CHAPTER 14

2871 Words
Subdivision Scandal V Written By: TheSecretGreenWriter ✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️✍️ ••• Ganny Hindi ko maatim titigan ang tarpaulin na nakakabit sa harapan ng DMA. "Walang wala ako ng panahon na yan" pagpapatuloy ng kwento ni Rusty. Madame siyang kwinento sakin, tungkol sa konsepto ng bagong Camping. Tungkol sa pagsasamasama  ng anim na eskwelahan para magorganisa ng ganyang patimpalak. Sa dame dame ng makakasama, bat pareho pa sila ng nabunot na lugar. Bat parehong sa Isla sila inilaan. Kung hindi lang talaga ako naaksidente, kung natuloy ang pagsunod ko sa Dinagat Island. Hindi mangyayari ang lahat ng 'to. Walang maagaw si Leeford sa akin, kung napuntahan ko si Krib sa camping nila. Naiinis ako sa sarili ko, gusto ko ibalik ang oras. Sana hindi ko nalang sinama si Dhanny. Sana, ako nalang magisa ang umalis. "Ayos kalang?" biglang tinapik ni Rusty ang balikat ko. Nagising naman ako sa sariling imahinasyon. "Bakit mo to ginagawa?" tanong ko, hindi ko alam ang goal niya sa ginagawang pagkekwento sakin. "Bat parang andami mong alam kay Dennis.. bat parang alam mo ang lahat ng nangyayari, bat parang alam mo ang nasa isip ko" "Ssshhh" hinarang niya ang hintuturo sa aking mga labi. "Makinig ka muna" sabi pa niya na kinumpas kumpas na tila kamay ng orasan ang daliri. "Dahil wala nga akong mapagkakitaan, hindi narin ako pumapasok.. nagapply ako bilang helper sa camping" pagpapatuloy niya sa kwento. "Paano ka naman nakapasok.. at paano ko malalaman na hindi mo sinadyang mapunta sa grupo ng mga campers sa isla" andami ng tanong sa isip ko. Bakit, andaming alam ni Rusty kung anong nangyayari kay Dennis at Leeford. "Sinadya ko.." bumuntong hininga siya. "Hindi mo parin ba nakukuha ang punto ng kwento ko?" tanong niya sakin. "Hindi ko alam, wala akong alam" naiinis na ako sa sarili ko. Gusto ko na umuwe gusto ko na magpahinga, muli nanaman bumabalik sa isip ko ang lahat ng nangyari kahapon. "Dahil sinusundan ko si Lucas.." Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya 'yon. Sinusundan, bakit? Ano bang meron kay Lucas bat kaylangan niyang sundan.. at diba magkaibigan silang dalawa. Napahinto ako sa pagiisip ng may maalala ako sa mga sinabi niya sakin kanina. Hindi kaya.. BIGLANG lumuhod sa harap ko si Rusty. Hindi ko inaasahan ang ginawa niyang 'yon. Kita ko ang mukha niya na tila, nagsisi. Puno ng kalungkutan at bahagyang naluluha siya. Ambilis magpalit ng mood niya, pero para saan tong ginagawa niya. "Patawarin mo ako" sabi niya, nakaluhod at nakahawak ang mga kamay sa tuhod ko. "Naalala mo pa ba yung huling gabi na nagkita tayo sa lumang pabrika sa FTI?" Muling bumalik sa isipan ko ang nangyari ng gabing 'yon. Bakit niya muling binubuksan ang pangyayaring 'yon? Hindi ko gusto makipagusap sa taong nakaluhod sa akin. Si Dennis lang gusto kong nakaluhod sa harapan ko. Mabilis ko siyang pinatayo. Sumunod naman siya sa alok ng aking kamay. Puno ng luha ang kanyang mga mata. "Hindi ko sinasadya ang lahat ng 'yon.." pagpapatuloy niya. "Napag utusan lang ako ni Lucas" Bigla akong nagulat sa sinasabi niya sa akin! "Si Lee---ford?" nauutal na tanong ko. "May kinalaman siya?" Suminghap bago siya sumagot ulit. "Inutusan niya akong gawin sayo ang bagay na 'yon" sabi nito. "Alam mo ba, naglalaban amg isip ko non.. ng mga oras na hawak ko ang tubo na ipamamaso ko sa mukha mo" Kita ko ang pagyuko niya, pero madiin kong hinawakan ang magkabilang balikat niya. "Gusto ko malaman! Bakit..." "Hindi lang tayong dalawa ang nasa pabrika ng oras na 'yon.. nakabantay