundi sa durog na durog kong puso. "Pre kanina ka pa pinagtitinginan ng mga tao, kanina ka pa kase iyak ng iyak.. baka isipin nila anak ka sa labas" Gusto ko naman matawa sa pinagsasabi ni Teroy. Pero hindi talaga dahil ang nararamdaman ko ngayon ay lungkot at galit. Bago pumunta dito ay bumili kame ng maraming biscuit at kape para makatulong narin sa pagaasikaso sa burol ng tatay ni Zach. Iba kong kasama ay tumutulong sa pagbibigay ng mga biscuit at kape sa mga bisita. Ako naman ay binabantayan ni Teroy dahil sa mga kadramahan ko sa buhay. Gabi na ng magpaalam kame sa pamilya ni Zach, nagbigay rin ang bawat isa sa amin ng konting tulong na pinansyal para sa Libing ng tatay ni Zach. Walang nag oopen ng usapan tungkol sa nangyari kanina habang nandito kame sa loob ng sasakyan, alam kong nirerespeto nila ang oras na to para sa akin. Hindi ko mapapatawad ang ginawa nila sa akin. Ako pa talaga ang ginawa nilang panakip. LUNES. Pagakatapos ng klase ay pumunta ako magisa sa canteen. Nasa klase pa sila Teroy, kaya wala akong mayaya. Pagtapak na pagtapak ko sa Canteen ay agad kong nakita si Leeford kasama si Maurene at Rusty. Dun mismo sa pwesto ng Colos, ang kakapal talaga ng mukha. Talagang dun pa sila pumwesto. "Alam mo yung balita?" "Ano?" "May nakakita daw diyan kay Maurene at si White ng Colos.. sa may FTI sila na pala.." "Tumigil ka nga baka marinig tayo ni Ganny.." "Totoo nga at apat na buwan na pala sila mag jowa!" "Huh? Diba nililigawan ni Ganny si Maurene?" "Yun nga di ko alam, ang balita ginamit lang daw nitong si Babae si Ganny para lagtakpan ang namamagitan sa kanila ni Leeford" "Gaga bat naman pagtatakpan" "Bawal pa ata magsyota yang si Maurene at magkaaway ata kuya daw niya at si White" "Hala kawawa naman si Ganny Bear ko.. Huhuhu" Pagkatapos ko maringig 'yon ay tinignan ko ang dalawang nag uusap  na nakapwesto sa pandalawahang lamesa. "Totoo lahat ng sinabi nila!" halos sisigaw ko sa buong canteen na pumukaw sa presensiya ng lahat. Dahan dahan akong pumunta sa pwesto ng mga traydor. "Ginamit ako ng dalawang to para sa kanilang pretty forbidden love" hinampas ko ang mesa gamit ang mga kamay ko. At nakiupo kung saan sila nakapwesto. "Bat di niyo ikwento kung paano niyo ako ginamit.." sabi ko sa kanila. "Hindi mo ititigil yang bunganga mo?" banta sakin ni Rusty. "Come on.. ganun ba kaduwag tong amo mo? Para lage mong ipagtanggol?!" sagot ko naman dito. "Talagang!" tatayo na sana si Rusty ng pigilan siya ni Leeford "Gusto mo akong makausap?" tanong niya sakin. "Huwag dito.." "Hindi.. gusto ko dito" pagkontra ko habang pilit ngiting sabi ko. Tinatago ang sakit na nararamdaman. "Jhonny ano ba, tama na please.. wala akong nararamdan sayo.. ginamit lang talaga kita. And I'm very sorry for that" Pilit akong nagbingibingihan sa sinabi niyang 'yon. Pero napakasakit ulit ulitin ang naging paoel ko sa buhay niya. "Hindi, alam kong mahal mo na ako.  Please Maurene" kinuha ko ang kamay niya at hinawakan 'yon. "Alam kong mahal mo na ako" hindi ko napigilan ang sariling mamalimos ng pagibig sa kanya. Hindi ko inaasahan na magiging ganito ang muling paghaharap, ang inaasahan ko ay galit na talaga. Pero, mahal ko na siya kaya di ko talaga mapigilan magmakaawa. Pilit binabawe ni Maurene ang mga kamay niya, pero lalo kong hinihigpitan ang pagkakahawak ko. "Jhonny nasasaktan ako.." sabi nito. 'Ahhhhhhhhhhhhh!' Naibitaw ko ang kamay ko, dahil sa sakit na naramdaman ko sa paghampas ni Leeford sa bisig ko gamit ang sariling kamay niya. "Hindi mo ba nariringig ang sabi ng Girlfriend ko.." walang emosyon pero nakakainsulto ang ginawa niya sa akin. "Girlfriend mo palang siya, hindi pa asawa" sabad ko naman. "Hahahaha nakakatawa ka rin noh?" biglang singit ni Rusty. "Umalis ka na dito, dahil masasaktan kalang sa mga makikita mo" ngumiwi siya ng bahagya. "Ginamit kalang namin.. hindi mo ba maintindihan 'yon.." Kumulo nanaman  ang dugo ko dahil sa pangiinsulto niyang 'yon. Krinus niya ang mga kamay niya at tinitigan ako na