CHAPTER 04

2624 Words
Subdivision Scandal V Written By: TheSecretGreenWriter ✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️ •GANNY'S THROWBACK• ❤️ Natapos yung Colos Class mga alas otso ng gabi, sabay sabay kameng naglakad palabas sa lumang building. "Bukas, wag niyo kakalimutan" paalala ni Red. "Tungkol sa Colos Weapon ang topic natin" Sabado bukas, at may pasok nanaman kame sa klase nila. Nakita ko si Brenth sa gilid ng mga mata ko.  Agad ko siyang nilapitan. "Brenth" huminto siya. "Gusto ko magsorry regarding kanina sa Colos Q&A" naghihintay ako ng sagot niya. Habang nakahinto rin pala yung iba naming kasama. Napatingin naman ako sa lahat. 'Ginagawa ng mga to' "Pre, my boss.. Kakausapin mo na si Dennis?" si Whiterou na pumagitna pa sa amin ni Brenth at chinecheck yung phone na hawak ng kaharap ko. Ako na yung nahihiya sa pinagsasabi ni Hapon. "Hoy ikaw hapon! umalis ka nga diyan!" Hinatak ko siya papunta 'don sa ibang naghihintay. "Diyan  niyo nga yan, ingay ingay eh" "Naku naku, boss may usapan tayo" tumabi siya kay Leeford. "Diba White?" ginalaw galaw pa ni Whiterou yung kilay niya. "Libre mo kame diba" nagulat si Hapon sa sinabi ni Leeford sa kanina. "Sabi mo kanina" tila nagisip si Leeford. "Lilibre mo kame sa may tapsilog'an" "Hoy! Hati hati diba! Hoy Theo ambag ambag diba!" nginitian lang siya ni Theo. "Ano hapon.." lumapit sa kanya si Rusty. "Babackout kana ba sa pangako mo" naninindak yung boses niya tapos inakbayan niya si Whiterou. "Hoy Rusty, ano yan!" "Lagot ka Whiterou" Lumapit narin si Zach. "Tapos na ang pananakop ng mga Hapon.." "Hoy hindi kita tutulungan, bahala ka diyan!" ganting panakot niya kay Zach' na agad naman napakamot sa ulo! "Buhatin nayan!" biglang utos ni Gheo. "Kasya naman tayo lahat sa pick up kaya tara na Hahahaha" "Hoy! Hoy! Hoy!" Wala ng nagawa si Hapon ng pagkampi kampihan siya ng Colos. Naiwan kameng tatlo. Ako si Brenth at si Leeford. "Brenth.." pagbasag ko sa katahimikan. Tumingin naman siya sakin. "Wag mo na isipin yun" dirediretso lang kame dito sa hallway papunta sa garahe kung saan nakapark yung pickup  ng kambal. "Naiintindihan ko" pagtatapos niya sa usapan. Haist. Bigla ko tuloy naisip yung sinabi niya kanina sa Colos Class. "Bat pala di kayo natuloy mag resident sa America?" tanong ko ulit sa kanya. Kwento niya kanina sa harap namin ay, sa America na dapat sila talaga titira kasama ang mga magulang niya. Pero di niya naman sinabi ang dahilan, kung bakit di natuloy. "Yung kuya ko" pagsisimula niya. "May nagawang kasalanan sa parents ko" dagdag pa niya. "Aanong kasalanan?" sana hindi siya mainis sa mga tanong ko. "Hindi ko alam" matipid na sagot niya. "Basta pagkatapos maipanganak ng bunso naming kapatid" medyo natahimik ulit, tanging yabag sa daan ulit nalang ang naririnhig naming tatlo. Pati yung ingay ng mga gago sa unahan. "May kasalanan daw na dapat ayusin ang panganay naming kapatid, hindi ko rin alam kung ano yung parusa sa kanya ng parents namin" pagpapatuloy niya. "Ibig sabihin wala ang parents niyo dito sa Pilipinas?" ang dame kong tanong, sana  talaga di siya mainis. "Ou, naiwan kame dito" sagot niya habang nakatingin lang sa pathway. "Yung kuya ko tinetrain siya ngayon nung family lawyer namin, para pagkatapos niya ng college siya na ang mamalakad sa family company" "Baka yun yung parusa?" "Ata" "Yung bunso mong kapatid bat siya nasa Bicol?" paguusisa ko. Kita kong napangiti siya. "Interisado ka ba sa kapatid ko?" natatawang sabi niya. Pati si Leeford tumatawa rin. "Uy hindi ahh" agad kong pagtanggi. "Mamaya ka sakin, may itatanong rin ako sayo" baling ko naman kay Leeford. "Hindi namin siya kayang alagaan, bata  pa ako 'non" patuloy na sagot niya. "Kaya no choice, iniwan muna sa pangangalaga ng Lolo't lola namim si Dennis" Pagkatapos nun ay parang naawa ako kay Boy Allien, hindi siya lumaki kasama ang magulang niya at mga kapatid niya. "Pero pagkagraduate niya ng elementary, dito rin siya magaaral ng High School, sa DMA  mismo" Ahhhh binabawe ko di na ako naawa sa kanya. Pagdito yun magaaral. Ipapakita ko sa kanya kung sino ang sinigaw sigawan niya. "Hoi, anong iniisip mo" nagulat ako ng ihawi ni Brenth ang kamay niya sa mga mata ko. "Wala, sabi ko cute ng kapatid mo" 'Ang Cute Tirisin.' Bumusina na yung pickup truck ng kambal. Napag usapan kanina na kakain daw sa tapsilogan. At Libre ni Hapon. Pagdating namin sa pwesto ay nasa labas pa yung anim. Pink, Silver, Indigo, Yellow, Blue at Orange. "Antagal niyo naman po mga Boss" pagrereklamo ni Whiterou. "Buti kung kayo manlilibre eh" sabi pa niya padabog na pumasok sa loob ng pickup. "Hahahah drama mo Boy, samahan nalang kita diyan Hahaha" sumunod sa loob si Zach. "Paano bayan isa nalang kasya diyan sa loob, sa harap ako kasama si kambal"  naghihintay na tanong ni Theo. "Sa likod nalang kame" sagot ko. "Sa loob ka nalang Ogie" turo ko kay Ogie na parang nagtataka bat siya ang pinapapasok ko. "Hala, bat ako' sasamahan ko si Brenth.. sa likod nalang din ako" pagtanggi niya. "Oi Miggy kaw nalang, sa loob" "Ayoko, may bading at may pachupa sa loob" nagtawanan kame sa labas,Haist. "Hoy naringig ko yun Naruto!" sigaw naman ni Whiterou. "Hoy Miggy anong, pinagsasabi mong pachupa!" dumungaw naman si Zach. "Ingay!" sita ni Silver. "Tara na dito Lucas" nauna na siyang umakyat sa likuran ng pickup. Sumunod naman agad si White sa taas. Kameng apat nalang nandito sa labas, nagiinarte si Ogie. "Hoy Miggy! Dun kana sa loob" pilit siyang pinapapasok ni Ogie. "Sa loob ka o ako ang papasok sa loob" biglang nagsalita si Brenth habang nakatingin kay Ogie. Nabitawan naman nito si Miggy. "Ayaw mo ko kasama diyan sa likod?" nakangusong tanong ni Ogie. "Ayoko, bat ba ang kulit mo" asar na asar din si Brenth. "Sige sa loob nalang ako" malungkot na sagot niya. Anyare dun? "Tabe nga!" pagpapaalis niya kay kay Naruto. Pumasok agad siya at sinara ang pintuan. Pagkatapos nun ay umakyat narin kameng tatlo sa open space na likod ng pulang pickup truck.  "Lakas ng tama sayo ni Ogie" tanong ko kay Brenth. "Ewan ko dun kinukulit ako, punta daw ako sa Clubhouse sa loob ng subdivision" sagot naman ni Brenth. Nakapwesto kameng tatlo sa kanang gilid sa kabila naman yung dalawa. Magkaano ano ba talaga silang dalawa. Kwento kase kanina ni Rusty matagal na silang magkakilala ni Leeford. "Baka gusto kalang talaga maging kaclose, tulad nga ng sabi niya.. Pareho kayo ng subdivision" si Rusty na nakaharap sa amin ngayon, habang yung katabi niya naman ay nakatingin sa daan. "Tulad ng sa inyo?" lumipat si Brenth sa gitna yung likod mismo nung Pickup at dun siya naupo. "Matagal na talaga kayong magkakilala?" Si Leeford lumingon siya ngayon sa amin. "Kababata ko si Leeford, actually my Boss" Di ko maintindihan yung sagot ni Rusty sa tanong ni Brenth. "Anak siya ng dating personal guard ng daddy ko" sagot naman ng kaninang tahimik na si Leeford. "Nangako si Dad na siya ang mag aalaga kay Rusty, simula ng mawala.." tumingin muna si Leeford kay Rusty. "Simula ng mamatay ang tatay ko" medyo naging malungkot yung mukha ni Rusty. "Wala na kase akong nanay, sumama na sa ibang bahay kasama ang mga stepbrother.. sister ko" Ibig sabihin anak siya ng tatay niya sa isang babaeng pamilyado? "Pwede ba namin malaman anong kinamatay ng tatay mo?" tanong ulit ni Brenth. Nice, hindi na ako mag eefort mag tanong kay Leeford. "Namatay ang tatay niya para mailigtas ang tatay ko"  mabilis na sagot ni Leeford. "Tulad ng tatay ko, handa kong ibuwis ang buhay ko para sa taong  'to" sabay akbay niya sa kanyang kaibigan. "Kapatid na ang turing namin sa isat isa Hehe" nakangiti man, pero ramdam ko ang lungkot sa mga mata ni Rusty. "Pero hindi ko hahayaan 'yon" pagsasalita ni Leeford. "Hindi ko hahayang mapahamak ang taong mahalaga na sa akin" tumingin rin siya sa kaibigan at tinusok ang noo nito gamit ang kanang hintuturo. "Tss.." "Basta naka program na akong ipagtanggol siya" nagtitinginan pa silang dalawa na tila di makapaniwala sa sinasabi sa isat isa. "Hanggang kamatayan, kahit sa inyo.Handa ko siyang ipagtanggol" Nakakatakot naman to. "Tss.. Huwag mo silang takutin baka maniwala" natatawang sabi ni naman ni Leeford. "Wag mo silang lokohin, baka sayo maniwala" nakangising sabi ni Rusty kay Leeford. "Haha" maikling pagtawa ni Rusty. Pagkatapos ng usapan na 'yon ay bumalik kame sa pagiging tahimik hanggang sa nakarating kame sa isang kainan. 'Chades'  Buti may bakanteng upuan, sakto umalis yung mga kakatapos palang kumain. Pero pinagtitinginan kame dito. Siguro dahil sa mga kulay ng buhok namin. Hindi tulad sa eskwelahan ay wala pa halos nakakakita sa amin. Dahil sa unang linggo palang ay di kame pumapasok ng klase, sa 'Colos Class' palang talaga. Kasama ang mga feeling teacher. "Anong order po Sir" lumapit yung babaeng may hawak na papel at ballpen sa amin. Mababakas mo ang kilig sa mga mata niya, tila nasisiyahan siyang pagmasdan ang aming pagmumukha. Pati yung ibang tao ay nagtitinginan sa amin. Saang lugar ba to, at bakit dito kame kakain. Pwede namang sa magagarang restaurant bat dito pa. Tinignan ko si Whiterou, "Hoy Whiterou nagtitipid ka 'noh!" tumingin lang ulit ako sa paligid. "Bat dito?" "Hoy pwede ba huwag niyo kong tinatawag sa pangalan kong yan, ang haba!" pag iinarte niya. "Bat anong gusto mong itawag sayo, Hapon, mananakop o pink Hahaha" pangaasar sa kanya ni Zach. "Teroy" seryoso yung mukha niya. "Yang tawag ng mga nakakakilala sa akin, kaya umpisa ngayon tawaging niyo akong Teroy" Gusto kong matawa, Teroy? What the fvck Hahahahaha. "Pambading ang Teroy.. Hahahahaha" halos magkagulo yung lamesa sa ingay namin kakatawa sa banat ni Zach kay Whiterou. "Ikaw bahala ka sa buhay, magpasuso kalang dun sa baklang teacher Bwahahaha" ganti naman ni Teroy. Pfffch. Teroy na tuloy tawag ko sa kanya. "Pre naman di kana mabiro, Heheheh sorry na Baby Teroy" Nilambing lambing pa nito si Teroy. Tapos parang tanga rin an nagpapalambing si Hapon, Ewwwww bromance yaks! "Sinong teacher pala tinutukoy mo Zach" biglang paguusisa ni Gheo sa kanya. "Yung Math teacher, si Sir Renales" sagot naman nito. "Hahahahahahahahahahah" tumawa si Gheo, tinignan ang kambal niya at nagapir silang dalawa. "Seryoso pumatol ka dun" "Di ko na kailangan magpaliwanag sa inyo, That's me.. kaylangan ko ng pera at kaylangan kong pumasa sa Math" nakangiti siyang nagpapaliwanag. "Ahh mga Sir" lahat kame napatingin dun sa babaeng kanina pang nakatayo, parang naiinis na ito. "Isa isa na pong tinataob yung bilao" tinuro niya yung mga maliliit na bilao na may nakasulat na mga menu.   "Hehe okay lang ate, hindi naman po namin kaylangan yung bilao" agad namang sagot ni Zach. "Ang ibig sabihin po niyan Sir, pagnakataob na yung yung bilao" dahan dahan siyang lumapit ng husto sa mesa namin. "Hindi na po available yung nakasulat, at nakikita niya..Lechon Rice nalang po ang available" mabilis na pagsasalita niya. "At kung hindi po kayo oorder, pwede po umalis nalang kayo!" sigaw nito. Pero tumawa lang kame. "Patay, lechon with rice nalang daw" nagsalita si Whiterou. "Gutom na ako, okay nayan" sambit naman ni Zach na hawakhawak ang tiyan. "Sige ate paorder po" lumapit si Teroy sa babaeng nag aasikaso. "Wag ka na magalit, nawawala yung ganda mo eh" Tumingin pa samin si Teroy na kumindat, binobola niya yung babae. "Hindi naman po Sir, sorry din po' magsasara narin kase po kame mamaya" sagot naman ng babae. "Bale po sampung set ng Lechon with Rice" sinusulat niya. "With egg ate ah" pahabol ni Hapon. "Ate penge sabaw" pakikisuyo naman ni Zach. "Meron po ba kayong Ensaladang Mangga't kamatis?" napatingin ako sa katabi ko, kay Miggy. What hanggang ngayon mangga parin! Tsaka anu 'yon? "Meron po Sir, may bagoong po ba?" Nagulat ako ng biglang tinanong nung babae si Miggy. "Yes please, large" namamangha ako sa inorder niya. "Count me in ate sa ensalada" nakataas kamay si Ogie. "Brenth gusto mo, masarap 'yon" nakangitong tanong niya sa taong kaharap niya. "Huwag na" sumimangot si Ogie. "Hihingi nalang ako sayo" tapos biglang bumalik yung ngiti niya sa mga labi. "Ako din ate" sabi naman ni Rusty. "Ate, sampung order na nga rin niyang ensalada. Hoy pinapahirapan niyo si Ate!" sigaw ni Teroy sa amin. "Tatlong 1.5 na softdrinks narin, penge ice ah" Umalis yung babaeng sobra ang ngiti sa labi, pero di parin maalis sa isip ko. Ano yung ensalada na mangga at kamatis. Dumating yung sampung baso na may hawakan, ang laman pala nun mga sabaw. Masarap yung sabaw, si Zach nga pansin ko naka tatlong ulit humingi eh. Ako nahihiya. Ilang minuto lang din ay dumating na yung Lechon Rice, may kasamang sarsa narin.  Sumunod na hinatid yung mga softdrink at baso na may yelo. At ang pinakahintay ni Miggy. Ensaladang Mangga't Kamatis.  Parang wala namang espesyal dun sa ensalada, pero si Miggy ang saya niya. Nagsimula na kameng kumain, pinagtitinginan kame ng mga tao dahil sa kaingayan namin. Hangang sa tapos na ang lahat kumain, masarap yung pagkain. Yung sabaw, kanin at yung pagkakaluto nung lechon. "Antagal naman ng mga payaso kumain, alam naman nilang may mga naghihintay para sa pwesto" 'Payaso?' Unang pumasok sa isip ko ay ang sarili ko, agad akong napatingin sa taong nagsalita. Nasa kalsada siya, isang lalaki na siga ang pagkakatayo at ang talim ng pagkakatitig sa akin. Marami sila, at kung kikilatisin mo ay mga basag ulo. "Tinitingin tingin mo" puna niya sa akin. Lalo ko siyang binigyan ng masamang tingin. "Ganny" tinawag ako ni Theo, sumenyas siya na hayaang ko nalang daw. Sinunod ko naman siya at dahandahan na kameng nag ayos para umalis. "Natapos din ang mga bading, magkano kaya pasalon nila sa mga buhok nila noh" nagtawanan sila, malakas, malutong at nakaka insulto. "Huwag niyo nalang pansinin" Nanguna si Gheo sa paglalakad patawid. Naiwan si Teroy na nagbabayad sa counter. Nakalampas naman kame ng matiwasay, dumeretso sila sa may pick up na nakaparada sa kabilang kalsada. Pero napahinto ako ng makaringig ng pagkalansing ng mga barya na nahulog sa kalsada. "Ahh sorry, gomen-nasai.."  na iniyuko pa ang mga ulo sa lalaking nabangga niya. Agad siyang yumuko para pulutin yung mga barya ng biglang, Sinipa ng lalaking kaninang nakatitig  sakin ng masama si Teroy! "Di ka tumitingin sa dinadaanan mo, natakpan na ata niyang kulay bakla mong kilay ang mata mo Hahaha" nagtawanan ang mga ito. Agad akong lumapit kay Teroy at inalalayan siya. "Ohhh andito na yung payaso, hahaha Happy Pride month!" tinignan ko siya ng masama. "Bakit, kakasa ka?" tanong niya. Agad niya akong hinatak at hinila ang kwelyo ng aking damit. Bigla kong inuntog ang nguso niya gamit ang ulo ko.  Hindi niya ako binitawan, pero napadugo ko ang nguso niya. "Gago ka ah!" Sasapakin niya ako ng biglang may humarang sa mga kamao niya. "Hindi masaya kung pagkakaisahan niyo sila, isali mo kame" nakipagtitigan ni Rusty sa lakaking nakahawak sakin ngayon, habang hawak niya ang kamay nito. Binatawan na ako nung lalaki, itinaas nito ang kanang kamay. Kaunod nun ang paglapit ng hindi kumulang sa Doseng mga lalaki. Mula naman sa gawi namin ay nagsilapitan ang mga kasama ko. At seryoso rin silang nakipagtitigan sa mga sanganong nasa harapan. "Handa na ba kayong mamatay?" agad niyang nabawe ang mga kamay kay Rusty. "Kayo, handa na ba kayong makulayan" tanong naman ni Rusty. Hahahahahahahah Nagtawanan yung grupong nasa harap namin. "Mukhang magkukulay ata ang mga bading sa salon" umakto pa ang mga to na parang mga bakla. "Ayyyyyyyy kaloka sis" "Ibig niyang sabihin, handa na ba kayo makulayan ng dugo. Tss.." biglang sabi ni Leeford na tumabi kay Rusty. "Hindi niyo kame kilala" Si Zach na inalalyan si Teroy na parang nanginginig pa. Medyo nasisiyahan na ako sa nakikita ko, eto ang gusto ko. Isang totoong laban. Humakbang narin ako paharap, kung saan nakapwesto si Rusty at Leeford. "Kame ang Killer Colos" Sagot ko sabay, sinimulang sapakin ang lalaking sumipa kay Teroy. COMMENT✍️ at VOTE⭐ "Ang update ko nakasalalay sa inyong komento" •TheSecretGreenWriter•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD