CHAPTER 18

2527 Words
••• Dennis Pagkatapos gawin ang kalokohang pagsama sa larawang naisend ko sa GC, ay umalis siya na may ngiting tagumpay. Hinding hindi ko maintindihan ang kinikilos niya. Agad kong dinelete ang nasend na larawan. Kinukulit ako ni Jona, tungkol sa kanya, pero pagod na akong magsalita, at ayokong bumuo ng paguusap na siya ang bida. Simula ng magseen ay, hindi ko na makontak si Lucario, off lahat ang contact niya. Kinakabahan ako sa iisipin niya, na narito ako at nakikipaglandian kay Ganny. Ayokong isipin ni Lucario na gan'on dahil nagtiwala siya sakin , sa pagattend ko sa Welcome Party. Dumating ang iba pa naming kasama. Agad na sinalubong ni Jona ang iniirog na si Drew na umaalpas sa pagyayakap nito sa braso niya. "Ang kulit ahh" pagpapaalis ni Drew kay Jona. Nakangiti naman na lumapit si Threz na ukbit ang gitara niya. Naalala ko, nasabi niya sa chat yung pinapakanta sa kanya. "Sinong nagbigay ng kakantahin mo?" nakita kong, bumuntong hininga siya. "Yun daw ang request ng management" sagot niya na parang disapointed parin sa Choice of music. "Gusto ko sana yung panggeneral theme, yung makaakrelate ang lahat, yung goodvibes.. tungkol sa friendship memories.. something like mga alaala  sa camping" "Huwag mong sundin ang gusto nila" nakangiting payo ko sa kanya, nagulat si Threz sa sinabi ko. "Hindi ko susundin?" paguulit niya. "Plano ni Ganny na kantahin mo ang awit na 'yon, para guluhin ako" napatingin naman ako kay Dwife, abala to sa binabasa sa cellphone niya. "Dahil ang kantang 'yon ay may malaking papel sa nakaraan namin" muli kong itinuon ang tingin kay Threz. "Bakit? Para saan ang lahat ng 'to" tanong niya. "Hindi ko alam.." humarap ako sa kanya. "Basta kantahin mo ang naunang hinanda mo, yung kantang para sa lahat.. para sa mga magkakaibigan tulad nating lahat" Anong Pinaplano niya? Ngayon ko lamg din nalaman na ang lahat ng pinapagawa niya sa apat kong kasama ay may kinalaman sa aming dalawa. Hindi man direkta siya ang nagutos, pero alam kong sa kanya galing lahat ang ideya. Ang.. ..Pagawin ng isandaang Joke si Jona tungkol sa Alimango, ..Pasuotin si Drew ng costume na sexy na alimango ang disenyo, .. Paghandain si Dwife ng Quiz tungkol sa alimango, at .. Ang pagpapakanta niya nga kay Threz sa kantang inawit ko sa kanya, noong sinuyo ko siya sa Train Station ng Espana. Pinayuhan ko silang wag sundin ang mga bagay na 'yon. "Anong mapapala namin pag di naman sinunod ang gusto nila" tanong ni Drew. Hindi ako nakaimik. "Sundin nalang natin, para matapos na.. Hindi ko rin gusto vibes nitong okasyon, parang andaming nakatingin satin" natahimik kame sa sinabi niya,"Pakiramdam ko may kakaibang mangyayari" Ano man ang naiisip niya ay ginagawan ko na ng solusyon. Ayokong mapahiya ang mga kasama ko, ayokong madamay sila sa ginagawa ni Ganny. DUMATING si Kuya Brenth, kasama ang mga kaibigan niya. Gheo, Theo, Whiterou, Zach at Miggy. Biglang sulpot rin si Ganny, lumapit sa mga kaibigan. Bigla bigla nalang siyang dumadating, pinagtataka kong nakamasid siya sa amin. "Uy nandito pala ang mga kaibigan ko" halata mo ang pagiging plastikado sa boses niya. Humarap siya kay Kuya, "Hi Brenth" Hindi nalang umimik si Kuya, lumapit siya sa akin. "Okay kalang?" tanong niya, "May ginawa nanaman ba yan sayo?" pabulong na pagtukoy niya kay Ganny na nakikipag usap sa mga kaibigan. Umiling ako. "Kuya, nagtext ba sayo si Lucario?" tanong ko sa kanya. "Wala naman" sagot niya. "Ayaw lang nun sa gulo, hayaan mo na nadito naman ako" ginusot niya ang buhok ko at isa isa namang nilapitan ang mga kaibigan ko. "Hey kids, pwede na pala kayo mag standby sa backstage" Lumapit siya sa gawe namin. "Kayo pala yung mga astig na survivors, I read a lot tungkol sa camping niyo sa Dinagat" biglang sabi ni Gheo. "And.. We're excited na makita ang isa niyong kasama, Our friend Leeford" "Ngayon ko lang nalaman na kasama si White sa kanila, nung makita ko Picture sa tarpaulin" sabad ni Whiterou. Ringig kong naguusap ng mahina ang mga kaibigan ko, tiyak di nila naiintindihan ang tinutukoy na White. Tumingin si Ganny sa mga kaibigan, "Wala siya" parang inis na inikot ang paningin sa kinatatayuan namin. "Fanatic parin ba kayo ng dati niyong kaibigan" "Never naging dating kaibigan sakin si Leeford" biglang pagkontra ni Gheo sa kanya. "Then magsama kayo" matalas na pagsagot niya sa kaibigan. "Kung nandito siya ngayon, mas pipiliin kong sumama sa kanya kesa sayo" bwelta naman ni Gheo, nakikita ko nanaman na nagkakaroon ng tensyon. "Talaga lang" naghahamon na lumapit si Ganny kay Gheo. "Stop it" pumagitna si Kuya Brenth agad na nilapitan si Gheo. Si Theo naman ay inawat si Ganny at pinapakalma eto, kasama niya si Whiterou. Habang si Miggy at Zach naman ay nasa side ni Kuya at Gheo. "Isa ka pa, traydor" nakatingin si Ganny kay Kuya, Kita ko naman ang dahan dahan na paglingon ni Kuya sa kanya. PLEASE... Lumalit sa kanya si Kuya Brenth. Heto nanaman sila. Ako na yung lumapit kay Kuya Brenth at hinawakan siya sa kamay. "Kuya samahan mo naman kame sa backstage" pagaaya ko. Para matigil narin ang nagbabadyang gulo. "Samahan mo daw backstage," biglang pagsasalita ni Ganny. "Kung ayaw mo, pwede naman ako" nakangiting tinapik ni Ganny si Kuya. Humarap siya sa amin, at tila may sasabihin. "So hinihintay na kayo ng mga tao, di na sila makapaghintay sa exhibition niyo" isa isa niyang nilapitan kame ay tinapik sa mga balikat. Hanggang sa mapunta siya sa harapan ko. "Hi, beautiful" bulong niya. Tatapikin niya rin ako.. Nang biglang may tumampal sa kamay niya. "Don't touch my boy.." Kita ko ang inis na namutawi kay Ganny, naramdaman ko naman na may nakaakbay na sa akin. Pag tingin ko ay si Lucario... Lucario Beyb ❤️❤️❤️❤️ ••• Leeford Kita ko ang malalim na pagngiti ni Dennis ng makarating ako sa tabi niya, kita ko rin ang gulat sa mga mata ng tao na nakapaligid sa amin. Pero binaling ko ang tingin sa lalaking nasa harapan, "Enough with your filthy games" pagkompronta ko sa kanya. "Be a gruby player on my filthy games" sagot niya naman. Taas ang tingin na ibinaling ang sarilo sa ibang direksyon. Malayo sa paningin sa amin. "Bat kaylangan ko pang makipaglaro sayo, kung panalo na ako" paulit ulit nalang ata tong pinamumukha ko sa kanya, pero ang tibay parin niya. "Ikaw na nagsabi na madumi ako maglaro," tinignan niya si Dennis. "Kaya ko pa siyang mabawe" "Hindi ko maintindihan ang pinagtatalunan niyo" biglang singit ni Theo. "Ako rin" sagot din ng kakambal niya. "Ako rin ata" pagtukoy ni Zach sa sarili niya. "Pero may nabanggit na sakin si Teroy kanina" NAGPALITAN ang tingin ni Gheo sa amin, at sa mga taong paligid. Bukod sa kanila, alam na ng lahat na naririto sa pwesto ang meron sa amin. Ayokong naglilihim, sa lahat ng bagay seryoso ako. "Bakit ko kaylangan makipagagawan kung nasakin na" seryoso kong sabi, hinawakan ko ang kamay ni Dennis at marahang inangat yon sa ere. "Siya lang naman ang gustong umagaw sa mahal ko" Kita ko ang kilig sa mga mata ni Dennis, habang ginagawa ko ang bagay na 'to. "Medyo nagtatagal na kayo rito, kayo ang bida sa okasyon na to" sambit ni Ganny na nagsimulamg maglakad. Sa nakikita ko sa mata nila ay di sila makapaniwala. Pero hindi ko kaylangan magpaliwanag sa kanila, I love this boy, that's all. ••• Brenth Nagsimula ng umalis ang anim at sumunod sa backstage, naiwan ako kasama ang ibang kaibigan. Ipinaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon, nahati ang panig namin dahil may kumakampi kay Ganny. Si Whiterou at Theo. Hindi ko na sila masisi, pero wag lang nilang husgahan ang kapatid ko. Nagpaiwan ang dalawa at hihintayin daw nila si Ganny. Naghanap kame ng pwesto sa crowd. "Uy si Ogie" biglang turo ni Zach sa lalaking may binibili sa stall na narito sa loob ng Gymnasium. Agad nilang nilapitan ito, sumunod nalang ako. "Uy pre kanina ka pa namin hinahanap!" si Zach na tinapik si Ogie, medyo nagulat naman eto sa presensiya namin. Lalo na sa akin. Nakatitig siya sa akin na parang gulat na gulat. "Ahh ano kase.." tila nagrarason na aniya, bigla nalang may lumapit na babae at yumakap sa braso niya. Tumingin siya sa babae at muling tumungin sa amin. "Andrea nga pala," parang naiilang na pagpapakilala niya sa babaeng nakangiti na sa amin. "Girlfriend ko" Bat ganun parang medyo nalungkot ako sa sinabi niya, naalala ko tuloy ang nangyari ng araw na umuulan na pumunta siya sa bahay... Nakatingin siya sa akin, tila naghihintay siya na may sabihin ako. Pero wala akong alam, kaylangan ba akong may sabihin. Kaylangan ba akong mag react sa nakikita ko ngayon? "Magbabanyo lang ako" paalam ko sa kanila, "Upuan ah, reserve niyo ako" dumeretso na ako sa may banyo, Nagmadali akong pumasok sa hindi ko alam na dahilan. Napahilamos ako sa mukha ko pagdating na pagdating ko sa harap ng lababo. Pinuno ko ang dalawang kamay ko ng tubig galing sa gripo, ibinabad ko ang mukha ko 'ron. Pagangat ko ay nakita ko sa salamin ang isang lalaking  nakatayo sa likuran ko. Agad kong kinuha ang panyo at nagpunas ng mukha, naglakad narin ako paderetso sa labas. Pero bigla niya akong kinabig, at kinulong sa kanyang mga bisig. ••• Dennis Pinakilala kame sa lahat, nakaupo kame sa stage sa tila royal throne na ayos na upuan. Ang hindi ko nagugustuhan ang pinapagawa sa amin. Sa sinasabing exhibition. Ako na ang naawa sa mga kasamahan ko dahil sa nangyayari. May mga tao mula sa crowd na pinagbabato si Jona ng mga crumpled na papel. Si Drew naman ay ginawang katatawanan sa suot niya sa pagrampa niya. Alimango ang desenyo nito, walang masama ang hot niya sa suot na yun.  Pero sa di inaasahan na dahilan, biglang nagliyab ang suot niyang yun.Hindi galing kay Drew ang costume niya, alam kong may ginawa si Ganny, alam ko yun! Buti nalang mabilis na nakakilos ang mga medics at sa tulong din ni Lucario. G USTO KO NG TUMAYO AT KOMPRONTAHIN SI GANNY, WALANG NAGIGING AKSYON ANG IBANG TAO! PINAGTATAWANAN LANG ANG MGA KAIBIGAN KO! Hindi ko narin nakikitang bumalik dito sa upuan si Jona at Drew, napalinga ako sa kinauupuan ni Ganny. Kita kong tuwang tuwa siya sa nakikita. "Kada mali mong sagot, papasipitin ka namin sa alimango" Si Ganny na halos ang naghohost ng Party. Ngayon naman si Dwife ang, pinagdidiskitahan niya. "Sumusobra na siya" ringig kong sabi ni Lucario na galit naring nakatingin kay Ganny. "Wag lang ikaw ang kantiin niya, hindi ko na talaga siya palalagpasin" IMPOSIBLENG mga tanong, sunod sunod ang pagkakamali ni Dwife. Sunod sunod ang ginagawang pagpapasipit niya sa alimango na pinangungunahan ni Ganny. Nangangatol na ang kamay ko, gusto kk ng tumayo at sapukin si Ganny sa pinaggagawa niya. Para sa kanya katatawanan ang nangyayari. Malakas ang nagiging tawanan ng mga tao, naawa rin ako kay Dwife sa bawat tanggap niya sa parusa. "Akala ko ba matalino ka?," pagkausap ni Ganny sa kanya, "Dalat alam mo ang tungkol sa alimango, lalo't galing ka sa grupo ng mga taong Isla Hahahaha" sabay tingin sa amin. "Gusto ko na siya sugurin" ringig kong galit na si Threz. Pero si Dwife sumesenyas na okay lang siya. Natapos ang sampung tanong na walang nasagot si Dwife. Sampung sipit sa ibat ibang parte ng kanyang katawan. "Gusto ko pa naman makita ang talino mo, pero mukhang wala atang laman ang.." tinuro turo pa ni Ganny ang sintido niya. (NAGTAWANAN ANG MGA TAO) Nginitian siya ni Dwife na inagaw ang hawak na Mic niya. "Ang tunay na matalino, marunong tumanggap ng pagkatalo" ipinakita ni Dwife sa mga tao ang pamumula ng ibang parte ng balat niya sa mga tao. "Hindi kayang sukatin ang talino ng isang tao sa pamamgitan ng mga pantal na 'to.." Isinauli niya ang Mikropono sa kamay ni Ganny at tinalikuran ito. "Hahaha pareho lang kayo ng kapatid mo, mayabang" sinabi niya na nakapatay ang Mic. HINDI NA SIYA PINANSIN NI DWIFE AT NAUPO ITO SA TABI NAMIN. Agad kong nilapitan si Dwife at tinignan ang nangyari sa balat niya. "Namumula" pagpansin ko. "Ayos lang ako," tinignan niya ang kapatid niya. "Iniisip ko kayong dalawa" pagaalalang aniya. "Tatapusin ko ang kalokohan niya" tumayo na si Threz. Dala dala ang gitara, at lumapit kay Ganny. "Ooh Mr. Talented, here you go" pagsalubong sa kanya ni Ganny. Pero inis na inagaw ni Threz ang mikropono kay Ganny. ••• Threz Hindi ko na kinakaya ang ginagawa niya sa mga kasama ko. "Alam mo naman siguro ang kakantahin mo diba" pabulong niyang paalala. I smiled. "Paano ko maipapakita ang talento ko kung inuutusan mo ako, kung anong dapat gawin ko, anong dapat kantahin ko" napaatras siya. Inis niya akong tinignan. "Hindi kame pumunta rito ng mga kasama ko para mapahiya, hindi kame tumaas sa entbladong to para ipahiya ng isang tulad mo" Gusto niyang agawin ang mikropono sakin, pero hindi ako pumayag. "Magkakasama kameng anim na sinubok ng pagsubok sa isla, lahat ng hirap at pagod ininda namin para marating kung ano man ang naging estado namin sa patimpalak" tumingin ako sa crowd. Lumapit ako sa edge ng stage, naupo ako. Habang nakalaylay ang paanan. "Maraming alaalang nabuo sa isla sa pagsisimula ng camping, maraming hindi pagkakaintindihan ang naayos, maraming puso nabigo pero may mga pusong nabuo at napagsama ng pagkakataon" Lumingon ako sa likuran, tinignan ko si Dennis at Leeford. Ibinaba ko ang gitara sa sahig. "Saksi ako sa hirap ng lahat" tumingin ako kay Ganny. "Wala na kameng kaylangan pang patunayan, saksi ang lahat ng nakasama namin sa isla kung paano kame nag grow bilang isang tao, bilang isang kaibigan, bilang isang studyante na naliligaw sa ibang dimensyon" Tumayo ako at kinuha ang gitara. "Hindi na namin kailangan patunayan ang sarili namin sayo Sir.." kita ko ang nanggagaliti niyang mukha. Hindi niya nagugustuhan ang mga sinasabi ko, "Kung sa ibang bansa nga naitayo namin ang bandila ng Pililinas, bat isang tulad mo na kalahi pa man din ay parang gustong ipahiya ang meron kamemg nagawa" Parang tumahimik ang paligid, dahil sa emosyong inilalapat ko. "Gusto ko sana tawagin ang mga kasama ko.. Jona, Drew, Dwife Dennis at Leeford" tumingin ako sa Likuran, kita ko naman nakasilip si Jona at Drew mula sa backstage. Kita ko naman na dahan dahan silang lumalapit sa akin, "Anong ginagawa mo!" pasugod si Ganny nang pigilan siya ni Leeford. "Patapusin mo lang kame, magtutuos tayo mamaya" ani ni Leeford na patapon binitawan ang braso ni Ganny. "Sa lahat ng naririto, lalo na sa lahat na umattend sa Camping, sa ibat ibang pangkat..Bundok, Isla, Lawa, sa lahat.. Sa lahat ng alala natin sa camp sa mga kaibigan na nakilala, sa mga naging kabiak ng pusong nagiisa" nakangiti kong tinignan ang mga kasama ko. Kinuha ni Drew ang mic na hawak ko, alam niya kase ang gagawin ko.Napagusapan naming anim kanina. Na magpeperform kame ng sabay. Buti nalang alam nila ang kanta.. "Para to sa lahat, We're All in This Together" Sinimula ko ng patugtugin ang gitara. "Sabayan niyo po kameng lahat.." "Together, together, together everyone Together, together, come on lets have some fun Together, were there for each other every time Together together come on lets do this right" Napangiti ako ng maringig ang pagsabay ng mga tao sa kanta namin, kita ko naman ang saya ng mga kasama ko. Maliban nalang sa isang tao, na umalis bigla sa entablado. "Here and now its time for celebration I finally figured it out (yeah yeah) That all our dreams have no limitations That's what its all about(yeah yeah)" Yung malungkot na paligid kanina, napalitan ng saya sa pamamagitan ng kantang 'to. Tila nagkakaisa ang lahat bubuin ang lyrics ng kanta, sa pamamagitan ng iba't ibang boses. We're all in this together! Yeah. Song Title: "We're All in This Together" High School Musical  °°° COMMENT✍️ at VOTE⭐ "Ang update ko nakasalalay sa inyong komento" •TheSecretGreenWriter•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD