CHAPTER 08

4456 Words
Subdivision Scandal V Written By: TheSecretGreenWriter ✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️ •GANNY'S THROWBACK• ❤️ a/n: May nabasa lang ako sa Comment tungkol sa Previous Chapter. Nalilito daw siya na nangyayari ngayong Ganny's Throwback at sa SS3: c*m Back Home (10) - History of His Rivalry. Aware po ako sa content ng SS3 - Chapter 10, Huwag ka po malito. Wait mo lang malinawan ka hehehe. Eto hint, sure ka ba na totoo ang kwento ni Krab kay Dennis about kay White? In, short mas paniwalaan mo ang Throwback dahil Point of View mismo ito ni Krab. At ibig sabihin nagsisinungaling 'non si Krab kay Dennis. Dahil sa Point of View ni Krib pwede magsinungaling si Krab. And mababanggit din yan soon pagkatapos ng Throwback. Yan binigyan na kita hint para di kana malito. Yun lang, enjoy reading. Muahhhpxxxx ❤️ Pagkatapos ng Araw na 'yon ay di na siya nawala sa isip ko. Dumaan ang maraming araw at naging mas matunog ang pangalan namin sa Mendez. Mga babaeng nagkakandarapa tuwing dumadaan kame sa kahit saang sulok ng paaralan. Mga lalaking studyante na gustong sumali sa gang. Tulad nalang nung makulit, yung nakipagkilalang baduy sakin noon sa Party. "Master Boss!" Habang papunta kame sa canteen. Kasama ko si Miggy, Kambal , Whiterou at Brenth. Yung iba ay di ko alam kung nasaan At yung iba, wala akong pake kung nasaan. Si White, siya ang tinutukoy ko. Hindi ko alam nagsisimula na ako mainis sa kanya, nasa kanya ang halos malaking porsyento na atensyon ng mga tao dito sa paligid. Wala man siyang ginagawa pero lubos ang paghanga sa kanya ng lahat. Sikat siya sa loob dahil sa pormada niya na laging naka Skateboard. Sa lahat ng sport, tuwing P.E siya ang laging nakakuha ng mataas na grado. Archery, Swimming, Basket at marami pang iba ay lahat alam niya. Lahat gamay niya, para sa kanya wala lang ang mga bagay na 'yon. Pero para sa akin lubos akong naiinis, pakiramdam ko kinukuha niya ang lahat ng papuri ang lahat ng paghanga! "Uy Ganny andiyan na yung makulit mong utusan" nawala ako sa iniisip ng makita ang tatlong baduy na lalaki sa harapan ko. "Diba sabi ko ayusin niyo lang itsura niyo kung gusto niyong sumali sa grupo namin! Ang babaduy niyo!" sigaw ko sa kanila. Kita ko naman na may bitbit na basket yung dalawang kaibigan niya sa likuran. "Ano yang dala niyo?" paninindak ko sa kanila. "Ahh Boss, ano po yan.." tumingin siya sa dalawang kasama. "Joe, Ricky pakita niyo na" agad na tumungo sa harap yung dalawa ay binuksan ang basket. Tumambad ang Basket na puno ng hinog na mangga na di ko maintindihan ang hugis, mallit na pahaba. Sa kabilang basket naman ay guyabano. "Galing sa Fruit Garden sa bahay namim Boss, bagong pitas na Guyabano at Pico Manggo" paliwanag ni Xavier. Hmmm mukhang magugustuhan ni Maurene tong mga 'to. Magkikita pa naman kame sa canteen. Maya maya naman ay may nilahad na medyo may kalakihang garapon si Xavier. "Tapos eto pa po, Guyabano Juice master boss. Gawa po ng Daddy ko" inilahad niya ang garapon na yon na kinuha naman ni Brenth. 'Daddy.. Tsk Rich kid na baduy' "Sige na pasado na kayong tatlo bilang utusan nito" biglang turo sakin ni Miggy. Kinuha niya yung dalawang basket. "Akin na tong mga 'to" "Opo sir Low" sagot nung isa. "Anong pinagsasabi mo" inis na bulong ko sa katabi ko. "Gusto ko yung mangga, gutom na ako" seryosong sabi niya. "Ayaw mo nun may supply tayo ng mga ganito" sagot nito. "Talaga po pasado na po kame?" pangungulit nung Xavier. "Sige na, ngayon at utusan ko na kayong tatlo" sabi ko sa kanila. "Ang kaaway ko, kaaway mo" sabi ko na nilapit ang mukha sa mukha niya. "Pero ang syota ko wag mo syosyotain!" "Opo!" Tapos umalis na kame, iniwan namin ang tatlong tuwang tuwa. "Ang lakas mo talaga maka impluwensiya boss hahahah" biro ni Theo sa akin. Sinimangutan ko lang. "Oh wag ka ng sumimangot, tanaw na natin ang prinsesa mo ohhh" Napangiti naman ako ng makita si Maurene sa may Mushroom gazebo malapit sa entrance ng School canteen. Naka upo siya sa isang Green na tila parisukat na bato.  Humarap ako sa mga kasama ko, nag ayos ng sarili. Tumingin sa kanila ng seryoso. "Ayos ba?" tanong ko sakanila, tinutukoy ko ang itsura ko ngayon. "Pre araw araw mo nalang yang tanong" singit ni Teroy. "Pag sinagot ka naman naming hindi, nagagalit ka" sabay bungisngis. "Ano nga pre" seryoso ko namamg paki usap. "Siyempre maayos ang looks mo pre, ikaw ba naman si Jhonny Han Mendez ang pinakagwapo sa balat ng Mendez" tila isang manunula na umaakting si Teroy naka lagay ang kaliwang kamay sa dibdib at naka angat sa ere ang isang kamay na tila may hawak na libro. "Limang buwan mo na siyang nililigawan" biglang singit ni Brenth. Tinignan ko naman siya. "Hindi pa kase siya handa" sagot ko naman. "Natatakot siya malaman ng mga magulang niya, tsaka may mga pinsan siya dito" sabi ko. "Hahahahahaha" anlakas ng tawa ni Teroy. "Mga pre alam niyo ba, type ko yung pinsan niyang si Maurene, yung si Gail .." tumingin siya kay Brenth. "Yung kaklase mo Brenth, baka naman  ireto mo ako" sabi ni Hapon. Iniwan ko ng sulyap  ang mga 'yon Muli kong pinagmasdan si Maurene, nakangiti siya. Habang may kausap sa telepono. "Ang sabi niya sakin, ako lang ang tinatawagan niya" hindi ko napigilan maibigkas yun. Lumapit sakin ang mga kaibigan ko. "Baka magulang niya lang o kaibigan, napakaseloso mo naman Mr. Mendez. Nililigawan mo palang si Maurene, hindi mo pa siya syota" si Gheo na nakatingin din sa babaeng ang saya habang may kausap sa telepono. "Bat nga pala di ka pa sinasagot niyan, napakaswerte niya kung ikaw ang maging boyfriend niya" lumitaw nanaman ang nakakairitang boses ni Teroy. "Leader ng Killer Colos magiging syota niya, naku safe na safe na si Maurene sa buong eskwelahan" sabi pa nito. "Basta sasagutin niya ako, sabi niya malapit na. Ang mahalaga ngayon masaya kame" sinulyapan ko silang apat. "Tara na nga lapitan an natin ang prinsesa ko" aya ko sa kanila. Pag tinatanong ko si Maurene, tungkol sa panliligaw ko lage niya iniiba ang usapan. Nagmamadali ka ba? Lage niyang tanong sakin pag, pilit ko siyang kinukulong sa topic. Hindi naman. Lage ko namang sagot. Nang makita niyang papalapit kame ay dali dali nitong ibinaba ang cellphone. "Hi my Fairy Princess" ng makaharap ko na siya. Kita ko naman amg pamumula ng pisnge niya. "Ikaw talaga Jhonny ang hilig mo akong bolahin" aniya na inalalayan ko naman sa pagtayo. Kinuha ko narin ang bag. Napasulyap siya sa mga kasama ko, "Mukhang may picnic ata kayong pupuntahan?" ng mapatingin siya sa mga basket na dala ni Brenth at Miggy. "Ahmmmm" bigla akong may naisip, tumalikod ako at hinarapan ang dalawang may bitbit na basket. Sinenyasan ko silang ibaba. "Luh.. akin tong--" inis kong tinapakan ang paa ni Miggy ng magsalita siya. Di rin naman nagtagal ay sinunod nalang nila ako. Ipinatong nila ang mga basket sa berdeng sementadong upuan. "Prutas para sayo, aking prinsesa" ako na kumuha pa ng mangga at inabot sa kanya. "Bagong pitas, galing sa garden ng bahay" pagsisinungaling ko. "Wow" namamanghang sabi niya na inabot ang hinog na mangga sa aking mga kamay. Bahagya ko namang sinadyang ipadala ang aking mga kamay kasama ang mangga. Napangaiti siya. Ako na nag alis ng kamay ko dahil sa kita kong naiilang siya. Inamoy niya yung mangga. Napakacute niya habang ginagawa 'yon. "Napakabango, mukhang bagong pitas lang talaga" suminghot pa siya. Maraman naman akong lumapit sa kanya. "Walang mas babango sayo" bulong ko sa kanya. Napangiti nanaman siya, gusto ko lage siya nakikitang 'ganon. Hahawakan ko sana ang mga kamay niya ng maramdaman kong iniiwas niya 'ito. "Baka makita tayo ng mga pinsan ko" tulad ng mga nakaraan niyang rason, kahit kameng dalawa lang. Ayaw niya talaga. "Ganun ba" malungkot na sabi ko. "Sana, mahawakan ko na ang mga kamay na yan... habang naglalakad tayo sa maraming tao" sabi ko sa kanya. "Nagmamadali kana?" tanong niya sa akin. Baka, maturnoff siya sa pagiging makulit ko. "Hindi naman hehe, alam ko naman malapit mo narin ako sagutin" ngumiti lang siya sa sinabi ko. "Tara na sa canteen" pag aya ko naman. "Sakto nagugutom narin ako" sabi ng prinsesa ko. "Ipagbabalat kita ng mangga" may matamis na ngiting sabi ko sa kanya. "Sige lang" sabi niya. Tumingin naman ako sa iba kong kasama na may mga nanunuksong tingin. "Tigilan niyo ako" nakangiting sabi ko. "Tawagan niyo na sila" tukoy ko sa iba naming kasama na tiyak nasa klase pa kanina. "Bayan, sana lahat may prinsesang kasama" paringig ni Teroy. Pinandilatan ko siya. "Eto na eto na tatawagan ko na ang mga wala!" nagtawanan kame sa inaasal ni Hapon. Nauna na kame sa school canteen. May sarili kameng pwesto 'don na di dapat upuan ng iba. Binabantayan yun ng katiwala na naglilinis ng canteen sa ilalim ng utos ko. "Anong gusto mo?" nagulat pa siya ng ilapit ko ang mukha sa mukha niya. Parang nainis pa ito, naibaba niya ang cellphone na tinitigan niya kanina. "Sorry" sambit ko. "Wag mo kase ako gulatin" sabi nito na ngumiti rin nnan agad. Akala ko magagalit na siya. "Kung ano yung oorderin mo, yun narin ang sakin" Haist. Ang sweet niya naman, gusto niyang kainin yung kakainin ko rin. "Kare kare nalang" Sumangayon naman siya. "Damihan mo yung bagoong ah" paalala niya bago ilayo ang mukha malapit sakin. Haist bat ko naman dadamihan baka mangamoy bahoong bunganga niya. Paano pag hahalikan niya ako? O hahalikan ko siya, Ahmmmmmmm... Kakausapin ko sana siya ulit pero nakatutok nanaman siya sa cellphone niya. "Oh nandito na pala my Frieeeenddd" napatingin ako sa tinutukoy ni Whiterou. Si Zach na halatang wala sa mood. "Oha bat nakasimangot" sinalubong siya si Teroy. Pero sakin to nakatingin, seryoso tila may gustong iparating. Sunod niyang sinulyapan si Maurene. What?! Bat angsama ng titig niya kay Maurene. "Nasaan si Silver at White" biglang singit ni Brenth. "Tanungin niyo yung nakakaalam" pagkatapos sabihin ay tumingin siya kay Maurene ulit ng sobrang talim. Kaya naman hinarang ko ang sarili ko kung saan tumatama ang paningin niya. "Anong problema?" tanong ko sa kanya. "Bat parang angsama ng timpla mo" dugtong ko sa pa. "May dumi na gustong sumira sa kulay ng samahan" sabi niya lang na di ko naman maintindihan. "Heyy Heyyy!" biglang dumating si Ogie. "Brennnthhhhh!" agad na lumapit siya kay Brenth. "Anong kakainin natin?" tanong niya dito. "Ayan oh andaming magga at guyabano ubusin mo" pagsusungit niya sa kaibigan. "Gusto mo pagbalat kita ng mangga" tanong ni Ogie "Hoy kayong dalawa!" dinuro pa ni Teroy si Ogie at Brenthm "Mamaya na harutan order na muna tayo" sabay bungusngis. Lumapit naman siya kay Zach na hanggang ngayon ay di ko parin maintindihan. "Ikaw naman gutom lang yan, lilibre kita para di kana mainis hehehe" Naiwan si Ogie, Zach, Theo kasama ang prinsesa ko sa lamesa namin. Kameng lima naman  ang pumunta sa counter para umorder. Naiinis ako, si Zach nakatingin parin ng masama kay Maurene. "Wag mo muna siya husgahan sa nakikita mo" nagulat ako ng sabihin sakin yun ni Miggy. Sasagutin ko sana siya pero nasa counter na siya at umoorder. Pagkatapos umorder ay bumalik na kame agad sa pwesto. Isang pahabang mesa yon, magkabilaan ang upuan. Kasama ko sa kabila ang prinsesa ko Theo, Gheo, at Miggy. Nasa kabila naman, sa harap namin si Zach, Teroy, Ogie at Brenth. Ang cute pagmasdan ni Maurene na kumain, para siyang bata na ang hinhin ng pagnguya. Sabayan pa ng mumunting pagsulyap niya sakin na tila kinikilig sa pagmmasid ko sa kanya. Ibinaling nito ang tingin sa ulam  , gamit ang ang kutsara ay kumuha siya ng maliit na piraso ng karne na nanunuot pa sa sarsa ng karekare. Isinawsaw sa bagoong at... Hindi ko inaasahang itatapat niya sa aking bibig ang kutasarang may ulam. Walang mga salitang lumabas sa aking mga labi, kusang  naghiwalay ang mga labi ko at tinanggap ang serbisyong binibigay niya sakin na lubos nagpapaligaya ng puso ko sa mga oras na 'to. Pigil kilig, at halos gusto ko humiyaw dahil unang beses niya saking ginawa 'yon. Sumunod siyang kumuha ng konting kanin at sunod na isinubo sa akin. Napakasaya ko! Nararamdaman kong malapit na niyang ibigay sakin ang napakatamis na hinahangad kong.... Ou! "Ginagawa mo rin ba sa kanya yan?" Isang boses na nagpahinto sa sayang nararamdaman ko. Kita ko ang seryosong tingin ni Zach kay Maurene. "Ikaw ang kinakausap ko Maurene" ng di siya sulyapan nito. "Ahh.. ano bang sinasabi mo Zach" tanong sa kanya ni Maurene, na tila kinakabahan. "Pare ano ba?" inis ko tong sinulyapan. Mga kasama ko rin sa mesa ay nagtataka sa mga kinikilos ni Zach. "Kanina ka pa ah!" sinamaan ko siya ng titig. "Hanggang kaylan mo lolokohin ang kaibigan ko" hindi niya ako pinansin bagkus ay nakatinhin lang siya kay Maurene  "Hanggang kaylan mo siya papaasahin" dagdag pa nito. "Jhonny" naramdaman ko na kinakabahan si Maurene. Napaakap na siya sa aking mga braso. "Balak mo ba talaga sirain ang pagkakaibigan nila.." Ano bang pinagsasabi nitong Gagong to ah! "Pare ano ba!" tumayo na ako at tinitigan ko siya ng masama. "Pwede ba tayo mag usap!" sigaw ko sa kanya. "Tayo lang!" nagsimula na akong umalis, naramdaman ko naman na sumunod siya. Nakonsensiya rin ako bahagya dahil iniwan ko lang basta si Maurene, pero gusto ko talaga makausap tong si Zacharias kung ano tong pinagsasabi niya. Nahinto kameng dalawa sa may Mushroom Gazebo, kung saan sinundo namin kanina si Maurene. Hinarap ko siya. "Ano?" kunot noong tanong ko sa kanya. "Kung may problema ka sakin, ako ang paginitan mo. Huwag yung ibang tao, wag si Maurene" Inis siyang sumulayap sa gawing kanan, para bang ayaw niya akong tignan. "Hindi ka ba nakakahalata" dahandahan siyang sumulyap sa akin. "Niloloko ka niya" diretsong sabi niya. "Ano bang pinagsasabi mo Zach!" hinawakan ko ang magkabilang mga balikat niya. "May problema ba?" tanong ko. "Tell me" "Pre, ayokong masira ang grupo dahil pareho kayo ng minamahal" BUmuntong hininga siya at inalis ang mga kamay ko sa kanyang mga balikat. "Si Maurene pre, may iba siyang kinikita" Hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi niya ngayon sa aking harapan. Tinulak ko siya sa sobrang inis. "Kanina ka pa kay Maurene ah!" tila di siya makapaniwala sa ginawa ko. "Ano ba  nagawa sayo nung tao, bat sinisiraan mo sakin" "Ayokong masira tayong magkakaibigan" sabi niya. "Ayokong niloloko ng isang babae ang aking kaibigan" Gusto kong sapakin si Zach, di ko maintindihan ang mga sinasabi niya. "Pre nag dadrugs ka ba?" prankang tanong ko na kinagulat niya. "Mukhang nahihibang kana eh, di ko alam yang mga pinagsasabi mo" "Pre niloloko kalang ni Maurene, nakita ko siya kahapon.." napahinto siya, tila tinitignan ang magiging reaksyon ko. "May kasama siyang iba" "Di ako naniniwala" sabi ko. "Nakita mo naman kame kanina diba? Ganun ba ang tingin mong may ibang kinikita si Maurene?" Nakagat ko pa ang ibabang labi ko sa inis. "Hindi ka niya mahal" nainis ako hindi sa sinabi niya, kundi kung paano nagsimulang ngumisi ang mga labi niya. "May mahal siyang iba, at kung ano man yang ginagawa niya sayo.. Tinitiyak ko walang wala sa turing niya sa lalaking tinutukoy ko" dagdag pa niya. Hindi na ako nakapagpigil, hinawakan ko siya sa kwelyo at hinila pasalpak sa poste ng gazebo! "Huwag na 'wag mong sasabihin ulit sakin ang mga yan, kundi may kalalagyan ka" banta ko sa kanya habang naka amba ang mga kamao sa mukha niya. "Hindi ka niya mahal, wala siyang nararamdmaan sayo.... Ginagamit ka lang niya para itago ang relasyon niya kay.." Hindi ko na siya pinatapos pa, dalawang beses kong sinapak ang mukha niya habang hawak parin sa kwelyo. "Ginagamit kalang niya" sabay ngisi sa akin. Sa pagkakataon 'yon ay mas lalong nangalaiti ang dugo ko. Isang malakas na bwelong suntok ang pinatama ko sa mukha niya Sa pagkakataong 'yon ay hinayaang kong bumagsak siya sa lupa. Wala siyang ibang ginawa kundi punasan ang mga namuong dugo sa mga labi gamit ang puting uniporme. Nagmantsa yon sa iniporme niya, kumalat, ang dugyot tignan. "Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa to sakin, kung kaibigan kita ba't sinasaktan mo ang damdamin ko" pagsisimulang sumbat ko sa kanya. "Alam mo kung gaano kahalaga si Maurene sakin, tapos magugulat nalang ako may mga ganito kang sinasabi ngayon sa harapan ko" "Sinasabi ko to dahil kaibigan kita, sinasabi ko to dahil ayoko masira ang bawat isa sa grupo.. sinasabi ko to sayo para walang masaktan.. sinasabi ko to dahil mahal ko ang Killer Colos" mahabang sagot niya sa akin, dahan dahang tumayo at humarap ulit sakin. "Hindi 'yon ang nakikita ko ngayon.. Nakikita ko ang isang Zach William na naninira ng isang tao" sabi ko. "Bakit nagseselos ka ba dahil hindi na nakatuon ang panlilibre namin sayo" nakita kong nagbago ang ayos ng mukha niya. "Anong sabi mo?" "Ang sabi ko.." lumapit ako sa pwesto niya. "Nagagalit ka kay Maurene, dahil di kana nakakatikim ng libre mula sa amin" tumawa pa ako ng bahagya. "Hindi ba sapat yung sagot na ng tatay ni Whiterou ang pagaaral mo? Hahaha gusto mo pa talaga lageng ilibre" Pagkatapos kong sabihin ang mga salitang 'yon sa kanyang mukha ay  bigla niya akong sinapak. Natumba ako sa sobrang lakas ng pagtama ng kamao niya, nahilo pa ako ng bahagya. "Hoy ano to!" Sigaw ni Teroy. Biglang nagdatingan ang mga kaibigan namin. Lumapit sakin si Brenth at Miggy at inalalayan ako. "Hindi ko hinangad na ilibre niyo ako.." tumingin ito sa mga kaibigang nakapalibot sa kanya. "Kusa niyong binigay ang mga 'yon, hindi ko kayo pinipilit" ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Zach, Ganny anong nangyayari sa inyo?" singit ni Teroy na hindi namin pinansin. "Kita mo naman siguro lage akong nagbabaon diba, kase di ko naman gusto na araw araw sagot niyo ang lalamunin ko" yung mga mata niya may kumikislap, mga nagbabadyang bumagsak na luha. Kita ko na bumagsak na 'yon. Mabilis niya naman pinunasan gamit ang mga kamay. "Kaya kong magtiis sa hirap, kaya kong mabuhay.. Kaya kong kumita gamit ang katawan ko, magpachupa, magpagamit o ano paman" garalgal na ang boses niya. "Pero yung sabihin mong umaasa ako sa libre niyo?" sumisinghot na siya, kita kong napapapikit narin ang mga mata niya. "Hindi ako ganon" Pinulot niya ang bag na nahulog sa lupa at dahan dahan ng naglalakad palayo... Gusto kong nakonsensiya dahil sa mga sinabi niya, pero hindi parin natabunan nun ang inis na naramdaman ko ng insultuhin niya si Maurene. Ano bang akala niya? Na madaling babae si Maurene, hindi ganung babae si Maurene. Isa siyang perpektong babae para sa lalaking tulad ko. "Huy Pre ano bang nangyayari bat andaming dugo nun sa uniform" paguusisa ni Teroy. "Zach uy tol" habang pinipigilan ang kasama. "Walang lugar ang tulad niya sa Colos" pagsasalita ko ng magkasalubong ng tingin kame ni Zach. Napahinto siya. "Ako si Rainbow.." nginisian ko siya. "Leader ng Killer Colos" Tinapik ko siya sa balikat niya, pero inis niya tong inalis. "Tinatanggal ka sa Grupo" Kita ko ang pagkagulat ng iba kong mga kasama sa sinabi ko. Pero Wala akong pakialam. "Sana maging masaya ka..." ringig kong sabi niya. Dumeretso na siya ng lakad, hinabol siya ng mga kasama ko. Naiwan sa harapan ko si Teroy na salubong ang kilay. "Anong ibig sabihin nun!" wala sa mukha niya ang payaso niyang pagkatao. "Bat inalis mo si Zach sa Grupo" "Dahil sa gusto ko" seryosong sabi ko. "Gago" sabi nito na umalis rin at tila gustong humabol kay Zach. Bahala sila sa buhay nila. "Jhonny" kita ko naman agad ang umiiyak na si Maurene.. Agad ko siyang nilapitan. "Sorry di ako nakapagpaalam" sabi ko sa kanya. Tinitigan ko ang malungkot niyang mukha. "Ako ba ang dahilan bat nagaaway kayong magkakaibigan?" tanong niyan. Pinaupo ko siya sa may Gazebo at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Wala kang kasalanan, siya ang may kasalanan" sabi ko sa kanya. "Galit ata sakin si Zach" sabi pa niya. "Pinagbibintangan ka niya na may iba ka daw kinikita" biglang nagbago ang mukha niya, na pinagtaka ko naman. "Bakit?" kita ko ang paglunok niya ng dalawnag beses. "Ahh wala nagulat lang ako, bat niya nanan nasabi 'yon" malungkot siyang yumuko. Pero agad ko yung binawe ng hatakin ko siya payakap sakin. "Huwag ka magalala ikaw lang ang pinaniniwalaan ko" bulong ko sa kanya. Naramdaman ko naman ang mga kamay niyang gumanti ng yakap sa akin. KINABUKASAN Hindi ko na nakita pa kahapon ang ibang Colos pagkatapos ng nangyari samin ni Zach. Hinatid ko rin si Maurene sa kanila, isinabay ko siya sa pagsundo sakin ng aming driver. Tulad ng dati, hanggang sa labas lang ako ng Village kung saan sila nakatira. Hindi pa daw siya handa na maipakilala ako sa pamilya niya. Pero alam ko naman balang araw higit pa sa inaasahan ko ang mangyayari. KillerColosPink Calling... Papunta sana ako sa banyo ng magring ang cellphone ko. "Bakit?" "Pre may Jogging Meeting tayo!" "Huh?" "Maguusap tayo ngayon, kayo ni Zach!" "Pass.." "Pre ano ba! Wag ka naman ganun sa tao, alam mo ba patay na tatay ni Zach.." Hindi ko alam kung anong isasagot ng maringig ko ang sinabi niya. "Pre ano, diretso dalaw narin tayo.. Kagabi dumeretso na kame don.." "Baaat.. di niyo sinasabi sakin kahapon?" medyo may inis sa tinig ko. "Ayaw ni Zach, tiyaka abala ka sa prinsesa mo pre" "Sige sasama ako, kasama ba lahat?" "Si Silver at Leeford may pupuntahan daw.. kaya baka sa susunod nalang dumalaw" sabi niya. "Pwede ko ba isama si Maurene?" tanong ko naman. "Alam mo pre hindi ko alam kung ano pinagawayan niyo ni Zach, pero nakaksiguro ako may kinalaman ito sa prinsesa mo" Hindi ako nakasagot ng ilang segundo. "Pero mamaya na natin pagusapan, ang mahalaga makapunta ka.. isama mo narin siya" "Sige Teroy" "Sa FTI jogging path tayo Gan.." "Kopya.." Pagkatapos ng tawag na 'yon at sinubukan kong kontakin si Mau.. Napangiti ako sa higaan ng sagutin niya 'yon. "Good morning Jhonny..." "Good morning my Princess.." "Napatawag ka?" "Ayaw mo ba?" "Hindi naman, ang aga kase hehe" "Yayain sana kita.. ngayong umaga" "Saan?" "Morning Exercise?" "Jhonny.. hindi pwede eh.." Bigla akong nalungkot sa sagot niya. "Bakit naman?" "May pupuntahan kase kame, kasama ko si Mom at Dad.. Anniversarry kase nila ngayon." "Ganun ba?" "Ou eh, actually maliligo na nga ako eh... sige mamaya nalang ulit ah babye" Magsasalita pa sana ako, pero ibinaba na niya ang tawag. Muli kong naibagsak ang sarili sa higaan at pansamantalang ipinikit ang aking mga mata. Naguguilty ako sa mga nasabi ko kahapon kay Zach. Pero at the same time hindi ko naman kayang hayang siraan niya si Maurene, sa mga bagay na hindi naman nito kayang gawin. Sabado ngayon at walang pasok... PAGKATAPOS ang mumunting pagmamasid ko sa buong silid ay tumungo na ako sa banyo para mag asikaso. Makukimlim ang panahon at medyo malamig ang simoy ng hangin, parang uulan. Kaya naman pinalitan ko ang suot ko kaninang sando, kumuha ako ng Tshirt na may mahabang sleeve. Kulay puti 'yon na may imprenta sabandang kaliwa. Itim ang manggas na aabot sa aking mga bisig. Black and White din ang sapatos ko at yung medyas ko ay may kahabaan ng konti na aabot sa bandang ibaba ng binti ko. Nagsuot din ako ng maikling itim na short, medyo gusto ko nga palitan dahil kita ang maputi at malaman kong hita.  Pero baka hinihintay na nila ako, kaya kaylangan ko ng umalis. NAGTAXI lang ako papunta sa FTI, may bahagi 'don na malaking kalsada kung saan maraming nagtitipon para mag ensayo. Bumungad sa tenga ko ang napakalakas na speaker ng mga nagzuzumba, habang naglalakad naman ako ay pinagtitinginan ako ng mga nasasalubong kong babae. Hindi ko sila pinapansin, dahil may nagmamay ari na ng puso ko. Napukaw ang pansin ko sa kumpulan ng mga tao sa bandang dulo. Kung saan nakatayo ang court para sa mga sport na tulad ng skateboarding. Palapit ng ako ng maringig ko ang kilig na sigawan ng mga tao na nakikinuod sa nangyayari, may kakaibang nagaganap sa pwestong 'yon. Natitiyak ko parang may nagpopropse or something may surprise. Madalang lang kame dito sa FTI, madalas ay sa Village kame ng kambal pumupunta para mag exercise. May malawak na jogging path kase at Clubhouse na puno ng maraming surpresa, tulad ng isang swimming pool na napapalibutan ng malalaking puno. Pero dahil malapit sa bahay nila Zach, hindi na ako magreklamo pa. Parang nahihiya akong harapin si Zach dahil sa nangyari kahapon. Malapit na ako sa kumpol ng biglang may tumatawag sa cellphone ko. Nawala ang musika sa aking headset kaya agad kong napansin 'yon. Si Brenth. "Pre nasan ka?" tanong niya na parang nagmamadali. "Dito na ako sa FTI pre, kayo ba?" "San ka mismo?" tanong niya ulit. Anong nangyayari dito? Tuloy tuloy ako sa paglalakad habang kinakausap ko siya. "Dito sa may court, yung pinag ieskatan" Pag'angat ko ng tingin ko ay parang nakita ko si Maurene.... Lumakas yung t***k ng puso ko, hindi ako nagkakamali siya 'yon. Yung ngiti niyang napakanatural ay litaw na litaw, makikita mo ang kislap sa kanyang mga mata. Yung mga pisnge niya na tila tumitibok sa nakikita. Pero bigla siyang nawala sa paningin ko ng humarang ang mga taong to.. Brenth•Theo•Gheo•Ogie•Miggy Mula naman sa likuran ko ay may naramdaman akong tumapik sa magkabilang balikat ko. Paglingon ko ay nakita ko si Teroy at.... Si Zach, kita ko ang lungkot sa mata niya. Talagang nagluluksa ang buong pagkatao niya. Agad ko siyang niyakap. "Pre sorry" agad na sabi ko sa kanya. "Nauunawaan kita" sabi nito na pilit ngumingiti. "Pero sa ngayon kaylangan muna nating umalis dito" sabi niya. "Huh?" nagtataka ako sa kinikilos niya. "Pre may niluto kase sila Gheo, dun nalang daw tayo sa village nila Hahahaha" biglang singit ni Teroy. "Pero diba pupunta tayo sa burol ng tatay ni Zach" nagtatakang tanong ko. Napakamot si Teroy. "Ou nga naman" biglang umakbay si Gheo sakin. "Tara na sa pickup" pag aya niya sa akin. Medyo nawirduhan ako sa mga kinikilos nila, nakapaikot sila sa akin. Na parang may tinatago. "May tinatago ba kayo?" tanong ko sa kanila. Siguro may surpresa sila sa akin. Siguro tama nga ako sa nakita ko si Maurene ang nasa court. Ayoko ng surprises, gusto ko sinsabotahe ang sorpresa. Mas sweet para sakin 'yon. Sasagutin na kaya ako ni Maurene? Andaming pumapasok sa isip ko na kinausap sila ni Maurene, para sorpresahin ako. "Tara na" tila minamadali akong hinihila ni Miggy. Nagpadala ako sa ginagawa niya, hanggang sa tahimik na nagsimula maglakad ang mga loko. Sorry, hindi na ako makapaghintay kung ano man to! Mabilis akong pumihit patalikod at  tumakbo sa court na maraming kumpol na tao. "s**t!" ringig kong sabi ni Gheo,  akala niyo ah! Nang makatapak sa court ay di ako nagkakamali.. Si maurene nga ang babaeng nakita ko kanina.... Pero bigla akong nakaramdam ng kaba ng makita si Leeford sa harapan niya. May bitbit na maliit na stuffed toy na kulay puting pusa.. Habang hawak ang Skateboard niyang may nakasulat na.. ❤️ HAPPY 4TH MONTHSARRY MAHAL ❤️ Parang nadurog ang buong pagkatao ko ng halos patalon na yumakap si Muarene kay Leeford. 4th Monthsarry? Anong nangyayari? Anong ginagawa ng Limang buwang panliligaw ko? "Si Leeford ang tinutukoy ko.." mula sa tabi ko ay nakita ko si Zach na nagaalala sa akin. Muli kong binaling ang tingin sa dalawang masayang nagyayakapan. Habang kinikilig ang mga taong nakakakita sa kanila. Humarap ako kay Zach.. "Pre tara na sa inyo" malungkot na pag aya ko sa kanya. Hindi na napigilan ng mata ko ang lumuha.. "Parang mas gusto ko umiyak sa burol ng tatay mo, kesa sa burol ng puso kong 'to" COMMENT✍️ at VOTE⭐ "Ang update ko nakasalalay sa inyong komento" •TheSecretGreenWriter•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD