•••
Ganny
⚔️DAYS BEFORE THE CLASH AT THE VIKINGS (DENNIS, LEEFORD & GANNY CONFRONTATION)⚔️
Isa isa kong pinagmasdan ang larawan na pinapakita sakin si Silver.
"Threz, Drew, Dwife, Jona" tinuro niya ang apat na taong nasa larawan, "Mga naging kupido nilang dalawa sa isla" natatandaan ko pa ang mukha nung nagngangalang Threz, pamilyar siya sa akin.
"Anong meron, anong gagawin ko sa mga pagmumukha nila" kumuha ako ng isang piraso ng pudding na nakalagay sa mesa, dito ako sa balkonahe ng mansyon ng kinakasama ni Silver.
Dito namin pinaguusapan ang mga hakbang sa darating na kung ano mang plano.
"Hindi umubra ang ginawa mo sa hospital" pinaalala niya sa akin ang bagay na nagpangiti sakin ng biglaan. Namiss ko ang mga labing 'yon, mga malalambklot na labi, tila isang makopa. "O' baka naman nagbabago na ang isip mo Ganny" hinampas niya ang ang dalawang kamay sa mesa.
Sa tingin ko nagdududa na siya sa kakayanan kong matapos ang misyon, ng hindi nahuhulog ang loob kay Dennis. Tama siya kung yun ang naiisip niya.
"Gagawin ko, ang nasa plano" gamit ang maliit na kutsara ay hinalo ko ang mainit na kape, "Pero hindi sa paraan na gusto mo" medyo makikita mo ang pagkabigo sa mata niya. "Don't get me wrong buddy, ibig ko lang sabihin paiibigin ko si Dennis..sa paraang gusto ko"
"Sinasabi ko na nga ba" umiling iling at bumuga ng pagkadismaya si Rusty, "Ho'h" parang inis na naglabas ng usok sa kanyang bibig. "Galit na dapat ang laman niyang pusong 'yan" nameywang siya habang nakatingin sa hardin na puro cactus ang nakatanim.
"Hindi ba sapat na kay Leeford lang ako magtanim ng galit?" tanong ko, binilisan ko naman ang paghalo sa kape, nawalan ako ng ganang uminom. "Anong magagawa ko, mahal ko pa eh"
Isang naiinis na mukha ang natatanaw ko sa lalaking nakatayo, hindi ko siya maintindihan. Di niya ba, alam na mahirap lumimot, lalo na sa naging lagay ng relasyon namin ni Dennis.
"Kung ganun din lang, itigil na natin 'to" biglang humarap sakin at pinulot ang mga larawang pinapakita. "Mukhang di ko maasahan ang isang tulad mo"
"Rust, maasahan mo ako" biglang pigil ko sa kanya, "Si leeford lang naman amg target natin diba?" tanong, "Napagusapan na na natin to at nangako ka"
"Si Hernandez ang kahinaan ngayon ng gagong 'yon" lumapit siya sa dartboard at kinuha ang maliliit na darts.
Ngayon ko lang napansin ang mga larawang nakadikit sa board. Larawan ni Dennis, Brenth at Leeford.
"Ang kahinaan ng dalawa, ay pareho" sunod sunod niyang pinatamaan ng tatlong darts ang larawan ni Dennis, bigla akong nainis sa ginawa niya. "Si Hernandez"
"Nangako ka Rusty" agad akong tumayo at binunot ang mga darts. "Siya lang ang kaylangan natin," gamit ang kamay kung saan hawak ko ang tatlong darts at tinarak ko sa larawan ni Leeford ang mga yon. "Wag ang magkapatid"
Tumawa siya, "Wala naman akong ibig sabihin, ang akin lang sumunod ka sa plano" sabi niya sa akin. "Dahil para magtagumpay ang lahat, para magtagumpay ang plano, kaylangan ko ng kooperasyon ng nararamdaman mo"
"Maagaw ko si Dennis kay Leeford, sa paraang gusto ko, at pag nabawe ko siya, hindi ko na hahayaang makawala pa.. Ayoko ng plano mo na, sasaktan ko siya pag nakuha ko na ulit ang pagmamahal niya" mahabang pakikipagtalo ko sa kanya.
Bakit ba gustong gusto niyang saktan ko si Dennis, kung ang talagang kalaban namin si Leeford bat parang mas nakatuon ang plano kay Dennis.
"Sana magbago ang pananaw mo, pag nakita mo sila ulit" may tinapon siyang larawan sa akin. "Interview ng D.A.B.A.S.T sa dalawang nanalo sa International Camping Competition" screenshot 'yon mula sa f*******: page ng D.A.B.A.S.T'.
Nanalo yung Threz at Dwife, at may isang tanong dun.. Kung saan nila unang gagamitin ang napanalunang premyo.
"Ililibre po muna namin ang mga nakasama namin sa Germany, siyempre sila ang isa sa mga inspirasyon namin para tapusin yung challenges sa Camp" - Threz
"Lalo na po sa matiyaga naming Coach, si Sir Chris, salamat Sir mula sa isla hanggang dito sa Germany di mo kame pinabayaan!"- Dwife
Yun lang ang dialogue na kumuha ng pansin ko, Ano namang maitutulong ng bagay na 'yan.
"Siyempre inalam ko kung saan sila magcecelebrate, with the Island Gang" bigla may picture ulit soyang nalapag.
Larawan yon ng Online Reservation, mula sa SM Megamall Vikings.
Sa comment box ay napagusapan kung kaylan at anong oras sila pupunta. May comment din si Dennis, 'Salamat Team Dinagat Island.. Kita kits!'
"Akalin mo, kinaibigan mo pa talaga ang mga taong yan para sa plano mo" hindi ko parin alam ang balak niya.
"Matagal ko ng kaibigan ang batang yan" turo biya sa nagmamayari ng post. "Dahil, kapatid siya ng dati nating kaibigan"
Sa sinabi niyang 'yon ay napatingin ako sa pangalan nung may ari ng Post.. Dwife T. Lim
"Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid" paliwang ni Rusty. "Hindi ko masyadong close ng tumutuloy pa ako sa kanila, pero tulad ni Lucas, matalino rin si Dwife"
"Enough.." tumayo ako, "Ano bang binabalak mo?"
"Baka lang naman gusto mong pumunta rin sa Vikings, nandon siya.. maaari naroon rin si Lucas" halos lumabas ang mapuputi niyang ngipin sa saya, "Papatalo ka ba?" bigla niyang tanong. "Pero may kutob ako, hindi sisipot si Lucas, sa pagkakakilala ko sa taong 'yon .. Hindi siya mahilig sa mga ganyang imbitasyon at selebrasyon"
Lumapit siya sa akin at bumulong...
"Pagkakataon mo na"
NAPAPAISIP ako sa bagay na sinabi sakin si Rusty, Hindi raw mahilig si Leeford sa mga gano'ng, selebrasyon.
Hindi pa ba sapat ang pagrequest ko sa DMA Management na magkaroon ng WELCOME PARTY para sa mga taong 'yon? Halos sermonan pa ako ni Zhabby dahil daw sa kalokohang naisip ko, pero nakinig naman siya sa paliwanag ko.
Nanalo ang isa sa pares sa anim na representative ng Pilipinas, which is galing pa ang isa sa DMA, kaya naman na approve ang request ko.
Marami akong gustong gawin, maagaw lang ulit si Dennis. Sa Welcome Party, titiyakin kong makukuha ko na siya.
Pero gusto ko rin subukan ang makipaglaro sa loob ng Eat All You Can resto na tinutukoy sa post.
Pero paano?
Kaylangan ko ng makakasama! Pero sino?
Agad na pumasok sa isip ko si Teroy at Miggy.
Nagpareserve ako para sa apat na tao. Pareho sa oras at araw ng reservation ng grupo nila.
Dennis, please come back to me.
DUMATING ang araw na pinakahihintay ko, ang araw na kakain kame sa Vikings. Anu man ang mangyari, sana walang magbago sa pagmamahal ko sayo, Sana mas lalo akong mainlove, sana hindi kita kamuhian.
Alam kong may pagasa pa, kita ko sa mga mata mong may konti ka paring pagmamahal sa akin.
Pagbaba ko ng sala ay naabutan ko'ng bihis na si Dhanny, hindi siya pwedeng wala sa picture, sa sobrang takaw niya baka isumpa niya niya ako pag nalaman niyang kumain ako sa Eat All You Can.
Subalit hindi ko nagustuhan ang biglang lumitaw mula sa kusina, "Good morning" nakangiti siyang sumasalubong sa akin, at nagbabadya pang hahalik sa labi ko.
Agad ko siyang pinalayo
"Hindi mo kaylangan gawin yan dito, wala si Dennis sa paligid" inis na sita ko sa gusto niyang gawin. "Bakit ka naririto? Wala akong naalala na pinapapunta kita"
"I am! I texted her to come, and join us to Vikings" biglang sumingit si Dhanny, pumunta ako sa harapan ng kapatid ko.
"Pumili ka, siya ang isasama ko o ikaw" inis kong pinitik ang maladwende niyang tenga. "Haist, paladesisyon, isinama ka na nga lang"
"Ouch!" gumanti to ng pananapak sa braso ko, sunod sunod pero hindi naman gaano kasakit para indahin.
Nakayuko si Maurene, hindi ko nanaman alam kung anong gusto niya. Hindi ko siya kaylangan, kaya wala akong pake sa presensiya siya.
"Umuwi kana, hindi kita kaylangan" sabi ko, kinuha ko ang kamay niya at hinatid ko palabas ng pinto.
"Aray, nasasaktan ako Gan.." maarteng sabi niya.
"Huwag na wag mong ginagamit ang kapatid ko para makadikit sakin" inis kong napilipit ang bisig niya. "Wala kang gamit sakin pag wala sa harapan ko si Dennis, ang totoo kong mahal" inis ko siyang binitawan. "Kung kaylan lang kita kaylangan dun mo galingan, hindi yung gusto mo lage ka nasa tabi ko, ano ka sineswerte"
Nakasuot siya ng ayos, at talagang pinaghandaan. Pero hindi ko hahayaang makasama siya, kasama ko ngayon si Miggy at Teroy, ayokong makaharap nila si Maurene. Baka kung ano pa idaldal ng babaeng to sa kanila.
PINASAKAY ko muna ng taxi si Maurene, bago kame umalis ni Dhanny sa bahay.
0900 H, SM MEGAMALL
Pagdating sa parking ay agad kong tinext si Miggy at Teroy.
Nagkita kameng apat sa isang cofeeshop malapit sa SM, mamayang alas diyes pa kase ang bukas ng Mall.
"Pre anong meron ba't mapapavikings ka!" tanong niya sakin.
"Ayaw mo ba?" kita ko naman ang titig sakin ni Miggy, alam kong may iniisip ang loko. Hindi tulad ni Teroy, iba mag isip ang ninja ng konoha.
"Joke lang to naman di na mabiro, eto na nga papagutom ako para marami makain mamaya" aniya na di rin pinapansin ang inorder kong tinapay at kape para sa aming apat.
"Hey" pagagaw ko sa tinapay na kinakain ni Dhanny. "Baka mamaya di kana makakain, ngayon palang dame mo na nilalantakan"
Inis naman tong tumingin sakin. "I can eat a lot, don't worry, even I'm full .. I can carry enermous amount of food inside my stomach"
Walang pagbabago, sobrang takaw, pero di nataba. Nanatili ang katawan niya sa normal na ayos. Pero mapapansin mo ang medyo maliit na bilbil sa tiyan niya.
Hindi ko na siya pinigilan dahil baka magsabong lang kameng dalawa sa loob nitong Cofee shop.
"Bakit di kayo magkasama?" nagulat ako bigla sa tanong ni Miggy, singkit ang mga mata kasabay ng labing mga nakalapat na nakatitig sa akin. "Ito ba ang dahilan ba't nagyaya kang kumain?" mabilis na nagpalit ang mukha sa pagngiti.
Alam kong close siya kay Dennis, kaya di na ako magtataka bakit nagtatanong siya ng ganito. Ang hindi ko lang alam kung may alam siya sa relasyon ko kay Dennis.
Pero sa ayos ng pananalita niya, pinapakita niya lang ang sagot sa akin.
"Walang ibang dahilan, gusto ko lang talaga kayo makasama" tumayo ako at tumapat ng bahagya sa aircon na nasa gilid malapit sa pwesto, nakakaramdam ako ng init.
"Isama natin si Brenth, Zach at Ogie.. lahat ng Colos"
Ang kulet!
"Next time, magrereunion tayong lahat" madiin na sabi ko kay Teroy.
TINANAW ko muna ang labas ng Vikings, peste.
Kita kong nandoon si Leeford. Magkalayo sila ng pwesto ni Dennis. May kakaiba sa kanilang dalawa, hindi sila nagpapansinan.
Sa nagngangalang Dwife rin sumabay si Dennis sa paglalakad papasok ng Vikings.
Mas magandang guluhin ang isang pusong nagtatampo o galit. Lalo't ang manglilito ay isang katulad ko.
Bago pa makalabas ng banyo mga kasama ko ay nakapasok na ang grupo nila Dennis.
Agad kong niyaya ang mga kasama ko papasok sa Vikings.
⚔️AFTER THE CLASH AT THE VIKINGS (DENNIS, LEEFORD & GANNY CONFRONTATION)⚔️
Hinawakan niya ang pisnge ko, "Sorry, kung nasasaktan kita ng husto" ramdam ko parin ang sakit sa mga nakita ko kanina. Gusto ko nalang mamatay, gusto ko nalang saksakin niya ako ng piraso ng basag na platong kapwa hawak naming dalawa na nakatapat sa aking puso.
"Can you come back to me?" nagmamakaawang tanong ko sa kanya.
"Yes" nakangiting sagot niya.
Hindi ko alam pero biglang nagbago ang mood ko, gusto ko siyang halikan, gusto ko siyang hagkan ngayon.
"As a friend" inalis niya ang pagkakapatong ng kamay ko sa kamay niya, dahan dahan niyang ibinagsak ang piraso ng basag na plato.
Muli nanaman akong nalungkot, nasaktan sa dugtong niyang pahayag. Ang tanga ko para umasa nanaman sa sagot na walang tuldok.
"Pwede tayong maging magkaibigan ulit Kuya Ganny"
'Kuya Ganny..'
Pakiramdam ko may yelong biglang bumalot sa kinatatayuan ko.
Hindi ko inaasahan ang gagawin niyang pagtawag sakin, tila mas nawalan ako ng lakas na lumaban pa.
"Pwede mo kameng maging kaibigan ni White"hinawakan niya ang kamay ko.
Parang sinaksak narin niya ako dahil sa mga sinasabi niya, yung pagbigkas niya sa mga pangalan ni White, hindi ko ramdam yung pagkamuhi na nakita ko sa kanya noon.
INALIS ko ang kamay niya at tumalikod na ako. Parang walang laman ang utak ko ngayon, lutang akong binabaktas ang daan palabas sa resto.
"Pre!" nahabol ako ni Teroy, "Anong nangyayari?" lubos na pagtataka niya. "Mag-usap nga tayo" inakbayan ako at tinulugan pabalik sa pwesto namin.
Naabutan ko si Miggy, nakakrus ang mga kamay at ang talas ng tingin sa akin, kasabay ng pagtingin niya rin sa pwesto nila Dennis.
Kita ko na na kinakausap ni Leeford yung manager nitong Vikings, tila humihinge ng dispensa ... sa kasalanan na ginawa ko.
"Nasaan si Dhanny" tanong ko sa kanila, hindi ko makita ang kapatid ko.
"Gusto niya daw kainin lahat ng nakalagay diyan" pagturo ni Miggy sa mga pagkain, "Babalik nalang daw siya pag busog na"
Sana tulad nalang ako ni Dhanny, pagkain ang nagpapasaya sa kanya. Pagkain ang bumubusog ng puso niya, pagkain ang nagmamahal at minamahal niya.
Sana pagkain nalang din ang mahal ko, nabusog pa ako. Pero si Dennis talaga ang iniibig ko, nabubusog ako ng sakit habang patuloy ko siyang minamahal.
SIMULA ng makilala ko si Dennis, lahat ng pangyayari sa buhay ko kasama siya ay kwinento ko kay Miggy at Whiterou.
Minsan nararamdaman ko ang luha sa mga mata ko, pero wala na akong pakialam gumagaan ang pakiramdam ko habang nagkekwento ako.
"Oh my God pre!" si Teroy na di makapaniwala sa kwento ko. "Pre alam ko nagbibiro kalang" pagpapakalma niya sa sarili niya sabay subo ng piraso ng lechon na kinuha niya kanina.
"Sa haba ng kwento ko, magsisinungaling pa ba ako" inis na sabi ko.
"Pre" parang nagtataka niya akong pinagmamasdan.
"Oh" naiinis na ako sa kakatanong niya.
"Bakla ka?"
Napalunok ako bigla sa tanong niya, hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya.
"Oh my God, alam ba 'to ni Brenth?!" tila napasigaw siya ng mahina. "Ay alam niya nga pala, sorry di lang talaga ako makapaniwala sa inyong dalawa ni Leeford!"
"Kung bakla man ako sa paningin mo dahil minahal ko siya, siguro nga bakla ako" walang emosyon ma sagot ko.
"Pre sorry, don't get me wrong" nilapitan ako ni Teroy at naupo sa tabi ko. "Pre, nung mga panahong tumatabi ka sakin sa higaan.. pinagnanasahan mo ba ako?"
Inis ko siyang pinitik sa ilong.
"Aray!" natawa si Miggy bigla sa amin.
"Siya lang ang baklang kaya kong mahalin, siya lang.. wala ng iba" sagot ko.
"Iba din kayo ni Leeford" sabi pa niya. "Sa lahat ng pinagagawan niyo, eto ang pinakamatindi.. Wohhhh Mga baklang to!"
NAPALAKAS NAG SIGAW NIYA!
Nagtingin bahagya yung mga tao sa loob.
Muli akong napasulyap sa kinauupuan ni Dennis at Leeford, nalulungkot akong makita kung paano subuan ni Dennis si Leeford, at ganun din si Leeford sa kanya.
Hindi ko na kayang tignan pa sila, hindi ko na muna gusto makita sila sa iisang lugar.
Tumayo ako, "Usog" inis na hinawi ko ang paa ni Teroy na nakaharang.
"Pre san ka pupunta?" tanong niya.
"Magpapahangin lang ako sa labas" sagot ko. "Please, kayo na muna bahala kay Dhanny" ako sabay umalis na.
Muli akong sumulyap sa pwesto nila, masayang inaasar ng mga kaibigan nila ang dalawa.
Talo na ba talaga ako? Ako nalang ata ang sumusuporta sa pagmamahal ko sa kanya.
NAKITA ko nalang ang sarili ko sa loob ng SUPER MARKET. Gusto ko mang tanungin ang sarili ko kung bakit ako naririto, pero wala rin ata akong makukuhang sagot.
Basta, sinunod ko nalang ang hakbang ng paa ko.
"Sayang ng pagkain iniwan mo" bigla akong napatingin sa likuran ko. Bumungad sakin si Rusty.
"Aanong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko. "Sinusundan mo ba ako?"
"Nakita ko kung paano ka gaguhin ni Lucas at ng batang Hernandez" pinaharap niya ako sa kanya, "Hahayaan mo nalang ba na sila ang masaya at ikaw eto umiikot ang mundo sa supermarket?!"
Muli ko nanaman naalala ang halikang ginawa nila sa aking harapan.
"Ganny, wag ka na magpakatanga tropa please.. ginagago ka na nila" kita ko ang lungkot sa mata ni Rusty, "Naawa na ako sayo pre, alam mo ba kanina, gusto ko ng pumasok at sugurin si Lucas, pre nasasaktan na ako para sayo"
Tama pa ba ang ginagawa kong pagiging martir?
"Kung may konting respeto si Hernandez sayo, hindi siya gaganti sa kalokohan ni Lucas... Tingin ko pinaglalaruan ka nila" nagulat ako bigla sa sinabi niya.
Kung may awa nga siya saking nakikita hindi siya gaganti sa halik ni Leeford, pero wala.. Talagang sinaktan niya ako.
"Enough with this, be brave" sabi sakin ni Rusty, "Gantihan na natin sila, simulan mo sa welcome party"
"Hindi ko alam kung paano sisimulan" sagot ko naman.
"Gusto mo simulan natin sa mga kupido nila.." ngiting may balak na masama na sabi niya.
Tinutukoy niya ang mga kasama nila Dennis ngayon.
"Siguro mamaya pag magkasama na sila sa higaan, pagtatawanan ka nila habang sinusubo ni Dennis si Lucas at Pinapasok ni Lucas si Hernandez Hahahaha"
Parang nanikip ang dibdib ko sa sinabing ito ni Rusty, bigla kong namagine kung paano halikan ni Dennis si Leeford.
Parang sanay na sanay na siya, parang lagi nilang ginagawa ang bagay na 'yon.
Napasabunot ako sa buhok ko at nalamutak ko pa ang mukha ko, sabay napaupo ako sa sahig ng Supermarket.
"Kaya kung ako sayo, pairalin mo ang galit...."
'Pairalin mo ang galit..'
Tila paulit ulit na umeecho sa isipan ko.
Napapikit pa ako ng bahagya bago nagmulat.
Nakita ko si Rusty na inabot ang kamay niya sa akin, mabilis ko yung kinuha at tinanggap ang tulong niya para ako makatayo.
Tama si Rusty, Galit. Galit ang dapat kong paarilan.
•••
Dennis
Pagakatapos ng araw na 'yon ay di ko na nakita si Ganny. Pagkatapos niyang umalis sa pagtatagpo naming apat.
Tanging si Japanese Boy, Dhanny at Naruto nalang ang nakita namin.
Sila pala ang kasama ni Ganny. Nagpaiwan si Whiterou na hinihintay pa si Dhanny matapos sa ginagawang pagkain.
Si Miggy naman ay sumama samin ng atlraw na 'yon para mamili ng gagamitin sa eskwelahan sa darating na pasukan.
Tulad ng inaasahan ay magkakilala sila ni Lucario, hindi naman sila magkaaaway magkasundo nga silang maguusap habang iniikot namin ang bookstore.
Sinabi rin sa amin ni Sir Chris ang magaganap na Welcome Party para sa aming anim na representative noong nakaraan na International Camp Competition.
Maghanda raw kame, dahil baka kaylangan namin magperform para sa aming camp title. Ibig sabihin, ipapakita namin ang kakayahan namin bilang TOP 6, tulad ko bilang The Chef baka daw on the spot palutuin ako on stage.
HAIST.
Pero amg mas nakakagulat sa sinabi ni Sir Chris ay ang Guest daw sa gabing 'yon ang anak ng may ari ng DMA...
Si Ganny.
6 pm ang simula ng Welcome Party, pero mukhang magiging malungkot ako dahil ayaw sumama ni Lucario, hindi daw siya aattend dahil baka magsimula nanaman ng gulo si Ganny.
Kaming anim ay pwedeng maginvite ng Outsider, non D.A.B.A.S.T persona.
Kaya naman pinilit ko na samahan ako ni Kuya Brenth na pumayag naman.
ISLAND CUMPERS
°Me:
@Lucario di ka
talaga sasama?
•Jona:
Hoy san na
KaU?!
Naku Bebeprend
Wag pilitin ang
jayaw..
Mangboylet ka nalang
don! Hahaha
•Drew:
Pag nasapak talaga
to ni @Lucario si
@Jonathan Bwahaha
•Coach Chris:
Hey kids galingan
nyo mamaya nunuod si
Coach
•3Hrez:
Coach ang weird ng
ippkanta sa akin.
•Coah Chris:
Anu?
•3hrez:
Namimiss ko na ang
I love you mo..
•Coah Chris:
Huh? Anong
Namimiss mo na
I Love you
ko?
•Jona:
Hahaha
•Drew:
Bwahhh lptrip
ka Sir Chris!
•3Hrez:
Pamagt ng kanta yan Sir
Heheh
NAGTAKA ako bigla sa sinabi ni Threz sa GC, bat sa lahat ng kanta, bakit yun pa? May kinalaman ka ba dito Ganny?...
Nakarating kame ni Kuya Brenth sa Mendez, marami ng tao. Hinahanap ko ngayon si Jona, dahil siya yung nandito na ngayon. Si Threz, Dwife at Drew ay on the way palang.
Nakita ko rin sa wakas kung saan nakapwesto si Kuya Jona, nasa isang table din siya na may upuan sapat sa aming magkakaibigan.
Puno ng ilaw at desenyo ang buong Gymnasium. Sa sobrang laki ay kasya ang madaming studyante, "Kuya naroon siya" turo ko sa nakaupong si Jona, si Kuya naman abala sa cellphone niya.
Pagkalapit namin sa pwesto ni Jona ay agad din kame nitong napansin. Pero kita kong ang pagkatulala niya....
Kay Kuya Brenth.
"Bebeprend sinetch siya" bigla niyang tanong sabay lagok sa isang tubig ng baso na nakalagay sa mesa. "Diosko, nagkakasals ako kay Bebeko"
Nagsasalita ito mag isa sa hangin, tumayo siya at agad lumapit kay kuya at nakipagkamay.
"Hi I'm Jona.. hindi ako yung singer, pero kaya kong maging singer sa microphone mo"
"Hi" natatawang sabi naman ni Kuya, "He is indeed a humorous person"
"Siyempre kuya siya ang The Comedian sa aming anim" sabi ko naman.
"Nice to see you I'm Brenth, kuya ako ni Dennis" tila naiilang si Kuya sa kamay ni Jona na di parin inaalis.
"Haist.. sumbong kita kay Drew" sabi ko naman sabay hiwalay sa mga kamay nila.
"Bebeprend naman eh, di ka nagsasabi may masarap na putahe pala sa bahay niyo" sabi nito sa akin.
"Ou marami pa 'don" kita ko naman na nagulat siya.
"Tologoh!"
"Bunso, alis muna ako hanapin ko lang sila Miggy at Whiterou, andito daw sila" biglang paalam ni Kuya na nagmamadaling umalis.
"Hala iniwan agad tayo, sayang naman may mouth is watering bebeprend!"
Malungkot naman akong naupo at tinignan yung Group Chat.
"Ano di pupunta si Lucario mo?" pumwesto sa Likuran ko si Te Jona.
"Ewan ko dun" matipid na sagot ko.
"Alam ko na chat natin kunwari may lalaking lumalandi sayo" napalingon naman ako sa sinabi niya, sus si Lucario? Di naman nagseselos yon. Baka ako pa umiyak pag nawala nalang bigla paramdam ng lalaking yun.
ISLAND CUMPERS
•Drew:
@3hrez @Dwife
wait ko kayo dito sa gate.
•Jona:
Yieee andto na
ang mga handsome
cumpers.
•3hrez:
Copy @Drew
•Dwife:
Ge lapit na ako.
•Jona:
Hoy papa dwifey
san ang kuya
Lucarez mo, may
nag eemotion dito
oh!
*Biglang may sinend na picture si Jona, picture ko habang nakauopo at nagbabasa ng chat sa GC*
•Dwife:
Tag nio si
@Lucario para
magulo heheh
•Jona:
Hoy @Lucario
pumunta kana!
Pag di ka pumunta
Ipapa awra ko
sa ibang shutet
tong jowa mo haha
•Drew:
Ou nga @Lucario
Bahala ka ibebeta namn
syota mo! Bwahahah
•3hrez:
Mligawan nga si
Dennis.
wala palang bantay
@Lucario ✌️
•Dwife:
@Lucario
@Lucario
@Lucario
•Sir Chris:
Dennis may kasama
akong police trainee
dito.
Baka magustuhan mo
hehe
wala lang inisin
lang natin si
@Lucario para
pumunta.
°Me:
Hoy pinagsasabi
niyo!
•Drew:
Naku feeling ko
may kasama ng
lalaki yan si Dennis
bwahahha
•3hrez:
Naku natatanaw namin
may kasama nga.
•Dwife:
Patay @Lucario
*Ewan natatawa lang ako sa mga chat nila hehehe, never naman ata magrereply ang baliw na yon*
•Lucario
Tss..
Subukan niyo lang
At subuka niya lang.
*Nagulat ako ng biglang magreply si Lucario! Tila nabuhay yung lungkot ko habang nakaupo!*
•Drew:
Hahahah trigered
•3hrez:
Ay
may bantay na
pala ✌️
•Dwife:
Hahahahahaha
That's my brother!
*"Oh my god, bebeprend" ringig kong sabi ni Jona sa likuran ko... Nakakstiyak akong nagulat din siya sa pagreply ni Lucario.. Haist baka maniwala si Lucario huhuhu*
°Me:
Hoy wala ako
ibang kasama dito
kundi si Te Jona!
@Lucario Beyb
wag ka maniwala
sa mga yan!
•Lucario:
Tss..
•Drew:
Di kame naniniwala!
•Dwife:
Ou nga ✌️
°Me:
Ewan ko sa
inyo!
Mag pic kame
ni Te Jona!
*Naramdaman kong may umakbay sa likuran ko, Hehehe Ready narin si Te Jona may selpie kame*
AGAD KONG PNINDUT ANG CAMERA SA GC, AT NGUMITI PA AKO...
BIGLA AKONG KINABAHAN NG IBANG TAO ANG NASA LIKURAN KO...
PERO NASEND KO NA YUNG PICTURE!
Agad akong lumingon sa likuran at nakita ko si Ganny, nakangiting naka hawak sa balikat ko.
Fvck!
Tinignan ko yung GC.

Nasend ko yung PICTURE naming dalawa, gusto ko mang idelete pero...
SEEN BY:
Lucario, Drew, 3hrez, Dwife, Sir Chris
°°°
COMMENT✍️ at VOTE⭐
"Ang update ko nakasalalay sa inyong komento"
•TheSecretGreenWriter•