parang kung sino lang. Gago siya, di niya ba alam na dapat irspeto niya ako dahil ako parin amg Leader ng Colos! "Hindi mo alam ang ginagawa mo Lee, labag sa colos ang saktan ang Leader.." "Hindi kita sinasaktan, ikaw ang ang nanakit sa sarili mo." lumapit siya sa akin, inilapit ang mukha sa mukha ko. "Hindi kasama ang personal na buhay sa batas natin.. Ang bawal ang saktan ka ng pisikal ng isa sa miyembro ng Colos.." Pagpapaliwanag niya sa akin. "Huwag mong hayaang siraiin ng nararamdmna mo ang pagiisip mo" dugtong pa niya. "Eh di ano yung ginawa mo kanina? Sinaktan mo ako ng pisikal.. yang ginawa ng uto uto mong kasama sakin nung isang araw.. hindi ba pananakit 'yon?" "Ikakamatay mo ba yun? Tadyakan kita diyan eh" singit ni Rusty na galit na ang tingin. "May degree ng pananakit na pinagusapan sa batas ng grupo, ang ginawa namin wala payun sa First Degree.." pagpapatuloy niya na tila ginagawa akong tanga. "Yung ginawa ko sayo kanina, may rason yun. Dahil sinasaktan mo ang girlfriend ko" Nanliliit ako sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko wala akong alam sa sariling batas ng Colos. "Kung ako sayo, tanggapin mo na.. na kaibigan kalang ng girlfriend ko.." Sinipa ko ang upuan na bakante papunta sa kanya. Na agad naman  tumama sa may paanan niya. Hindi ko na kaya ang galit na nararamdmaan ko, ginagawa niya akong katatawanan sa bawat salitang sinabi siya. Dali dali ko siyang sinugod at sinapak. Susugod sakin si Rusty ng pigilan ulit siya ni Leeford. "Hayaan mo siya" sabi nito sa kaibigan niya. "Nasa batas ng Colos na siya lang ang pwedeng manakit.. ng kahit walang rason" Inis ko siyang tinignan. Muling kinuha gamit ang kwelyo niya at inandig sa pader ang siraulong to. "Totoo yan ako lang ang may karapatan manakit!" binigyan ko siya ng demonyong tingin. "Tangina mo Ganny.. bitawan mo si Leeford!" tinignan ko ng nakakinsulto ni Rusty, wala siya magawa. Dahil alam nya ang batas. Sa oras na to, gusto kong wasakin ang pagmumukha ni Leeford. Para akong sinasaniban ng demonyo. "Pero once ginawa mo yan nangangabib ang pagiging leader mo.." sabi niya naman. Tama manganagnib ang pwesto ko, kung may makakaalam na ibang kagrupo namin at kung iboboto ako paalis ng bawat miyembro. "Kung malalaman nila..masyado  ka namang masunurin sa batas Leeford.." Kinuha ko yung tinidor na hindi pa nagagamit sa lamesa. Ipinalaman ko yun sa kamao ko pero naka usli ang mga talim. Kita ko ang titig niya sa akin, galit na siya pero di makakilos. "Jhonny!" "Huwag mong itutuloy yan, ako makakalaban mo!" Pero hindi ako nakinig sa mga sinasabi ng dalawang to. Gustong gusto ko tong gawin sa kanya. Kita ko napapikit siya ng isuntok ko sa mukha niya ang kamao kong may tinidor na nakalagay. Dahan dahan namulat ang mga mata niya at kita ko ang nangigigil niyang mukha habang tumutulo ang dugo sa pisnge niya. "Tapos ka na ba?" Bigla niyang kinuha ang kamay ko, at binunot yung tinidor. Itinapat niya sa mukha ko ang bagay na 'yon at dahan dahang binend, kita ko ang galit sa mukha niya ng maputol niya ang bagay na 'yon na kinagulat ko. Naramdaman ko nalang na may tumulak sa akin, si Rusty yon na agad nilapitan ang kaibigan. Kasunod niya naman si Maurene na nag aalala talaga sa kanya. "Ganny..." Biglang kumabog ang dibdib ko ng maringig ang tumawag sakin. Dahan dahan akong tumayo at marahanng hinakbang ang sarili ko patalikod. Kita ko ang gulat sa mga mata nila at tila di makapaniwala sa ginawa ko. "Bat mo ginawa 'yon?" tanong ni Brenth sa akin. "Magbabayad ka sa ginawa mo sa kanya, Ganny.." ringig kong sigaw ni Rusty. "Ilayo niyo sakin yang walang kwenta niyong kaibigan.. baka kung ano pa magawa ko sa pagmumukha niya" Si Miggy, Brenth, Gheo, Theo, Teroy at Ogie ay nasaksihan ang ginawa ko. "Pre bat mo ginawa yun kay Lee" nagaalalang lumapit sakin si Teroy. "Nilabag mo ang Colos Leadership Law.." COMMENT✍️ at VOTE⭐ "Ang update ko nakasalalay sa inyong komento" •TheSecretGreenWriter•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD