Subdivision Scandal V
Written By: TheSecretGreenWriter
✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️
•GANNY'S THROWBACK•
❤️
1400 H, tatlong oras bago magsimula ang aquiantance party.
Dalawang araw naming minanmanan ang library bago, gumawa ng plano si Leeford.
Nasa harap na kame ng libary. Kasama ko si Theo, Zach, Ogie at Teroy. Napatingin ako sa CCTV na nasa gilid ng entrance ng building. Inalala ko ang napagusapan sa plano. Pampawi kaba.
FLASHBACK
"May limang CCTV sa buong library" si Leeford na pinapaliwanag niya ang plano niya sa amin. "Isa sa may entrada, isa sa may lobby, isa sa may reading area, sa loob ng book shelves at ang pinakahuli sa labas ng Private room kung saan nakalagay ang emblem"
"So paano pag nakita tayon sa CCTV?" parang di mapakaling tanong ni Teroy.
"Walang problema ang CCTV sa ibang parte, ang tanging kaylangan natin intindihin yung nakapwesto sa entrada ng Private room" ginuguhit pa sa pisara ni Leeford ang pwesto ng bawat camera.
"Paano mo masasabi na walang problema? Eh dun tayo halos lalabas at papasok, kitang kita ang mga mukha natin men" pakikipagtalo ni Teroy.
"Tss.." lumapit siya sa kinakabahang kasama namin. "Magtiwala ka sa akin, magiging saksi tayo sa mata ng CCTV"
Napapaisip din ako kung paano ang gagawin namin sa mga cctv na 'yon. Sa mga gantong sitwasyon wala akong kapangyarihang magsiga at kilalanin. Dahil isa ang Library department sa pumirma ng kontrata sa mga magulang ko na ako ay isang normal na studyante sa mata ng mga naririto.
"Kaylangan ko ng limang tao para magawa ang plano sa loob ng library" nakakinis bat parang siya ang leader nitong grupo namin. Para minamanduhan niya kame, ako, ang pride ko.
Anong magagawa ko, siya ang tagagawa ng plano sa grupo. Sa kanya umaasa yung tatlo para sa isang magandang resulta.
"Ganny, Theo, Ogie, Whiterou at Zach" isa isa niya kameng tinignan. "Kayo ang kaylangan kong papasukin sa loob" nakangisi niyang sabi.
END OF FLASHBACK
Huminga muna kame ng malalim, bago inumpisahang tinungo ang pintuan ng library.
"Anong pakay Sir" tanong sa amin nung nagbabantay na gwardiya. Tulad ng ineexpect ay mahigpit ito.
FLASHBACK
"Aquaintance party bukas, kaya panigurado tatanungin kayo ng gwardiya kung anong pakay niyo 'don" sabi nito.
"Talaga, wala naman kaseng studyanteng pupunta dun ngayong party" pagsusungit ni Teroy.
"Mali ka" biglang sumingit si Miggy.
Tinignan siya ni Teroy. Nagkibit balikat lang si Miggy sa kanya.
"Hoy naruto! Paano mo nalaman, di ka naman mag aaral eh! Kaya ka Forever Fresh! Forever Freshman Bwahahahahah" Haist, nanggaasar nanaman si Whiterou.
"Kaya nga alam kong bukas ang library kahit may okasyon" sagot ni Miggy sa kanya. "Hindi ako mahilig umatend ng klase at mga okasyon"
"Anong kinalaman nun sa alam mong bukas ang library kahit may okasyon ang school"
"Dahil dun ako natutulog, pag may okasyon" kinindatan niya si Teroy. "Masaya kana?"
Napanganga si Teroy, napangiti naman ako ng bahagya.
"Grabe, ang tindi ng taong to" si Teroy na di makapaniwala.
"Tama si Miggy, bukas ang library kahit may okasyon. Hindi lahat ng studyante gustong umaatend. Maraming scholar na mas gustong mag aral lang, pati kase mga nasa tertiary campus pinapayagan na makisit in sa library nating nasa secondary" Mahabang paliwanag ni Leeford.
"Paano mo nalaman yan?" tanong ni Rusty sa kanya.
"Pinagaralan ko siyempre, wag mo na alamin ang detalye' sasakit ulo mo" natatawang sabi nito kay Rusty na tumawa lang ng bahagya.
Bumalik ulit siya sa harapan ng pisara.
"Ngayon naman ipapaliwanag ko ang stand niyong lima sa loob.."
END OF FLASHBACK
Nakasumbrero silang apat ako naman ay naka bonnet para itago ang mga makukulay na buhok.
"Gagawa po kame ng assignment" sagot ni Zach sa nagbabantay. Pero matalim ang tingin nito sa amin. "Isang linggo palang, may assignment na agad kayo" pagiimbistiga niya.
Biglang sumingit si Ogie at may pinakita itong ID, "Vice President ako ng Secondary campus, mga junior ko ang mga yan" tumingin si Ogie samin at kumindat sabay balik sa gwardiya. "Hindi kame aattend ng Party, dahil may kaylangan kameng gawin para nalalapit na Election" pansin kong nauutal si Ogie habang nagsasalita.
"Vice President, pero wala sa Party? Hindi tumutulong sa preparasyon?" Tangina! Naiinis na ako sa gwardiyang to, isa pa magpapakilala na ako.
Pero bigla kong naalala yung kontrata, tsaka baka masira ko pa ang plano.
"Sige tatawagan ko nalang si Miss. Garin, sabihin ko ayaw niyo kameng--" tila natinag yung guwardiya at isa isa ng pinabukas ang bag namin.
Ang galing ni Ogie, tama nga si Leeford na isa siya sa isinama para dito sa loob.
Pagkapasok sa loob ay agad na namin inumpisahan ang plano, naiwan na si Zach, sa may lobby. Kung nasaan andon ang librarian na Kilala niya, eto yung nagwewelcome sa mga studyante at nagbabantay sa monitor ng mga CCTV na nakalagay sa loob.
Pinag aralan namin ang mg schedule ng mga tatao sa oras na ito, at ang simula ng plano ay mukhan epiktibo. Plan Orange.
"Ang ganda mo parin m'am" ringig naming pagsasalita ni Zach. At kaya dun siya nilagay ni Leeford para landiin ang babaneg nagbabantay, ang Librian na si Ms. Cathy Fuentebelo. Isa sa mga nahuhulog sa charm ni Zacharias!
"Ikaw talaga, binobola mo naman ako Zach"
Goodluck Zach!
Sunod akong nagpaiwan, naupo ako sa Reading Area. Tulad ng sabi sakin ni Leeford, ako ang maglelead ng Command para sa gagawin naming action sa loob.
Lahat kame ay may cellphone at headset na nakasalapak lang sa tenga, pag tatawag ako ay pipindutin lang ang button ng headet na binili pa namin mismo para sa gagawing pagnanakaw.
Mula sa kina uupuan ko ay kita ko ang entrada, lobby at ang loob ng Book Shelves area. Dahil gawa sa Glass ang harang ng bawat kwarto, maliban sa private room kung saan nakalagay ang emblem.
Bago mag alas Tres, dapat makuha na namin ang emblem kung hindi. Bigo kame.
Pumasok na ang tatlo sa silid na puno ng mga aklat.
Hindi lang kame ang tao sa library, may mangilan ngilan rin na studyante.
Agad kong tinawagan si Teroy, sinagot niya naman agad.
"Balita" tanong ko.
"Plan Pink, starting" sagot niya sa kabilang linya. Sabay baba rin agad.
FLASHBACK
"Pag nagtagumpay na tayo sa Plan Orange, Kaylangan ng simulan ang plan pink" tumingin siya kay Teroy.
"Okay okay, makikinig na" sabi naman nito.
"Si Mr. Arevalo ang bantay sa may loob mismo kung nasaan ang mga libro, kaylangan mo siyang idestruct" si Leeford na sinulat pa ang pangalan nung Teacher sa board.
"How!" parang di napakali si Teroy. Kabado ammpota!
"History Teacher namin si Mr. Arevalo" biglang nagsalita si Brenth. "Paborito niya ang Japanese History"
And that make sense! Tangina, bigla akong napasulyap kay Leeford. Paano niya nagagawa lahat nag planong to.
"Yung mga libro tungkol sa Japanese History ay nasa kaliwang parte ng mga shelves, so kung matagumpay mo siyang mapapunta sa area na 'yon" Lumapit naman si Leeford kay Theo. "Dun na magsisimula ang Plan Violet"
"Ilang minuto ang kaylangan?" tanong ni Teroy.
"Pagtumawag na sayo si Ganny"
Ngumiti naman ako. Ako ang masusunod Teroy!
END OF FLASHBACK
Pag matagumpay na naidala ni Teroy ang taong 'yon sa area ay di nito mapapansin ang Plan Violet.
Kita ko sa Glass na bintana ng silid ang pagtayo ni Mr. Arevalo kasama si Teroy.
Muli ko siyang tinawagan.
"Hontōni!" masiglang sabi nito sa kabilang linya. Kausap na niya ang guro. "Masaya ako nakilala ko kayo Sir, na may nakilala ako na labis na minamahal nag kultura at tradisyon ng Japan"
"Hahahaha mondai nai" sagot naman ng lalaki. "Masaya ako at may nakilala akong Hapon dito sa Mendez!"
Plan Pink matagumpay!
Bago ko tinawagan si Theo ay muli kong tinignan si Zach at hindi nga mawala ang tingin ng babae sa kanya.
This is insane, pero nakakaramdam ako ng saya!
Agad kong tinawagan si Theo.
"Plan Violet, proceed" utos ko sa kanya.
"Copy Boss" sagot niya naman, bibigyan ko lang siya ng pitong minuto para gawin ang Plan Violet.
FLASHBACK
"Plan Violet"may pagkusot pa sa mga mata niya, tila puyat si Leeford sa paggawa ng plano. "Tatakpan mo Theo ang CCTV"
Tumayo si Theo at parang gustong tawanan si Leeford.
"Seryoso ka ba? Bawal magdala ng ng kung anong gamit sa loob bukod sa mga suot natin o gadget" pagsisimula niya. "Anong ipanungkit ko para takpan yang camerang yan?"
"Hindi naman siguro mahirap itago ang isang piraso ng scotch tape" mahinahong pagsasalita ni Leeford.
"Ano namang gagawin ko sa scotch tape?" tanong niya ulit.
"Gagamitin mo para makabuo ng panungkit" ngitingiting sabi niya na may kinuha sa ilalim ng mesa.
Ibinagsak niya ito sa mesa.
"Diyaryo?" sabay sabay kameng napabulong.
"Anong gagawin ko sa diyaryo? Gagawin kong papel na eroplano? Hahahaha" natatawang tanong ni Theo. "Lee, hindi madali tong gagawin natin. Pwede kameng mapalayas sa Mendez"
"Hindi mangyayari'yon" lakas loob niyang sagot.
Kinuha nito ang mga diyaryo. Nirolyo niya ito hanggang sa nagmukhang baston. "Rust patulong" agad namang tumayo si Rusty at nilapitan ang kaibigan.
Pinahawak niya ang dalawang dugtong na nirolyong dyaryo kay Rusty. May binubot naman si Leeford sa bulsa niya.
Isang scotch tape. Mula sa gitna ng dalawang diyaryo na hawak ni Rusty ay pinaikutan ng tape ni Leeford ang gitna na nagdudugtong sa dalawang rolyo.
Gamit ang ngipin ay pinutol niya 'yon pagkatapos malagyan.
Binawi niya kay Rusty ang diyaryong tila naging baston at hinagis yun kay Theo.
"Ang mahiwagang panungkit" nakangiti sabi niya. Si Theo naman ay parang di ma absorbed ang nakikita.
"Talagang naiisip mo ang bagay na 'to?" natawa na si Theo. "Eh san naman ako kukuha ng diyaryo aber" dugtong na tanong niya.
"News Paper area ang ilalim kung saan nakalagay ang CCTV" sagot niya.
"Yes!" parang galit na sigaw ni Theo. "Kaya mas delikado dahil kitang kita ako sa lintik na camerang yan" sigaw nito.
"Theo" pagpapakalma ng kambal niya.
"Dun nakalagay pero hindi 'ron nakafocus ang camera ng CCTV" walang emosyon na sagot ni Leeford. "Hindi nakafocus ang CCTV sa alin mang area kung saan nakalagay ang mga reading materials"
"At saan naman" tanong ni Theo.
"Sa pinto ng Private Room" sagot niya.
Tila kumalma ang mukha ni Theo at nakangiti pang tumango tango. "Halimaw ka, talagang napag aralan mo ang buong Area" mamanghang sabi nito.
"Gamit ang magagawa mong panungkit ay tatakpan mo ng makapal na panyo ang camera..Pagkatapos" tumingin siya kay Ogie. "Let's do the Plan Blue, emblem time"
END OF FLASHBACK
Pagkatapos ng pitong minuto ay muli kong tinawagan si Theo, hindi naman siya mahihirapan sa mag tape dahil tutulong si Ogie na kasama niya.
"How's Plan Violet?" tanong ko.
"Success" pabulong niyang sagot sa kabilang linya. "Kabado na tong isa, hinihintay tawag mo hehe" ringig ko ang patawa ni Theo.
Binaba ko naman yung tawag kay Theo at inumpisahan tawagan si Ogie.
FLASHBACK
"Uy bat ako?!" si Ogie na kunot na kunot ang noo. "Haluhh di ko kaya yan" sabi pa niya.
"Kaya mo yan" sabay sabay naming sabi.
"Baat si Rusty, si Gheo si Miggy.. siii" napatingin siya kay Brenth. "Bat sila parang walang gagawin" umiwas din agad siya ng tingin kay Brenth.
"May gagawin sila" sagot ni Leeford. "Lahat tayo may gagawin"
"Lagot ako pag pumalpak tayo, Vice President ako.. alam mo yan" sabi niya.
"Magtiwala ka sa kanya Ogie, yang taong yan. Hindi yan marunong magpahawak ng iba, mas gusto niyang siya pa ang mapahamak" biglang singit ni Rusty. "Na hindi ko naman hahayaan"
'Wow'
"Kaya mo yan" tila nawala ng ilang segundo si Ogie ng maringig ang nagsalita. "Gawin mo para sa akin" nakangiti si Brenth. "Para Bestfriend mo na ako at sabay na tayo lage umuwe"
Namamangha ako sa sinasabi ni Brenth. Pero alam ko napipilitan lang siya.
At alam ko rin na alam ni Leeford na mangyayari to. Hindi rin ako magtataka kung kinausap niya si Brenth tungkol dito.
Mabilis na lumapit si Ogie sa pwesto ni Brenth. Tumabi siya sa upuan nito.
Titig na titig kay Brenth. Di ko alam kung bading ba siya.
"Deal, anong bang gagawin ko?" tanong ni Ogie
"Simple lang, bubuksan mo yung kwarto at kukunin mo yung emblem"
"Andali sana kung alam ko ang password hahaha, Biometric at manual enter yung lock ng Private room" sabi ni Ogie.
"Nasolve na ni Zach yan" napalingon kame kay Zach.
Si Zack naman ay parang di alam ang sinasabi ni Leeford. "Di pa nga tayo sure diba, tsaka paano magiging yun ang code"
Ibig sabihin naguusap na sila tungkol sa planong ito. Ibig sabihin tutok talaga siya sa misyon na 'to.
"Ano ba yung code?" tanong ni Ogie.
"Tinanong ko yung Librarian na Crush ako kung alam niya ang code, sabi niya naman Ou" kwento nito.
"So ano nga!" si Ogie.
"Pero sabi niya, bigyan niya lang daw ako clue.. Paboritong pagkain niya daw" kwento naman nito. "Eh ang paboritong pagkain nun Buko Pie" sagot niya pa ulit.
"Malabo yan" si Ogie na parang nawawalan ng gana. "Numero ang code, hindi letters"
"Then focus sa number, base dun sa clue" si Leeford tinutuktok pa yung chalk sa pisara.
Di ko siya get's.
"Bu..ko..pie" sinulat niya sa blackboard. "Kung pagmamasdan niyo, anong sylables ang maaring pwedeng magbigay ng numero"
Napapakamot lang kame. Buko? Kung magkano ang buko? Pie? Kung magkano ang Pie?
Muling nabaling ang tingin namin sa kanya. Binilugan niya amg salitang 'Pie'.
"Sounds like.." inekesan niya yung 'pie' sa board at pinalitan ng 'pi' . "Sounds like pi"
Naglagay siya ng guhit at may sinusulat na numero. "Which is pi have a numeric value of 3.1415926536"
Shet. Para akong binuhusan ng tubig ng magets ko ang gusto niyang ipunto!
"Ibig sabihin.. ang code ay 3.1415926536" pinitik niya yung maliit na chalk na tumama sa dulong pader at nagpagpag siya ng kamay na nabahiran na ng pulbos ng tisa.
Tahimik bigla ang lahat.
"Gusto na kitang sambahin, Professor Leeford!" biglang tayo ni Teroy na pumapalakpak pa. "Idol na talaga kita"
Hindi ko alam pero medyo nakakaramdam ako ng inggit sa mga papuri nila kay Leeford. Gusto ko makita ang sarili ko sa kung anong pinapamalas niya ngayon.
"Paano mo naman nasisiguro na yan ang code talaga" tanong ulit ni Ogie.
"Maniwala ka sakin"
Si Ogie ay nakipagtitigan pa kay Leeford. "I trust you Professor" tumingin siya kay Brenth. "Bestfriend na kita ah"
Naghiyawan kame sa loob, at namumula si Brenrth na ang sama ng tingin sa amin.
"Zach may tanong ako" oras ko naman to para magsalita. Lagi nalang si Leeford!
"Ano 'yon boss?"
"Hindi mo naman direktang tinanong yung tungkol sa code?" tanong ko sa kanya.
"Hindi, siya mismo nag open ng tungkol sa emblem na nasa loob ng private room" sagot niya sakin. "Siya daw kase ang magbubukas para ihatid sa may stage kung saan ipagsasama sama ang anim na emblem"
Tumango nalang ako sa sagot niya.
Anim lahat ang emblem na ilalagay sa stage. DMA Main Emble, DMA Secondary Campus Emblem, Freshman, Sophomore, Junior at Senior Emblem.
"Pagkatapos mo makuha ang Emblem, ilalagay mo siya sa eco bag na to" may pinakita si Leeford na isang pulang eco bag. "Ipupuslit mo rin tong eco bag papasok sa library, wag mo isama sa mga gamit mong iiwan sa lobby"
END OF FLASHBACK
"Ogie, handa ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"Plan Blue, starting" seryosong sabi niya. Siya narin mismo nagbaba ng tawag.
'Sana tama yung code, dahil once na magkamali mag aalarm ang system'
At lagot kameng lahat.
Habang naghihintay ng resulta ay tumingin ulit ako kay Zach at nagkakatuwaan sila ng kausap niya.
Tinawagan ko si Leeford.
"Pre"
"Color Plan kumusta?"
"Orange, Pink and Violet Plan ay maayos na naisagawa. Hinihintay ko pa resulta ng Plan Blue"
"Sige andito kame sa labas. Plan Silver at Plan Black naghahanda na"
"Sige tawagan kita mamaya, checheck ko si Ogie".
"Bye"
Bye. Leader Leeford.
(--__--)
Kainis, parang walang kachallenge challenge tong ginagawa ko.
Biglang nagring yung cellphone ko, agad naman ko naman sinagot.
"Ang init na dito sa taas, kaya niyo ba today?" sino to?!
"Sino to"
"Miggy."
Hahahahahaha
"Mamaya kana, kumain kana muna mangga diyan" sabay baba ko sa tawag niya.
Muli kong tinawagan si Theo.
"Kumusta diyan?" tanong ko.
"Pre, malapit na tayong magtagumpay Hahahaha, nabuksan pre! Tama nga si Leeford, astig niya talaga Pre antalino mag analyze!"
Medyo nainis ako sa sinabi niya. Di ako sumagot.
"Pre, Pre.. positive na!" naalimpungatan ako sa sinabi niya.
"Copy, wait kayo sa tawag ko" agad ko naman dinial number ni Leeford. "Pre, go ahead"
Binaba ko ulit agad.
Tinawagan ko si Brenth. Agad niya sinagot. "Pre, alam mo na gagawin ahh Plan Black"
"Copy"
Sinunod kong idial ang cellphone ni Zach, napalingon siya sa akin at nakuha niya naman agad.
At ang huli kong tinawagan si Theo. "Pre Plan Violet.2 proceed"
Shet, kinakabahan na ako. Hindi ko alam bat ngayon ko pa to nararamdaman, ayos naman kanina.
COMMENT✍️ at VOTE⭐
"Ang update ko nakasalalay sa inyong komento"
•TheSecretGreenWriter•