•••
Silver
Habang pinapanuod ang palabas sa entablado, ubod akong natutuwa. Tama yan, galitin niyo siya, palabasin niyo ang demonyo sa katawan niya make him sourrounded by evil terrain.
Nakuha nila ang simpatya ng manunuod, magiliw na nakisabay sa awiting kinakanta ng anim sa itaas.
Habang si Ganny ay parang kuting na nakamasid sa sulok, ilabas mo na ang totoong galit. Bigyan mo ako ng magandang palabas, bigyan mo ako ng rason na itago ka bilang armas.
Natapos ang pagkanta nila sinabayan ng yakap ng buong grupo. Napakahusay niyo, lahat kayo gusto ko magbayad sa ginawa niyo sakin, sa amin.
Habang nagkakasiyahan sila sa taas, pumuslit ako ng bahagya sa pweto ni Ganny. Nakasumbrero at mask naman ako, sapat para walang makakilala.
"Sumusuko ka na ba?" tanong ko sa kanya, kita ko ang nangigigil na nakakuyom niyang kamao. "Gusto mo gantihan natin ang batang 'yon?" tanong ko pa sa kanya.
"Hindi ko kaylangan mga tulong mo ngayon, ako bahala sa mangyayari ngayon!" inis siyang lumayo at bumalik sa kinatatayuan ng mga nasa stage.
"Sino ka?"
Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pero may dalawang anino akong nakikita sa likuran ko.
•••
Dennis
Napakasaya ng naging resulta ng performance ni Threz, napagusapan namin kanina sa backstage na sama sama kameng kakanta.
Nagawan niyan ng paraan paano kame maipon sa iisang spotlight. Natatawa lang kame sa ayos ni Drew, suot niya parin ang sunog na costume.
"Tabe" napaayos kame ng pwesto ng magsalita si Ganny. "Ikaw na ang susunod" pagtukoy niya sa akin.
Nag-balikan kame sa upuan. Napahinto naman ako ng makitang nakatitig si Lucario ng masama kay Ganny.
Sinundot ko ang tagiliran niya, "Wala siyang gagawin sakin" malambing na paalala ko.
"Umuwi nalang tayo" naringig kong sabi niya, napaisip naman ako sa sinabi niya.
Pero naisip ko ang mga taong nandito na nagsisimula ng matuwa sa amin.
"Pangako, pag may ginawa siyang masama sa akin" hinawakan ko ang kamay niya. "Ako mismo ang sasapak sa kanya"
"Tapang ng beyb ko" pabulong na sabi nito.
"Tapos na ba kayo" biglang lumitaw ang galit na boses ni Ganny.
At sa kanya na ulit ako lumingon, "Hi Kuya Ganny, yeah tapos na kame" sa pagtawag ko ng Kuya sa kanya ay alam kong may masamamg epekto sa kanya.
Hindi nga ako nagkakamali, umaangat ang dulo ng gilid ng labi niya, kulang nalang umusok ang tenga't ilong niya.
Nakaayos sa taas ng stage ang isang lamesa, mobile stove at maliliit na cooking materials at ingredients.
May camera rin sa aming harapan naproject ang kuha nun sa malaking screen naka nakalagay sa loob ng gym.
Ngayon ko lang din napansin ang itsura't ayos niya. Highlighted ang buhok niya habang nakasuot ng makintab na navy blue na coat, nakapatong yun sa itim na damit na suot niya.
Pareho na sila halos ng buhok ni Miggy, di ko napansin kanina, ngayon lang kase siya nag alis ng sumbrero.


May isang box na nakalagay sa ibabaw ng lamesa. "Upo ka" utos na niya sa akin, may dalawang silya sa magkabilang gilid ng mesa.
Naupo ako. Naglakad naman siya at binuksan ang box, may kinuha siya sa loob.
Bigla niyang inilapag sa harap ko. Ang isang garapon ng Nutella,"Naalala mo pa ba?" biglang tanong niya, I smirked.
Anong kalokohan nanaman kaya ang naiisip niya.
Sunod niyang inilabas ang isang tupperware na may laman na limamg malalaking buhay na alimango.
"Krab, Kreb, Krib, Krob ..Krub.." isa isa niyang tinuturo yung alimango. "Pero mas gusto ko bangitin yung Krib, tingin ko nga mas masarap din"
"Anong gagawin ko sa mga yan?" agad na tanong ko. Ngumiti siya, kinuha ang Mic at nagsimula nanaman humarap sa mga tao.
