Subdivision Scandal V
Written By: TheSecretGreenWriter
✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️
•GANNY'S THROWBACK•
❤️
Nasimulan na namin 'to. Wala ng atrasan wala ng bawian, anuman ang mangyari. Paninindigan ko, dahil kame ay kulay na di kaylan man kukupas. Kame ang mga kulay na magbibigay ng sigla sa paaralang to.
Ang Plan Black, ang pinakahudyat ng totoong laban, ang pagpasok ni Brenth ang hudyat na kailangan ng ilabas ng Emblem.
FLASHBACK
"Para maisagawa ang Plan Black, kailangan muna ni Silver gawin ang parte niya." sinenyas ni Leeford ang mukha niya. "Ang sapakin ako"
"Anong sabi mo!" sigaw sa kanya ng kaibigan.
Tignan natin kung magagawa ni Rusty ang pinagagawa sa kanya ni Leeford.
"Hindi ko gagawin yan" sagot nito.
"Kaylangan mong gawin, dahil masasayang ang ginawa ng mga kasama natin. Lahat tayo kaylangan mag risk" paliwanag niya. "Handa akong sumalo ng isang matinding suntok mula sayo, kaya sana maging handa kang saktan ako"
"Pero Leeford!"
"Gawin mo, inuutusan kita bilang amo mo" seryosong bigkas niya.
Umiling lang si Rusty, "Basta huwag mo kong sisihin, pag pumutok yang nguso mo"
"Hindi, dahil ganun dapat. Mas malala, mas makukuha natin ang atensyon ng gwardiya" paliwanag niya.
So ibig sabihin target nila ang presensiya ng nagbabantay sa entrada.
"Leeford!"
"Sundin mo ako. Periodt" bumaling na si Leeford kay Brenth "At pag nakuha na namin ang atensyon ng bantay, yun na ang pagkakataon mong pumasok suot ang itim na jacket na to" may ibinagay siya kay Brenth. "Habang nakatakip to sa mukha mo" isinuot muna niya ang isang maskara.

Isang maskara na may bigote na pataas sa ilalim ng mata. Nakakasindak na nandidilat na mga mata, itim na itim na kilay na nakakurba ng husto.
"Maskara base sa isang paborito kong Spanish Painter, Salvador Dali" sambit ni Leeford.
Hindi ko kilala kung sino.
"Hindi na mahalaga kung sino pa 'to. Ang gusto ko lang sabihin ito ang susuotin ni Brenth pag papasok na sa loob"
"Makikita siya ng bantay sa lobby, halimbawa mang mapagtagumpayan natin ang Plan Silver" pagsasalita ko.
"Hindi mangyayari, si Zach na ang bahala" sumulyap siya kay Zach. "Part ng Plan Orange, gumawa ka ng move na hindi niya mapapansin si Brenth papasok"
"Like what?" tanong agad ni Zach.
"Ilaglag mo puso mo sa sahig para pulutin niya" sabat naman ni Miggy.
Tumango si Leeford sa sinabi ni Miggy. "Ganun na nga, gumawa ka ng dahilan para mapayuko siya sa loob ng lobby counter"
"Makalagpas man siya, makikita siya ng ibang gumagamit ng Library" paliwanag naman ni Zach.
"Hindi na mahalaga 'yon. Dahil ang magiging reakyon nila' Takot, gulat at Lito" Nakangiting pagkekwento ni Leeford. "Mabilis lang naman si Brenth sa loob, makatapak lang siya sa loob ng Book Shelves quarter ay sapat na"
END OF FLASHBACK
Pinakiramdaman ko na ang paligid, nakatingin ako sa pwesto ng Gwardiya, ganun din si Zach.Kaylangan mag sync ang gagawin niya sa pagpasok ni Brenth.
May mga tao dito sa loob, pero mga abala sa ginagawa nila sa kanya kanyang lamesa. Naka standyby din ang tawag ko kay Theo, na nasa kabilang linya na.
Siya ang magaabot kay Brenth ng Emblem, at siya ang magpapaalam sa lahat na may nakawang nangyari. At ituturo niya si Brenth.
Si Brenth ang pinaka nasa panganib sa mga oras na 'to.
Gumalaw na yung gwardiya. Tiyak na nagtagumpay na ang Plan Silver, at kita ko na nga ang pagpasok ng taong nakaitim na Jacket habang suot ang Salvador Dali Mask.

'Wiw'
Kita ko naman ang pagyuko ng babae sa loob ng counter nito. Mabilis na naglakad si Brenth na parang isang terorista. Hahahahahahah
Huminto pa siya ng bahagya sa harap ko.
"Theo.."
"Copy.."
Kita ko na ang pagpasok ni Brenth, pinagtitinginan siya ng mga ibang studyante na nasa lamesa.
Mga di makapaniwala sa nakikita.
At tulad ng plano, dala na niya ang Emblem palabas.
Tumakbo na siya palabas, agad siyang napansin ng babaeng kausap ni Zach.
Kasunod ang paglabas ni Theo na nagsisigaw ng..
"Magnanakaw!" sigaw niya kunwari na di mapakali, na mabilis sinundan ang pagtakbo ni Brenth.
Kapwa sila nakalabas na. Agad kong tinawagan si Teroy.
Sinagot niya agad.
"Retreat.." sabi ko sa kabilang linya. Tumayo narin ako at nagsimula ng maglakad palabas.
Wala naman kameng dalang ibang gamit kaya wlang naiwan sa counter.
"Hoy anong nangyayari" kunwaring tanong ni Zach.
"Hindi ko alam, pero sigaw ni Theo magnanakaw daw" sagot ko naman na agad naglakad, sumunod si Zach.
"Oh my God!" biglang sigaw ng babae sa counter na tila nakatingin sa monitor. Agad tong lumabas at pumunta sa silid kung saan, matagumpay naming nagawa ang operasyon.
Agad kong tinagawan si Miggy.
"Plan Yellow prepared"
"Copy" sagot niya.
Sinunod kong tawagan si Gheo. "Plan Indigo, on the way"
"Sa wakas Hahahaha.. Copy!" sigaw niya sa kabilang Linya.
Maya maya ay naramdaman ko na sa likuran si Teroy at Ogie. It's Rainbow Time!
FLASHBACK
"Sisigaw si Theo at dun namin kayo ituturo sa Guard" paliwanag ni Leeford na sinasadula pa sa amin ang gusto niya mangyayari. "Dalawa ngayon ang humahabol kay Brenth ang kasabwat na si Theo at ang kalaban na guwardiya"
"Paano pag nahabol kame?" kinakabahang tanong ni Theo.
"Hindi mangyayari 'yon" sagot niya na tumayo sa pahkakahiga sa sahig galing sa pagsasadula kanina. "Yung emblem na nakalagay sa Eco Bag ay need muna natin isafe" tuminhin siya kay Naruto. "At dun ka papasok Miggy, Plan Yellow"
Paano papasok ai Miggy sa habulan?
"Sa ruta kung saan tatakbo si Brenth at Theo ay may punong Mangga" tinuro niya sa mapa na ginuhit niya sa pisara ang pwesto ng puno. "Dun mo hihintayin ang emblem"
"Parang namimingwit ba ako nito sa taas ng puno?" tanong ni Miggy.
"Yun nakuha mo!"
"So gagawa tayo ng parang pamingwit at dun isasabit ni Brenth yung Eco Bag?" tanong ni Ogie.
"Ganun na nga at hihilahin ni Miggy pataas, at once maging safe na ang emblem" tumingin na siya kay Gheo. "Proceed na sa Plan Indigo"
"Anong magagawa ko? Mukhang tinapos niyo na lahat Hahahaha"
"Sa intersection na to ay aabangan mo si Brenth at Theo. Sa kabila sila didiretso habang ikaw ay sa papunta sa Open Quadrangle." si Leeford na sinusundan ang mapa.
"Di ko gets?" tanong ni Gheo.
"Para di kana malito, magpapanggap ka na ikaw si Theo" ngumiti si Leeford at napanganga naman si Gheo.
"Oh my God, hindi ko naisip yun!" sabi pa nito.
Ibig sabihin si Gheo ang gagamitin para mailigaw yung guwardiya. Ginamit ni Leeford ang pagiging magkambal ni Gheo at Theo.
"Kaya pala pinasama mo pa ako kay Brenth" sabi naman ni Theo.
"Pagkatapos ng nakawan na to, ililibre kita ng kahit anong gusto mo Lee, angtaLEEno mo!" si Teroy na pumunta pa sa harap at niyakap si Leeford.
"Nanantsing lang yan, nababakla lang si Whiterou Hahaha" pang aasar ni Zach sa kanya.
Napakaperpekto ng plano, naiinggit ako sa kanya. Sana ganun din ako mag isip. Napayuko nalang ako sa inis.
END OF FLASHBACK
Paglabas namin ay nakita namin si Leeford at Silver. Kita ko ang dugo sa bandang labi ni Leeford, tinotoo nga nila.
Maya maya ay lumabas yung recepcionist at malakas na nagsisigaw ng..
"Ninakaw yung Emblem!" sabi nito na napapakusot pa sa mukha niya.
"Tawagan ang buong security" bigla namang sabi ni Arevalo.
Dahan dahan kameng nagsisialis sa harap ng library. Nagring yung phone ko.
"Hello"
"Safe na sa akin yung Emblem, ambigat nito.. kaylan ako bababa?" tanong pa ni Miggy.
Tumingin ako kay Leeford, tumango siya.
"Pwede ka ng bumaba" sagot ko naman sabay baba.
Tinawagan ko rin si Gheo.
"Plan Indigo succeed!"
"Okay, need na natin magbihis. It's party time..." nakangiti kong binaba ang tawag.
FLASHBACK
"Pagkatapos ng lahat nang yun, tutungo tayo sa pinakahuling Plano"
Pumunta siya muli sa pisara at sinulat ang mga katagang.
'RAINBOW PLAN'
"Eto ang last na planong dapat magawa natin ng maayos" paliwanag niya.
"Hindi lang ba para sakin yan?" biro ko sa kanya.
"Para sating lahat, rainbow lang pinangalan ko para sama sama na" alam ko naman yung gusto niya ibig sabihin. Binibiro ko lang naman siya, magsayado siyang seryoso
Masyadong nakatuon ang pansin ng lahat sa kanya.
"Sa rainbow plan kakaylanyanin ko ang tulong mula sa ibang tao"
Gago ba siya, ibang tao ammp. Ano gusto niyang sumabit kame!
Tatayo na sana ako para kwentiyunin siya ng biglang may pumasok sa silid.
"Kame ba ang mga taong yan" si Green na tila pumapalakpak pa. "Rainbow Plan" bigla siyang tumingin sa akin, sinungitan ko siya. Kaya ibinaling muli ang sarili kay Leeford. "Napakahusay ng planong ginagawa mo"
"Kanina pa kame nakikinig mula sa kabilang kwarto" sabi naman ni Red.
Naglakad naman si Kuya papunta sa may board at tila may bagay siyang tinanggal. "May kinabit kameng mic" sabi niya pa.
Ibig sabihin bida nanaman sakanila si Leeford, bida nanaman ang matatalino niyang ideya.
"At para sa amin, mahusay ang bawat detalye ng larong ginagawa mo.. Professor" tinapik tapik niya pa sa balikat si Leeford.
"Yung Rainbow plan, kwinento narin samin ni Green" sabi ni Red. "And napagpasyahan namin, tulungan kayo"
"Please, gusto ko muna ipaliwanag sa mga kasamahan ko" pagsasalita ni Leeford Sumeyas naman si Green na ituloy niya.
END OF FLASHBACK
Pagkatapos magsamasama ay kaylangan namin pumunta sa abandonadong building, dun kame magbibihis ng susuotin namin para sa party.
Kaninang umaga ay nailagay na ni Leeford ang mga gamit namin 'don.
Naaabutan namin si Brenth at Theo na hinuhubad na ang mga suot nila. Si Brenth agad kameng sinalubong at isa isa kameng pinagyayakap.
"Akala ko katapusan ko na kanina" sabi niya. Agad siyang nilapitan ni Ogie.
"Walang mangyayaring masama dahil ang ganda ng plano ni Professor Lee! Akalain mo yun tama yung code, tangina nanginginig yung mga daliri ko kanina habang pinindut ko na yung enter" inaakto niya pa sa amin ang ginawang pag lalagay niya ng code. "Pagkatapos Boom! Bukas Hahaha"
"Ako nman kanina, pota nabuburyo na ako sa kwento ni Sir Arevalo. Antagal niyo kase Hahahah ang husay mag salita ng Japanese ng loko!" kwento naman ni Whiterou.
Isa isa nilang pinasasalamatan si Leeford dahil sa talinong pinapakita nito sa ginawa naming pagnanakaw.
"Tss.." tumingin siya sa akin. "Huwag ako ang pasalamatan niyo" dahan dahan siyang lumapit sa akin. "Siya ang tunay na nagdala ng plano, siya ang naging boses natin para magawa ng walang aberya ang plano. Si Ganny ang totoong dapat niyong pasalamatan"
Medyo nahiya ako dahil sa sinabi niya sa akin.
"Ou naman, hindi namin makakalimutan ang Command center ng Color Plan. Thank you Boss Bow!" si Teroy ba lumapit pa sakin at minamasahe pa ako sa likod
"Hoy anong Bow!" sigaw ko sa kanya.
"Short for rainbow! Bwhahahah" nakitawa rin ang iba sa amin. Nakakatuwa dahil isa isa nila rin akong pinasalamatan.
That Leeford. Marunong siyang magbasa ng nararamdaman, alam kong napansin niya ang pagdaramdam ko.
"Ano na gagawin dito" biglang nagsalita si Miggy ng ilapag na ang Emblem na gawa sa ginto sa lamesa.
Bigla ako kinabahan ulit.
"Hello Green, do you copy?" ringig kong nagsalita si Leeford.
Sige papunta na kame diyan. At 'yon na ang senyales para sa Rainbow Plan.
Lahat kame bihis na, at handa na magpakilala sa lahat bilang.. mga pekeng bayani.
FLASHBACK
"Magsusuot kayo ng Itim na Jacket at maskara na tulad ng binigay ko kay Brenth "sabi niya sa tatlo. Ganun niya pinapaalam sa amin ang plano.
Si Green at Gray ang tinutukoy niya. Pero paano si Red?
"Pero bago mag umpisa kaylangan nating mapaalam sa lahat ang pagnanakaw" sabi niya na tumingin kay Green.
"Alam na ni Red ang gagawin" sagot naman ni Green.
"Magrerecord kame tungkol sa ninakaw na emblem at ipeplay yon sa buong monitor na nakapaligid sa eskwelahan" sagot nito.
"Pwede na naming gawin ang recording, kahit wala pa ang emblem, basta makita sa cctv bukas ng isang saksi ang itsura ng magnanakaw" dagdag ni Zhabby.
"Im sure na ang parehong itsura niyo ang makikita nilang nagnakaw ng Emblem"
At yun ang Plan Black, I see. Si Brenth ay pain para madescribe kung anong itsura ng nagnakaw.
"Pagkatapos magpapakita na kame ni Green sa Quadrangle?" tanong ni Zhabby. "Tama ba Professor?" nakangiti pa niyang dagdag
"Tss.." inis itong tumingin sa tatlo. "Iiwan namin yung emblem dito at kayo ang kukuha, pupunta na kame sa party sa crowd at hihintain ang pagdating niyo"
"At dun niyo na kame aatakihin, Little Colos" nakangiting sabi ni Green. "Magpakabayani na kayo, dahil magpapatalo rin naman kame"
Ganun pala. Naiintindihan ko na, makikita kame ng maraming tao. Magiging bayani kame sa lahat, sa mata ng mga nandito sa Mendez!
"Paa...paano kayo makakatakas?" nag aalalang tanong ni Zach. "Tatawag na ng security ang eskwelahan, at imposibleng walang barilan na magaganap" sabi pa nito.
Ou nga!
Paano sila aalis pagkatapos naming mabawe ang Emblem!
"Makakatakas sila" nakangiting sabi ni Leeford.
"Paano mo nasabi?" tanong ko naman.
"Dahil may magiging Hostage kameng studyante.." sagot ni Green.
"Sino?" halos tanong naming lahat.
"Ako" biglang nag taas ng kamay si Red. "At kaya na namin ang sarili naming umalis, wag niyo kameng isipin"..
"May batas school para sa mga security personnel na walang gagamit ng armas sa panahon ng krisis lalo't may studyanteng damay.. Kailangan ng mapayapang pakikipag usap" paliwanag ni Zhabby.
"Maiiwan ako dahil ako ang hostage, dadalhin namin nag mga men in uniform sa lugar na tanging kame lang ang nakaka alam" paliwanag pa ni Red.
"At dun na namin papatakasin si Red.. At sa ibang side ng kwento, bayani na kayo at kikilalanin na kayo ng buong Mendez.. Little Colos" nakangisinging sabi ni Green. "At ang lahat ng yan ay mula sa Plano ng nagiisang, Professor sa katalinuhan. Bagay ka talaga maging isang Leader" tila napahinto sa pagdadaldal si Green at napatingin sakin. "Ooops, baka may masaktan, tahimik nalang ako"
Tinignan niya ako na tila nangaasar.
Tinaliman ko ang tingin sa kanya. Buysit siya sana mabaril siya sa gagawin namin!
END OF FLASHBACK
Pinagtitinginan na kame ng mga tao sa paligid, dahil narin siguro sa porma namin at sa mga kulay na meron ang mga buhok namin.
Nakita namin si Red na nakapwesto di kalayuan sa amin, para siyang nerd sa porma niya ngayon. Parte ata ng plano.
Yung mga security ay halatang di mapakali, hindi pa kumakalat ang balita.
Nakakabit na sa stage ang limang emblem at ang kulang nalang ang emblem na ninakaw namin.
Maya maya ay biglang natahimik ang lahat ng magflash sa buong monitor sa paligid ang mukha ng dalawang tao na nakasuot ng itim na jacket at Salavador Dali Mask.
Si Gray at Green.
Recorded lang yan, kaya anytime andito na sila para umatake. Kaylangan maunahan namin ang mga security!
Dalawa silang nasa monitor ngayon, natatakot ang mga tao sa nakikita nila.

"Naisahan namin ang mahinang seguridad ng eskwelahan na ito! Hahahaha" nag iba rin ang boses nila, Mahusay na edit rin ng maayos ni Red ang video. "Kung mapapansin niyo, kulang ang emblem ng taunang Aquintance Party Bwahahahah dahil nasa aming mga kamay ang pang anim na emblem"
Nagdulot ng pangamba ang video sa mga tao, at ang mga senior student at mga guro na nasa venue ay nagtataka narin kung bakit wala pang DMA Secondary Campus Emblem
"Muli kameng pupunta upang nakawin ang lahat ng Emblem Bwahahahahahah"
Natapos agad yung video.
Halatang si Green lang ang nagsasalita.
"Anong nangyayari, tinatawagan ko ang security!" sabi ng isang guro na nasa stage. Gamit ang mikropono ay inanunsyo biya sa taas 'yon.
Agad nagipon ipon ipon ang security sa taas ng stage. Tangina kinakabahan ako, hindi ko alam if anong mangyayari.
"Malapit na sila"
Ringig naming pagsasalita ni Leeford
Maya maya nga ay nagsigawan na ang mga tao, mga studyanteng nasa quadrangle.
At kita na naming naglalakad si Gray at Green. May suot din ang mga tong pekeng armalite.
At hawak hawak ng isa ang Eco Bag kung nasaan ang EMBLEM!
Mabilis namin silang sinalubong.
Haist, hindi ako marunong ng drama.
"Tumabi kayo!" sigaw ng isa.Boses ni Green!
"Nasaan ang Emblem na ninakaw niyo!" sigaw ni Rusty sa kanila. Naiilang ako gumawa ng script. Dahil sa totoo kame naman ang nagnakaw ng bagay na 'yon.
"Wala kang pakialam bata!" sigaw naman nito. Pumwesto na sila malapit kay Red.
Naging blanko ang open quadrangle at halos kame nalang ang nasa gitna.
Umaktong tatakbo kunwari si Red na naka upo sa mesa ng hilahin siya ni Green. Natigil ang mga security na papunta sa pwesto namin.
"Kayo diyan, wag kayong hahakbang palapit sa amin kung ayaw niyong sumabog ang ulo neto!" sigaw niya sa mga security na napaatras naman.
"Tangina di ba tayo kikilos, baka mahalat tayo. Na ang tapang natin kahit may mga baril to" ringig kong bulong ni Theo.
Bigla nalang sumugod si Wthiterou kay Kuya Zhabby na may hawak ng Eco Bag, alam kong siya 'yon. Dahil ang madaldal natong may hawak kay Red ay si Green.
Ang tapang ni Teroy dahil alam niyang akting lang. Haha.
Nagpanggap na natamaan si Kuya na purong kunwari. Sumunod na sumugod si Theo at Gheo, ngayon ay napapaikutan na si Kuya.
"Sabi kong walang lalapit!" biglang banta niya ulit sa mga security na nagbabalak lumapit.
Napagusapan sa meeting na dapat daw lahat kame nakapasapak para masabing lahat kame ay may naiiambag.
Sumugod naman ako kasama si Brenth at Ogie kay Green na may hawak na hostage.
Naging magaling kame sa pagsuntok sa kanya, Napatumba namin kunwari siya habang akap niya pa si Red!
Mula naman sa kabila ay napatumba kunwari ni kuya ang tatlo. Simbolo na kaylangan may bagong set na aatake.
At sumunod nga si Miggy at Rusty kay kuya. Isang mahusay sa labanan tila gumaganti si Rusty sa ginawa ni kuya sa kanya. Nung nakaraang una namin silang makaharap.
Biglang bumangon si Green at tinutukan si Red. Tumingin samin na parang nahihinaan sa ginagawa naming palabs.
Sumugod si Leeford at Zach!
Gulat ako ng sunod sunod na paulanan ng suntok ni leeford si Green. Sa likod naman bumabanat si Zach!
Pero tulad ng nasa plano kaylangan ulit matalo ng dalawa.
Sadyang bumagsak si Zach, pero si Leeford ay talagang sinalo ang suntok ni Green.
Anong ginagawa niya!
Agad naming silang tinulungan. Lumapit ako kay Leeford "Bat di ka nalang nagpanggap, tignan mo yang mukha mo" inis n sabi ko sa kanya.
"Tss." suminghal lang to!
"Umalis kayo!" tinutukan kame ni Green ng baril. Eto na ang huling phase ng drama. Napataas ang mga kamay namin, ganun din si kuya sa anim na kaharap niya.
Nagtalikuran na si Kuya at Green habang akap parin si Red na marunong makisama ang mukha. Makikita mo ang itsura ng isang hostage sa kanya.
Eto na ang pagkakataon! Ginawa namin ang utos nila, pinaikiutan namin ang tatlo, pabilog. Habang naka ambang ang mga kamao namin.
"Gawin niyo na" mahinang sabi ni Green. At pasipa kameng umislide sa damuhan para tamaan ang kanilang mga paa!
Natumba silang tatlo. Mabilis kameng tumayo at agad kinuha ang eco bag na naglalaman ng Emblem!
Shit parating na ang mga Security! Kaylangan nila makatayo agad! "Walang lalapit"
Halos mapa atras ako ng biglang magpaputok si Green! Pero sa ere 'yon. What the heck totoo ba yung baril!
Sama sama kameng sampu na napaatras habang si Leeford ang may hawak ng Eco Bag.
Ou, siya nanaman.
Kita naman na nakatayo na ang tatlo, yung mga Security rin ay palapit na sa kanila.
Magkatalikuran ulit si Kuya Green, habang si Green ay sakalsakal si Red sa leeg gamit ang kanyang Braso.
Napakahusay ng Akting nila. Dahan dahan na silang umaalis, palayo sa Quadrangle habang nakasunod sa kanila ang Security.
Habang kameng sampu ay nakatayo dito at pinagtitinginan ng mga ibang studyante, maya maya ang nagsigawan na sila. Pumapalakpak ....
Isa isa silang naglalapitan sa amin. Para ba kame ngayong instant celebrity, kahit alam kong may mga nakakakilala na sakin bilang anak ng may ari ng eskwelahan. Pero pakiramdam ko ay mas lalong dumami, mas lalo akong makikilala.
"Ang gagagwapo nila bhiee.."
"Si kuya Ogie kasama nila,siya yung Vice Pres natin eh"
"Ang cute nung Pink ang kilay!"
"Hoy Zach ginagawa mo diyan Hahahahah Lodi kana!"
"Ang cute nung Kambal"
"Wahhh Kyahhh yung silver ang buhok ang macho.. maseherep!"
"Si Brenth kasama rin nila Oh My, escort ng classroom namin siya nung nakaraang school year!"
"Uy ang cute nung kamukha ni Naruto!"
"Si Leeford. Ang gwapo niya Kyahhhhhhhh siya yung pinakamatalino nong nakaraang school sa Primary Campus!"
Pffft!
"Sino yung Rainbow ang buhok, para siyang.. God.. ang gwapo niya! Look Jena akin na siya!"
Sinulyapan ko ang nagsabi nun, at nginitian ko.
"Hala ngumiti siya sa akin"
"Anak siya ng may ari ng School na to Bhe, ang swerte mo!"
"Haluh hindi nga! Ang gwapo niya talaga! Pakiramdam ko siya ang Rainbow pag katapos ng bagyo sa buhay ko!"
Mga nariringig kong papuri sa amin habang umaakyat kame papuntang stage para isauli ang emblem.
Nang makataas ay tinignan kame ni Dean Pascual, siya ang isa sa Family Lawyer namin. Sa kanya pinagkatiwala nila Mom at Dad ang pamumuno muna dito sa Mendez. habang nasa ibang bansa sila.
Nang makita niya ako ay nagbow siya. Na hindi naman dapat haist.
"Eto po yung nawawalang Emblen" inabot ni Leeford kay Dean Pascual yung Eco Bag.
"Thank you, mahalaga sa eskwelahang eto ang anim na emblem. Kaya nagpapasalamat ako sa inyo.." pagpapasalamat niya sa amin.
Biglang may dumating na security. At lumapit kay Dean.
"He's okay?" tanong nito.
"Yes Mam" sagot naman ng security.
"Yung mga gumawa nito, nahuli ba?" tanong niya.
"Nakatakas po"
Shet matagumpay! Yey, nagkatinginan kameng lahat at pilit itinago ang saya sa aming mga mata.
Lumapit sa amin si Dean Pascual, "Maiiwan ko muna kayo, pupuntahan ko lang ang batang nahostage kanina" ngumiti lang kame sa kanya. "Iiwan ko muna kayo sa iba nating Guro, at Kay Leslie ang ating MC ngayong Aquiantance Party.. And im planning na bigyan kayo ng recognition sa ginawa niyong katapangan"
Kung alam mo lang, sapat na ang makilala kame ng buong eskwelahan na ito bilang mga bayani.
Umalis si Dean Pascual, nilapitan kame ng MC nitong party.
Andami na ng tao sa baba at halos nakatingin sa amin.
"Good evening Mendez'ian!" sigaw ng Host. Sinagot naman ng hiyawan ng mga studyante ang pagbati niya. "Bago natin simulan ang party proper gusto ko lang makausap ang naggagwaouhang mga nilalang na ito!"
Isa isa niya kameng tinignan.
"Hindi parin ako maka move on sa nangyari kanina, ambilis.. Kasing bilis kung paano napatumba ng mga to ang mga kawatan!"
Kame talaga ang kawatan.
"Kayo bay magkakaibigan?" tanong niya sa amin. Si Teroy ang sumagot.
"Yes!" na kumakaway pa sa mga audience na nagsigawan naman. "Kame ang Killer Colos!" dugtong pa nito!
"Killer Colos! Killer Colos!" halos sabay sabay na sigaw ng mga tao. What the f**k.
"Wow mukhang may kinalaman ang pangalan ng Grupo niyo sa mga kulay ng Hairduu niyo" humarap siya sa mga tao. "Gusto niyo bang makilala ang ang Killer Colos!" tanong niya sa mga tao.
Muli nilang sinigaw ang pangalan ng gruopo.
"Oh mga pogi pagbigyan niyo na ang ating mga Mendezian Hahaha.. ang mga naggagandang mga Mendezian .. isama narin natin ang mga feeling maganda.. Chos lang"
Medyo natawa kame sa sinabi niya. Ganun na nga ang nangyari, isa isa kameng nagpakilala.
Magpapakilala kame sa kanila, hindi sa aming totoong pangalan. Kundi sa aming palayaw o Colos name.
"I'm Pink" si Teroy na tinaas taas pa ang kilay.
"Blue.. Hi sa mga nakakakilala sakin, ako rin pala ang inyong Vice President dito sa secondary campus"
"Low" mabilis na sagot ni Miigy na umalis agad. Luh.
"Violet, hi guys!"
"Indigo guys, baka malito kayo. Mas gwapo ako sa kanya!" tinuro ni Gheo si Theo.
Nagtawanan yung ibang mga audience.
"Black, good evening guys.." sagot naman ni Brenth.
"Rust.. or Silver, kahit anong gusto niyo" si Rusty na sumaludo.
"Hi Range, sige na nga Orange here" may mga sumisigaw ng pangalan ni Zach. Siguro mga classmate niya.
"White" matipid na pagsagot naman ni Leeford.
Ngayon ay sakin na lumapit yung babaeng may microphone.
Inabot ko naman ang Mic at nagsalita.
"Rainbow, bow or Ganny" ngumiti ako sa kanila. "Kahit anong itawag niyo, basta ako ang pinakagwapo sa kanila" nginitian ko ang mga kasama ko.
Naghiyawan ang mga tao sa sinabi ko. Kilig na kilig sila.
"Nakilala na natin sila, at sila ang.." muli niyang hinarap sa amin ang Mic.
"Power Ranger!" sigaw ni Whiterou.
"Hahahahahahha" nagtwanan yung crowd.
Haist. Tong hapon na 'to!
Sa araw na ito, nakilala ng buong Mendez ang Killer Colos. Mga makukulay na bayani sa paningin nila.
Sa araw na ito nagtagumlay ang Plano ni Leeford, ang utak ng aming grupo.
1800 H⏳⌛
Binigyan kame ng sariling pwesto sa Party, maya maya ay dumating si Green at Gray. Na parang walang nangyari.
"Congrat's Colos, kumusta ang kasikatan?" tanong niya sa amin.
"More girl's Hahaha" sigaw naman ni Teroy
"Peros siyempre dapat pasalaman natin ang utak ng lahat.. utak ng tagumpay ng inyong grupo" lumapit siya kay Leeford. "Good Job indeed Professor" hangang hangang sabi niya dito..
Bigla akong nawala sa mood, inis akong tumayo.
"Kukuha lang ako ng Juice" sabi ko sa kanila.
"Juice, pambata" tirada sakin ni Green.
Pinigilan ko nalang ang galit ko at tuluyan silang iniwan.
Yung handa dito sa Party, parang unlimited Buffet, hindi kase nauubos.
Kumuha ako ng baso at pumunta sa mga inumin.
Pumipili ako ng iinumin, andaming matang nakatingin sa akin. Mga matang nagnanasa na lapitan ako, pero masama ang tingin ko kaya walang sumusubok na lumapit.
Nababadtrip ako kay Green.
"Boss..Master" nagulat ako ng biglang may tatlong lalaking lumapit sa akin.
Nasa gitna ang isang lalaki na hawig ni Sam Concepcion, at may dalawang nasa likuran niya.
Tinitigan ko lang siya.
Dumeretso ako sa paglalakad.
"Boss" tawag niya ulit. Inis ko siyang nilingon.
"Bakit?!" inis na tanong ko sa kanya.
"Xavier pangalan ko, Xavier Grander" pagpapakilala niya.
"Anu ngayon" sabi ko naman. Inis ko siyang tinignan, ambaduy.
"Pwede ba ako sumali sa Grupo niyo" lakas loob niyang tanong.
Nginisian ko siya.
"Baduy.." bulong ko. "Walang pwesto ang tulad mo sa grupo namin, Alis!" tinulak ko siya bumagsak naman siya.
Dameng nakakayamot dito sa Party.
"Anu nanaman to!" inis kong sigaw ng maramdamang nabasa ang damit ko.
May nakatapon ng ng tubig o anuman to sa suot ko!
"Oh my God, tinapunan niya si Ganny ng Juice!"
"Lalampa lampa naman ng babaeng yan!"
"Naku, sabihin niyo nagpapansin lang siya kay Ganny my loves natin! Huhuhu"
"I'm sorry hindi ko sinasadya" naramadamn ko nalang pinupunasan niya ang nabasang suot ko.
Nakaangat lang ang tingin ko sa sobrang inis.
Patapon kong inalis ang kamay niya na dumidikit na sa katawan ko.
Pero..
Badump..
Badump..
Badump..
Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko, natulala ako ilang segundo sa babaeng nasa harap ko ngayon.
Suot ang isang itim na dress na bumabagay sa kagandahan niya.
"Sorry.." nakapikit pang sabi niya habang nadikit ang kamay na mukha na parang nagdadasal.
Ang cute niya.
Dahan dahan kong inalis ang mga kamay niya. Nakapikit parin siya, para siyang diwata na natutulog sa malalambot na bulaklak.
"Yan girls mukhang galit na si Ganny natin huhuhu"
"Sana tampalin niya yang babaeng yan! Masyadong pabida!"
"Papansin ambisyosa!"
Tinignan ko ng masama ang nagmamayari ng boses. Sinenyasan kong umalis sila.
"Nagalit tuloy satin si Ganny, ingay niyo kase!"
"Nakakinis naman huhu"
Yung mukha ko nakangiti lang na pinagmamasdan ang nakapikit niyang mga mata.
Yung malalambot niyang mga kamay, ay nanginginig narin. Kinakabahan siya.
Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya at hinipan ko ang kanyang mga matang nakasara...
Biglang namulat yun at gulat ng makita ako sa harap niya. Bigla siyang namula, "Sosoorry" nauutal niyang sabi.
Mas lalo siyang nagulat ng kunin ko ang isang kamay niya at hinalikan ko 'yon.
"Ako ang dapat magsorry, nasaktan ko ang diwatang nasa aking harapan" ang ganda niya sobra. Parang gusto ko na siyang buhatin at ipakilala sa gang. "I'm Jhonny Han Mendez" pagpapakilala ko sa kanya.
Unang pagkakataon na ginawa ko sa isang babae.
Manghang mangha siya sa ginagawa ko.
"Hi Jhonny" tuluyan na siyang ngumiti. "Ang galing mo kanina, ang gwapo mo rin lalo pag malapitan" napayuko siya.
Agad kong inangat ang mukha niya.
"Then be comfortable staring at this face"
Lalo siyang namula.
"Can I have your name?" tanong ko sa kanya.
"Maurene.."
Mabilis niyang sagot.
Maurene, napakagandang pangalan. Hindi masidlan ang ngiti saking mga labi.
Sa araw na ito, nakilala ko ang unang babaeng nagpatibok na tunay sa Puso ko.
COMMENT✍️ at VOTE⭐
"Ang update ko nakasalalay sa inyong komento"
•TheSecretGreenWriter•