CHAPTER 20

2973 Words
••• Dennis Wednesday | 10:00 am Hindi natuloy ang pasukan ngayong week dahil sa patuloy na malakas na pagulan. Wala namang bagyo, ayon sa balita. Nagsimula to kagabi, pagkatapos ng Welcome Party. Habagat lang daw ayon kay Mang Tani. Kaya nakakulong lang ako sa kwarto habang katabi si KribKrab, si Maulee hiniram naman ni Kuya Clifford. Nakapatay ang aircon, pero nakabukas ang pinto sa balkonahe, dinadama ko lang ang ihip ng hangin, at gusto ko masilayan ang kulay abong kalangitan habang pumapatak ang malakas na ulan. Binuhat ko si KribKrab at yakapyakap ko siyang binuhat palabas ng balkonahe habang nakabalot naman ang kumot sa katawan ko. Natigilan ako ng makita ko ang isang puting pickup sa tapat ng gate. Kasunod ang paglabas ni Kuya Brenth habang nakapayong. Pumasok si Kuya sa loob ng sasakyan na hindi naman umaalis, mga ilang minuto yun nakahinto bago bumaba si Kuya at pumasok ulit sa bahay. Bumusina muna ang sasakyan bago umalis. Di nagtagal ay may kumatok sa kwarto, bukas naman yon, pero ugali lang talaga nila kumatok pag wala akong ginagawang kababalaghan sa loob. Si Kuya Brenth ang inilabas ng pinto, na naupo naman agad sa may swivel chair na nakapwesto sa studytable ko. "Bunso" parang may kakaibang tono, sa pananalita niya. "Tungkol ba sa akin ang pinagusapan niyo sa labas?" hula ko lang naman ang tinanong ko sa kanya. Umiling siya "Pero medyo .." aniya. Parang nagiisip to kung magkekwento ba o aalis nalang, pakiramdam ko may nangyari 'eh. Ibinaba ko si Kribkrab sa kama at dun ko siya hinayaang humimbing. Lumapit ako kay kuya, umandig ako sa kanto ng studytable. "Tungkol ba 'ito sa kanya?" "May sakit daw si Ganny," dahan dahan siyang sumulyap sakin, na medyo nagaalala ang mata. "Pumunta dito si Whiterou at Theo, ayaw daw kumain at uminom ng gamot" Napasimangot ako pero naisip ko rin siya, Bat siya magkakasakit? Napatingin ako sa ulan, naalala ko bigla ng maghiwalay kame ng landas kagabi. Naulanan kaya siya? "Ikaw daw ang hinahanap ni Ganny" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya, nakamot ko ng bahagya ang aking tenga. "Alam ko may nagawang masama sayo yung tao, alam kong di kaaya aya ang ginawa niya kagabi.. pero tuwing naalala ko yung naging samahan namin, di ko matiis na magalala" sabi ni Kuya. Pinaslide niya ang swivel palapit sakin. "Kaylangan ka niya ngayon" Napaisip naman ako sa sinabi ni Kuya, "Paano kung nagkukunwari lang siya, paano kung.. may binabalak nanaman siya" "Paano kung totoong may sakit nga siya, kaya mo bang matiis ang taong 'yon?" "Kaya ko, sinasanay ko na ang sarili kong tatagan.." tila di siya makapaniwala. "Sa dami ng pinagdaanan ko, kaya ko na siyang balewalain" Napabuntong hininga si Kuya, "Well, 'di rin kita masisisi" tinapik ako ni Kuya, "Tawagan ko nalang yung dalawa, sabihin ko di ka pumayag" "Salamat kuya" Paglabas ni Kuya ng pinto, parang may parte ng isip ko na di nakapaniwala sa diretsong sagot ko kay kuya. Bat kase ako? May girlfriend naman kase siya, 'bat ako? ••• Ganny Tuesday | 09:00 pm "Salamat, dahil naiintindihan mong ayaw na kitang makita o makasama ng ganung katagal" Pilit kong inaayos ang lakad ko, ayokong makita niyang naapektuhan ako sa huling sinabi niya. Pagkalagpas sa mahabang pasilyo ay napaupo nalang ako sa malawak na parte, open space sa likod ng Gymnasium. Napasandal ako sa paanan ng isang malaking puno, pilit ko man pigilan pero nagtuloy na sa pag agos ang luha ko. Humahanga parin ako sa sarili ko dahil kahit