sa akin si Lucas.. Pinagbantaan niya ako na paghindi ko ginawa sayo ang pinaguutos niya." tila natatakot ang tinig niya. "Hindi mo nagawa, nakatakas ako.." muli kong pagpapaalala sa kanya. "Dahil nagdalawang isip ako, hindi ko kayang gawin sayo ang bagay na pinapagawa niya" Tinitigan ko lang ang mukha niyang babad ng pagsisi. "Lahat ng tapang na pinapakita ko sayo, simula ng magkita tayo sa Paaralan na to ay puro pagpapanggap" "Anong ibig mong sabihin?" hindi ko na maintindihan, ang gulo! "Utos lahat ni Leeford na pagbantaan kita lage, na sa tuwing may ginagawa kang masama sa kanya ay ipapakita kong galit ako sayo..." "Bakit niya naman gagawin yun?" "Para manatili ang pagiging arogante niya, na hindi siya magpapakita ng kasamaan sa ibang tao. Kahit gawan siya ng di kaaya aya... ako ang ginagawa niyang armas sa mga taong gusto niyang mawala sa paningin niya" Dahan dahan lumuhod nanaman si Rusty, di ko na siya napigilan. "Ibig sabihin yung pananahimik niya kahit nagagawan siya ng masama ay.. hindi tanda na wala siyang pakialam" tanong ko. "Hindi niya ako tinuturing na kaibigan.. isang armas ang turing niya sakin.. kaylangan pag naapi siya.. ako lang ang kikilos para sa galit niya" Ngayon nagkakaroon ng linaw, bat ganun si Leeford. At kung bakit, laging galit sakin si Rusty. Bumalik ako sa nangyari sa may Pabrika. "Nung gabing nakatakas ako sa pabrika.. anong nangyari?" kita ko ang takot sa mukha niya. "Bangungot.." nanginginog na sabi pa niya. "Tumayo ka nga, di kita makausapnl ng maayos" inis na sabi ko. Napayuko siya pinunasan ang mga luha sa kanyang mata at muling humarap sa akin. "Nakonsesniya ako sa oras na gagawin ko na sayo ang bagay na inuutos niya.." titig na titig lang ako sa kanya habang nagkekwento siya. "Kaya hinayaan kitang tumakas, kapalit nun.." napapikit siya tila may masamang naalala. "Huwag mo sabihing.." gusto kong sumagot na siya, merong namumuong ideya sa isip ko. Pero gusto ko manggaling sa kanya ang mga salitang inaasahan ko. Pero imbis na magsalita ay may kinuha siyang larawan sa bulsa niya. Mga lumang larawan. Gusto kong maawa sa nakikita ko sa mga larawan. Yung mukha niya ay nangingitim sa pasong nakabaon. Hugis ekis na pasa, nakaka awang makita ang pagkasira ng parte ng pisnge niya. Grabe yung ginawa sa kanya. Hindi ko na tinignan  pa ang ibang larawan, napatulala ako. Paano kung natuloy niya sakin ang planong ito.. Ibig sabihin ganito ang magiging mukha ko? Pero bakit ayos na ngayon ang mukha niya? "Mas pinili kong patakasin ka, kapalit nun sakin niya gagawin ang pinaplano niya.. Dahil demonyo si Lucas" Muli kong naalala.. °°° "Lucasssssssssss!" muling sigaw na umalingawngaw sa loob nitong lumang pabrika. Boses ni Silver 'yon. Ba. Baat.. niya sinigaw ang pangalan ni Leeford? "Papatayin kita!" muling sigaw niya. °°° Kaya pala naringig kong isinigaw ni Rusty ang pangalan ni Leeford ng gabing 'yon. "Sa tulong ng kinakasama ko ngayon, naibalik ko ang dating ayos ng mukha ko" Bahagyang napangiti, pero muling malungkot na sumara ang mga labi niya. "Isang bangungot na hindi ko malilimutan ang ginawa niya sa akin.. Simula ng mangyari ang bagay na 'yon ay pinalayas niya ako sa bahay nila" Naawa ako bigla kay Rusty. At mas lalong naging todo ang pagkamuhi ko kay Leeford. Nagpapasalamat ako kay Rusty dahil kung hindi nagbago ang isip niya ng gabing may masamang binabalak ni Leeford ay masisira din ang mukha ko. "Hindi narin ako nakapagaral, sa murang edad ko ay batak na ako sa trabaho.." paliwanag niya. "Pero habang tumatakbo ang oras ay, pinaplano ko na ang gantihan si