"Magpapasikat ngayon ang ating Island Chef" sarkastikong pagsisimula niya. "Lulutuan niya ako ng ulam, na ang main ingredients ay alimango at nutella"
What!
"Nababliw ka na ba?" tanong ko sa kanya, di niya ako ako pinakinggan.
"Bibigyan kita ng isang oras Mr. Hernandez" Bat ba eto ang nasusunod, parang kung sinong guro siya kung makapagutos.
"Nababaliw ka na, masyadong malayo ang ugnayan ng dalawang yan, para makapaghanda ng ulam na pinapangarap mo" kontra ko sa kanya, tinutok niya pa sa akin ang mikropono.
"Pero ang alala satin ng mga yan, ay sobrang lapit sa puso natin" Nababaliw nanaman siya!
"Paano kung di ko sundin ang inuutos mo!" sagot ko naman.
"Naku wag mo naman biguin ang mga nanunuod sayo, sige ganto nalang.." inilapit niya ang upuan niya sa akin, "Kung ayaw mong gawin," binuksan niya yung nutella at sinawsaw niya ang daliri niya.Nagulat ako ng ikalat nkya yun sa pisnge ko.
Shet napatayo ako!
"Ano ba!"
"Hayaan mong ikaw nalang ang kainin ko"
Bigla akong kinabahan sa sinasabi niya agad, akong kumuha ng panyo sa bulsa ko at nagpunas.
"Baliw!" inis na sabi ko, tumawa siya. Muling humarap sa mga taong nagbubulungan dahil sa nangyayari.
"Para sa kaalaman ng lahat," tumingin siya sa akin. Wag mong sabihin!
"Ganny Please.." pakiusap ko.
"Dati kameng may relasyon" kumabog ng sobrang lakas amg dibdib ko, "Boyfriend niya ako 'non.. Mahal namin ang isat isa"
Gulat ang namutawi sa mga taong nanonood.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya ngayon sa harap ng maraming tao.
"Etong nutella at Alimango, malaki ang kinalaman sa nakaraan namin.. Nagkakilala kame sa Camping year 2014" bigla siyang may kinuhang remote sa bulsa niya.
Bigla siyang may pinindot...
NAGFLASH sa screen amg larawan naming magkasama na may Nutella sa mukha.
Kasunod ng mga larawang naglalaro ng maliliit na alimango.
Lalong lumakas ang bulungan sa crowd, "Yeah, kung iniisip niyo bakla siya. Tama kayo" napapakusot ako sa mukha ko. Nahihiya na ako. "Pero minahal ko siya, kahit ano pa man ang kasarian niya" biglang may naghiyawan sa mga tao.
"Tama na" inis na na sabi ko, di ako mapakali.
"Nagsimula ang pagmamahalan naming dalawang alimango sa camping, pero" napatingin siya kay Lucario na nagoaplano ng kalitan ako. "Natapos yun dahil sa Camping din," tila malungkot na oagbalita nkya sa mga tao. "Ako si Krab siya si Krib" turo niya sa akin.
LUMAPIT NA SI LUCARIO SA AKIN.
"Tigilan mo na to Ganny" sabi niya.
"Biglang may may Sea Otter na kumain sa lalaking alimango," tinitigan niya si Lucaruo, habang tumatawa siya. "Nawala ang pagmamahal niya sa akin ng hindi ko nalaman na may iba na pala siya"
NAGULAT ULIT ANG MGA TAO.
"Ang masakit, ang bagong mahal niya ang ang Sea otter na kumain sa lalaking alimango" naglakad siya palapit sa amin. "At alam niyo ba kung sino ang tinutukoy kong Sea otter? Na umagaaw sa baklang alimangong mahal ko?"


Bigla niyang Tinuro si Lucario.
"Siya.." hindi ko alam kung umaakting siya, pero may luha sa mga mata niya. "Siya ang umagaw sa taong mahal ko, pero mas masakit" malungkot na humarap sa mga tao. "Pinagkakaisahan nila ako ngayon, pinaparusahan nila ako, sinasaktan nila ang puso ko"
"Sabi kong tumama kana!' agad na sinugod ni Lucario si Ganny, nagkagulo na ang dalawa! Pumagitna si Threz, Dwife at Drew. Si Te Jona naman ay lumapit sa akin.
"Hindi ako makapaniwala, pagkatapos nitong party paparetoke ako, kokophahin ko ang mukha mo bebe" sabi ng katabi ko, di ko naman skya pinansin.
"Anong ginagawa niyong dalawa?"
Napatingin kameng lahat sa biglang nagsalita, isang lalaki na nakasuot na pang dentista. Nagpalitan ang tingin nya kay Ganny at Lucario. "Wala paring pagbabago, nagaaway parin kayo sa mga bagay bagay"
"Hindi bagay si Dennis" sagot niya sa lalaki. Napangiti naman yung lalaki.
"Red" biglang sambit ni Ganny, "Anong ginagawa mo dito?" tanong pa niya.
"Pinapunta ako ng kuya mo, baka daw may gawin ka" sabi ng lalake lumapit ito kay Ganny.
"Bitawan niyo nga ako!" patulak niyang pinaalis si Drew at Threz. "Kung ano man amg inutos sayo ni Kuya, wala ka na dun, ako ang nagaasikaso ng event na to, wala kang pakialam"
"Andaming nanunuod, tapusin niyo ang gulong to" kinuha ng Red yung upuan at pwinesto sa pagitan ni Ganny at Lucario. Naupo siya rito, "Let settle this here, para matapos na"
"Nakita mo naman siguro ang mga pinaggagawa niya" ngayon ko lang nakita si Lucario na sumasagot ng ganito, yung inis niya ay di narin maipinta.
"Ano bang gusto mong mangyari Ganny" tanong nung Red. "Wala namang sigurong masamang ginawa sayo ang mga taong nandito"
"Gusto niyo na ba talaga matapos?" tanong ni Ganny. Tumingin siya kay Lucario. "Hinahamon kita," turo niya kay Lucario. "Gusto kong makita kung gaano ka kaskilled, tulad ng titulo mo"
"Yun ba talaga ang gusto mong mangyari ang subukin ang pagiging skilled ko, o baka naman may pinaplano ka pang iba?" bwelta naman ni Lucario.
"Dahil di niya natapos ang ginagawa niyang exhibition.." nakatingin sakin si Ganny. "Gusto ko makipagpustahan"
NAGULAT AKO SA SINABI NIYA! MAY KINALAMAN NANAMAN BA AKO DITO!
"Anong gusto mo?" si Lucario na salubong na ang kilay. Nilapitan ko naman siya para kumalma, pero wala di niya ako nakikita. Galit talaga siya kay Ganny.
"Pag manalo ako sa challenge, isang araw akin siya.. para ipagluto ako"
KINABAHAN AKO SA SINABI NI GANNY!
"Ano ka sineswerte?" lalapit sana si Lucario kay Ganny, pero pinigilan siya ni Red.
"Pag natalo ako, hinding hindi ko na kayo guguluhin.."
"Ang isang tulad mo hindi dapat pinaniniwalaan" sagot naman ni Lucario.
Tumawa si Ganny.
"Hindi naman kase mangyayari 'yon, dahil sisiguraduhin kong ako ang mananalo" seryoso at kampante niyang sagot. "Naduduwag kalang siguro, nahihiya ka bang matalo sa harapan niya"
Tumingin sakin si Lucario.
"Siguraduhin mo lang na hindi mo na ipapakita ang mukha mo kay Dennis, pag nailampaso na kita sa madumi mong laro"
BIGLA AKONG KINABAHAN, IBIG SABIHIN PUMAPAYAG SI LUCARIO!
•••
Ganny
Kita ko ang kaba sa mukha ni Dennis habang nakaupo sa dating pwesto, Si Red naman ang tumayong host at inanounce niya sa public ang pagiging pustahan.
Mababawe rin kita.
"Ang magiging challenge ay Bunong Braso" paasasalita ni Red. "Pero ang twist sa larong to ay... May mga alimangong nakakalat dito sa lamesa kung saan gaganapin ang labanan ng mga braso"
Alam kong di niya ineexpect ang twist sa challenge, kaya ko ng indahin ang mga sipit na yan at hinding hindi ako matatalo, dahil ito na ang pagkakataon para makasama ko siya ulit.
Ang sarap sa pakiramdam na napaalam ko sa maraming tao ang nararamdaman ko, ang tungkol sa nakaraan namin.
Pakiramdam ko sakin nakakampi ang lahat ng nanunuod, pakiramdam ko may mga bagong sumusuporta sa pagmamahaln ng dalawang alimango.
•••
Dennis
01 - 01
Ganny - Lucario
Kapwa sila naka isang puntos na, huling round na para sa challenge. Nakakinis, bunong braso habang may mga alimango. Paano kung nakatuon lang ang mga sipit ng mga alimango sa isang kalahok?
Nagulat ako ng biglang idagdag ni Red yung limang malalaking alimango sa lamesa kung saan nagpapaligsahan ang dalawa.
Napatayo ako ng mga kasama ko at tahimik pinagmamasdan ang laban nila ng malapitan. Kay Lucario ako nakatingin, pulang pula na yung flexor at braso ni Lucario.
Habang si Ganny naman ay konti lang, Ang unfair!
Nagsimula na ang huling Round. Parehong nagkokontrahan ng lakas ang dalawa, parehong nakagitna pa ang mga braso nila.
Chinecheck ko ng maayos ang pagkakalapag ng siko sa mesa, preo wala namang nandadaya.
Yown!
Bigla kameng natuwa ng makitang naibaba na ni Lucario ang braso ni Ganny.
Mananalo na si Lucario! Napatingin ako kay Ganny, bat ganun nakangiti siya!
Muli kong tinignan ang naglalaban nilang mga braso!
Ramdam ko ang sakit sa mata ni Lucario! Tatlong malalaking alimango ang halos sumakay sa bisig niya at pinagsisipit ang mga balat niya!
"Andaya nung mga alimango ba't kay Papa lee lang!" pagpansin ni Jona.
Pinipilit ni Lucario lumaban, pero...
Di niya kinaya pa ang sakit na dulot ng mga pagsipit!
Mas kinainis ko pa ang biglang paghampas ng malala ni Ganny sa kamay ni Lucario sa lamesa!
Parang gusto niya pang balian si Lucario! Agad akong lumapit at inalis ang kamay niya!
"Ano ba! Tama na, panalo kana" inis ko siyang tinignan, tumayo naman siya at ngumiti. Ang demonyo niya talaga! "Lucario" ako habang inaalis yung mga alimangong nakasipit pa sa balat niya.
Tinulungan rin ako ng mga kasama ko.
May mga sipit na bumaon, may mga parte ng balat niya ang nagsugat, dumugo.
Tumulong naman yung Red sa paggamot sa sugat niya, may mga dala tong medical kit.
Tinapos nalang yung programa ng maaga dahil sa naging insidente.
"Masakit?" tanong ko kay Lucario. Pero nakatitig lang siya sa akin, "Uuwe na tayo pagkabalik nila Drew galing banyo"
"Sorry" sambit niya, "Hindi ko nagawang maipanalo" napayuko siya sa harap ko.
Pero tinuon ko nalang ang pansin ko sa sugat niya.
"Huwag na natin paguspan, alimango lang pala kayang tumalo sayo" tila napaisip ako sa sinabi ko, mas napagtanto ko ng tignan niya ako. "I mean, yung mga alimango, gusto mo martilyuhin ko?" parang naiiyak na sabi ko.
"Kiss mo nalang ako" gulat ako ng magrequest siya, luminga ako sa paligid. Walang tao, kaya pinagbigyan ko siya.
*Muah*
Nagdatingin dito sa stage si Kuya at mga kaibigan niya. Bat may gasgas si Kuya sa pisnge?
"Grabe ang kalokohan ni Ganny" lumapit si Gheo kay Lucario.
"Sumusobra na talaga siya" galit na sabi ni Kuya. Nakipagsapakan ba siya kay Ganny? Anong nangyari sa pisnge niya.
Nakita ko naman si Ganny na kinakausap ni Red, sa di kalayuan nitong stage. Sa may left wing exit sila nakatayo.
Maya maya naman ay umalis na ito nagpaalam sa kinakausap.
"May kakausapin lang ako"
Pagpapalam ko kay Lucario.
"Samahan kita" aniya na pilit gustong sumunod sa akin.
"Please, kakausapin ko lang siya" hinawakan ko ang kamay ni Lucario, nagagalit ako kay Ganny. Hindi na siya nagiging Patas!
MABILIS AKONG TUMAKBO, GUSTO KO SIYANG MAHABOL!
Hanggang sa naabutan ko sa siya sa Hallway, pero bigla akong naawa ng makitang hinihipan niya ang bisig niya.
Ramdam ko na umiinda rin siya ng kirot.
"Mga alimangong 'yon, pati tatay nila sinipit Hays.."
Kahit yamot na yamot sa kanya, nagawa kong matawa sa pagkausap niya sa sarili niya.
Sukbit ang makintab na kulay Navy na coat ay napaupo siya sa mahahabang upuan ng hallway.
Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya, chinecheck nito nag bahaginng bisig niya. Meron din siyang natamong mga sugat, di ko napansin kanina.
Di man lang siya ginamot nung Red.
BAT KA BA NAG AALALA SAKANYA DENNIS! KARMA NIYA YAN SA MAS MADAMENG NAGAWA NIYANG MASAMA SA KAIBIGAN MO KANINA!
Lumabas ako sa dilim na kinatatayuan ko at nagpakita na sa kanya.
Makikita mo ang pagkagulat sa mukha niya. Ginapangan niya ulit ang sarili niyang mukha at humarap sa akin.
"Bukas susunduin kita sa inyo" aniya na tinatago ang sugat sa bisig niya.
"Ano bang meron sa luto ko!" nailabas ko ang inis na nararamdmaan sa kanya, "Ano pa bang gusto mo, bat mo to ginagawa sakin" Humarap ako sa kanya.
Napagusot ako sa mukha ko, at inis kong hinatak ang mukha niya papalapit sakin at sinibasib ko ng halik ang kanyang labi.
Lumuluha na ako habang ginagawa ko ang bagay na yon. Humiwalay ako sa kanya, kita ko ang gulat sa mata niya.
"Diba yan naman ang gusto mo! Ano ano pa?! Tapusin natin ngayon! Para di mo na ako guluhin!" inis na paghampas ko sa kanya, natamaan ko pa ang sugat sa bisig niya.
Hinatak ko ang coat niya at inalis ko yun! "Ano mag hubad ka na, eto ba ang gusto mo? Eto ang ang gusto mo mangyari kaya pinapapunta mo ako sa bahay niyo!"
Hindi ako makatanggap ng sagot mula sa kanya, natutulala siya sa ginagawa ko.
Tinungo ng kamay ko amg sinturon niya, "Bat di mo pa to inaalis, diba ito naman gusto.. Asan kotse mo! Dun tayo" hinawakan ko ang kamay niya.
Hinila ko siya, pero di siya nagpatalo sa lakas ng paghila ko sa kanya.
Ramdam ko ang paghigpit ng paghawak niya sa akin.
"Ikaw ang kaylangan ko, ang pagmamahal mo" Yumuko siya pagkatapos sabihin ang mga katagang 'yon.
Kinalas niya ang kamay na kanina'y nakagapos sa akin.
"Kalimutan mo na yung pustahan, hindi na kita pipiliting pumunta sa bahay"
"Sige" sagot ko naman. "Salamat, dahil naiintindihan mong ayaw na kitang makita o makasama ng ganung katagal"
KITA KO ANG PAGALIS NIYA, DIREDIRETSONG SIYANG NAGLAKAD NG NAKAYUKO SA KAHABAAN NITONG PASILYO.
Ganun rin ang ginawa ko, hindi ko na inisip kung nasaktan man siya sa sinabi ko. Dahil, wala na akong pake sa nararamdaman niya.
Nakaabang si Lucario sa akin sa bungad ng Left Wing Gate kung saan ako lumabas kanina.
"Sorry kung nagawan pa kita ng dahilan para lumapit sa kanya" aniya. I gave him a solid hug.
"Nagawan ko na ng paraan," nakangiti akong tumingin sa kanya, "Sa tabi mo lang ang gusto ko, ikaw lang ang gusto ko ipagluto'
"Anong ibig mo sabihin?' nalilitong tanong niya.
"Ibig sabihin," hinawakan ko ang pisnge niya, "Ikaw parin ang nanalo"
Kita ko ang kislap ng mata niya, siya naman ang yumakap sa akin.
BIGLANG BUMUHOS ANG MALAKAS NA ULAN NG GABING 'YON. NAALALA KO BIGLA SIYA.HABANG NAKATINGIN AKO SA BINTANA NG SASAKYAN, PAUWE SA BAHAY.
°°°
COMMENT✍️ at VOTE⭐
"Ang update ko nakasalalay sa inyong komento"
•TheSecretGreenWriter•