CHAPTER 21

2408 Words
••• Dennis Hindi ako mapakali dahil sa desiyon ko kanina, tama kaya ang mga salitang lumabas sa bibig ko kanina? Masyado ba akong marahas, masyado ba akong masama, nangangailangan siya ng tulong ko. PogiBeyb❤️ PogiBeyb❤️ Good morning, late na ako nagising. Me: Tanghali na pogi. PogiBeyb❤️ Videocall tayo. *Di ko alam irereply, baka kase makahalata siya sa ayos ng mukha ko.* Me: Eh panget ko. Naun e. PogiBeyb❤️ Dali na bago ka pumunta sa kanya. O___0 Me: Lucario, anu nanaman to. PogiBeyb❤️ Hmm Kinausap ako ni brenth. Me: Ayoko pumunta. PogiBeyb❤️ Di ako magagalit pramis. Me: Lucario, di mo masasabi yan. Paano kung trap to. PogiBeyb❤️ Ako mismo susundo sa'yo ron. Sige na. May sakit daw eh. Bigay mo na yung isang araw na nanalo siya sa akin. Me: Ayoko. PogiBeyb❤️ Tss. *Habang nagiisip ng isasagot sa singhal niya sa chat ay..* BIGLANG BUMUKAS YUNG PINTO. "Pupunta ka" my pagkaboss na sabi ni Lucario. Kasama niya si Kuya Brenth nakatayo sila sa may pintuan. Haist! Lumapit ako sa kanya, hinatak ko siya paupo sa kama. Kinuha ko ang tuyong tuwalya at pinunasan ko ang buhok niyang basa. Ngayon ko lang din napansin na basang basa ang buong katawan niya. "Ano bang ginagawa mo, ikaw tong magkakasakit eh" kita ko naman ang bahagyang ngiti na namumutawi sa labi niya, "Haist, tatawa ka pa" binato ko sa kanya yung tuwalya at lumayo ako sa kanila. Tumingin ako kay Kuya. "Kuya naman eh, bat mo sinabi sa kanya" inis na hayag ko, umiwas ng tingin si Kuya, Haist at parang ako yung sobrang bigat ng iniisip dito ngayon. "Ipagluluto mo lang naman siya, at papainumin ng gamot" nagsalita si Kuya Brenth, "Bakit ano bang iniisip mong gagawin doon" "Luh, parang ginawa akong katulong at Nurse" nakasimangot kong sabi. "Lucario, sabihin mo kay Kuya Brenth, di ako pwedeng pumunta kase magseselos ka.. dali!" "Brenth ayoko siyang papuntahin" Biglang sabi ni Lucario kay Kuya, Masaya akong lumapit kay Lucario, "Pero wag kang makokonsensiya pag may mangyari sa kanyang masama ah" sabi nito sabay tusok sa noo ko. Bigla akong napaisip. Gaano ba kalala kalagayan ngayon ni Ganny? "Lucario.." "Hindi ka magagawan ng kalokohan 'non, dahil may sakit siya," sabi niya. "Mas malakas ka, pag may ginawa sayo.. pakitaan mo ng skate moveset attack mo" kumindat si Beyb, tapos niyakap niya ako. "Sige na umuwi ka na White kung di mo mapapakiusapan yan," sabi ni Kuya na tumingin sa akin. "Bunso, dahil sa nakikita kong pagiging showy diyan sa Lucario mo, Banned siya dito sa bahay" "Brenth.." di makapaniwala si Lucario. "Kuya!" "Sige na tama na yang yakapan, magvideocall nalang kayo mamaya" namagitan si kuya sa amin at pinaghiwalay niya kame sa pagkakayakap sa isat isa. "Ou na!" Napakamot pa ako sa batok ko, "Nakakainis naman eh" "Anong ou na?" tanong ni Kuya. "Pupuntahan ko na si Ganny" nakangusong sabi ko, napatingin ako kay Lucario. "Wala akong gagawin, pagluluto ko lang siya at papainumin ng gamot" parang sundalong sabi ko. KAHIT andami mong ginawang nakakainis sa buhay namin namin nitong mga nakalipas, pasalamat ka mabait parin sayo ang Kuya ko at Boyfriend ko. Haist.. ❤️❤️❤️❤️ Mas lalo akong naiinlove kay Lucario sa pinapakita niya. Hindi siya nagseselos basta basta, tapos kaya niyang magtiis kahit ako.. ay papunta ngayon sa bahay ng ex ko na ako lang daw ang gustong makita ngayong may sakit. "Lucario, basang basa kana" pagpansin ko sa kanya, habang paalis na kame sa bahay at papunta na sa Subdivision kung saan nakatira sila Ganny. Nakamotor lng siya at kame naman ni Kuya ay nasa kotse, nakasilip ako sa bintana. Tumango lang siya, sumenyas na susunod lang sa direksyon ni Kuya. Haist, baka siya pa magkasakit eh, walang suot na maayos na protective gear. Nakahelmet lang siya. Ibinaba ko  na ang bintana at nagsimula narin si Kuya magdrive. ••• Leeford Pabangon na ako ng makatanggap ako ng tawag mula kay Brenth. Gusto kong hindi pumayag sa sinasabi niya, pero sa tono kase ng pananalita niya ay kailangan talaga. Nasa bahay ako ng magulang ko ngayon, pero nasa batanes sila may inaasikaso. Agad akong pumunta sa kusina pagkatapos kong maghilamos at magsipilyo. Alas onse na, kaya naman nadatnan ko si Dwife na kumakain na ng pananghalian. "Good morning" bati niya sakin. "Punta ko ngayon sa bahay nila Dennis" paalam ko sa kanya. "Ang sweet kahit bumabagyo, dadalaw" "Tss.." kumuha ako ng isang tinapay at pinalaman ko yung tirang ham na almusal niya ata kanina. Yun lang ang kinain ko at kinuha ko lang helmet. Wala ang kotse ko rito, nasa sarili kong bahay. Paglabas ko ay kita ko nga ang rumaragasang ulan, Tss.. Ulan kalang si Lucario ako. PAGDATING sa bahay nila ay pinark ko lang sa labas ang motor ko, napangiti nalang ako ng mapansin basa na ang sarili. Sumilip ako sa balkonahe ng kwarto niya, pero walang tao. Bukas yung glassdoor, pero di siya nakatambay. Anu kayang ginagawa. Bumukas yung gate at bumungad si Brenth, "Pasok" aniya. Na isinukob ako sa dalang payong. Ipinatong ko yung helmet sa pasimano sa terece ng bahay nila. "Basang basa ah, di ka nagkapote" pagpuna ni Brenth. "Di pa kase ako naliligo, para di pansin ng kapatid mo pag nakita ako" napangiwi nalang siya sa sinabi ko. "Asan siya?" tanong ko. "Nasa kwarto niya, chat mo sabihin mo videocall kayo" sumangayon naman ako sa sinabi ni Brenth. Buti wala sa sala ang mga kapatid  niya, lahat daw nasa kanya kanyang silid. Pagkarating sa harap ng pinto, ay sinimulan ko siyang ichat. Tss.. Wala ring chat ah, may iniisip to. BekiBeyb Me: Good morning, late na ako nagising. BekiBeyb Tanghali na pogi. PogiBeyb❤️ Videocall tayo. Typing.. *Tss, tagal mag isip ng irereply ah Dennis.* BekiBeyb Eh panget ko. N aun e. *Ikaw ang pinakamagandang baklang nangyari sa buhay ko Dennis, higit pa sa mga babaeng naging parte ng puso ko* Me: Dali na bago ka pumunta sa kanya. *Hindi ko na pinatagal pa ang pakay ko, nasisiguro ko naman na alam niya ang tinutukoy ko* BekiBeyb Lucario, anu nanaman to. Me: Hmm Kinausap ako ni brenth. BekiBeyb Ayoko pumunta. Me: Di ako magagalit pramis. *Di ako magagalit sayo alam ko namang wala ka ako dapat pang isipin, alam kong di mo na siya mahal* BekiBeyb Lucario, di mo masasabi yan. Paano kung trap to. Me: Ako mismo susundo sa'yo ron. Sige na. May sakit daw eh. Bigay mo na yung isang araw na nanalo siya sa akin. BekiBeyb Ayoko. Me: Tss. Nakasilip naman si Brenth habang kachat ko ang kapatid niya. "Ayaw talaga" sabi ko. "Buksan mo yung pinto, sabihin mo sa kanya pumunta siya, sindakin mo"sabi niya. Agad ko naman binuksan ang pintuan na hindi nakasara, kita kong tulala siya Tss. "Pupunta ka" may tronong sabi ko sa kanya, nakatingin din ako sa kanya ng seryoso. Inis itong lumapit sakin, hinatak ako at parang unan na ibinagsak sa higaan niya. So wild this boy. Walang imik imik na kinuha niya ang tuwalya niya at pinunasan ang buhok ko, medyo basa kase 'yon ng magtanggal ako ng helmet. Pinagmasdan niya rin ang buo kong katawan. "Ano bang ginagawa mo, ikaw tong magkakasakit eh" napangiti ako sa sinasabi niya, nagaalala siya sa akin.  "Haist, tatawa ka pa" bigla niyang binato sakin ang tuwalya. Sungit. Ibinaling niya naman ang tingin sa kuya niya. "Kuya naman eh, bat mo sinabi sa kanya" makikita mo ang pagkadismaya sa mukha niya. Parang problemado tuloy ang beyb ko. "Ipagluluto mo lang naman siya, at papainumin ng gamot" sabi sa kanya ni Brenth. Tss... Lang? Mas gusto ko pang dito lang sana siya at ako ang ipagluto niya, kaso nakakahiyang kontrahin si Brenth. "Bakit ano bang iniisip mong gagawin doon" parang nangaasar na  paalala ni Brenth. "Luh, parang ginawa akong katulong at Nurse" nakasimangot na sabi ni Dennis. "Lucario, sabihin mo kay Kuya Brenth, di ako pwedeng pumunta kase magseselos ka.. dali!" Salamat dahil mas iniisio mo ang nararamdaman ko Dennis, mas lalo kitang minamahal dahil sa nakikita kong pagpapahalaga sa mga puso kong naibigay sa'yo. "Brenth ayoko siyang papuntahin" Nasabi ko nalang bigla sa sobrang saya. Agad naman lumapit sa'kin si Dennis. Pero kailangan kong ibalanse ang sinasabe ko, dahil nakikita ko ang medyo pagkadismaya ni Brenth. "Pero wag kang makokonsensiya pag may mangyari sa kanyang masama ah" Tumingin ako kay Dennis at tinusok ko ang noo niya ng mahina. At ngayon nakikita kong nag iisip na siya, magbabago ang isip niya dahil sa sinabi ko. Pero sige, basta huli na to. Pagkatapos nito Ganny, di na ko papayag na makalapit ka kay Dennis. "Lucario.." "Hindi ka magagawan ng kalokohan 'non, dahil may sakit siya," sabi ko naman, na parang binabawe ang sinabi ko kay Brenth.. "Mas malakas ka, pag may ginawa sayo.. pakitaan mo ng skate moveset attack mo" Kinindatan ko siya at niyakap, mga basic skate na tinuro ko sa kanya. Banatan niya ang lalaking 'yon, pag kinulit siya. "Sige na umuwi ka na White kung di mo mapapakiusapan yan," Hindi ko alam ang sasabihin, dahil parang sinukuan na ni Brenth ang pakiusap niya sa akin. "Bunso, dahil sa nakikita kong pagiging showy diyan sa Lucario mo, Banned siya dito sa bahay" "Brenth.." Di ako makapaniwala sa sinasabi niya, bat naman gan'on. "Kuya!" "Sige na tama nayang yakapan, magvideocall nalang kayo mamaya" lumapit si Brenth at pinaghiwalay kameng dalawa. "Ou na!" inis na napapakamot sa batok niya si Dennis. "Nakakainis naman eh" "Anong ou na?" tanong ni Brenth. "Pupuntahan ko na si Ganny" nakangusong sabi niya, na agad  naman akong sinulyapan. "Wala akong gagawin, pagluluto ko lang siya at papainumin ng gamot" parang sundalong sabi niya sa akin. NATAPOS ang usapan ng pumayag si Dennis. Agad itong nagayos ng dadalhin niya. Ihahatid namin siya ni Brenth. Naka sasakyan sila, sakay naman ako ng Motor. "Sama kana sa loob" pagtukoy niya sa loob ng kotse, ginusot ko lang buhok niya. "Magmomotor lang ako, sige na pumasok kana" utos ko sa kanya. Agad naman siyang sumunod, ako naman ay sinuot na ang helmet at lumabas, nasa tapat kase nila ang motor ko. "Lucario, basang basa kana" nakasilip siya sa bintana ng kotse. Tinanguan ko lang siya, sinenyasan ko rin si Brenth na nakasunod lang ako. Maya maya ay ibinaba niya na ang bintana, at nagsimula na silang lumarga, nasa likod lang ako nakasunod. ••• Ganny Alam kong masyado masama na tong ginagawa ko, ang hindi pagkain at paginom ng gamot. Hindi lang sa sarili, pati narin sa dalawang nagbabantay sakin na halos di na magkandaugaga. Ganun parin ang nararamdaman ko, walang pagbabago. Pakiramdam ko patay ang katawan ko, pero nagaagaw buhay ang diwa ko. Nariringig ko ang paguusap ng dalawa, walang maganda. Wala akong makitang pagasa. Hinayaan kong malagyan nila ang ng basang bimbo ang aking noo, dahil pag nagmulat ako baka kulitin nanaman nila ako para kumain at uminom ng gamot. "Pre punasan mo na si Ganny Boy," ringig kong utos ni Theo kay Teroy. "Hoi pre di ako bakla ah!" sigaw ni Teroy, kainis lalong sumasakit ulo ko sa sigaw niya. "Ano kase pre, tignan mo nga yan nakabrief lang, baka picturan mo pa ako habang pinupunasan yan" "Hays, naisip mo pa talaga yan!" sigaw naman sa kanya ni Theo. Nakabrief lang talaga ako, mas gusto ko ang ganito habang nakakumot ng makapal. "Pre papuntahin nalang kaya natin dito si Maurene" suhestiyon ni Teroy kay Theo. "Kasama siya ngayon ni Gail eh, ako na susundo tapos bantayan mo si Ganny.." Fvck! "Sige pre, no choice na tayo, gusto ko narin muna umuwe kase ng bahay" pagsangayon naman sa kanya ni Theo, nawawalan na ako ng pagasa sa nariringig kong paguusap nila. "Tsaka Fiance niya naman si Maurene diba, kaya alam ko mauunawaan naman tayo ni Ganny," ringig ko ang pagtayo nila mula sa sofa, "Tawagan ko na si Gail" "Sama ako sayo pre, kuha ako prutas sa ref baka magising si Ganny, maghanap ng makakain" ani ni Theo. GUSTO KO TUMAYO PARA PIGILAN SILA! Pero pagsara nalang ng pinto ang nakita ko pagalis ko ng kumot. Tangina talaga, buysit na buhay to, wala na, wala na talagang pagasa. Pagwala talagang dumating ngayon, ititigil ko na ang kahibangan na 'to. Shet! Nakaidlip pala ako ulit, napatahimik ako dito sa loob ng kumot dahil sa mga mumunting paguusap na nariringig ko mula sa labas. Damn! Andito na ata si Maurene! BUMUKAS YUNG PINTO. Pakiramdam ko andami nila. Buysit dinala ata ni Teroy mga pinsan niya dito sa bahay! "Yan, nakaganyan lang siya" ringig kong sabi ni Theo. "Di ko alam kung buhay pa 'yan" Buysit buhay pa ako! Naringig ko nalang, ang yabag na papalapit sa akin. Ipinikit ko lalo ang mata, ko. Tangina nanghihina na talaga ako. Mukhang mamatay na talaga ako pag di parin ako kumain, lalo ring umiinit ang pakiramdam ko. Nagkaroon narin ako ng sipon, pakiramdam ko rin ang dugyot ko. Naramdaman kong may humawak sa kumot, mabilis niyang naalis yun, naaninag ko ang bahagyang liwanag sa kwarto. Isang pagdampi sa leeg at pisnge ko ang naramdmaan kong dumapo, bigla akong kinabahan sa kakaibang sensasyon ng palad. "Ang init niya," isang boses na lubos na nagaalala ang nagpatibok ng puso ko ngayon, hindi ko alam pero bigla akong nabuhayan! Agad kong minulat ang mata ko at..... Gusto ko maiyak sa nakikita ko! Si Krib, nakatingin siya sa akin at kita ko ang pagaalala. Bigla siyang napaatras gulat sa pagmulat ko. Yung lahat ng sakit, bigat at init na nararamdaman ko ay pansamantalang nawala! Maliksi akong bumangon sa higaan, at niyakap siya ng mahigpit. "Huppp" gulat na reakyon niya sa ginawa ko. "Dumating ka, nandito kana" masayang sabi ko, na muli nanaman nakakaramdam ng panghihina. "Nandito rin ang boyfriend" napatingin ako sa nagmamayari ng boses, bumungad sakin ang mukha ni Leeford seryosong nakatingin sakin. "Tss.. kala ko may sakit ka, daig mo lasing kung makasunggab" Galit tong lumapit samin at inihiwalay niya ako kay Dennis, wala na akong lakas kaya naman napabagsak ako sa higaan. "Ayos kalang" ringig kong tanong niya kay Dennis na nakasulyap parin sakin. "Ayusin mo nga yanh sarili mo," pagkatapos akong sabihan ay bumaling siya kay Teroy at Theo na nasa kwarto. "Ayusin niyo yang kaibigan niyo, wala naman palang sakit, nanunugod na nga ng yakap eh.. Iuuwe ko na si Dennis" Tila nahiya ako sa sarili ko ng maringig ang sinabi niya, naibalik ko ang kumot sa aking katawan. "Hindi ang boyfriend ko ang gamot sa sakit mo, mukhang malala kana, gamutin mo muna yang puso mo" °°° COMMENT✍️ at VOTE⭐ "Ang update ko nakasalalay sa inyong komento" •TheSecretGreenWriter•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD