•••
Dennis
Tahimik na binabaktas ang daan papunta sa bahay. Nasa tabi ko si Lucario, habang nauuna naman sa paglalakad si Kuya na kanina pa tahimik.
Nanatili ang isip ko sa nangyari kanina, hindi ko akalain na magaganap ang bagay gan'on. Mala teleserye ang mga rebelasyon na nalaman ko.
Mga pangyayari na tila gusto magpabago sa pananaw ng aking puso't isip. Paano ko ba maalis ang mga eksenang 'yon sa isipan ko.
Maraming pumapasok sa isipan ko. Gusto kong burahin ang mga sinabi niya sa akin, ang tungkol sa nangyari sa kanya.
Mahirap paniwalaan lahat, pero may parte ng sarili ko na gusto ko siyang magkwento. Na kame lang, na ako ay nakatutok sa kanya habang pinapakinggan ang mga paliwanag niya
Sa sitwasyon ko hindi na pwede ang gan'on. Dahil iba na ang nararamdaman ko, iba na ba talaga?
Ganun nalang ang kalungkutan ko kanina habang pinapaalam niya sa akin ang nangyari sa kanya sa Amerika at ang mga bagay na tinatanggi niya sa akin.
Mahirap paniwalaan ang paliwanag niya, kung totoo man 'yon. May magagawa pa ba ako?
Nasa bagong mundo na ako, nakaabante na ako sa sakit dulot ng nakaraan na tinatanggi niyang ginawa niya.
Hindi ko alam kung sino ang gagawa ng mga bagay na'yon kung itinatanggi niya ang lahat. Pero bakit walang nagpaalam sakin, si Sir Zhabby. Hindi niya ba ako naalalang sabihan?
Walang patunay na nangyari sa kanya ang mga pinagsasabi niya kanina Dennis! Kaya bat kalangan mong magisip!
Gumagawa lang siya ng kwento para muli kang guluhin. Lungkot, eto ang halos nararamdaman ko. Nalulungkot ako para sa kanya.
Sabihin na nating may mali sa nangyari sa mga panahong 'yon. Mga bagay na hindi naipaintindi ng maayos, mga katotohanang ipinagkait sa taong naghahanap ng tanong.
Sabihin na nating, tama ang lahat ng kwento niya. Pero paano pa ako babalik, kung sa inaakala kong kalungkutan dulot ng ginawa niya ay nakamove on na ako.
"Tss.."
Bigla akong napahinto sa paglalakad dahil sa, nakaramdam ako ng konsesiya. Bat ba iniisip ko ang mga bagay na'yon. Iniisip ko bang paniwalaan ang sinabi niya kanina? Napakaunfair ng ginagawa kong to kay Lucario.
Totoo, mas malaki ang pagmamahal ko kay Lucario.Kahit nakakagulat ang pagpapakita ni Ganny kanina sa amin ay di 'non napalitan ang ang nararamdamng pagibig kay Lucario.
Hindi ko man tanungin, pero alam kong iniisip niya rin ang nangyari kanina. Iniisip niya kayang nagkaroon ng epekto sakin ang pagpapakitang 'yon ni Ganny. Baka iniisip niya na may nararamdaman parin ako sa nagbabalik na nakaraan.
Malayo na sa amin si Kuya na nauunang naglalakad, dala na niya ang bag ko. Hindi niya ito pinabitbit kay Lucario.
"Walang nagbago, pleasee alam ko nanaman yang iniisip mo" pagsasalita ko , hinahawakan ko ang kamay niya. "Ikaw ang mahal ko"
"Pero bat siya ang unang niyakap mo?"
Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang tanong sakin ni Lucario. At HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG AKING ISASAGOT!
Nakakamangha ang pagiging kalmado niya, sa buong oras ng paglalakad namin. Mas lalong nakakatakot, dahil alam kong may iba na siyang iniisip.
Hinuhuli niya nga ba ako? Bakit nga ba si Ganny ang una kong binigyan ng yakap bago siya.
Para nanaman tuloy akong batang problemado sa tanong niya, kahit alam ko naman sa sarili ko na wala na talaga akong ibang nararamdaman sa lalaking 'yon.
"Aaminin ko hindi ko rin alam kung bakit" nakayukong panimula ko sa pagiisip ng idadahilan. "Hindi dahil siya ang mahala ko" tinignan ko siya ng maiigi, pansin kong malungkot siya. At ayaw kong nakikitang ganyan siya dahil pag nalungkot ang isang Lucario, nakakaba.
Agad akong sumimangot sa kanya, hinawakan ko ang pisnge niya.
"Lucario, wag ka nanan ganyan" sabi ko na sinisipat ko ang buong mukha niya. "Kinakabahan ako eh" sabi ko pa.
"Tinanong ko lang kung bakit siya una mong niyakap, ang dame mo ng sinabe diyan" seryoso siya! Alam kong may iba! Nagseselos siya! Nooooooo, iba ang kakalabasan pag nagselos tong lalaking to!
"Ganito nalang" andaming bagay na gusto ko idahilan pero, ipapaliwanag ko nalang sa kanya ng maikli. "Kung sa karera, siya yung finishline ribbon.. Pero ikaw ang trophy" paliwanag ko sa kanya. "Siya ang una kong nadikitan, pero ikaw yung aking hahawakan hanggang paauwe sa bahay.. at ikaw ang gusto kong lage makita.." natawa ako bigla sa pagpapaliwanag ko. "Basta, ikaw ang mahal ko... please maniwala ka naman" pagmamakaawa ko sa kanya
Dumeretso siya ng tingin, "Napaliwanag ko na sayo kung paano ako magmahal.." bigla pagsasalita niya. "Hindi kita kayang husgahan ngayon, dahil alam kong nalilito ka.. dahil sa mga nalaman mo"
"Napaisip lang siguro, pero hindi ako nalilito sa nararamdaman ko" pagtutol ko sa sinabi niya. "Mas natatakot akong magalit ka sakin Lucario, mas natatakot akong magtampo ka.. dahil ayokong isang araw' wala ka nalang bigla sa buhay ko"
"Kinamuhian mo na pala ako noon" kita ko ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya. Senyales na ayos na siya.
Tinutukoy niya ba ang pagkamuhi ko sa kanya, dahil sa kwento ni Ganny tungkol sa pagkatao ni White?
"Pero mahal na mahal na kita ngayon Lucario" kapwa kame humarap sa isat isa. "Sorry kung masyadong komplikado ng paligid ko"
"Kagat labi ka nga" nailobo ko ang kabilang pisnge ko sa sinabi niya, sabay dilat ng mata sa di inaasahan niyang request.
"Yan ang unang nagustuhan ko sayo" kita ko ang pag maneobra niya sa labi ko gamit ang sariling mga daliri.
Pero agad ko siyang pinigilan, dali dali kong tinungo ang labi siya at marahan kong kinagat 'yon.
"Mas gusto ko kagatin ang labi mo, ayoko magpalamang" nakangiti akong inagaw sa kanya si Skyte at nagsimula akong mag skate. Kita ko naman na hinabol siya, hanggang sa maabutan niya ako. Yumakap siya ng mahigpit...
"Hinding hindi kita ibabalik sa kanya"
Namutawi ang saya sa puso ko nga maringig siya. "Hindi hindi na ako babalik sa nakaraan" sabi ko naman sa kanya.
Pagkatapos 'non ay sabay na namin tinahak ang daan papunta sa bahay. HANDA NA AKO, IPAKILALA SI LUCARIO AT TUNAY KONG PAGKATAO SA PAMILYA KO.
HINDI ko inaasahan na nasa labas ng bahay si Kuya Vince, Uno at Topher. Naglalaro ang tatlo ng bola ng basket.
Sheeeet, paano ako didiskarte nito.
Papalapit na talaga kame ng makita ko naman na lumabas si Kuya Clifford! Shett napapapikit ako sa kaba, dala nito ang basket sakay si Maulee at KribKrab.
Bago huminto si Kuya Brenth ay tumingin muna siya sa amin, pero nagtatanong ang mata niya. Tinuturo ang katabi ko.
Hindi niya nga pala alam yung gagawin kong pagamin.
"Hoy bunso!" ringig ko na ang ingay ni Kuya Topher, haluh parang kinakabahan ako. Tumingin na ako kay Lucario, Oy tulungan mo ako!
Ano ba kaseng naisipin nila, bat sila nasa labas. Kakatapos palang ng ambon, tapos naririto na sila.
"Kuya mo lahat?" mahinang pagtatanong niya na puno ng pagkaseryoso.
"Ou" sagot ko naman.
Inilapag na muna ni Kuya Brenth yung bag sa may semento, sa gilid ng kalsada.
Paano ang gagawin natin Lucario? Medyo kinakabahan ako, itutuloy ko pa ba.
Hawak ko lang ang skateboard ni Lucario, habang nakamasid sa mga kapatid ko.
"Napaaga yata ang uwe mo bunso" salubong na tanong ni Kuya Vince, bat ganon parang ayaw ko silang tignan, ayoko maringig ang sinasabi nila.
Ramdam ko yung pagtahimik ng paligid, pero naantala agad yan ng...
Biglang lumundag si Maulee sa basket na bitbit ni Kuya Clifford at patalon na sumalubong kay Lucario.
Halata ang pagkamangha ng mga kapatid ko sa ginawa ni Maulee, at mas nakakagulat kase kung paano rin sinalubong ni Lucario ang alagang matagal na nawalay sa kanya.
"Meow" tila nagagalit na pagboses ng pusa na, habang yakap yakap ni Lucario ay di natitigil ang pagdila sa mga kamay niya.
Mga mata ng kapatid ko ay nakadako na sa akin, tila gusto ng malaman kung sino ang lalaking nasa tabi ko.
Pero alam kong naging interisado sila bat gan'on ang naging pagsalubong ng pusa kay Lucario.
Tumayo ako ng diretso.
"Kuya..", tumingin muna ako kay Lucario, Handa na ba talaga ako? Bumuntong hininga ako at nagbigay ng malaking ngiti sa kanila. "Mga kuya ko Si--"
"Leeford Jan Lucas po"l," biglang pagpapakilala niya. "Kaibigan ni Dennis at Camping partner niya po." Hindi ko inaasahan ang pagpigil ni Lucario sa aking binabalak na pagamin.
Lumapit sa kanya si Kuya Clifford at tinignan siya ng maiigi nito. Matagal na panahon ang lumipas, naging malapit na si Kuya sa Dalawang pusa. Wala na ata oras magasawa, yung dalawang pusa ang napagtitripan niya.
Dahan dahan niyang binawe si Maulee kay Lucario, "Mukhang nagustuhan ka ni Meowlee" sabi ni Kuya. Kita ko ang pagngisi ni Lucario, marahil sa tawag namin sa pusa niya. Meowlee.
"Nice meeting you po Sir" Inabot ni Lucario ang kamay niya kay Kuya Clifford. Sheeett, kadalasan hindi nakikipagkamay si Kuya, yan ang napapansin ko sa kanya tuwing may bisita kame dito. Napapahiyang naiiwan ang mga kamay ng mga nagtatangka.
•0_____0•
No Way!
Inabot ni Kuya ang kamay ni Lucario, at matagumpay silang nagshakehand!
Para akong tuod sa kinatatayuan ko, hindi ko alam. Pero pakiramdam ko magugustuhan ng mga kuya ko ang ugali ni Lucario.
Pero sana wag niya singhalan ang mga 'to at paandaran ng mga matatalino niyang prinsipyo.
Isa isa niyang kinamayan ang mga kapatid ko, bukod kay Kuya Brenth.
"Schoolmate ko rin siya ng High School sa Mendez" biglang singit ni Kuya Brenth.
"Mukhang magandang magkwentuhan ngayon," sabi naman ni Kuya Vince. "Tara sa Garden, naghanda ng Barbeque Party para sayo ang mga kuya mo Bunso" nagulat ako sa sinabing 'yon ni Kuya Vince.
"Sumama ka narin Leeford" pagaya ni ni Kuya Clifford. "Our names sounds familiar Ah" nakangiti pang sabi niya.
"Hindi na po Sir Clifford" magalang na pagtanggi ni Lucario sa alok ni Kuya.
Haist! Palihim ko siyang tinignan.
"Basa narin po kase ako ng ulan, kaylangan ko umuwe nt bahay para maligo"
Huhuhu naambunan nga pala siya.
"Yun ba ang iniisip mo?" ewan ko pero panay ang salita ni Kuya. "Brenth" bigla tingin niya kay Kuta Brenth "Pwede mo naman siguro mapahiram siya ng masusuot"
"Hey," pagtawag ni Kuya Brenth kay Lucario. "Tumuloy ka na muna ngayong araw dito sa bahay" Haluh! napatingin ako kay Kuya, ibig sabihin gusto niya magstay si Lucario dito.
"Thanks for the invite, pero"
Humakbang si kuya papalapit kay Lucario, kaya natigilan din sa pagsasalita ito.
"Magsstay ka" tila may pinahiwatig si Kuya sa boyfriend kong pinapanatili ang pagiging cool.
"Sige" matipid na sagot ni Lucario. Wahhhhh nagwawala sa saya ang puso ko, makakasama ko si Lucario ngayong gabi!
"Sige, samahan mo na muna sila sa taas" utos ni Kuya Clifford na tumalikod na at bumalik na sa Graden.
"Maligo na muna kayong dalawa" sabi ni Kuya.
"Naambunan ka rin" sabi naman sa kanya ni Lucario.
"Ahh ou nga pala," sabi niya. Pero nanatili parin seryoso si Kuya, naglihim kase ako sa kanya. Kaya baka nagtatampo siya sa akin. At sa nangyari kanina, alam ko nahihirapan din siya magbalanse.
Hindi ko rin masisi si Kuya, dahil prinoprotektahan niya lang ako. Sa sitwasyong nangyari, sa pananaw niya tama ang naging desisyon ko.
SABAY kameng tatlo pumasok sa gate, naabutan ko na naghaharutan yung tatlo kong kapatid at si Kuya Cliff naman ay nasa malaking ihawan at inaayos ang mga nan'don.
Yung dalawang pusa kasama niya, Si Maulee ay ang ligalig habang si Kribkrab ay tulog.
Tahimik lang kameng tatlo pagpasok sa loob, Wala akong maisip na sasabihin. Kase, hindi ko alam if ignorante pa ba siya sa mga nakikota niya. Wala naman ispesyal sa bahay, tulad lang rin naman to ng ibang bahay na mataas.
Hindi tulad sa sariling bahay ni Lucario, Hmmmm. Puno ng halaman at kung ano anong koleksyon.
Pagkarating sa harap ng kwarto ay kinalabit ko si Lucario, "Dito kwarto ko" sabi ko sa kanya. Lumapit naman siya sa akin at hinintay na buksan ko ang pinto.
"Sinong may sabi na diyan ka maliligo?" may striktong pagtatanong ni Kuya Brenth, hinila niya si Lucario at nakangiting dumako sakin. "Maligo kana bunso", utos niya sa akin. "Magkita nalang kayo mamaya netong boyfriend mo" tila nang aasar niyang sabi sa akin.
"Sige na, pagkatapos ko puntahan agad kita" sabi nmaan ni Lucario.
"Hoi anong puntahan," pumagitna si Kuya sa amin. "Akala niyo, mapapadali ang pgdidikit niyo?" Tinulak na ni Kuya si Lucario. "Bilisan mo na Leeford, may mga itatanong ako sayo"
Haist, kinakabahan ako sa ginagawa ni Kuya Brenth. Anong klaseng Pagkakaibigan meron sila noon?
Maya maya wala na sila sa Harap ko, pumasok narin ako sa kwarto para maligo.
MEDYO natagalan ako sa banyo, dahil andame kong iniisip. Lalo na yung pagpigil ni Lucario sa akin para umamin sa pamilya ko. Kasabay 'non ang pagpigil lumabas ng...
Haist.
Pero nailabas ko rin at inanod na ng flush..
Paglabas ko ay walang Lucario na naghihintay sa may pinto.
Sinisipat ang ko ang buong second floor, pinuntahan ko pa ang kwarto ni Kuya Brenth at nakita ko nalang na naka ayos ang hinubad ni Lucario sa may gilid ng kwarto.
Nagpalit kaya ng brief 'yon? Damit at pantalon lang kase ang nakikita ko dito.
Nasan na ba sila?
Lumabas na ako, nakaringig naman ako ng nagkakasiyahan sa baba. Mabilis akong bumaba, nakasalubong ko si Manang na dala dala ang mga platong pinaglagyan ng binabad na mga karne.
Inisnob ko nalang siya, nagmamadali kase ako. Nawawala ang boyfriend ko! Haist.
Pero pagdating ko sa labas, sa may Garden ay nandon na si Lucario, ang sarap ng upo. Kausap ang mga kapatid ko.
Nasa hita niya naman si Maulee at Kribkrab, so saan ako lulugar?
Napasulyap siya sa akin, pero mabilis rin na umiwas dahil kinakausap siya ng mga kuya ko. Sa naririringig ko ay namamangha sa kanya ang mga kapatid ko.
Ang weird ang bilis niyang nakuha ang loob ng mga kapatid ko.
"Ayoko muna guluhin ang utak mo, pero maghanda ka pag magumpisa na akong magtanong" bulong sakin ni Kuya Brenth na nasa likuran ko, parang tumindig lahat ng balahibo ko. Ano bang kaylangan itanong? Huhuhu
May dala siyang mga iihawin, patungo siya kay Kuya Cliff na abalang nagpapaypay sa iniihaw. Nakahubad na nga siya ng pang itaas, maganda rin ang katawan ni Kuya. Kahit wala pang girlfriend na pinapakilala pero di niya napapabayaan ang katawan niya.

Si Kuya Vince ang tumataba na ng konti, muli ko nanaman naalala si Kuya Rain at Ate Mae. Kumusta na kaya sila, yung anak nila?
TUMULONG narin ako sa pagihaw ng karne at mga lamang dagat, mga pusit nalang ang natitirang lulutuin at nagpresenta ako.
Kaya naman ako nalang naiiwan dito, sila naguumpisa ng kumain at magsaya.
Bat ganun parang balewala na ako, nak'ay Lucario ang presensiya nila.
Napasulyap sakin si Lucario, pero sinungitan ko siya.
Pero laking gulat ko ng tumayo siya at lumapit sa akin, "Tulungan na kita" sabi niya.
"Hindi na, mauusukan ka" inis na sabi ko. "Kakaligo mo palang, don ka nalang makipagkwentuhan ka sa mga kapatid ko"
"Nagtatampo ka?" pabulong na tanong niya, pero inaayos ang kilos para di mahalata. "Kuya Brenth mo kase," napapakamot siya sa buhok niya. "Andami niyang gustong malaman" sabi pa niya.
"Sundin mo nalang," binaliktad ko yung isang pusit. At hinihintay ko na maluto yung iba pang nakasalang. "Uy balik ka na 'don" inis na bulong ko.
Sumunod naman agad siya sa sinabi ko, ending magisa akong nagiihaw.
PAGKATAPOS kong maluto yung pusit ay pumunta na ako sa pwesto nila, nagulat ako sa nakita ko sa lamesa. May Juice ,may tubig at may beer.
"Grabe ka bunso" biglang sita sakin ni Kuya Uno. "Ikaw pala nagpatalo sa inyong dalawa, siguro halos masuka na to sa lula sa sobrang delikado nung obstacle Hahaha" halos mamatay kakatawa si Kuya Uno na sinusuportahan ni Kuya Vince at Topher.
Si Lucario naman di makatingin sakin, so ako nga ang topic. "Bunso tubig lang o Juice ang pwede sayo" sabi sakin ni Kuya Vince. "Si Leeford, pwede na siya sa alak"
"No!"
Napatingin silang lahat sa akin,Haluh nasabi ko nanaman imbis na sa isip ko lang. "No, pwede rin siya dito sa Juice" nagpalis ako ng juice sa baso. Sabay tungga.
Kita ko ang pigil ngisi ni Lucario, alam kong tawang tawa siya sa akin. Kitang kita sa lumulobo niyang pisnge.
INIHAW na karne ng baboy, baka at mga seafoods ang paulit ulit na nilatakan namin na nakahanda sa munting mesa na nakapwesto sa munting espasyo sa garden namin.

Si Lucario, nauuto siya ng mga kapatid ko, umiinom siya ng Beer. Kuya Brenth, Huhu help me please.. Pigilan mo si Lucario.
Haist.
Yung Kuya Brenth ko isa rin!
Hindi ko nilalagi ang tingin sa kanya, si Kuya Cliff kase panay ang tanong kay Lucario.
"Anong kukunin mong kurso?" tanong ni Kuya.
"BS Zoology" sagot naman ni Lucario. Woahh ngayon ko lang nalaman na yan ang gusto niyang course.
Tila namangha si Kuya sa sinabi niya. "Nice, a distinctive boy" kinuha ni Kuya si Kribkrab. "Eh di mahilig ka sa hayop" dagdag pa niyang tanong.
"Actually, Yepp.. then I will go after Veterinarian, pag sinipag" Kinuha ni Lucario si Kribkrab na inabot ni Kuya Cliff.
"Masyadong antukin yan si KribKrab" Patay. Alam kong may mapapansin siya sa pangalan ng pusa.
"Hmmm.. Krib," tumingin siya sa akin. "Krab.. I see" pagkatapos nilaro laro niya ang antok na Pusa.
Si Kuya Brenth naman kita ko ang pagkakatitig sakin habang nagmamasid. Para siyang naliligayahan.
"Naku pagamot ko sayo tong Aso namin Lee" sabi ni Kuya Uno, na hinahawakan ang mukha ni Kuya Topher. Hahahaha nagtawanan bigla sila.
Umalis nman si Kuya Vince, dahil may biglang tumawag sa kanya. Madalas lage siyang may kausap, and masaya kame na nanunumbalik na ang ugali niyang 'yon.
"Dou you have any pet?"
Napapikit ako sa tanong ni Kuya Cliff. Juskooooo yang nasa harap mo po kuya! Pusa niya yan.
"Yes" nakangiting sagot niya. "And she's here"
Napakunot ng noo si Kuya Cliff, "What do you mean?"
Lahat ay nasa kanya ang atensyon, hangang sa sinimulan na niyang tawagin si Maulee.
"Maulee" kakasimula palang ng pagtawag niya ay karipas na tumakbo ang ang pusa patawid kay Lucario.
"Make sence" Pabulong na sabi ni Kuya, "Kaya pala may Lee" sabi pa niya.
"Meet Maulee, My British shorthair cat" Pagmamalaki ni Lucario sa pusa niya na panay dila na ngayon sa mukha niya. "Hey behave.."
"Pusa mo si Meowlee?" hindi makapaniwala si Kuya Cliff, at nagtanong ang mga mata niya sa akin. "Pero camping lang kayo nagkakilala ni Dennis" tanong ni Kuya. Haistttt.
Paano pa kaya kung umamin ako sa totoong pagkatao ko. Baka hindi lang tanong na sakdamakmak ang inabot ko, baka walang palyang pasa pa sa katawan ko.
Pero nakakatuwa, nasa good mood ata si Kuya clifford.
"Nagulat rin ako," panimula ni Lucario. "One time nawala kase si Maulee.. then suddenly nakilala ko si Dennis" tumingin siya sa akin. "At nalaman kong siya ang nakakuha sa pusa ko"
"Schoolmate ko po kase ang kapatid niya," singit ko. "Siya ang nakakita kay Meowlee, kaya naibalik ko dati sa kanya"
"Nung bumalik sakin, medyo napansin kong hinahanap niya ang alaga ni Dennis" nakangiting paliwanag niya. "With the help of my brother, nakiusap akong ibalik muna kay Dennis" Kasinungalingan Lucario!
"Kaya pala ganun ka nalang salubungin, ng pusa" sabi ni Kuya kay Lucario. "Hindi man lang to sinabi samin ni Dennis" Lagot.
Oi kwinento ko kaya! Di ko lang sinabi na si Lucario ang may ari!!
"Bat pala Maulee?" biglang tanong naman ni Kuya Uno.
"Ahh.." parang ayaw pa niyng sabihin. "Alaga kase namin to ng Ex Girlfriend ko" kwento niya. "Pinagsamang pangalan namin, Maurene at Leeford"
Naalala ko nanaman ang pangalan ng Babaeng 'yon. Parang naiinis ako.
"Scam karin bunso, pinalitan mo yung Mau ng Meow Ahh!" inis na tinignan ko si Kuya Uno. "Joke lang bunso'y!"
"Mas bagay ang Meowlee" sabi ko naman. "Mag moveon na sa nakaraan.." pagmamalaki ko.
BIGLANG NATAHIMIK ANG PALIGID, tumayo si Kuya Clifford na seryoso ang mukha. Haluh may nasabi ba akong masama?
"Biglang sumama pakiramdam ko" sabi ni Kuya. "Mauuna na muna ako sa inyo" paalam niya. "Ubusin niyo yan" bago umalis ng tuluyan. Kung saan pabalik naman ni Kuya Vince sa lamesa.
TULOY ang kasiyahan nila. At alak na ang iniinom nila, nabuburyo na ako kakahintay. Napakadame nilang tanong kay Lucario.
Minsan napapapikit na ako, pero buhay na buhay parin sila.
Inis na nga akong tumayo, di na ako nagpaalam, tumaas na ako at pumunta sa kwarto.
Andito nga siya sa bahay, pero yung presensiya niya nasa lamesa, nasa alak, nasa mga kapatid ko!
Pumasok ako sa banyo, at inis akong nagsipilyo. Pakiramdam ko sugat sugat na ang gilagid ko sa sobrang diin ng pagkakakuskos.
Pagkatapos, nahiga na ako. Pero naalala ko...dito matutulog si Lucario.
Kaya naman inayos ko tong higaan, ansaya. Makakatabi ko siya ngayon, ano kayang mga gagawin namin? Magkekwentuhan? Tapos.. Haist, natawa ako bigla sa naisip ko.
Yung Virgin na 'yon. Humanda siya sa akin. Ngayong gabi.
ISANG oras ata ang hinintay ko, bago ako makaramdam na nagaakyatan na sila.
Agad akong lumabas sa pinto at nagabang. Nakita ko si Kuya Brenth at Lucario na magkasama, bitbit ni Lucario ang basket kung saan nakalagay ang dalawang pusa.
Huminto si Lucario sa harapan ko, amoy beer ang hininga niya. Pero hindi nmaan siya lasing, namumula lang ang pisnge niya.
Pero ang pinagtataka ko nakatingin samin si Kuya Brenth, "Kuya.." sabi ko.
"Bakit?" tanong niya.
"Di ka pa punta sa kwarto mo?" tanong ko sa kanya, bigla niya akong nginisian.
"Hinihintay ko pa siya eh" nguso niya kay Lucario.
"Kuya!"
Umiling iling siya, "Marami kamemg paguusapan" seryosong sabi niya. Di ako nakasagot pa.
Bigla naman akong hinalikan ni Lucario sa noo, "Para naman sa atin to, gusto ko maging honest kay Brenth" kwento niya. "Hihingi rin ako ng tulong sa kuya mo, para ipaalam sa mga kapatid mo ang relasyon natin"
Para akong naginhawaan sa sinabi niya, napangiti nalang ako. Tinignan ko si Kuya Brenth, "Kuya usap lang ah" nakakunot noong paalala ko.
"Gagi" si Lucario na pinitik ang noo ko. "Wag ka ngang seloso, eto itabi mo muna yung anak natin.." abot niya sa mga pusa. "Palitan mo ang pangalan ng itim, di ko gusto" diretsahang sabi niya.
"Ayoko rin sa pangalan niya" nguso ko naman kay Maulee. Ginusot niya ang buhok ko.
"Sige Goodnight na, bukas nalang" tapos iniwan na niya ako. Naglakad na sila ni Kuya Brenth!
Kainis ka Lucario!! Nas'an ang kiss ko sa labi!
(7______7)
Pumasok ako sa kwarto na masama ang loob. Inis kong nilapag ang dalawang Pusa.
Bala kayo diyan!
KINABUKASAN
( 12:00 pm)
Hindi ko namalayan na sobrang sarap ng tulog ko. Kaya eto parang akong baliw na nawawalan.
Wala pa akong mumog ng pumasok ako sa kwarto ni Kuya Brenth, wala na... wala na yung mga gamit ni Lucario!
Palabas naman ako sa kwarto ng makasalubong ko si Kuya Brenth.
"Kuya!" sigaw ko sa kanya, napaatras naman siya. Puno ng pagtataka.
"May hinahanap ka?" tanong niya, tumatawang pumasok sa kwarto.
"Si Lucario?" tanong ko, bigla siyang napaisip. "Asan na siya?" dugtong ko pa, nagmamadali na ako. Dahil nwawawala siya sa paningin ko. Sabi niya kita daw bukas! Haist.
"Lucario tawag mo sa kanya?" imbis sagutin ang tanong ko ay nagtanong pa si Kuya Brenth. "Ano ibig sabihin ng Lucario.."
"Kuya google mo nalang, pwede?" nililibot ko yung kwarto niya. Wala na talaga ako makitang Lucario.
"Nauna na siya"
Natigil sa paglikot ang paa ko, parang nawalan ako ng gana. "Wag ka ngang nagiinarte, matagal kang sinamahan niya sa kwarto mo" sabi naman ni Kuya.
Hinarap ko si Kuya, at nanghingi pa ako ng ibang detalye.
"Di ka na niya ginising, sarap daw kase ng tulog mo" natatawang pagkwento niya. "Pero sinamahan ka talaga niya" paguulit niya.
Ano naman kaya klaseng pagsama, hindi man lang ako ginising para sana sabay kameng nagalmusal.
"Nakausap ko na siya" medyo kinabahan ako, sa sinabing to ng kapatid ko. "Paano na siya" biglang tumahimik ang paligid, pakiramdam ko ang init.
Tumungo ako sa pinto at isinara ko 'yon.
"Paanong siya?" tanong ko naman.
"Si Ganny" nakaupo siya sa kanto ng kama niya, ako naman ay naupo sa maliit na sofa na nakapwesto sa tabi ng study table.
"Kuya, kaylangan pa ba natin siyang pagusapan?" kumuha ako ng aklat na nakapatong sa lamesa.
Thermodynamics.
"Hindi patas para sa kanya ang nangyari, nakausap ko si Zhabby" ewan ko pero naging interisado ako bigla. "Totoo ang lahat ng sinabi niya"
Napaandig ako sa sofa, parang bigla nanaman naglaro ang isip ko.
"All this time, mali na nagluksa ang puso ko" kahit di ko alam ang nakasulat, para akong tangang binabasa yung libro.
"Biktima kayong lahat" parang di rin alam ni Kuya kung saan siya magsisimulang magbigay ng advice, alam kong nagdadalawang isio din siyang pagsabihan ako.
"Unfair din kay Lucario, kung patuloy natin tong paguusapan" matapang na pagsagot ko. Nakatanggap ako ng ngiti kay Kuya.
"Maruno ka ng manindigan" sabi niya, "Paano kung isang araw, bigla siyang magmakaawang kausapin ka"
"Ulit?"
"Ibang sitwasyon, halimbawa... kung di mo siya kakusapin magpapakamatay siya" tila di sinasadyang sabi ni Kuya na napatakip pa ng bibig.
"Kakausapin ko siya kung kinakailnagan, para magkaroon kme ng maayos na breakup" natapos ko ang pagbuliklik sa libro ni Kuya. "Pero ngayon, I doubt na mapaguspaan namin ng maayos ang nangyari"
Tumayo na ako, at hinarap si Kuya Brenth. "Kuya, anong pinagsasabi mo kay Lucario?" tanong ko. Nakapatong pa ang dalawnag kamay ko sa balikat niya. Tumawa ito. "Kuya naman eh, baka tinakot mo yun" sabi ko.
"Matalinong tao si Leeford, wag makikipagtalo 'ron" payo niya.
"Hindi umuubra talino 'non sakin" pagmamayabang ko naman. Kahit sa loob loob ko, Ou, lage akong talo sa katalinuhan ka pilisopohan niya!
"Yabang ah"
"Mas mayabang ka, wag kang papalamang!" sagot ko na sinenyasan ko pa ng pagbaril sa kanya.
"Eh.." parang nakornihsn siya sa ginawa ko.
"Pauso niya yan sakin, sa lahat ng bagay wag tayong papalamang. Dahil lahat ng bagay ginawa hindi lang para tumbasan, bagkus dapat higitan"
"Ganun," tumayo si Kuya at parang may masamamg balak na panay iling. "Paano kung sabihin kong, iniwan ka ng Lucario mo"
BIGLANG NAGIBA ANG GUHIT NG MUKHA KO SA SINABI NI KUYA.
"Check your phone, wag kang papalamang" sabay gusot sa buhok ko at tumawa paalis sa kwarto niya.
Patakbo akong lumuwas sa kwarto ni Kuya, at pumasok ako sa kwarto ko! Agad kong binuksan ang cellphone ko.
Walang password ang phone ko, kaya alam ko kaya niya tong maacess. Wala narin naman kase akong itatago, nakabura na ang lahat ng alaala.
Bumugad ang screen ko sa NOTEPAD ng phone.
• Tss. Hindi na kita ginising. Ang himbing ng Tulog mo. Wag mo akong hanapin ng isang lingo, nasa batanes ako. May biglaang pinaayos parents ko. Alam ko namang, pagbalik ko . Mahal mo parin ako. I love Beki Beyb •
LUCARIO!!!!
Bigla akong nabuysit sa mensahe niya sa akin. Bakit, biglaan naman ata yang lakad niya. Kainis, kung maaga lang ako nagising.Hindi magiging ganto, ni hindi ko man lang siya nakita!
Pero bigla ako nabuhayan ng loob ng makitang may karugtong pa ang notes. Sadyang nilakihan niya lang ang space.
• May picture tayo sa gallery mo, I love You•
Napatingin naman ako gallery at nakita ko ang mga kuha niyang larawan, habang nakatabi siya sa akin dito sa higaan. Kita ko yung mga ngiti niya, mga mata niyang parang puso narin, hay naku alam kong inlove narin talaga saiya sa akin.
Try ko kayang tawagan yung damuhong 'yon.
‼️The number you have dialled is either UNATTENDED or out of coverage area, please try again later... toot toot toot...‼️
What the hell! Inis kong binato yung phone ko sa higaan at inis na bumalik sa pagkakahiga, pero mas kinainis ko ang makita si Kuya Brenth sa pinto.
Nakangisi habang naka krus ang mga braso. Bat ganun, kinukutuban ako sa nangyayari, parang may MALI.
Lumipas ang isang araw...
Siguraduhin lang ni Lucario na may maganda siyang dahilan sa pagiwan sakin ng ganito at aba walang kontak kontak ahh!
Lagi pang patay ang phone, pero nagduuda talaga ako eh. Si Kuya Brenth kase ehh, sa mga gantong bagay alam ko magagalit si Kuya. Pero, eto siya ang payo sakin.
"Kumain ka nga bunso"
PUPUNTAHAN ko sana si Kuya Brenth para imbistigahan ng makasalubong ko siya. Seryoso habang may binabasa sa cellphone niya. Maya maya ay inabot niya sakin ang hawak.
Nagulat din ako sa nabasa kong message mula kay Ganny, naaksidente siya. Nasa hospital siya ngayon sa may St. Luke's sa BGC.
Parang bigla akong nakaramdam ng kaba, nakokonsensiya ako sa nangyari. Paano kung biglang maapektuhan yung nangyari sa kanya noon?
Sobrang aksidente na 'to para sa kanya. Yung iwan ko siya, ay alam kong masakit na. Pero sana magingat naman siya, Haist.
Gusto niya ako makausap, yun ang nagmamakaawang text niya kay Kuya. Naawa ako, pero paano pag nalaman ni Lucario na pupuntahan ko siya.
"Sasamahan kita kung gusto mo" si Kuya na binawe na ang cellphone sa akin.
"Para makapagusap narin kame" sabi ko naman. "Gusto ko siya makausap ng solo, yung maipapaliwanag ko ng maayos na tanggapin na namin kung ano kame ngayon" nakakaramdam ako ng lungkot na sinasabayan ng kaba.
"Sige na magayos kana" sabi ni Kuya. "Ipagdadrive kita"
NAGHANAP ako ng prutas na madadala sa kanya sa kusina, tanging saging lang ang nakita ko.
Pero naaagaw ng pansin ko ang salad na ginagawa ni Manang. Gulay yon na salad.
Naisip ko, kung ayaw niya ng prutas, edi gulay. Pero bat parang ang saya ko?
Hindi ko kaylangan ipakita sa kanya ang ganitong ugali, baka matalo niya ako. Emosyon ko laban sa emosyon niya, maari akong madaig.
Nagpabalot ako kay Manang mg Vegtable Salad, pati narin isang piling ng saging na nasa lamesa.
MABILIS ang naging byahe, nakarating na kame agad sa hospital kung saan siya naka confine.
Nagpaiwan si Kuya Brenth sa lobby ng hospital. Kinakabahan ako,hindi ako sanay sa gantong kagarang Hospital.
Nagtanong na ako sa mga nagbabantay sa reception, pinapunta nila ako sa isa pang counter kung saan may nakabantay na Nurse.
Pagkatapos tawagan ang kwarto kung nasaan si Ganny, ay mabilis naman akong nakakuha ng approval.
Nasa 4th Floor ang kwarto niya. Gumamit lang ako ng elevator, kaya mabilis akong nakarating.
Agad ko rin natuntong ang silid na sinabi sakin ng Nurse. Napakabango mg paligid, parang napapaliguan ng alcohol.
Kakatok pa sana ako ng mapihit ko ang door knob.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto, pero ganun nalang ang kaba ko ng makaringig ako ng bahagyang mga tinig.
Ilang hakbang pa ang ginawa ko bago ko marating ang pwesto ng kama sa loob nitong napakagarang silid.
Hindi ko alam kung dapat ba akong masaktan sa nakikita ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Bat ganun para akong pinupunit sa pwesto ko.
Gusto kong lumabas pero, hindi ko maihakbang ang mga paa ko.
Wala na akong ibang nagawa pa, kundi panuorin ang pakikipaghalikan ni Ganny sa isang maganda at sexy na babae.
Para akong nasa pelikula, bat ba ako nakakaramdam ng ganito, diba dapat maging masaya ako para sa kanya, dahil nakikita kong nakakmove on narin siya?
Kung paano niya lamutakin ang labi ng babaeng nasa harapan habang nakatingin sakin ay nagbibigay ng inis sa aking isipan.
Hindi ko na kaya, kaya naman nilabanan ko ang sariling mga hakbang, at nagtagumapay akong maitalikod ang sarili sa isang pelikulang mapanakit.
"Bat ka aalis?" napahinto ako ng maringig ang boses niya. Ang kalma at ang lamig ng boses niya, dahan dahan naman akong humarap.
Nasa tabi niya parin ang babaeng kaninang kahalikan, at di ako nagkakamali siya si Maurene ang babaeng dahilan ng lahat.
"Lalabas lang sana ako saglit, baka kase maabala ko kayo" mahinahon at nakangiti kong sagot, dahan dahan naman akong lumapit sa mesa at nilapag ang dala ko.
Naiilang ako sa pagsunod niya sa galaw ko. Alam kong nakababad ang mga mata niya sa akin, nararamdaman ko yon.
"Dennis.."
Hindi na Krib ang tawag niya sakin, I see.
Nakangiti naman akong humarap sa kanya.
"Fiance ko.." pagpapakilala niya sa katabi. "Maurene" kita ko ang pagtulak ni Ganny sa braso ni Maurene para lumapit sakin.
Kita ko sa mata niya ang kamalditahan, kahit napipintahan ng pekeng ngiti ang mukha niya.
"Hi" sabi niya.
"Hello, Dennis.." bati ko naman sa kanya.
"Siya si Dennis Mau.. ex boyfriend niya ako" nagulat ako sa walang prenong bibig niya. Ako yung naiilang natatalo niya ako, mukhang pag magtagal ako ay mamatay ako mga salita niya.
"Kaw pala ang ex ni Jhonny," kita kong lumapit siya kay Ganny at kumuha ng isang mansanas na binalatan gamit nag kutsilyong nasa munting mesa tabi ng kama, iba pa sa malaking lamesa na nasa malapit ko.
Nakikipagtitigan siya sa akin, ako ulit ang talo. Fvck.
Napaiwas ako ng tingin, "Tatayo kalang ba diyan, don't want to compete with my girl?" What?!
Inis akong tumingin sa kanya. "Nasa tabi mo girlfriend mo, nasasabi mo mga bagay nayan"
"Nasa tabi ko lang... " tila nag iisip siya "Pwede kong paalisin para sayo"
Nakangiting sabi pa niya, tumingin siya kay Maurene. "Alis ka daw" sabi niya dito. "Alis ka daw sabi diba? Di mo siya nariringig?!"
Nababaliw na siya!
"Stay here Mau, aalis narin ako maya maya" sabi ko naman. Pero kita ko ang takot sa mata ni Maurene, habang nakatingin sa kanya si Ganny.
"Alis.." utos niya na sinusnod naman ng dalaga, masama ang tingin nito sakin habang binabagtas ang palabas.
PADABOG niyang isinara ang pinto.
Gulat ako ng biglang naupo si Ganny sa kama niya, tinanggal niya ang mga swero na nakakabit sa kanya.
Ngayon ko lang napansin ang mga pasa sa mukha niya.
"Ano bang ginagawa mo" pagpigil ko sa kanya sa ginagawa niya. Bigla siyang nahinto sa ginagawa niya.
"Please compressed me with your arm" nakangiti ang mukha niya na sobrang lapit sa akin, napansin ko nalang na naikulong ko pala siya sa mga kamay ko sa pagpigil sa ginagawa niya.
Agad akong umalis at tinapon ang mga tubo ng swero sa higaan niya.
"Why?" tila nangaasar na sabi niya. "Di mo man lang ba ako aalukin niyang dala mo?" tanong niya.
Naiinis ako sa kinikilos at way ng pananalita niya. May mali sa taong to, kita ko rin ang turing niya kay Maurene.
Kinuha ko yung dala ko at pabagsak na inabot sa kanya. "Oh"
"Ganyan ba ituring ang isang pasyente.. Ahhhh" biglang humawak siya sa tiyan niya. "Ang sakit.." bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"Tatawag ako ng nurse" mabilis na sabi ko, pero bigla niya akong hinawakan.
"Bat ka pa tatawag, kung nandito ka naman" yung kamay niya ramdam ko ang marahang pagpisil sa mga kamay ko. "Please pacheck naman.." iniinda niya ang sakit mula sa tiyan niya.
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba siya sa nakikita kong ngiti sa mukha niya.
"Sige, kakapain ko lang" sabi ko na lumapit sa bandang tiyan niya.
"Iba ang kinakapa Dennis," bigla niyang hinawakan ang kamah ko. "Gusto mo ituro ko kung saan?"
Agad kong binawe ang kamay ko.
"Bastos" inis akong tumalikod sa kanya.
"Napakabig deal na sayo ng salitang yan ah, wala naman na akong dapat itago sayo," naramdaman kong ang presensiya niya sa likuran ko. "Nakita mo naman na to lahat, at napagsawaan mo na, kaya naman iniwan mo na"
INIS AKONG HUMARAP SA KANYA!
Nakatangal na ang pang itaas niya, naiinis ako sa mga mata niya. Nambubuyo, ng aakit.
"Masakit talaga eh, pacheck naman" yung pekeng paglungkot niya na sinasabayan niya ng pagnguso ay sobrang nakakainis.
Hindi ako makarect, nakikita kong namumula ang ibang parte ng dibdib niya.
"Ano ba kaseng ginagawa mo sa sarili" ramdam ko amg pagbilis ng paghinga ko, dahil ba to sa kaba?
"Ganun talaga, broken hearted eh" napapikit ako sa nirason niya. Paano ko sasagutin 'yon.
Dahan dahan niyang kinuha ang kamay ko, hindi ko nagawang maagaw 'yon. Idinikit niya sa tiyan niya yon. Wala na akong makitang abs sa katawan niya,iginapang niya ang kamay ko sa katawan niya.
"Ganny" gusto kong bawiin ang kamay ko, pero mas malakas siya. Hangang sa ihinto niya 'yon sa kaliwang dibdib niya.
"Yan, diyan ang masakit" ewan ko ba pero ramdam ko yung kirot sa boses niya.
PERO HINDI KO KAYLANGAN, MAGPATALO.
Binawe ko ang kamay ko at lumipat ng pwesto.
Bumalik siya sa higaan niya. "Ano yung dala mo?" tanong niya.
"Vegetable salad.. at saging" sagot ko. Medyo natawa siya.
"Subuan mo naman ako" napayuko nalang ako at pinuntahan ang salad na nakalagay sa may kalakihang baunan.
Inayos ko lang yun, at inilatag sa harapan niya. May naisama palang isang buong kamatis si Manang, iginilid ko ang kamatis at pinahawak ko na sa kanya ang tinidor.
"Kaya mo na magisa yan" inis na layo ko sa pwesto niya.
WALA SIYANG IBANG NAGAWA, KUNDI KUMAIN MAG ISA.

Nakita ko nalang ang sarili ko na nakatingin sa kanya, habang sinisimulan kainin ang salad.

Pinipili niya pa ang bawat gulay na nakalagay. Bat ganun parang may kakaibang alindog sa mga labi niya habang nakatitig sa gulay.

Bigla niyang inangat ang baunan at kung ano anong kalokohan ang ginagawa. Haist.
Hindi pa siya nakuntento, pagkatapos maubos ang salad ay pinaglaruan niya ang isang buong kamatis. Tinusok gamit ang tinidor, pagkatapos lumapit pa siya sa akin at isinusubo ang isang buong kamatis sa akin!

"Ano ba!" inis ko siyang pinalayo, "Ayoko niyan", sabi ko pa na kumuha ng saging. Medyo gutom narin ako, wala pa akong kain ng umalis sa bahay.
"Saging pala ang gusto mo, di ka nagsasabi" inis akong tumalikod ng makita kong ipasok niya ang kamay niya sa loob ng pang ibaba niya. "Meron naman ako dito"
"Lalabas ako dito, pag di ka tumigil sa kalokohan mo" inis na sabi ko.
"Sawa ka na sa katawan ko, mukhang...inaaraw araw ka ni White ah" biglang nang pantig ang tenga ko sa sinabi niya.
HINARAP KO SIYA.
"Hindi tulad ng iniisip ng madumeng kukute mo si Lucario.." inis na pagtatanggol ko sa boyfriend ko sa kanya.
"Wow Lucario..." tumatawang aniya, "Pokemon rin pala ang tawagan niyo" sabi niya. "Lucario? Walang binatbat kay Ho-Oh"
Tinignan ko siya ng masama, "Siguraduhin mong di ka masasaktan sa mga sasabihin mo" pagbabanta ko sa kanya.
"Aanhin mo ang isang Lucario, kung narito naman si Ho-Oh" pagmamayabang niya. "Alalahanin mo dual type kameng pareho."
Humakbang siya paharap sa akin.
"Steel,Fighting type siya at Fire,Flying naman ako....Alam mo ibig sabihin non?" tanong niya. "I'm super effective against him.. My fire typing to his steel and my Flying ability with his fighting power"
"Totoo yan, at yang dual typing mo Mr. Ho-Oh ay super effective din sa Grass type na tulad ko, ni Bulbasaur.. Both Flying and Fire is Grass type weakness.." nakangiti kong paliwanag sa kanya. "Kaya mas compatible si Lucario at Bulbasaur, parehong talunan.. Pero nagmamahalan" kita ko ang inis sa mga mata niya.
"Pero tandaan mo, dual typing karin Ms. Bulbasaur" habang umaabante siya sa pwesto ko ay umaatras naman ako, bigla akong nalock sa pader, wala na akong aatrasan. "Poison type karin remember,?"
Tama Poison, Grass si Bulbasaur.. Eh ano naman!
"Pwede mo akong lasunin.." nakangiting sabi niya, nakasandal na na mga kamay sa pader, nakaibabaw sa akin. "Alam mo ba kung paano mo ako lalasunin?" tanong niya.
"Hindi ko alam" inis na sagot ko.
"Edi kagatin mo ako" sagot niya. "Alam mo ba kung saan mo ako kakagatin?"
"Hindi ko alam" ayoko na patulan ang mga kalokohan niya.
"Sa labi ko.."
Nagulat nalang ako sa ginawa niya sa akin. Hinalikan niya ako, biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
Para akong nalulunod sa ginagawang paghaplos ng labi niya sa labi ko.
°°°
COMMENT✍️ at VOTE⭐
"Ang update ko nakasalalay sa inyong komento"
•TheSecretGreenWriter•