sobrang sakit na, kinakaya ko parin na mahalin siya. Nangako ako sa sarili ko na galit nalang, pero tuwing nakikita ko siya ay mas lalo ko siyang minamahal, pag nakikita ko sila mas gusto ko siyang maagaw. Pero hindi ko alam, kung kaya ko pa. Nauubos na ang lakas ng loob ko para bawiin siya. "Bakit ikaw pa, bakit hindi nalang iba, bakit ikaw ang gusto ko, bakit ikaw ang buhay ko, bakit ikaw ang nagiisang laman nitong puso ko Dennis!" Naibato ko ang hawak kong coat, biglang lumiwanag ang kalangitan. Isang malakas na kulog na agad sinabayan ng kidlat ang kumalat sa madilim na paligid. "Sana tamaan nalang ako ng kidlat" naibulong ko sa aking sarili. Imbis na kidlat isang malakas na pagbuhos ng ulan ang tumama sa akin. Habang lumuluha ay tumitingala ako sa langit, pero tulad ng maitim na ulap na bumabalot sa kalangitan. Pareho naming naibabagsak ang tubig dala ang bigat sa aming puso. HINDI ko alam kung gaano na ako katagal nakalupasay sa bermuda grass habang sinasalo ang ulan. Ramdam ko na ang ginaw, nanunuot sa aking katawan, nakakapagod na pala. Ang sarap nalang mamatay. Halos di ko na alam kung may luha pa bang nalabas sa mata ko dahil sa basang basa narin ako ng tubig ulan, isa lang ang nasisiguro ko ngayon. Umiiyak ang puso ko.. Naipikit ko nalang ang sariling mga mata, at handa na akong ibigay ang sariling buhay sa maykapal. "Krab" nakikita ko siya sa aking harapan, may hawak na mangkok at tila ako'y susubuan ng sopas na laman 'non. "Krib.." "Ganny" namulat ako at nakaramdam ng bigo ng makita ko ang mukha ni Teroy. "Ganny, pre! Hoooy Theo gising na siya!" Gusto ko magsalita, pero ramdam ko ang sakit ng lalamunan ko, nilalamig din ako. Inilinga ko ang paligid, kahit bigat na bigat ang nararamdaman ko. Asan siya? Nakita ko siya kanina, malinaw na malinaw na narito siya sa tabi ko. Bigla kong nakita si Theo, ba't sila narito? Bigla kong naalala, ang alam ko ay nasa labas ako at nauulanan. "Pre.." si Theo, nakatulala lang ako sa kanya. May kinuha ito sa bibig ko, ngayon ko lang napansin na may nakasubong bagay sa akin. Sa nakikota ko ay thermometer 'yon. "38.9 ..ang taas" ringig kong sabi ni Theo. "Teroy kuha ka ulit tubig, ubos na tong kinuha mo kanina" pagkatapos at may kinuha siya sa noo ko. Bimbo 'yon. "Pre, kukuha lang ako gamot mo at pagkain mo ah" sabi niya, pero di ko siya pinansin. Hinahanap parin ng mata ko si Dennis, alam kong nandito siya kanina. Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, parang nahihirapan din akong tumayo, sobrang bigat ng pakiramdam ko at para akong ginaginaw pero ang init ng katawan ko. BUMALIK si Theo at Teroy, dala ang mga gamit at pagkain na di ko pinapansin. Inis kong tinatapon ang mga bagay na nilalagay nila sa akin. "Pre naman" si Theo na parang nakukulitan na sa akin. "Paano maalis yang lagnat mo kung di ka iinom ng gamot at kakain" Paano nila ako nadala rito sa kwarto? "Pre Hoy.. dali na inom ka na nitong gamot" pagbebaby sakin ni Teroy. Yung mga suot nila ngayon ay ang suot nila sa Party. Napatingin ako sa oras, alas otso na pala ng umaga. Inis kong hinawe ang kamay ni Teroy. "A..yoko sabi!" pilit na pagsasalita ko. Nabasag yung baso na nahulog mula sa pagkakahawak ni Teroy. "Pre anong nangyayari sayo.." lumapit sakin si Theo, bigla nanaman kusang lumuha ang mata ko. "Gusto ko siya makita.." tila ayaw nila intindihin ang nararamdaman ko. "Sige tatawagin namin si Maurene" Inis kong tinignan si Theo. "Hindi mo ba ako maintindihan! Hindi siya ang tinutukoy ko!" "Pre kalma huwag mo kameng sigawan," inis naman akong nagkumot. "Hindi namin alam kung paano" "Pre, masasaktan kalang pag makita mo siya.." sabi naman ni Teroy. "Siya ang gusto ko makita, walang silbi yang mga gamot nayan pagkasama ko siya," umaatungal ako sa ilalim ng kumot. "Walang akong pake sa mga pagkain nayan pag hindi niya luto, siya ang gusto ko makita ngayon, siya lang.." nagtuloy tuloy ang pagiyak ko. "Pre, seryoso ka.. mahal mo talaga ang taong 'yon?" Ramdam ko ang pagtanggal ni Theo sa kumot kung saan ko tinatago ang sarili ko. Bumungad sakin ang di makapaniwala niyang titig. "Shett" habang nakatingin siya sa mata kong alam kong mugto na sa pagiyak. "Pleaseee, gusto ko siyang makita" TUMAYO SIYA. "Pupuntahan namin si Brenth" nakahinga ako ng malalim sa sinabi niya, "Susubukan naming papuntahin dito si Dennis" Tinignan niya si Whiterou at sumunod naman ito sa kanya, "Siguraduhin mong buhay ka pa Mendez pagbalik namin, kinginang lovelife mo.. bakla ewww!" Naubo nalang ako sa sinabi niya, gang tuluyan na silang nakalabas sa kwarto. ••• Brenth Medyo masakit parin tong pasa ko sa pisnge, gago talaga ang taong 'yon. Hindi ko alam bat ginawa niya yun. Medyo hindi na kita ang pamamaga. °°° Flashback.. Inis kong tinanggal ang kamay niyang kinukulong ako, nagulat nalang ako ng matapakan ko ang basang bahagi ng banyo at nadulas ako. Tumama amg pisnge ko sa may hawakan ng pinto! Kainis, "Anong bang problem mo 'ah!' inis ko siyang tinignan. Agad naman siyang lumapit upang tulungan ako, pero tumayo ako ng sarili ko lang. "Hindi parin ba malinaw ang nararamdaman ko sa'yo.." parang nahihiya pa niyang sabi. "Wala akong oras sa nararamdaman mo," lumabas na ako sa banyo at iniwan siya. End of Flashback °°° Nakatanggap ako ng tawag mula kay Whiterou, gusto nila ako makausap. Di man kame nagkakaisa kagabi tungkol sa issue ni Ganny at Leeford, ay hindi naman kame naglalapag ng giyera sa isat isa. Malakas ang ulan sa labas, I advised them na sa loob nalang ng pickup mag usap. Kinuha ko ang payong sa terrace at lumabas na ako ng gate. Sa likod na bahagi ako ng sasakyan pumasok, napatingin  naman ako sa dalawang, hindi parin nagpapalit ng damit. "Still at party mode?" puna ko sa suot nila. "Haist! Ikaw nga nakaboxer lang, masyado mo naman pinagmamayabang yang betlog mo!" inis naman na sagot ni Whiterou, natawa kame ni Theo. "Napansin mo pa talaga" napatingin naman ako sa sarili ko, Nakasando nga lang ako at boxer. "'Oh bat mukhang pauwe palang kayo" tanong ko sa kanila. "Pre, si Ganny kase" Kwinento ng dalawa sa akin ang nangyari kay Ganny, ng makita nila itong basang sisiw kagabi. "Buti nakita niyo siya" seryosong sabi ko. "Kagabi kase pre may nakita kameng lalaking kausap si Ganny sa may stage"  Pagkekwento ni Teroy. "Eh nung tinanong namin ni Theo, biglang tumakbo" "Huh? Bat naman siya tatakbo?" tanong ko. "Hindi mga namin, alam kaya nga hinabol namin, kung saan saan na nga kame napunta.. hanggang sa natapos yung Party" pagpapatuloy niya. "Dun na mga namin nakita rin si Ganny, dahil inabutan din kame ng ulan, kala nga namin kung sinong lasing na naiyak, basang basa tin ng ulan ang gagi" sabi ni Theo. "Nakakaawa, kame na naghatid sa bahay nila" "Naabutan lang namin si Dhanny tapos yung Driver nila, pinadayoff  daw ni Ganny boy lahat ng maid kahapon" pagpapatuloy ni Whiterou. "Pero may bumalik na isang katulong ngayon, siya nag asikaso dun na bunso at tumulong samin magluto para pakainin si Ganny..." sabi naman ni Theo. "Teka" pagpigil ko sa amabilis nilang pagsasalita, "Nakita niyo si Ganny? Basang basa ng ulan? Iyak ng iyak?" "Pre in short inaapoy ng lagnat ang kaibigan natin ngayon" singit ni Teroy. "Ayaw niyang kumain, uminom mg gamot at magpapunas sa amin" si Theo naman. Kapwa nila inayos ang sarili at humarap sa akin ang nga pagmumukha. "Pre gusto ni Ganny makita kapatid mo" HALOS SABAY NA SABI NILA. "Pre maawa ka naman kay Ganny, alam mo di parin ako makapaniwala na nagmamahalan pala kapatid mo pati si Ganny" ani ni Theo. "Mugtong mugto na mata nun dun kakaiyak" "Pre di nga namin alam kung buhay pa yun pagbalik namin" si Whiterou na tinampal ni Theo anh sintido. "Yung kapatid ko, wala na sila ni Ganny, alam niyo naman siguro na si Leeford na ang partner ni Dennis" pagpaaalalam ko sa kanila. "Kaya mas nasasaktan si Ganny dahil nga sa naging sitwasyon, dahil sa lahat ng ipapalit sa kanya ay si White pa" si Teroy  na nakalobo ang kanang pisnge. "Hindi ko rin, di ko rin ineexpect yung buong pangyayari" nakayukong sabi ko, "Sobrang haba para ipaliwanag, pero nasaktan ni Ganny ang kapatid ko," ipinakita ko sa kanila kung gaano ako kaseryoso sa sinabi ko sa pamamagitan ng pagtalim ng tingin ko. "Wala kame sa pwesto para husgahan ang kapatid mo, pero sana mapagbigyan niya si Ganny ngayon" nakikiusap amg mata ni Theo para sa pagpayag ko. "Kaibigan ko si Ganny tulad niyo, kaya nagalala ako sa estado niya ngayon ayon sa kwento niyo" napakamot ako sa buhok. "Kung ako masusunod payag ako, pero hindi ko alam sa kapatid ko" "Pre eto oh tignan mo, kawawa naman kaibigan natin" Ipinakita niya mga larawan ni Ganny simula ng makita nila kagabi, at ngayong nakahiga sa sariling higaan. "Kakausapin ko kapatid ko" ako na sinilip ko sa bintana ng sasakyan si Bunso na nakasilip sa balkonahe niya, alam ko nagiisip nadin yun ng kung anu-ano. "Pre aasahan namin ya  ah" si Whiterou na nakanguso. "Sige baba na ako" paalam ko. "Sige pre balik kame dito punta lang kame kay Ogie, nagluto daw siya Champorado, inimbita kame ng malamang pupunta kame dito sa United" sabi ni Theo, medyo natahimik ako, napasulyap ako sa kanila bago bumaba. "Ah talaga, sige ingat kayo" sabi ko naman. "Hindi ka niya pre inimbitahan?" Biglang tanong ni Whiterou, parang nainis ako bigla, di ko nalang pinansin at bumaba na ako. PAGKAPASOK ko sa bahay ay namalayan ko nalang ang sarili ko na tinitignan ang cellphone ko. Pfft. Bat ko ba to chinecheck, wala naman  dapat akong asahan. Agad ko naman pinuntahan si Bunso sa kwarto niya. Naabutan ko siyang nakatalukbong ng kumot habang nakatayo bitbit ang itim na pusa. Agad akong pumwesto sa swivel chair sa study area niya. "Bunso" Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. "Tungkol ba sa akin ang pinagusapan niyo sa labas?" tanong niya sa akin. Lakas ng hinala niya. Napailing ako, dahil di ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya. "Pero medyo .." iniisip ko kung itutuloy ko pa ang pakiusapan si Bunso. Ibinaba nito ang bitbit na si Kribkrab sa higaan niya. Lumapit ito sa gawe ko at umandig siya sa studytable. "Tungkol ba 'ito sa kanya?" "May sakit daw si Ganny," sinulyapan ko siya ng bahagya, ipinapakita kong nagaalala ako, baka umubra. "Pumunta dito si Whiterou at Theo, ayaw daw kumain at uminom ng gamot" parang walang pakialam si bunso sa sinasabi ko. Nakita kong nakatingin lang siya sa may labas ng balkonahe niya. Kita ko rin ang pagsimangot ni Bunso, mukhang malabo nga. "Ikaw daw ang hinahanap ni Ganny" Ng sabihin ko 'yon kita ko pagiging iritable niya , nakakunot ang noo habang kinakamot ang tenga niya, tila litong lito."Alam ko may nagawang masama sayo yung tao, alam kong di kaaya aya ang ginawa niya kagabi.. pero tuwing naalala ko yung naging samahan namin, di ko matiis na magalala" Inislide ko ang swivel chair papalapit sa kanya. "Kaylangan ka niya ngayon" sabi ko, na nakikiusap na sa kanya. "Paano kung nagkukunwari lang siya, paano kung.. may binabalak nanaman siya" "Paano kung totoong may sakit nga siya, kaya mo bang matiis ang taong 'yon?" tama ba tong ginagawa ko, inilalapit ko ulit ang kapatid ko sa taong nanakit sa kanya. "Kaya ko, sinasanay ko na ang sarili kong tatagan.." seryosong aniya, di ako makapaniwala. "Sa dami ng pinagdaanan ko, kaya ko na siyang balewalain" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya, "Well, 'di rin kita masisisi" tinapik ko siya sa balikat, tama na Brenth. Nakapagdesisyon na ang kapatid mo "Tawagan ko nalang yung dalawa, sabihin ko di ka pumayag" "Salamat kuya" AGAD AKONG LUMABAS SA KWARTO NIYA AT DINIAL ANG NUMBER NI THEO. "Hello pre" agad niya kase sinagot ang tawag. "Ah kumakain si Theo at Whiterou, naiwan niya tong cellphone sa kwarto" nakilala ko bigla ang boses sa kabilang linya. Pfft. "Ah okay sige pakisabi may itetxt ako sa kanya" inis n sabi ko. "Ah brenth.." Binaba ko agad ang tawag, Pfft.. Anu naman ngayon kung sila pinapakain mo niyang champurado mo! ••• Ganny Tuwing pumapasok si Dhanny sa kwarto ay pinalalayas ko siya, baka kase mahawaan ko pa. Tinitiis ko ang sarili kong huwag uminom ng gamot at kumain, dahil hinihintay ko ang pagdating ni Theo at Whiterou kasama si Krib. Ang sama na mg pakiramdam ko, parang nanunuyo ang kalamnan ko, parang binibiak din amg bungo ko. Para akong nasa loob ng bulkan. Nasusuka narin ako pero pinipigilan ko, sana naman dumating siya. Di ko makita ang cellphone ko kaya di rin ako makapagchat, text o tawag. Gusto ko man tumayo, pero di ko kaya. Pakiramdam ko yung paa ko ay lumpo na. Shettt!! Paano pag dumating siya, baka maging pabigat ako sa kanya. ISANG oras ata ako naghintay bago may kumatok sa pinto, sila na kaya 'yon? Yung hininga ko ay napakainit narin, gusto ko na pumikit.. pero gusto ko muma siya makita. "Pasok" pinilit kong lakasan ang boses ko, kinakabahan ako sa mga aninong nakikita ko sa may pinto. ISA ISANG PUMASOK SI TEROY... AT SI THEO. WALA NA SILANG IBANG KASAMA. Lungkot na lungkot ang mukha ng dalawa, may bitbit naman si Whiterou. Galing kaya yun kay Krib? "Pre pinabibigay ni Ogie, mainit na champurado... kainin mo na daw para gumaling kana" inilagay sa mesa ni Teroy yung dala niya. Tumingin ako kay Theo, bumuntong hininga siya. Tinitrip nila ako, alam kong kasama nila si Dennis! Alam kong nagaalala rin sakin yun. "Pre nasan siya" nakangiti kong tanong. "Pre, ayaw pumunta ng kapatid ni Brenth" malumanay na sabi ni Theo, "Kahit si Brenth di siya mapilit, ayaw ka na talaga makita ni Dennis" Hindi ko napigilan ang humikbi, naipunas ko ang kamay ko sa mata kong nagkaroon agad ng luha. Naramdaman ko nalang parang di ako makahinga... Hindi ko na kinaya ang hilo at sakit ng katawan ko... Kasabay ng sakit ng Puso ko.. "Pre!" sigaw ni Whiterou, pero di ko na sila makita dahil, pakiramdam ko narating ko na amn limitasyon ng katawan ko sa pagtitiis sa lagnat na 'to. °°° COMMENT✍️ at VOTE⭐ "Ang update ko nakasalalay sa inyong komento" •TheSecretGreenWriter•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD