CHAPTER 05

4005 Words
Subdivision Scandal V Written By: TheSecretGreenWriter ✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️ •GANNY'S THROWBACK• ❤️ Agad na kumilos yung ibang kasama niya, kameng sampu naman ay nagsamasama narin. "Takte hindi ako handa dito, Shimatta!!" si Teroy na halos magtago kay Zach. "Hahaha ako bahala, alalay tayong dalawa" pagbibigay lakas loob niya kay Teroy. "Pre, i love you na talaga, si Daddy na bahala sayo Hahaha" ansaya pa nilang dalawa. Haist. At nagsimula ng sumugod yung mga sangano. Halos mga bata rin sila, mga di pa nga ata tuli ang iba. Nagkahiwalay hiwalay kame, kahit halos puro ambang lang ang ginagawa ng kaharap namin. Yung Leader ng grupo sila ay kaharap ni Rusty. Dalawa naman ang kaharap ni Leeford. "Aray!" nagulat ako ng biglang may sumapak sa akin. Isang matabang lalaki. "Huwag kang titingin tingin kung saan, nandito ang kalaban mo!" muli nanaman siyang sumugod, pero agad akong nakailag. Mas mabilis ako sa kanya, siguro di niya kayang dalhin ang sarili. Magkaharap kame ngayon, parehong nakahanda ang mga kamao kung sino  man ang unang susugod. Agad siyang sumugod naka ilag ako, pumunta ako sa likuran niya at tinadyakan siya. Ganun ako kabilis Hahaha. Tumama siya sa kalsada, natumba. At muling humarap na sobrang nangigil. "Come here tabachoy, bat ka nagdadive diyan. Walang tubig ah.." pinagtatawanan ko siya. "Hindi ka nakaksiguro dahil ang isda,mahuhuli ko na" ngumisi siya. Damn it! Naramdaman ko nalang na may umipit sa leegan ko gamit ang isang matigas na bisig. Sumugod yung mataba at pinagsasapak ako sa mukha, tangina magkakabangas ako nito. Kung di ako kikilos ay, papanget ang mukha ko. Pilit akong kumakawala. Kita ko ang pagangat ng mga paa ng nasa harap ko, tiyak ay tatadyakan niya ako. Kaya naman halos buhatin ko ang katawan ng nasa likuran ko, maipihit ko lang ang sarili patalikod. Hahahah "Swak switch!" sakto ang nagawa kong pagpihit, naramdaman ko nalang ang pwersa ng katawan mula sa likuran ko, nabitawan niya ako. Tumba ang nakahawak sakin kanina, na iniinda amg pagsipa nung mataba. Muntikan na ako 'don. Napatingin ako sa iba kong mga kasama. Magtalikuran ang kambal habang nilalabanan ang dalawa, si Miggy naman ay kita ko ang dali niya sa pag ilag sa ginagawa sa kanya ng isang batang may pamalo. Si Ogie at Brenth pinagkakaisahan ang isang malaking tao, na bitbit ang mahabang upuang kahoy na kinuha sa may tapsihan. Si Rusty ay patuloy na nakikipagsapakan dun sa mayabang na lalaki, gantihan silang dalawa ng suntok. Si Teroy at Zach naman ay nilalabanan yung isa, si Teroy nasa likod ni Zach at umaalalay lang. Pero mas namamangha ako kay Leeford na habang nakakulong sa mga kamay niya ang isang kalaban at lumalaban siya sa pag suntok ng isa pang kalaban. "Ganny!" sigaw ni Gheo sakin, na agad ko namang nakuha . Agad akong yumuko, at ayon hindi tumama ang suntok na gagawin sakin ni Tabachoy! Natumba rin siya, agad kong kinuha ang mga kamay niya at at inilagay yun sa likod niya. Pero matibay siya at nagpupumiglas. "Bitawan mo ako bading!" sigaw niya sakin. Hindi ko nagustuahn ang sinabi niya. Pinulupot ko yung kamay niyang nakaikot bibigyan ko siya ng sakit na di niya magugustuhan na maulit pa. "Ahhhhhh! Anong ginagawa mo!" sabi niya na ikinikilos ang mga paa na tila gusto ako tapakan, pero naiilagan ko yun. "Ang alisan ka ng karapatang sumapak!" lalo ko pang pinulupot yung kamay niya. Sa pagkakataong yun, ay pakiramdam ko nadudurog ko ang mga buto niya sa daliri. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko yung lalaking bagsak sa gawing likuran ko na bumabangon na sa pagkasipa nitong si Tabachoy. Kinuha niya yung batong nakakalso sa may gulong ng sasakyan, tangina! At padiretso siyang susugod sa akin. Walang na akong dapat pag isipan pa, Muli kong pinilipit ang kamay ni Taba. At pinaikot ko ulit siya paharap sa sumusugod niyang kasama! Nagulat yung isa sa ginawa ko, nag alinlangan siyang ihagis ang may kalakihang bato. Napaatras siya ng bahagya at nabitawan ang batong nahulog sa mga paa nito. "Arayyyyyyyyy Wooo wooo wooo Arayyy arayyyy" na halos mamaluktot sa iniindang sakit. Shet. Napapikit ako sa katangahang ginawa niya. Pansin kong nakuha niya ang attensyon ng lahat. Agad ko naman itinapon si Taba tabi ng kasama niya. BIGLANG MAY TUMUNOG NA POLICE MOBILE!  Nagkatinginan ang lahat, kita ko pa si Rusty na patapon na ibinagsak yung lalaking tapang tapangan kanina. Pansin namin na di magkandaugaga yung mga sanggano ng maringig yung parating na Police Mobile. "Boss paano na 'to mga pulis" tanong nung isa sa leader nila. "Takbo" tapos tinitigan niya kameng lahat, "Sa susunod na magkikota tayo. Pupulbusin ko kayo! Lalo kana!" dinuro niya si Rusty. Inambangan siya nito ng sapak, pero napailag ito. At niyaya na ang mga kasama niyang, halos lahat bagsak. Si leeford patapon na pinakawalan yung sakalsakal niya kanina. Yung dalawa ko namamg kaharap ngayon ay paika ikang humahabol sa mga kasama nila. Habang kame naman ang mga naiwan, Ibig sabihin.. Nakikita ko na yung ilaw ng wangwang ng Police Mobile! Ibig sabihin kung wala ang mga gagong 'yon. Kame ang dadamputin! "Sakay!" mabilis naman na napaandar nung kambal yung sasakyan. Hindi kame magkandaugaga bumalik sa mga dating, pwesto. Nagkatumba tumaba pa kame ng sumakay sa likuran ng Pickup! Nang makasakay na lahat ay, halos paharurutin kung sino man sa kambal ang nagdadrive! Para kaming lumilipad sa himapapawid, na tila lumulutang ang sasakyan sa kalsada. Hindi ako makapaniwala, na mangyayari to sa talang buhay ko. Makipag sapakan kasama ang mga taong 'to. Nagkatinginan kameng ... Bat anim na kame dito? Yung tingin ko napunta kay Ogie. Ngiting ngiti katabi si Brenth. "Anong gingawa mo dito?!" sigaw ko sa kanya. Sumimangot siya. "Luh pinagdadamot? Nagdadamot?" nakangusong sabi niya sa akin. "Brenth, nagagalit si Ganny Oh" pagsusumbong niya sa katabi. Inismiran lang siya nito. Napasulyap ako sa mga itsura namin, lahat kame may mga bangas sa pagmumukha. Isa isa narin silang napatingin sakin na ngising ngisi, Hahahahah. At naging resulta ay Walang tigil na tawanan. Napakanatural, at napakasayang tawanan sa ilalim ng mga bituin sa langit at sa buwan na tila nakasabit. Ang haba ng byahe, hindi ko alam kung nasaan na kame. Parang kabundukan na tong nakikita ko. Madilim na daan, pero hindi nakakatakot dahil sa napakaliwanag na langit, kitang kita mo ang kinang ng mga butuin malayo sa tanawin sa kamaynilaan. Tulog na ang iba ko kasama, Pffft. Natatawa ako sa itsura ni Brenth at Ogie. Si Brenth nakasandal balikat ni Blue. Biglang huminto yung sasakyan. Huminto sa gilid nitong napakatahimik na kalsada, hindi mo alintana ang dilim dahil sa liwanag ng buwan. Isa isang nagising yung mga kasama ko sa Likuran. Si Leeford at Rusty at kita kong nag-unat lang. Si Miggy, parang wala lang. Parang gising talaga siya at nakapikit lang ang mga mata. "Hoy bat .. bat ako tulog sa balikat mo!" si Brenth na halos itulak si Ogie. "Luh, kasalanan ko bang mahiga ka sa balikat ko" nakangiting pang aasar ni Ogie. "Pinagsasabi mo?!" tumayo si Brenth. Kita ko ang pagkamangha niya sa pwesto namin, sa harap namin ay kabundukan, kagubatan habang nasa ilalim ng madilim na kalangitan. Na puno ng mga tala kasama ang nakasabit na buwan. "Asan tayo" tanong nito. "Nasa tabi ko" biglang singit naman ni Ogie na nakatayo narin. Biglang naringig namin na nagbukas yung pinto ng sasakyan. At naglabasan yung tatlo sa loob. Si Gheo ay binuksan yung pinto ng pick up dito sa kina uupuan namin at pumwesto siya dun. "Nakakawala ng pagod yung tanawin" si Zach na nakatingala narin sa langit, lahat kame namamangha sa tanawing nakikita.  Si Teroy naman  ay nagkukusot ng mata niya. Si Theo naman ay sa pinto ng Driver seat nangaling at umandig ito sa sasakyan tapat dito sa Open space kung nasan kame. "10 pm, at Rizal" bigkas nito. Humarap siya sa amin, "Wala naman tayong pasok bukas, pagmasdan muna natin amg kalangitan" muli siyang humarap. Ang sayang isipin, hindi sila ang una kong set of friends. Pero masasabi kong nagsisimula ko ng magustuhan ang mga baliw na to Biglang may dumaang shooting star!  Napatingin ang lahat sa isat isa. "Uy shooting star!" bulayaw ni Teroy na namamangha parin habang nakakanga. "Sana magtuloy tuloy pa ang araw na masaya ang Colos" ringig kong hiling ni Theo. "Salamat at dumating sila sakin, sana mas maging matibay ang pagkakaibigang 'to" nakangiting nakatingala sa langit si Zach. "Sana mailibre rin nila ako" sabay sabay kameng napatingin kay Teroy. "Joke lang, sana marunong na silang makaalam ng joke heheh" Nagtawanan kame ng bahagya. "Sana maging mabait na sakin si Brenth" nakangiti habang nakangusong usal ni Ogie, habang nakatingin sa mukha ni Brenth "Sana tigilan na ako ng Kambing na 'to" pagtukoy ni Brenth sa katabi. "Hahahaha kambing, Ogeeee Ogeee" pangaasar ni Whiterou na nagboboses kambing habang binabanggit ang pangalan ni Ogie. "Sana mas maraming sapakan" natatawang hiling ni Rusty. "Tss..sana di magkatotoo yang hiling mo" pagkontra sa kanya ni Leeford. "Boss naman hehe" "Sana dumami pa bunga ng mangga sa eskwelahan" si Miggy naman na nakatingin lang sa langit. Biglang tumaas si Gheo, pwesto namin. "Sana magkaroon ng camping ang Colos, yung ganito. No girls, just Food and drinks" Si Gheo na nakaupo narin dito sa taas. Napapngiti ko sa mga wishes nila, ang hiling ko sana magkatotoo ang lahat ng mga hinihiling nila, maliban dun pinagsasabi ni hapon. •KINABUKASAN• ☀️️⛅️☁️ Madaling araw na akong naka uwe sa bahay, isa isa kameng hinatid ng kamabal sa mga kanya kanyang tahanan. Sabado ngayon at mamayang hapon, may Colos Class nanaman. Tinatamad pa akong bumangon, medyo masakit din tong panga ko. Pero kailangan, dahil baka sumpungin nanaman ang bading na si Green at alisin ako sa pwesto ko. Dumeretso ako banyo, at nanalamin. Shett, Ganny' may bangas ka. Letseng tabachoy na 'yon!  Pero poge parin naman, ako parin ang pinakagwapo sa DMA. Kinakausap ko amg sarili ko sa harap ng salamin. Nagsipilyo muna ako, bago tuluyang naligo para makapunta na sa eskwelahan. Nagpahatid lang ako sa Driver namin sa eskwelahan, at sinabi kong sunduin nalang ako pagkinakailangan. Tatawagan ko nalanh siya. Sa loob ng lumang classroom ay tahimik kameng lahat. Yung tatlo feeling teacher ay titig na titig sa mga mga pagmumukha namin. Si Green, tila natatawa nanaman sa mga nakikitang bangas sa mukha  ng bawat isa. Si Kuya ay nakakunot ang noo. Si Red ay seryosong nagiisip. "Anong nangyari sa mga pagmumukha niyo?" nagsalita na si Kuya. Hindi naman kame nagkita sa bahay kaya, di niya ako nakitang may bangas. "Para kayong mga lantang sayote Hahahaha" pang aasar naman ni Green. "Tumayo nga kayo" utos nito. Sumunod naman kame. "Sa susunod na makikipagaway kayo, siguraduhin niyo hindi masisira yang pagmumukha niyo" tumingin siya sa akin. "At nasayo ang pinakamalala" umiling siyang natatawa. "Tama na yan, kung ano man yang pinasok niyo. Basta siguraduhin niyong buhay kayong babalik" Si Red na naglalakad lakad sa harap. "May mga ibibigay kame sa inyo" Napatingin naman ako sa mga Box na nakalagay sa lamesa, ibat ibang kulay ulit 'yon. Walong box lang, Luh bat parang kukulangin kung walo lang. Sampu kaya kame. "Pero seryoso Colos ah, pag may ganyang away o ano mang gulo yan. Kontakin niyo kame"  paalala ni Green. "Paano namin kayo makokontak, hindi niyo naman binibigay mga cellphone number niyo" pagsagot ni Zach. "Hahahahah!" tumawa si Green, lumapit kay Zach. "Gusto mo dagdagan ko yang pasa mo sa nguso?!" tiim bagang sabi niya kay Zach. "Biro lang" sabay bawe niya at tinapik rin si Orange. "The important is, nakakalakad naman lahat." muling pagsasalita ni Red. "Mamaya, paguuspan natin ang mga magagandang istilo sa pakikipagbasag ulo" natawa siya ng bahagya. "At alam niyo ba kung sinong kakalabanin niyo?" tanong ni Green. "Sino?" tanong ko naman. "Kameng tatlo" sabay sabay nilang bigkas. Natawa naman ako sa sinabi nila. "Kayong tatlo, laban sa aming sampu?" mayabang na tanong ni Rusty sa kanila. "Baka pagsisihan niyo" Nagtawanan kameng siyam sa sinabi ni Rusty. "One versus Ten, Hahahahaha  Fukanō!" taas kilay na sabad naman ni Teroy. "Tignan natin" lumapit si Green kay Red at may binulong. "Pero bago ang lahat may munting regalo muna kameng ibibigay sa inyo" Tumungo sila sa likod ng lamesa. Kung saa  naka alalay na sila sa mga box na ibat ibang kulay. "Bibigyan namin kayo ng mga armas" pagsasalita ni Red. Parang nagalak naman ako sa sinabi niya, nakakaexcite. "Lapit ka dito, Orange" unang tinawag si Zach ni Green. Agad siyang lumapit, inabot ni Green yung kahel na kahon. Maliit lang yun, pinagmasdan pa ito ni Zach. "Buksan mo na" utos ni Kuya. Sinunod naman agad yun ni Zach at mabilis niyang binuksan ang kahon, at maya maya ay may binubunot na siyang pahaba. Kumikinang yun. "Kadena?" biglang mahina niyang tanong. "Para saan naman to" napapakamot na tanong niya.  "Ipansasakal mo sa sarili mo, Bwahahahaha" pang aasar ni Teroy sa kanya. "Talaga ba" tinignan niya ng masama ni Teroy. "Subukan nga natin" mabilis siyang tumakbo papunta sa pwesto ni Teroy at, Huwaww.. mabilis niya naipulupot yung kadena sa leeg ni Hapon. "Hoy sorry na! Di ako makahinga!" pagpupumiglas ni Teroy, na sinisimulan ng pagtawanan ng mga kasama namin. "Hindi ko na kaylangan ipaliwanag kung para saan yan, mukhang gamay mo na" nakangiting sabi ni Kuya. "Punta dito ang Alvarez Twins" tinawag ni Green yung kambal, Alvarez, so yun ang apilyido nila. Agad pumunta sila sa harap at ibinigay ni Green yung malaking kahon na pinaghalong kulay ng Violet at Indigo. Binuksan naman agad ng dalawa ang yung box at tumambad yung Boxing Gloves na kulay itim.  "Tag isa kayo niyan, dahil kaliwete si Theo.. Sa kanya ang kaliwa" paliwanag ni Green. "Tag isa talaga" parang natatawang tanong ni Gheo. "Hindi basta basta gloves yan, may sikreto yan" mahinang paliwanag nito. "May papel diyan, basahin niyo..kayo lang" tumingin siya sa amin. "Huwag niyong ipaalam sa mga yan" "Pero, pwede na namin tong isuot ngayon at gamitin panapak" tanong ni Gheo. "Ou naman" pagtatapos ni Green sa usapan. Bumalik narin yung kambal sa pag kakaupo. Kinakabahan ako, bat wala akong makitang kulay rainbow na Box. "Ang astig niyan pre, pasubok nga" si Rusty na gusto hiramin yung gloves. "Hey, bawal" biglang sita ni Red. "Meron para sayo dito" sinenyasan ni Red si Rusty na tumungo na sa harap. Inabot niya yung silver na box dito. Sabik naman na binuksan ni Rusty 'yon. "Ano to" parang nagtataka si Silver sa nakikita niya. Tila isang bakal na kulay silver yun na parang may butas at tusok. "Brass knuckles yan" lumapit si Red kay Silver at kinuha yung isang brass knuckles. Isinuot sa  kamay niya at... Shet, inamba niya ang mga kamay sa mukha ni Rusty. Sobrang lapit na nun para tumama. Napangiwi si Rusty sa kaba. "Malakas ka sa suntukan, mas lalakas ka dahil dito" sinauli niya yung knuckles kay Rusty, na hangang ngayon di parin makapaniwala.  "Muntikan na ako dun" pailang iling na sambit nito habang pabalik sa upuan. "Blue" pagtawag ni Kuya. Agad naman tumayo si Ogie na nagpaalam pa kay Brenth. "Anong sakin" excited na tanong nito. Kinuha naman ni kuya yung pahabang box na manipis lang naman, ano kaya laman niyan espada? "Eto" abot ni Kuya. Mabilis naman ding kinalas ni Ogie ang bagay na 'yon at parang nanamlay siya ng makita ang munting regalo. Isang yantok.  "Okay okay alam ko na kung para saan to" inis na bumalik siya sa upuan. Pinagtawanan siya nung tatlo. "Unfair! Ganda nung sa iba" nakangusong aniya. Sumunod na tinatawag si Brenth. Isang itim na kahapon ang binuksan niya. Napangiti siya ng makita ang bagay na 'yon. Nilaro laro niya pa ito. "Nice gawa lang sa kahoy"  Isang Pocket knife ang nakuha niya. "Ou gawa sa kahoy, pero hindi kahoy lang" pagtatama ni Green sa kanya. "Hindi basta bastang kahoy ang ginamit para mabuo yan, isang matibay at espesyal na kahoy" Flinip ni Brenth yun at binulsa. "Salamat dito" sabi niya, na agad bumalik sa upuan katabi ni Ogie. "Brenth parehong gawa sa kahoy yung satin, bagay talaga tayo!" nagulat ako sa sinabi ni ogie, hindi lang pala ko, kameng lahat. "Bagay maging Mag Bestfriend Haha" "Gusto mo masaksak" banta sa kanya ni Brenth. Pinagtawanan sila ni Teroy at Zach. "Ikaw na ang sunod, Pink" tumatawa pa itong tumayo, di naka move on sa sinabi ni Ogie. Pero maya maya ay kinikiskis na nito ang dalawang palad na parang excited na makuha ang regalo. Tatlo nalang yung Box! Pink, Yellow at White, lintik bat parang walang matitira sakin! Si Teroy na mismo yung kumuha ng kahon at agad yun binuksan. Sheet! Napatayo kame halos ng makita yung hawak hawak na baril ni Teroy.  "Ba..babaril" nanginginig pa yung kamay niya. "Subukan mo kay Zach" utos naman ni Green. "Sige na itutok mo kay Orange at barilin mo siya" sigaw pa ni Green! "Hala, bat ako" natatakot naman na tanong ni Zach. "Hoy Teroy, tumigil ka ah!" Lumapit si Green kay Teroy at may binulong. Napangisi naman si Teroy pagkatapos nun. Agad niyang tinutok kay Zach ang baril. Kinakabahan din ako sa nangyayari! "Paalam Orange" pigil tawang pagbabanta ni Teroy. Tapos biglang! "Sheeet!" isang liwanag ang tumapat sa mata ni Zach. Agad pinatay ni Teroy yung baril na flashlight lang pala. Sabagay kitang kita naman yung flashlight. Pfft! "Kumusta yung liwanag Orange?" tanong ni Kuya. "Bat ganun, parang sobrang lakas' ansakit sa mata!" paliwanag nito. "Hindi lang yan ang kayang gawin ng baril nayan Pink" napatingin si Teroy kay Red, "Ikaw na ang bahalang tumuklas sa isa pa niyang katangian, pero wag mo rin ipaalam sa kanila" Ang astig ng armas na binigay nila kay Teroy. Pero ano naman ang astig sa flashlight, pero bat ganun yung ininda ni Zach dahil sa liwanag na 'yon. Tsaka, maliwanag dito sa clssroom. Sumunod naman na pumunta sa harap si Miggy, kahit di pa siya tinatawag. "Di ka pa namin tinatawag Yellow" pagpuna sa kanya ni Green. "Naiihi na ako, kaya unahin niyo na ako" seryosong sabi niya. Agad niyang kinuha yung dilaw na Box at parang walang pake sa tatlong binuksan to. "Nice, Tirador"  "Hindi lang basta Tirador yan, iba ang bala niya--" hindi pinatapos ni Miggy sa pagpapaliwanag si Green. "Alam ko, nakikita ko di ako bulag. Mga bulitas lang ata to" inangat niya yung plastik na may mga bala. "Pag naubos, kunin ko bulitas na nakalagay sa t**i ko" What the Heck! "Hoy naruto ang bastos mo!" sigaw ni Teroy. "Malaki lang ang akin kaya nilalagyan ko ng bulitas" nakatingin siya kay Teroy. "Sige na mga boss, CR lang ako naiihi na talaga ako" sabay labas nito. "Magsasalsal kalang eh, Gago!" sigaw ni Teroy na naka, dirty finger pa sa nagmamadaling lumabas n si Miggy. Ang lakas nanaman ng tawanan, kasama narin ako siyempre. Ang saya talaga nila kasama. "White" tawag ni Green sa kanya. Halatang paborito si Leeford ng gagong to, may gusto rin ata. Nakangiti kase kung tawagin niya at ang malumanay. Inabot niya yung medyo maliit lang din na box na kulay puti. Wala ng natitirang box sa lamesa! Binuksan niya yun at nailabas nito ang isang itim na lagayan. Anong laman nun, tapos binuksan niya yung lagayan na may guhit na parang puting ulo ng robot. Isang ballpen!  "Pwede mong magamit yan, once magsimula ka ng magplano sa misyon ng grupo" pagpapaliwanag ni Red. "Tss.. Hindi lang to isang ballpen right?" namangha si Red sa sinabi ni Leeford. "Iba ka talaga" sabad naman ni Green. Hindi na sila pinansin ni Leeford, bumalik na ito sa upuan niya. "Okay sana nagustuhan niyo ang munti naming regalo sa inyo" pagpapasalamat ni Kuya. "Pero maging responsable kayo, gagamitin niyo lang yan kung kinakailangan" paalala ni Red. Lalong naikunot ko ang kilay ko dahil sa aking nariringig! How about me! "Paano ako!" nakuha ko ang atensyon ng lahat. "Bat wala akong, armas"tanong ko pa sa kanila. Nginitian ako si Green at Kuya, habang si Red naman ay kumuha ng Tisa at tila may sinusulat sa pisara. "Dahil ang armas mo ay...." Sinulat niya sa pisara ang tinutukoy niyang armas ko, sabay bigay ng malaking ngiti sa akin. Nagsimula yung praktis namin laban sa tatlo. "Walang gagamit niyang mga armas" paalala ni Green. "Ang rules, unang bumagsak sa sahig..talo na" "Bat nakasimangot ka?" tanong ni Brenth sa akin. "Kase naman, kayo may mga ganyan" nakanguso kong sabi. "Tapos ako wala" sabi ko ba. "Mas malakas nga yung armas mo eh, dapat kame ang maiinggit" sabi niya. "Magtiwala kalang" sabay tapik niya sa akin. Pagkatapos ay nagsimula na kameng pumwesto para sugurin ang tatlo. Nakagilid ang lahat ng upuan kaya malawak itong paglalabanan. Nasa harap silang tatlo, nasa gitna si Red. Nasa kaliwa si Kuya at nasa kanan si Green. Kaya napagusapan namin na maghati hati rin. Nakatapat si Rusty kay Kuya nasa likod niya si Teroy at Miggy. Nasa gitna naman si White sa tapat ni Red habang nasa likod niya ang kambal at si Whiterou. At sa hilera ko naman ay kasama ko si Brenth at Ogie, nakatapat kame kay Green. Ang senyales ng pagsugod ay pag nag alarm na yung phone ni Red na nakapatong sa mesa. Nagtaka ako sa ginawa ni Red, ikrinus niya ang kamay na tila ginawang pang Shield sa katawan niya. Si Green naman ay nakatingin sa bandang baba namin, sa sahig! Dun siya nakatingin. Si Kuya naman walang bago sa pagkakatayo niya, pero nakafocus ang tingin niya kay Rusty. Eto na! Nagalarm na yung cellphone! Nagulat ako ng bigla, gumilid si Green! At! Baggg! Yung paa niya ang kumilos, parang wiper ito na pinagsisipa ang mga tuhod namin! Ang resulta, bagsak kameng tatlo. "s**t!" nasabi ko nalang! Napatingin ako kay Green na ngiting ngiti. "Easy" sabi nito. Mula sa pagkakaplakda sa sahig ay nakita ko ang ginagawa ni Red. Gamit ang kamay na ginagawa niyang kalasag ay malakas niyang naitutulak sila White! Dahil plakda na kame sa sahig, bawal na kame kumilos. Biglang naglakad si Green sa gitna at! Yung ginawa niya sa amin ay ginawa niya kay Teroy! "Arayy" bagsak din agad to. Sumenyas si Red na wag siya makialam kaya naman umalis na to. Hindi makakuha ng tiyempo yung tatlong binabanatan si Red. Yumuko si Red ng sasapakin siya ni White, muntikan na! Pero sa muling pagtayo niya ay tinulak niya si Leeford gamit ang mga kamay nayun. Tumba si Leeford. Sinunod niya yung kambal, na parang di narin alam ang gagawin. Shett kaya ang resulata y bagsak. Nagkakatinginan kameng mga colos na bagsak na dito sa sahig at di makapaniwala sa pinapakita nila. "Ouch! Hoy Rusty!" inda ni Zach na natumaba na sa sahig. Bat niya sinisi si Rusty, kaya naman tinignan ko kaagad ang nangyayari. 'Woahhhh' Si kuya hawak mula sa likuran si Rusty na tila puppet na nakokontrol ni kuya ang kamay niya. What the Hell, anong klaseng tao tong tatlong to. Ngayon ay naghaharap si Miggy at Rusty, na kontrol ni Kuya ang mga kamay. "Ilag Miggy!" sigaw ni Rusty ng ikontrol ni Kuya ang mga kamay ni Rusty para sapakin si Miggy. Pero di nakailag si Miggy, kaya bagsak siya sa sahig. Pagkatapos nun ay nagulat ako sa ginawa ni Kuya, sinipa niya ang alakalakan ni Rusty. Kadahilanan para matumba siya. "Tangina!" bulyaw ni Rusty. Napabagsak nila kame halos ng di dumadapo ang mga kamao sa pagmumukha namin. Naglakad yung tatlo papunta sa harap na puno ng ngiti, si Green pinagtatawanan kame. "Dont mess with us" si kuya na nag peace sign pa kina Rusty. "Loko ka, ginamit mo ko" nakatawang sabi ni Rusty. "Di ko ineexpect yun, at ang lakas mo di ko maigalaw yung katawan ko parang naging puppet mo talaga ako" "Mga weak!" sigaw ni Green. Tapos tumitig pa sa akin, "Ano nalang pag makahanap kayo ng katapat na mas higit sa amin" "Wag mo na silang maliitin, ang mahalaga naipakita natin sa kanila.. Na di pa nila tayo kaya"  tinapik ni Red ang mga balikat ni Green. "Maupo na kayo, pag uusapan natin ang unang misyon ng grupo niyo" "Magkakaroon tayo ng schedule ng training para mas lalo kayong maging malakas" si kuya na may kinukuhang mga Folder sa cabinet ng mesa. "Hindi kayo mahina, mas naging maparaan lang talaga kame" dagdag niya pa. Inismiran naman siya nung Green. "Next week ay, Acquaintance Party ng buong secondary campus" pagsisimula ni Green. "Wednesday to be exact" si Ogie na tumayo pa. Officer nga pala siya kaya alam niya. "Ang misyon niyo ay magaganap sa araw na yan" si Red na pinupunasan ang eye glass. "Ha, paano naman kame mag eenjoy, mga girls sa party?!" pagrereklamo ni Zach. "Huwag kayong magalala sa araw rin nayan makilala kayo ng buong Secondary Campus" biglang pagsingit ni Green. "Pero depende sa magiging resulta ng misyon niyo" Parang masama nanaman ang pakiramdam ko sa misyon na to. "Pwedeng maging Hero ang killer Colos o maging mga makukulay na magnanakaw" tumawa pa ito. Lumapit si Kuya at isa isa niyang inabot sa amin yung kulay Brown na folder. "Nasa loob niyan ang misyon niyo" si Red na sinuot na ang salamin niyan. "Buksan niyo" "Golden Emblem ng DMA Secondary Campus" sabi ni Brenth na katabi ko. Anong gagawin namin? "Yan ang Golden Emblem ng DMA Secondary Campus na matatapuan sa Library" Naupo si kuya sa mesa sa tabi ng dalawa niyang kasama. "Ang kaylangan niyong gawin ay...." tumingin si Kuya kay Green. "Nakawin ang Emblem" sabi ni Green sabay humalakhak ng malakas. Wtf! COMMENT✍️ at VOTE⭐ "Ang update ko nakasalalay sa inyong komento" •TheSecretGreenWriter•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD