•••
Dennis
Kinagat ko ang labi niya sa inis. "Araaaayy Fvck!" sigaw niya na halos magkanda dulas dulas pa ng itulak ko.
Napasandal nalang siya sa kama nitong magarang silid, hawakhawak ang labing dumudugo. Nadagdagan ang bangas sa mukha niya.
Hindi na ako nag aksaya pa ng boses, naglakad na ako papunta sa pinto.
"Ang sarap mo parin halikan" woahh ang tibay niya! Inis akong humarap sa kanya, ngising ngisi siya habang binabasa ang labi niya gamit ang dila nito.
"Hindi ko na pala kailangan magalala sa'yo dahil mukhang ayos ka naman na" sabi ko sa kanya, nainis nanaman ako sa pagngiti niya.
"Nagalala ka nga sakin?" tumayo nanaman at hahakbang papalapit sakin. "Bat kase di mo nalang ako balikan" sinisimulan nanaman niyang utuin ako sa pananalita niya.
"Sorry, may mahal na akong iba" iniwanan ko ng ngiti ang lalaking biglang nagbago ang itsura, para siyang naging estatwa bigla sa sinabi ko. "Pumunta lang talaga ako dito, dahil gusto sana kita makausap, and I think ok kana" Bumuntong hininga ako at nilapitan ko siya, "Maraming salamat sa lahat," hinawakan ko ang pisnge niya. "Pwede mo ng tanggalin ang sipit mo sa puso ko, hindi na ako makakaramdam mg sakit"
Nagbago ang mood niya, sa likod ng pinapakita niyang kapilyuhan ay biglang bumalik ang mukhang di maiguhit sa kalungkutan.
"Mauuna na ako"wala akong sagot na nakuha sa kanya, nadinig ko nalang na bumalik siya sa higaan. Sa muling pagsulyap ko ay nakatalikod siya sa gawe ko, nakatagilid siya at nakatingin sa kabilang dako.
ISANG LINGGO ang mabilis na lumipas.
Humanda talaga sakin ang lalaking 'yon. Isang linggo na ang lumipas, hindi parin nagpapakita!
"Bulaga!" inis kong hinawakan ang kamay na dumapo sa balikat ko, "Hoyyy grabe makahawak!" pero napagtanto ko, iba ang nagmamayari ng kamay na 'yon.
Nilingon ko ang nagmamayari ng boses at nakita ko si Drew. Napangiwi ako sa hiya dahil sa nagawa ko.
"Sorry" mabilis naman na bawe ko, Ang gwapo niya sa suot niya. Haist, lagot ako nito kay Jona.
"Asan na sila?" tanong niya, nagkibit balikat lang ako. "Mga 'yon, sabi maaga kita kita dito, gutom na ako e" humawak pa siya sa tiyan niya. "Hoy bat ang tahimik mo?" pangungulit niya.
"Nawawala yung puso ko" inis naman na sagot ko sa kanya, at tinuon ko nanaman ag sarili sa cellphone.
"Ay wala to, Hahahahaha" ayon nanaman ang malulutong niyang tawa.
Narito kame sa may SM MEGAMALL VIKINGS.

Celebration para sa pagkapanalo ni Dwife at Threz, sila ang nanalo sa Asian category nung camping at 3rd place sa overall ranking.
Nakakaproud silang dalawa, di na ako magtataka dahil pinaghalong talino at diskarte kaya walang imposible.
Si Jona at Drew naman ay, nakasama parin hangang Top 20, pero nalaglag din pagdating ng TOP 10.
Dahil malaki ang nakuhang premyo ni Threz at Drew, manlililibre sila dito sa Vikings.
DUMATING na si Sir Chris, Jona at Threz. Kaya nagsimula nanaman ang ingay.
"Bebeprend!" pagsalubong niya sa akin. Humalik pa talaga to pisnge ko. Haist."Ay ang sensitive? Galit galitan?" pagtataray niya niya sa akin ng ipakita ko ang pagkailang sa ginawa niya.
"Hoy panget wag mo guluhin yan, nawawala daw puso niya Hahahahaha" tawa nanaman si Drew, "Kingina, yung puso nawawala"
Haist.
"Ay batet.. nasaan ang prinsipe" tumingin sa paligid si Jona, "Ay, mukhang may magaaway sa Vikings mamaya kaloka! Hoy papa Threz congrats sa inyo! Yieeee" biglang yumakap si Jona kay Threz, ang kulit.
Magaaway? Aawayin ko talaga siya. Pero mukhang di nanaman 'yon pupunta dito, kahit iinvite pa siya ng kapatid niya.
Lumapit nalang ako kay Threz at binigyan ko rin siya mg isang yakap ng papuri, wala namang malisya para sa akin.
"Congrats" maikling sabi ko, ngumiti naman siya.
"Thank you" sagot niya naman "Mas masaya sana kung kompleto tayong nanalo dun sa Camping" sabi niya naman na parang nasasayangan sa hindi pagiging kompleto ng grupo sa huling bahagi ng patimpalak.
"Okay lang yan atleast, may nanalo sa grupo natin" sagot ko naman.
"Nasaan na ba ang dalawang magkapatid" lumapit na sa kumpulan namin si Sir Chris, Pulis na pulis ang pormahan. "Nga pala may ikekwento ako sa inyo mamaya"
"Talagang mamaya Sir, pwede naman now na! Kaloka karin noh"
"Siyempre kaylangan ko munang kumain, wala pa kaya akong almusal"
"Ay ako Sir, makachat ko lang tong si Bebeko busog na ako.." tinignan niya si Drew.
"Hoy bakla wala ka patunay na kachat kita! Sa GC 'yon! GC natin!"
"Kachat parin kita Ayieeee" kilig na kilig na sabi niya kay Drew. "Mas gusto mo talaga may Audience sa harutan natin nuh!"
"Ang kapal mo!"
Nakakamiss yung ganitong larawan, simula ng magkakilala ng husto ang lahat sa Isla.
"Parating na si Dwife," pagkasabi ni Threz ay tila napaayos kame ng tindig. "Siya kase nagpareserve, kaya baka pagdating niya pwede na tayong pumasok.. wala namang nakapila"
Kaya mas pinili namin dito kesa sa MOA, puno na kase wala ng slot para ngayong araw.
"Ayan na pala si Dwife" biglang sabi ni Drew na nakatingin sa gawing likuran ko. Si Dwife lang talaga?
"Ay.. pati yung nawawalang piraso ng puso narito na" Mabilis akong humarap sa kanila ng maringig ko ang sabi ni Jona!
Hindi ako nabigo, magkasama si Dwife at Lucario!
Nakangiting lumapit sakin si Dwife, "Kumusta" maikling pagbati niya.
I smiled, "Congratulations, ang galing niyo nakapasok kayo sa Top 3" papuri ko sa kanya.
"Swinerte lang, medyo tricky yung mga challenges" paliwanag niya. "Siguro best weapon namin yung nagkakaisa kame ni Threz sa pagbuo ng plano"
Nawala yung paningin ko kay Dwife, na akit ako ng ngiti na binibigay sakin ni Lucario. Pero biglang humarang si Jona na sumalubong kay Lucario.
"Juniors na tayo sa susunod na araw" biglang paalala niya sakin.
Ou nga pala pasukan na sa susunod na araw, ambilis natapos ng bakasyon Haist. Bago yung camping sa Germany, inasikaso na muna ng lahat ang academic enrollment.
"So tara na" si Dwife sa aming anim.
Pagkatapos kausapin ni Dwife yung babaeng crew ng Vikings ay pinapasok na kame. Kay Dwife ako sumabay papasok.
Di niya ako pinapansin ah, ano yun ako unang magsasalita. Kaylanyan siya maunang pumansin sa akin, hindi ako.
"Hindi nanaman kayo nag uusap ni Kuya?" biglang tanong ng katabi ko, humahanap kame ng magandang pwesto.
"Hindi ko alam sa kanya, isang linggo ba naman akong di kinausap" parang nagulat na natatawa si Dwife.
"Dito tayo!" sigaw ni Jona sa two sided na pwesto. Mahaba at sapat naman amg espasyo sa aming pito.
Muling kinausap ni Dwife yung babae, pagkabalik ay sinabi niyang ayos na daw, pwede na kameng kumuha ng kahit anong pagkain.
Yung paligid puno ng samut saring pagkain. Ulam, kanin, dessert, drinks, prutas at marami pang iba.
Hindi narin ako iba sa ganitong Eat all you can. Madalas din kase ako ilibre ni Kuya Brenth sa ganito.
Uupo muna sana ako, para magisip ng kakainin ng makita kong nakapwesto na sa kabilang side si Sir Chris, Threz, Jona at Drew.
Ibig sabihin...
Pagtingin ko ay nakaupo ang magkapatid sa kabila. Kung makikisingit ako sa pwesto sa kabila, sobrang sikip na nila.
Ayoko katabi si Lucario! Bahala siya, Haist. Pero anong gagawin ko?
Tumayo si Drew at Jona, "Kuha na ako makakain ko ah, gutom na ako" nagmadaling maglakad si Drew.
"Hoy bebeko! Wait mo ko" patakbong sumunod si Jona, natatawa ako sa bilis ni Drew. Parang gusto niya pa iligaw ang sumusunod sa kanya.
"Susunod narin ako sa dalawa" sabi naman ni Sir Chris.
"Sama na ako sayo Sir" pagsunod sa kanya ni Threz. Maupo kaya ako sa pwesto nila, pero nakakainis may mga bag na nakalagay.
"Ako na maiiwan, mauna narin kayong dalawa"
Nagtama ang mga mata namin ni Lucario, ng magsalita ang kapatid niya.
Nakangiti lang siya at nakasulyap sakin na parang ayaw niya akong mawala sa paningin niya.
Tumayo siya, "Tara" aba nagsalita narin siya sa wakas! Siniringan ko siya.
Tsaka ako umalis magisa.
PINAKIKIRAMDMAN ko kung sumunod siya sa akin, pero kada sulyap ko sa likuran ay di ko na siya makita.
Tinatanaw ko rin ang pwesto namin, pero Si Dwife parin ang nan'don.
Nakakasalubong ko si Drew at Jona na parehong andaming laman ng plato. Habang ako, eto wala akong maisip na makain, nalilito ako kung ano ang uunahin.
Napatigil ako sa pwesto ng mga dessert. Andaming chocolate, cake at iba pang matatamis na pagkain.
Ansarap din titigan nung White and Chocolate fountain.

Ginaya ko yung batang nakita ko, kumuha siya na marshmallow at sinawsaw niya yun sa chocolate fountain.
May ibat ibang desenyo yung marshmallow, kinuha ko yung puso. Nakatusok na sa stick naparang barbeque, ready to dip.
Bigla akong napahinto sa gagawin ko nang may maglagay mg plato sa harapan ko. Puno ng chocolate nips ang malaking plato na naka ayos sa katagang....
SORRY
❤️
Tapos may puso pa sa baba. Pagtingin ko sa tabi ko ay nakita ko na si Lucario.
Sinimangutan ko siya, pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Sorry na beyb" sa boses niyang 'yon ay nahuhuli niya nanaman ang kahinaan ko.
Muli ko nanaman naalala ang ginawa nila sakin ni Kuya Brenth. Ginulo ko yung prinisenta niyang paghingi ng tawad sa dala niyang plato.
"Dinadamay mo pa yung chocolate sa kalokohan mo" sabi ko sa kanya.
"Sila lang kase ang alam ko na makakatulong para mapabalik ang tamis sa mga labi mo" , kunwari di ko nalang naringig yung sinabi niya. Kumuha ako ng donut at kinain ko yun.
"Wag mo ako kausapin galit ako sayo" pagsusuplado ko.
"Sorry na kase" paguulit niya nasa likod ko siya, ipinatong niya ang baba sa balikat ko. Buti nalang konti ang tao dito sa area, walang maabala.
"Sorry sorry" inis akong lumayo sa kanya, pumunta ako sa area ng mga cake. "Pagkatapos niyo akong paglaruan ni Kuya Brenth" akala niya siguro hindi ko alam. "So alam mo na kung bat ako nagagalit sayo" muli akong humarap sa kanya.
Inis kong kinuha yung cherry na nakapayong dun sa chocolate cake.
"Isang linggo na pagtataguan mo ako at hindi kakausapin" kinutsara ko pa yung cake na naka slice. Sabay lunok, "Tapos malalaman ko nasa bahay niyo lang ikaw, may pabatanes batanes ka pang nalalaman" inis na sumbat ko. "Sinungaling!"
Kita ko ang pagsisi sa mukha niya, parang nakokonsensiya siya dahil sa ginawa niya sa akin. Dapat lang!
Hindi ko alam ang dahilan bakit ginawa niya yun.
"Sorry na" muling paghingi niya ng tawad. Hindi ganyan Lucario! Effort naman diyan. Puro nalang salita. "Sinunod ko lang si Brenth" paliwanag niya.
Tama nga, si Kuya Brenth ang may plano ng lahat.
"Gusto niya kase matest, kung may magbabago sa pagtingin mo sakin pag di kita kinausap ng ganun katagal" nakayuko siyang nagpaliwanag.
"So wala kang tiwala sa pagmamahal ko sayo" sabi ko naman. He sighed so deeply, Parang gusto niya akong kabigin sa hindi mataong pwesto at paliwanagan ako. Tinalikuran ko siya at dumako ako sa mga brownies.
Pero Lucario, ngayon ka magsalita sa maraming tao.
"Kung hindi ako susunod, paano pa ako makakaulit pumunta niyan sa inyo" sabi niya. "Dennis, mahal mo pa ba ako?" ayon nagtanong siya, Wow ako pa talaga ang tinanong niya.
"Hindi ko alam" biro ko sa kanya, hinihintay ko ang magiging reaksyon niya. Kaw ba naman kase ganunin, yung akala mong nasa ibang lugar dahil may ginagawa eh nandito lang pala malapit sa akin.
Sobrang namiss kita tapos parang ganyan lang ang pahiwatig mo.
Kung hindi ko nabasa ang text ni Kuya Brenth kay Lucario, di ko matutuklasan ang bagay na to.
Kaya di ko rin kinakausap si Kuya eh, may paganun ganun pa sila. Hindi naman nakatulong sakin, nadagdagan pa ang kalungkutan ko.
"Alam mo ba ng iniwan mo ako, pinuntahan ko si Ganny sa Hospital" nakatalikod ako sa kanya, pero patuloy ako sa pagsasalita. Walang sumasagot, kaya naman muli akong humarap!
Hindi ko na makita si Lucario! Nawala siya bigla sa dati niyang pwesto! Hala, nasaktan ko ba siya sa sinabi ko? Sa sinagot ko sa tanong niya sakin!
Sheett!
Naibaba ko ang plato ko at agad kong hinanap si Lucario. Pero di ko siya makita, huling napuntahan ko ang area kung saan puro prutas ang nakalagay.
Nakaramdam ako ng uhaw sa kabang nararamdaman ko, paano kung bigla nalang siyang maglaho. Tulad ng sabi niya, ang hindi patas na prinsipyo niya sa pagmamahal! Lucario naman eh, ikaw na nga tong nanakit ako nanaman naghahabol!
Kumuha ako ng baso at kumuha ako ng orabge juice, na kapwesto din sa Fruit Area.
Nasa lalamunan ko pa ang juice ng maramdaman kong may yumakap sa aking Likuran, biglang napawe ang lungkot sa aking isipan.
"Dennis, mahal mo pa ba ako?" parehong tanong kanina.
"Ou, mahal na mahal kita" sagot ko naman, pero bat ganun, ngayon ko lang napansin iba yung boses at iba ang.. Napapikit ako sa ideyang...
Umalis ako sa pagkakayakap niya, at hinarap ang nagmamayari ng katawan.
"Mahal na mahal din kita" nakangiting sabi niya rin, punong puno ng ngiti ang labi at nakabuka ang mga kamay na inaalok ako ng yakap.
Bigla namang dumating si Lucario, may dala siya ulit na plato.
I ❤️ U
Sinulat niya gamit ang mga piraso ng laman ng ibat ibang prutas.
"Lucario," agad akong lumapit sa kanya. Inakbayan niya ako. "Sorry, akala ko kase ikaw.." nahihiyang sabi ko.
"Naringig mo," nakipagtitigan siya kay Lucario. "Mahal na mahal niya raw ako" pangiinis niya.
Nakatingin lang si Lucario sa kanya, at walang balak pumatol. Anong ginawa niya dito, magiisip na ako na sinusundan niya kame kung wala siyang magandang dahilan.
"Uy ano to" napansin niya ang platong nilapag ni Lucario, "I....Heart ... You?" biglang ginulo niya yung pagkakaayos nung prutas. Kumuha pa siya ng piraso nung mansanas sa plato at kinain 'yon.
Habang ngumunguya ay tumatawa siya. Kung mabubulunan ka Ganny, pagtatawanan talaga kita!
"Oh bat mukhang, napipi ka ata White" humakbang siya papalapit sa amin.
"Tara na" pagaya ko kay Lucario, nagsisimula ng gulo si Ganny. Pero bigla akong pinigilan ni Lucario, mas lalong humigpit ang pagkakaakbay sa akin.
"May kwento ako sayo" pagsisimula ni Ganny, "Alam mo sa sobrang nagalala sakin si Dennis" Anong ibig sabihin nito! "Dinalaw niya ako sa hospital".
"Maawain lang talaga si Dennis, sa tulad mong desperado" kalmang bwelta ni Lucario.
"Ako talaga yung desperado?" patuloy niyang inuubos ang prutas na nakalagay sa plato. "Tama ka diyan, sa sobrang desperado ko nga hinalikan ko siya.... at ramdam kong nasarapan siya"
"Ganny!" inis na sabi ko, "Hinding hindi ako natuwa nang ginawa mo 'yon.. alam mo yan!"
Tinignan ko si Lucario, nababalot na ng lungkot ang mukha nkya.
"Hindi ba?" kita kong hinawakan niya ang labi niya gamit ang daliri, napansin kong hindi pa masyadong magaling ang labi niya. Alam kong baon na baon ang pagkakakagat, ganti ko sa ginawa niya. "Sa sobrang nasarapan ka nga, halos kinagat mo na labi ko"
"Sinungaling!" inis na sigaw ko sa kanya. "Lucario.."
NAGULAT nalang ako sa biglang ginawa ni Lucario, hinalikan niya ako sa labi. Isang masiil na halik na halos nagtagal ng ilang segundo. Ginagawa namin yun sa harapan ni Ganny.
Kusang tumigil nalang si Lucario ng makita niya ang pagbabago sa mukha ni Ganny. May mga taong nakakita pero, binabalewala ko nalang wala naman silang hawak na camera bukod sa mga platong puno ng pagkain.
Kaylan ka ba titigil Ganny, gusto mo pa ba, umabot sa ganito.
Gusto kong umalis na siya, pero mukhang hindi sapat ang ginawa ni Lucario... Sa pagkakataong to... Pinaharap ko si Lucario sa akin, dahil sa medyo matanggkad siya sa akin ay pinayuko ko siya bago ko binigyan ng halik, higit pa sa ginawa niya sa akin.
Tinigilan ko yun ng makita ang pait sa mukha ni Ganny, kung ito ang paraan para tumigil ka, gagawin ko.
"Hinalikan mo lang siya" biglang nagsalita si Lucario, "Pero ako hinalikan ko siya at hinalikan niya ako..."
Umalis si Lucario sa tabi ko, kumuha ng plato. Inabot niya kay Ganny."Kumain ka nalang muna, baka gutom kalang.. Eat all you can.. Asa all you can"
Tulala at wala sa sariling inabot ni Ganny ang plato.
"Isa lang ang ibig sabihin 'non, Ikaw nalang ang umaasa, huwag kang maghintay na gaganti pa siya mga kilos mong napakadesperado" bumalik sakin si Lucario,pinaharap niya ako sa kanya. "I love you Beki Beby" hinawakan niya ang malambot kong pinge. Hindi ko inaasahan na sasambitin niya ang mga katagang 'yon. Pero kung ito ang maaring magpatigil kay Ganny, gagawin ko dahil nasasaktan na ako sa nakikita ko.
Nagpapangap siyang matapang, sa likod ng kalungkutan.
"I love you too Pogi Beyb" , sagot ko naman kay Lucario, sinadya kong gawing sweet ang boses ko at yumakap rin ako.
BIGLANG TUMALIKOD SI GANNY. PERO BIGLA SIYANG HUMARAP ULIT!
AT TINAPON AMG PLATONG HAWAK SA SAHIG KUNG SAAN KAME NAKATAYO NI LUCARIO!
Isang napakalakas na ingay ang nagawa nun, nagkalat ang basag na plato sa kinatatyuan namin.
Agad na sumugod si Lucario kay Ganny, pero namagitan ako. "Tama na pleasee" sabi ko naman, pero di ko napigilan na itulak ni Lucario si Ganny sa sahig kung saan nagkalat ang bubog. Yumakap ako kay Lucario,"Hayaan mo na siya beyb" sabi ko naman.
Ano bang ginagawa ni Ganny, pinagtitinginan na kame ng mga tao.
"Pre!" biglang dumating si Whiterou, nanlaki ang mata niya makita si.. Shet medyo nailang ako dahil nakayakap ako kay Lucario.
Kaya di ko pinahalatang bumitaw.
"Leeford?! Pre!" si Whiterou na lumapit kay Lucario, pero di siya nito pinansin.
Si Ganny naman magisang tumayo, may hawak siyang piraso ng basag plato, anong gagawin niya.
Mabilis siyang lumapit sakin, kinuha niya ang kamay ko at pinahawak sakin ang piraso ng matalas na bahagi ng plato.
Pagkatapos tinapat niya yun sa kaliwang dibdib niya, "Saksakin mo nalang kaya ako, ang sakit na eh" Nakaramdam ako ng awa sa nangangaralgal niyang boses, kita ko na dahan dahan bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.
°°°
COMMENT✍️ at VOTE⭐
"Ang update ko nakasalalay sa inyong komento"
•TheSecretGreenWriter•