Lucas, dudurugin ko siya" Tumingin siya sa akin. "Handa ka bang makipagtulungan sakin?" nagulat ako sa tanong niya! "Huwag ka magalala wala sakin ang ideyang pareho kayong nagmamahal sa isang batang lalaki" medyo bumabalik na ang dating ayos ng ekspresyon niya. Paano kung saktan ni Leeford si Dennis, tulad ng ginawa niya kay Rusty. Bigla akong nainis sa ideyang napunta sa taong yon si Dennis! "Huwag kang papadala sa nararamdaman mo" bulong niya sakin. "Gantihan natin sila.." sabi pa niya. "Walang kinalaman si Dennis dito.. kung may gusto akong patayin si Leeford 'yon" nagulat ako ng biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang nakakahindik pakinggan. Humalakhak si Rusty. Para siyang baliw, kanina umiiyak ngayon humahalakhak na. "Masyadong ang laki naman ng pagmamahal mo sa batang Hernendez" sabi niya. "Alam kong .. hindi niya sinasadyang magkagusto kay Leeford.. Kasalanan ko.. dahil nawala ako pansamantala sa mundong 'to ng panahong nasa Camping sila.." kita ko ang pagiging interisante ni Rusty sa sinabi ko. IKWINENTO ko nga kay Rusty ang buong nanguari sakin sa America, simula ng maaksidente ako. ••• Silver Ganun pala ang nangyari, para sa kanya kasalanan niya ang lahat ng nangyari dahil wala siyang paramdam sa batang Hernandez. At si Maurene, mukhang pwede ko rin siyang gamitin paras mas maging interisante ang lahat ng bagay. Sa matinding akting na ginawa ko kanina, parang di kk parin siya makumbinse. Mas lumalamang parin nag nararamdaman niya sa batang Hernandez. Kung ang dahilan niya ay ang mga pangyayaring 'yon. Kaylangan ko na atang ilabas ang ang huling alas para malabas ko ang galit sa puso ni Mendez. "Sure ka bang, sa isla lang sila nagkakamabutihan.." panimula ko. Pareho kame ngayong nakasandal sa kanyang kotse. "Sure ako na sa isla lang naganap ang mga bagay na yan, dahil alam ko nung kame pa ni Dennis ay ako lang ang nasa puso't isip niya" sagot naman nito. Nakakaburyo, talagang pinipilit niya na kasalanan niya kung bakit nagawa ng batang Hernndez ang bagay na yun! Pero tignan natin kung, ganun parin nag maiisip niya sa ipapakita ko. Agad kong hinanap ang isang video.. Buti nalang nakakuha ng kopya ang alipores ni Cazi noon ng video na ipapakita ko kay Mendez. "Panuorin mo" gulat siya ng iaabot ko nanaman muli ang cellphone ko sa kanya. "Ano to.." tanong niya. "Scandal ng syota mo, nung kayo pa" agad niyang pinanuod ang video ng batang Hernandez at Lucas. Eto yung time na nakulong sila sa Locker room. Hahahahhahaha!! Kita ko ang pagkagulat niya, habang pinapanuod mag video. Nasapo niya ang noo niya at kita ko ang mabilis na pagbagsak ng mga luha. "Intramurals yan.." pagsisimula ko. "Yung time na yan, lage na silang magkasama.. at tignan mo..ang sweet niya kay Lucas ohh" "Paano niya to nagawa sakin" at bumagsak nanaman tuluyan ang mga balikat niya. "Hindi kalang dapat kay Lucas magalit, pati narin sa batang yan.. Pinaglalaruan ka niya Ganny.. For sure matagal na rin niyang alam ang ugnayan niyo ni Lucas sa nakaraan" humarap ako kay Ganny. "Kaylangan natin silang gantihan, kaylangan natin silang saktan! Doble sa sakit na ginawa nila sa atin!" Kita ko ang lagiisip niya naguguluhan siya. Malapit ko na siyang makuha! May ipapakita pa ako! Muli ko ulit kinalikot ang Gallery ng lhone at hinanap ko naman amg mga larawan ng Ms. Equality. Salamat kay CaZi ay nakakuha kame ng mga kopya ng mga larawan sa gabi ng pageant. "Eto pa.." nakangiti kong binigay kay Mendez ulit ang cellphone ko. "Nakikilala mo ba ang magandang dilag ..... na kasayaw ni Lucas?" Hahahahahahahah!! Bigla niyang nahampas ang pinto ng kotse niya. "Nagawa na ba niya sayo yan?" gusto ko mas lalong magalit siya! "Isayaw sa harap ng maraming tao, sa taas ng isang entablado" gigil ang ngipin niyong nilililat lipat ang mga larawan. "Nagsuot pa talaga siya bilang isang babae, pinaghandaan ang gabing makakasayaw niya si Lucas.." "Hindi!" nabitawan niya ang cellphone ko. Kita ko ang galit sa kanya, pinagsusuntok niya ang kotseng nakaparada. Pinulot ko ang cellphone ko at wala ng ibang ginawa pa kundi ang pagmasdan siyang nasasaktan. Masayang makita na nagtatamgumpay ako sa aking layunin, alam kong sa puntong ito ay samutsaring sakit na ang pumapasok sa katawan niya, tumatagos sa puso niya. Masasabi ko rin na, katapusan mo na Lucas. Dahil ang pinakamalakas kong armas ay nahuhulma ko na ng dahan dahan. "Paano niya nagawa sakin to.." habang nagtatangis ang binatang iniwan. Hahahahahahaha! Kita ko ang dahan dahan pagbagsak niya sa may paanan ng gulong ng kotse niya. Nilapitan ko na siya, naupo rin ako sa harap niya. Hinatak ko siya at pinayakap sa akin. "Tutulungan kitang makapaghiganti, babawian natin sila. Ipapalasap natin ang galit na hindi kaylan man matutumbasan ng patawad" pagpapakalma ko sa kanya. "Si Leeford lahat nalang kinuha niya sa akin..lahat! Gusto ko siyang makitang maghirap!" sigaw niya na humarap sa akin. "Paano naman yung batang Hernandez..." napahinto siya sa tanong ko. Pero di rin nagtagal ay nakita ko ang galit na namumuo sa mata niya, parang nagaapoy yon! "Magsama silang dalawa sa imoyerno!" YOWWWWWWN! "Pagtulungan natin si Leeford, gawin nating miserable ang buhay niya.. triple sa pinagsanib na sakit na naramdaman natin" seryosong sabi nito. "Sa ngayon alam ko ang kahinaan ni Lucas.." tinignan ko ang mga mata ni Mendez na puno ng galit. "Pero kailangan ko ang kooperasyon nito" tinapat ko ang kamay ko sa puso niya. "Ano bang plano.." blanko ang mukhang tanong niya sa akin. Ngumiti ako sa kanya, nakuha ko rin ang tiwala mo. "Eto ang plano.." ••• Ganny ∆ St. Luke's Medical Center ∆  Panimula sa plano ni Rusty ang magpanggap na naaksidente ako at dinala ako dito sa Hospital. Pinaliwanag niya sakin ang buong plano, at nagustuhan ko yun. Matagal niya na pala akong niloloko, wala akong kamalay malay na matagal mo na akong dinuduraan Dennis! Kaya mas mabilis kang nakapagdesisyon kung sinong pipiliin mo dahil andame niyo narin palang pinagdadaanan na dalawa! Gumawa ako ng paraan para malaman nila na nasa hispital ako, nagmakaawa ako kay Brenth na gusto ko makausap si Dennis. At parte to ng plano ni Rusty. Hindi ako handa na makita siya, pero tulad ng paalala ni Rusty. Kaylangan ang kooperasyon ng puso ko. °°° "Ang kahinaan ngayon ni Lucas ay batang Hernandez.. Kailangan mong paibigin ulit si Dennis" Bigla akong naguluhan sa sinasabi ni Rusty. Anong klaseng paghihigante to, pero muli ko nanaman naalala ang kooperasyon ng puso ko. "Agawin mo sa kanya si Herndez... pag nagawa mo na, hiwalayan mo rin.." hindi ko gusto ang sinsabi niya. "Bat kaylangan ko pang gawin yon, kung pwede naman natin siyang kantiin ngayon!" sagot ko naman. "Kaya ka, natatalo ni Lucas. Masyado.ka kaseng padalos dalos.." biglang paalala niya sa akin. "Alam mo ba pinagtatawanan ka ni Leeford dahil sa ugali mong yan. Tuwing nakatalikod ka sinasaksak ka niya ng mapangutyang pangaasar, panahong buo pa ang colos.. maniwala ka man sa hindi ..PLANADO ANG LAHAT NG GINAWA NI LUCAS para ipahiya ka at matanggal ka bilang Leader ng COLOS" BIGLA akong natigilan sa sinabi niyang 'yon. "Planado?" "Tama planado, kaya kung ako sayo. Gawin mo nalang ang lahat ng nalagusapan natin sa plano.. dahil mas mainam saktan si Lucas ng dahan dahan" "Anong magagawa pag nasaktan siya" Hindi ko makita ang imahe ng plano sa aking utak. "Alam mo, magtiwala ka lang sa akin" sabi nito na hinawakan la ang baba ko, sabay ngisi. "Gawin mo lang ang pinalagawa ko sayo... wag kang mahuhulog sa kanya... isipin mo ang ginawa niya sayo.. yung pagtataksil niya" TAMA SI RUSTY, KAYLANGAN KONG WAG PAIRALIN ANG PUSO! SA PAGKAKATAONG ITO, GUSTO KO SILANG SAKTAN NG DAHAN DAHAN! "Sa gagawin mo hindi lang si Lucas ang masasaktan, makakaganti karin sa sakit na dinulot ng bading na Hernandez.." "Gagawin ko.." napangiti siya sa sinabi ko. "Pero may pakiusap lang ako.." °°° SANA tumupad ka sa pakiusap ko sayo Rusty. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang lahat, hindi ko alam kung paano ko magagawang makuha ang loob niya. Kung nakatali na siya sa isang perpektong demonyong si Lucas. Hindi nagtagal ay nakatanggap ako  ng mensahe kay Brenth. √Brenth√ Pupunthn k ng kapatid ko. Dahil nakokonsensiya siya sa nangyari sayo. Hindi narin muna ako dadalaw. Para makapagusap kayong dalawa. Ihahatid ko lang sya sa Hospital. Nasa labas lang din ko. Please.. palayain mo na si Dennis. Naiinis ako mabasa ang mensahe ni Brenth. Pero kaylangan kong maging kalma. Biglang bumukas ang pinto, nagulat ako ng biglang iniluha nito si Maurene!! Nagsisimulang mag init ang ulo ng makita ko ang babaeng to! Kita ko ang mata niyang, natatakot. Dahil alam kong alam niyang may namgyari na! Nasira na niya kakemg dalawa! "Ang sabi ko sa Nurse pag may pupunta sa kwarto tawagan muna ako! Pero bat ka kaagad nakapasok!" sigaw ko sa kanya. "Sige aalis nalang ako.. " sabi nito na inilapag ang isang basket ng mansanas. "Napakagaling mo rin noh?" sabay ngisi ko sa kanya. "Kanino mo nalaman na nandito ako?" "Naringig kong nag usap si Gale at Whiterou.. dadalawin ka daw mamaya" So yung madaldal na hapon ang magsabi sa kanya na nandito ako. "Okay kalang ba..bat puro pasa ang mukha mo" lalapit sana siya ng iharang ko ang mga kamay ko sa kanya. "Hindi pa ako handang kausapin k Maurene!! Baka kung ano magawa ko sayo ngayon!" sigaw ko sa kanya. Hindi ko pa kayang makipagsagutan ngayon at humingi ng paliwanag sa kanya. Baka kase makapatay ako ng tao. Biglang nagring ang telepono sa loob nitong kwarto ko. Mabilis kong sinagot yon. "Diba ang sabi tumawag muna kayo pag may bibisita sa akin!" sigaw ko sa Nurse na nasa looby, kung saan nagpapaalam ang mga bibisita. "Sorry sir, nalimutan ko pong itawag yung unang bisita niyo.. nagkaroon po kase ng sira yung linya" paliwanag ng nasa kabilang linya. "Pero may bago po kayong bisita ngayon.." Biglang kumabog ang dibdib ko!! "Sino?" tanong ko. "Dennis Hernandez po Sir"  kinakabanhang sabi ng Nurse. "Papatuluyin ko po ba?" "Ou" sagot ko sabay baba ng telepono. Napatingin ako kay Maurene. "Ano masaya ka na, makikita mo ngayon yung taong mahal ko" sarkastikong sabi ko sa kanya. Kita ko ang pagpapalit ng emosyon ng mukha niya. Fvck! Wag niyo akong iiyak iyakan, dahil ako ang agrabyado dito! Maya maya, ay nakaramdam ako ng pagtunog sa may pintuan! Bumukas 'yon! Agad kong hinila si Maurene papalapit sa akin! "Jhonny.." parang gulat na sabi niya. "Sinimulan mo to, panindigan mo!" inis na bulong ko sa kanya. At agad kong sinungaban ng halik ang mga labi niya. Habang nakikita kong nakatayo si Dennis sa gawe ng pinto, at nakatingin sa amin. °°° COMMENT✍️ at VOTE⭐ "Ang update ko nakasalalay sa inyong komento" •TheSecretGreenWriter•
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD